Malakas ang pag-ugong ng pinto nang biglang bumukas ito kasabay ng isang napakalakas na pagsipa.BANG!Para itong isang pagsabog sa loob ng madilim at maruming silid. Napalingon ang lalake, nanlilisik ang mata dahil sa pagkaabala sa kanyang ginagawa, ngunit agad siyang nawalan ng pagkakataon para gumalaw.Dumagundong ang sahig sa lakas ng yabag ni Primo papasok. Ang dating kalmadong mukha nito ay wala na, pinalitan ng matinding galit na parang isang hayop na handang manlapa. Hindi nagdalawang-isip si Primo—hinablot niya ang lalake mula sa pagkakadagan kay Megan, hinila ito nang may pwersa at halos pakaladkad itong inalis sa ibabaw ng babae.Nanlaki ang mata ni Alice nang makita kung sino ang lalaki. “Kyle?!!!” halos pasigaw niyang sabi, hindi makapaniwala.“PUTANGINA MO!” sigaw ni Primo, sabay suntok nang malakas sa panga ni Kyle.Nalaglag si Kyle sa sahig, nadaganan ng sarili niyang katawan. Ramdam niya ang pagkabali ng laman sa loob ng kanyang bibig, at ang dugong dumaloy sa kanyang
Sa ilalim ng madilim na langit ng Italy, ang liwanag ng mga pulang asul na ilaw mula sa sasakyan ng mga pulis ang nagbigay ng bahagyang liwanag sa kalsada. Isang patunay na ang bangungot ng gabing ito ay totoo at hindi isang ilusyon lamang.Dinala na ng mga Italian police si Kyle, sugatan at duguan, habang walang lakas na lumaban. Hindi na niya nagawang magpumiglas nang itulak siya papasok sa loob ng patrol car. Tahimik siyang isinakay, walang ibang naririnig kundi ang sigaw ng galit ni Sunny sa malayo.“Tangina! Birthday ko ngayon tapos ganito ang nangyari?! P*tang ina mo, Kyle! Hindi kita titigilan!” sigaw ni Sunny, nakataas ang kamay at halos gustuhin pang sugurin ang sasakyan ng mga pulis.Buti na lang at mahigpit ang hawak ni Laurence sa kanyang braso, pigil na pigil ito.“Sunny, tama na. Wala ka nang magagawa. Nadampot na siya ng pulis,” malamig na sabi ni Laurence, ngunit bakas sa tono ng boses nito ang pagpipigil ng sariling galit.“HINDI TAMA ’TO, LAURENCE! BAKIT SA GABI PA N
Tahimik na gabi, ngunit sa loob ng hotel suite nina Primo, isang bigat ang bumabalot sa bawat isa. Halos walang nagsasalita, pero ramdam ang tensyon sa paligid.Sa loob ng silid, mahimbing na natutulog si Megan. Maga pa rin ang kanyang mata sa kakaiyak, bakas sa kanyang mukha ang pagod at trauma sa sinapit niya kanina. Dahan-dahan siyang binihisan ni Primo ng malambot na pantulog. Iningatan niya ang bawat galaw, ayaw niyang magising ang dalaga.Nang maisuot niya ito nang maayos, inayos niya ang kumot at marahang itinakip sa katawan ni Megan. Yumuko siya at hinalikan ito sa noo, hinayaan ang kanyang labi na manatili roon nang ilang segundo, bago dahan-dahang bumitaw.Pinagmasdan niya si Megan. Wala siyang ibang gustong gawin kundi protektahan ito, ilayo sa sakit, ilayo sa kahit sinong magtatangkang saktan siyang muli.Huminga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Tapos, tahimik siyang tumayo at lumabas ng kwarto.—–Sa sala, naroon sina Laurence, Alice, at Sunny. Lahat si
Tahimik na nakaupo si Megan sa gilid ng kama, nakayakap sa kanyang mga tuhod habang nakatingin sa malawak na bintana ng condo. Nasa Pilipinas na siya, ngunit parang hindi pa rin siya makabalik sa tunay na mundo. Sa bawat pagsara ng kanyang mga mata, bumabalik ang bangungot ng gabing iyon—ang malamig na silid, ang bigat ng katawan ni Kyle, ang takot na halos lumamon sa kanya.Napahinga siya nang malalim, pilit nilalabanan ang mga imaheng ayaw siyang tantanan.“Megan…”Napapitlag siya nang maramdaman ang kamay na dumampi sa kanyang balikat. Lumingon siya at nakita si Primo, nakaupo sa tabi niya. Nakatitig ito sa kanya, puno ng pag-aalala ang mga mata.Hindi siya nagsalita. Sa halip, hinayaan niyang hawakan ni Primo ang kanyang kamay. Malakas ang pagkakahawak nito, parang nais iparamdam sa kanya na ligtas siya.Maya-maya, hinila siya nito sa isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki, hinayaang mapawi kahit paano ang takot na bumabalot sa kanya.Pinisil
