Share

Chapter 92

Penulis: Amaya
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-24 14:20:39

Ang malamig na ihip ng hangin mula sa bintana ang unang humaplos sa balat ni Megan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, at sa kanyang pagbangon ay agad niyang naramdaman ang bigat ng isang braso na nakayakap sa kanyang baywang. Napangiti siya habang nilingon si Primo na mahimbing pa ring natutulog sa kanyang tabi.

Hubad silang dalawa, nakabalot lamang sa kumot ang kanilang mga katawan. Ramdam pa rin ni Megan ang init ng gabi nila kagabi—ang mga halik, ang mga haplos, at ang mga salitang binitiwan sa gitna ng mga ungol at halakhak.

Marahang gumalaw si Megan, sinusubukang bumangon, pero mas hinigpitan pa ni Primo ang yakap niya.

“Hmm… saan ka pupunta?” bulong ni Primo, ang boses niya’y paos at mababa.

Napatawa si Megan. “Akala ko tulog ka pa.”

“Hindi ko maiwasan na hindi magising kung ikaw ang katabi ko,” sagot ni Primo habang marahang hinahaplos ang braso ni Megan.

Humarap si Megan sa kanya, tinitigan ang mapupungay nitong mga mata. Wala siyang sinabi, pero nagsalita ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 93

    Ang malamig na hangin ng Italya ay dahan-dahang dumampi sa balat ni Megan habang bumababa siya mula sa mamahaling sasakyan na ihinanda ng hotel. Ang paligid ay nababalutan ng mga ilaw na parang mga bituin sa lupa—mga kumikislap na chandelier na nakasabit sa hardin, mga kandilang nakapatong sa mahahabang mesa, at mga fairy lights na nakapulupot sa mga punong olibo.Ang hotel na pinagdausan ng birthday celebration ni Sunny ay isa sa mga pinakasikat at mamahaling hotel sa Italya. Nakatayo ito sa paanan ng isang bundok, tanaw mula sa reception ang malawak na tanawin ng syudad, na ngayong gabi ay nababalutan ng mga ilaw na kumikislap na parang mga alitaptap. Sa gitna ng hardin ng hotel ay may malawak na reception area, puno ng magagarbong dekorasyon—mga puting bulaklak na nakapatong sa mahahabang mesa, mga eleganteng kristal na baso, at mga mamahaling pinggan na nag-aabang ng mga masasarap na putahe.Si Sunny, ang bida ng gabing iyon, ay kitang-kitang nangingibabaw sa karamihan. Suot niya

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-24
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 94

    Sa gitna ng masigla at marangyang pagdiriwang sa Italya, tahimik lang na nakaupo si Megan sa mesa kasama si Primo. Sa kabila ng ingay ng musika at tawanan sa paligid, nagawa nilang lumikha ng sarili nilang mundo sa mesa, tila ba sila lang ang tao roon. Nakapatong ang isang braso ni Primo sa likod ng upuan ni Megan, ang kanyang kamay ay marahang nakahawak sa bewang nito. Ramdam ni Megan ang init ng kanyang palad sa kabila ng manipis na tela ng kanyang gown.Nakangiti si Megan habang pinagmamasdan ang dance floor kung saan nagsasayawan ang mga bisita. Si Laurence at Alice ay abala sa pakikipag-usap sa isang grupo ng mga Italian businessmen na kakilala ni Sunny. Minsan ay tatawa si Alice ng malakas sa biro ng isa sa mga lalaki habang si Laurence naman ay tila nagpipigil ng inis, halatang naiirita dahil hindi naman daw nakakatawa ang biro ng lalake at sadyang nagpapapansin lang sa kaniyang pinsan. Tahimik lang si Megan, sinasavor ang bawat sandali kasama si Primo. Humarap siya rito at ba

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-24
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 95

    Dahan-dahang dumilat si Megan.Malabo ang kanyang paningin, at tila umiikot pa ang kanyang ulo. Ramdam niya ang malamig na hangin na pumapasok sa sasakyan, at ang tunog ng rumaragasang gulong sa sementadong kalsada. Ngunit higit sa lahat, naramdaman niya ang matinding paninikip ng kanyang dibdib—isang pakiramdam na sinamahan ng matinding takot.Sinubukan niyang gumalaw, ngunit agad niyang napansin ang matibay na lubid na mahigpit na nakagapos sa kanyang mga kamay. Sinubukan niyang magsalita, ngunit may mahigpit na panyo na nakatakip sa kanyang bibig, pinipigilan siyang gumawa ng ingay.Napapikit siya ng mariin, pilit iniisip kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Ang huling naaalala niya ay nasa party siya, pagkatapos ay pumunta sa comfort room… at pagkatapos noon, wala na.Bigla siyang napabaling sa lalaking nagmamaneho.Isang estrangherong lalaki—hindi niya ito kilala. Ang isang kamay nito ay nasa manibela, habang ang isa ay nakapatong sa bintana, kalmado ngunit may mapangan

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 96

    Malakas ang pagkakabukas ng pinto, at halos mahulog si Megan sa sahig nang hilahin siya ng lalaki papasok sa loob ng madilim na gusali. Ang kanyang pulso ay mahigpit na nakatali sa likod, habang ang bibig niya ay nanatiling natatakpan ng tela, pinipigilan siyang sumigaw para humingi ng tulong.Kahit hindi pa man niya alam ang buong plano ng lalaking dumukot sa kanya, isang bagay ang sigurado—hindi siya dinala rito para sa mabuting dahilan.Ang gusali ay tila isa sa mga luma ngunit matibay pang estruktura sa Italy, may mabibigat na pader na bato at mga sirang bintana na tinakpan ng kahoy. May mahinang ilaw na nagmumula sa mga bombilyang nakasabit sa kisame, ngunit hindi sapat iyon upang maipaliwanag nang husto ang paligid.Dinala siya sa isang silid sa dulo ng hallway. Nang makarating sila, marahas siyang itinulak ng lalaki papasok, dahilan upang mapaupo siya sa malamig na sahig. Bumagsak ang kanyang katawan, ramdam ang sakit sa kanyang balikat at tuhod. Sinubukan niyang gumapang palay

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 97

    Malakas ang pag-ugong ng pinto nang biglang bumukas ito kasabay ng isang napakalakas na pagsipa.BANG!Para itong isang pagsabog sa loob ng madilim at maruming silid. Napalingon ang lalake, nanlilisik ang mata dahil sa pagkaabala sa kanyang ginagawa, ngunit agad siyang nawalan ng pagkakataon para gumalaw.Dumagundong ang sahig sa lakas ng yabag ni Primo papasok. Ang dating kalmadong mukha nito ay wala na, pinalitan ng matinding galit na parang isang hayop na handang manlapa. Hindi nagdalawang-isip si Primo—hinablot niya ang lalake mula sa pagkakadagan kay Megan, hinila ito nang may pwersa at halos pakaladkad itong inalis sa ibabaw ng babae.Nanlaki ang mata ni Alice nang makita kung sino ang lalaki. “Kyle?!!!” halos pasigaw niyang sabi, hindi makapaniwala.“PUTANGINA MO!” sigaw ni Primo, sabay suntok nang malakas sa panga ni Kyle.Nalaglag si Kyle sa sahig, nadaganan ng sarili niyang katawan. Ramdam niya ang pagkabali ng laman sa loob ng kanyang bibig, at ang dugong dumaloy sa kanyang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 98

    Sa ilalim ng madilim na langit ng Italy, ang liwanag ng mga pulang asul na ilaw mula sa sasakyan ng mga pulis ang nagbigay ng bahagyang liwanag sa kalsada. Isang patunay na ang bangungot ng gabing ito ay totoo at hindi isang ilusyon lamang.Dinala na ng mga Italian police si Kyle, sugatan at duguan, habang walang lakas na lumaban. Hindi na niya nagawang magpumiglas nang itulak siya papasok sa loob ng patrol car. Tahimik siyang isinakay, walang ibang naririnig kundi ang sigaw ng galit ni Sunny sa malayo.“Tangina! Birthday ko ngayon tapos ganito ang nangyari?! P*tang ina mo, Kyle! Hindi kita titigilan!” sigaw ni Sunny, nakataas ang kamay at halos gustuhin pang sugurin ang sasakyan ng mga pulis.Buti na lang at mahigpit ang hawak ni Laurence sa kanyang braso, pigil na pigil ito.“Sunny, tama na. Wala ka nang magagawa. Nadampot na siya ng pulis,” malamig na sabi ni Laurence, ngunit bakas sa tono ng boses nito ang pagpipigil ng sariling galit.“HINDI TAMA ’TO, LAURENCE! BAKIT SA GABI PA N

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 99

    Tahimik na gabi, ngunit sa loob ng hotel suite nina Primo, isang bigat ang bumabalot sa bawat isa. Halos walang nagsasalita, pero ramdam ang tensyon sa paligid.Sa loob ng silid, mahimbing na natutulog si Megan. Maga pa rin ang kanyang mata sa kakaiyak, bakas sa kanyang mukha ang pagod at trauma sa sinapit niya kanina. Dahan-dahan siyang binihisan ni Primo ng malambot na pantulog. Iningatan niya ang bawat galaw, ayaw niyang magising ang dalaga.Nang maisuot niya ito nang maayos, inayos niya ang kumot at marahang itinakip sa katawan ni Megan. Yumuko siya at hinalikan ito sa noo, hinayaan ang kanyang labi na manatili roon nang ilang segundo, bago dahan-dahang bumitaw.Pinagmasdan niya si Megan. Wala siyang ibang gustong gawin kundi protektahan ito, ilayo sa sakit, ilayo sa kahit sinong magtatangkang saktan siyang muli.Huminga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Tapos, tahimik siyang tumayo at lumabas ng kwarto.—–Sa sala, naroon sina Laurence, Alice, at Sunny. Lahat si

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 100

    Tahimik na nakaupo si Megan sa gilid ng kama, nakayakap sa kanyang mga tuhod habang nakatingin sa malawak na bintana ng condo. Nasa Pilipinas na siya, ngunit parang hindi pa rin siya makabalik sa tunay na mundo. Sa bawat pagsara ng kanyang mga mata, bumabalik ang bangungot ng gabing iyon—ang malamig na silid, ang bigat ng katawan ni Kyle, ang takot na halos lumamon sa kanya.Napahinga siya nang malalim, pilit nilalabanan ang mga imaheng ayaw siyang tantanan.“Megan…”Napapitlag siya nang maramdaman ang kamay na dumampi sa kanyang balikat. Lumingon siya at nakita si Primo, nakaupo sa tabi niya. Nakatitig ito sa kanya, puno ng pag-aalala ang mga mata.Hindi siya nagsalita. Sa halip, hinayaan niyang hawakan ni Primo ang kanyang kamay. Malakas ang pagkakahawak nito, parang nais iparamdam sa kanya na ligtas siya.Maya-maya, hinila siya nito sa isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki, hinayaang mapawi kahit paano ang takot na bumabalot sa kanya.Pinisil

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26

Bab terbaru

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 122

    Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 121

    Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 120

    Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 119

    Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 118

    Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 117

    Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 116

    Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 115

    Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 114

    Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status