Maagang dumating si Megan sa café, nakasuot ng itim na apron at may suot pang headband upang itago ang ilang hibla ng buhok na laglag sa kanyang mukha. Gusto niya muling bumalik sa normal—kahit alam niyang hindi ganoon kadali iyon.Sa loob ng café, amoy na amoy ang paborito niyang halimuyak ng giniling na kape at bagong lutong tinapay. Ilang linggo rin siyang hindi nakabalik sa trabaho matapos ang insidenteng halos bumago sa buong buhay niya. Hindi man niya gustong lumabas ng condo, hindi rin niya kayang manatili lang doon, nalulunod sa takot at trauma.Kailangan niyang gumalaw. Kailangan niyang umusad.Sa bawat hagod ng basahan sa makinis na countertop ng cashier, pilit niyang itinataboy ang bigat sa kanyang dibdib. Hinayaan niyang malibang ang sarili sa maliliit na gawain—pagtitimpla ng kape, pagbibilang ng resibo, pag-aayos ng mga pastry sa display.Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maiwasang mapatingin sa labas.Nakatayo sa harap ng café ang apat na matitikas na lalaki, na
Sa loob ng malawak at eleganteng dining hall ng mansyon ng mga Giovanni, tanging kalansing ng kubyertos at mahihinang tunog ng baso ang maririnig. Sa gitna ng silid, nakaupo sa magkabilang dulo ng mahaba at mamahaling dining table ang mag-amang si Matteo at Apolo Giovanni.Parehong pormal ang kanilang kilos, kapwa sanay sa katahimikang bumabalot sa bawat pagsasalo ng pagkain. Ngunit ngayong gabi, hindi lang simpleng katahimikan ang nangingibabaw—may tensyon sa pagitan nila, isang bagay na hindi kailanman nawala sa kanilang relasyon bilang mag-ama.Si Matteo, malawak ang pangangatawan, seryoso ang ekspresyon, at kahit hindi nagsasalita ay nag-uumapaw sa awtoridad. Habang si Apolo, ang patriarka ng kanilang pamilya, ay isang lalaking sa edad na singkwenta’y siyete ay hindi pa rin kumukupas ang bagsik ng presensya. Ang lalim ng kanyang mga mata ay tila isang imbitasyon sa panganib—isang paalala na siya ang tunay na may kontrol sa lahat.Habang tahimik na kumakain si Matteo, hindi niya in
Ang Cafe ay abala sa hapon na iyon. Tahimik na dumadaloy ang jazz music mula sa speakers habang ang mga barista ay walang sawang nagtitimpla ng kape at nag-aasikaso ng mga customers. Sa bandang counter, naroon si Francine, abala sa pagsasaayos ng mga orders nang mapansin niya ang isang lalaking pumasok sa café.Si Enzo Moretti.Matangkad, makisig, at may presensiyang hindi maaaring balewalain. Ang mapanuksong ngiti sa labi niya at ang kumpiyansa sa kilos niya ay sapat para makakuha ng atensyon kahit sino. Ngunit si Francine, sa kabila ng pagiging sanay sa mga ganitong uri ng lalaki, ay napakunot-noo habang pinagmamasdan ang kilos ni Enzo.Para itong may hinahanap.Napangisi si Francine at tumikhim bago nagsalita. “Wala siya ngayon.”Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata.Bahagyang nag-angat ng kilay si Enzo. “Wala sino?”Umikot si Francine sa likod ng counter, saka tumuwid ng tayo habang hawak ang tray ng bagong lutong pastries. “Huwag ka nang magpalusot, Enzo.” Napailing ito bago
Tahimik ang hapon sa condo ni Primo. Sa loob ng malawak na unit, naroon si Megan, nakaupo sa sofa habang binubuksan ang isang libro na matagal na niyang gustong basahin. Day off niya ngayon—isang bihirang pagkakataon na maaari siyang magpahinga nang hindi iniisip ang trabaho.Ngunit bago pa siya tuluyang makapag-relax, biglang nag-ring ang kanyang cellphone.Nag-vibrate iyon sa ibabaw ng center table, at nang tingnan niya ang screen, halos manlamig ang kanyang buong katawan.Dad.Muling bumalik sa alaala niya ang huling beses na nakausap niya ito—ilang buwan na rin ang nakakalipas. Hindi niya alam kung bakit bigla itong tumatawag ngayon. Pero sa kabila ng pag-aalinlangan, bumuntong-hininga siya at pinindot ang sagot.“Hello…” mahina niyang sabi.“Megan,” malamig ngunit may halong pag-aalala ang boses ni Alfredo Davis sa kabilang linya. “Kumusta ka?”Saglit na hindi nakasagot si Megan. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging isang batang takot at nangangapa ng puwang sa mundo ng ka
Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng
Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin
Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo
Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.
Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”
Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp
Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa
Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka
Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag