Share

Part 3

Author: Koolkaticles
last update Huling Na-update: 2021-10-09 01:27:25

Kinahapunan ay nagkaayaan naman silang maligo sa beach kung kaya't nagpalit na sila ng kanilang mga swimsuit.

Naka-two piece swimsuit si Aki habang one piece ang kay Carly ngunit hubog rito ang balingkinitan niyang katawan dahil namimintog ang kanyang dibdib at pwet habang mas maliit ang kanyang bewang. Si Aki naman ay mas malaman sa kanya ngunit sexy pa rin.

"Gosh! I forgot to put some sunblock!" reklamo naman ni Aki na napatigil sa paglalakad.

"Wow ah? Takot kang mangitim? E parang di ka naman tinatalaban nun?"

"Hindi nga, pero the skin burns are so freaking hurt kaya. Wait, I'll let get my sunblock lang ah?" at dali-dali namang bumalik si Aki sa kwarto nila. Habang dumiretso naman na sa beachfront si Carly at naglatag ng kanilang sapin sa buhangin.

Habang nagiintay si Carly kay Aki, nag-browse ito sa phone niya at nag-open ng social media niya. Nag-browse siya saglit roon at napansin ang isang request message sa kanya.

*Hey, how are you? It's me, I hope you response. I miss you, Carls *

Tila may kabog siyang naramdaman ng mabasa ito at minasdan mabuti ang profile ng nag-message sa kanya. Naka-private ito at walang litrato. Iba rin ang pangalan kung kaya't hindi niya makikilala kung hindi pa dahil sa mensahe nito.

Minasdan pa niya ang maikling mensahe na ito at tila napadiin siya ng pindot roon.

"Siya na naman yan noh?" out of nowhere na tanong ni Aki pagkalapit nito sa kanya.

Napatigil si Carly at tingin sa kaibigan na naupo sa tabi niya.

"It's nothing now." at kaagad na block at bura na ni Carly ng message na iyon.

"Do you think he knows?" pagaalangan pa ni Aki.

"He doesn't have to. And so what kung malaman pa niya? Dapat nga siguro malaman niya para tigilan na niya ako." saad lang nito habang nakatanaw sa karagatan.

"Haay, I really thought magkakaayos pa kayo pero mukhang malabo na yun. Ikakasal ka na rin eventually. Oops! Speaking of that, hindi man lang ba kayo nag-date muna ni -- sino nga ba --"

"Calvin."

"Yun! Ni Calvin. In fairness ah? Pogi siya. Kakatakot lang awra, masyadong seryoso. Di gaya ni --"

"Aks?" tila pagsuway nito sa kaibigan.

"Oo na! Hindi ko na siya babanggitin. Pero yun na nga? So ano? Ikakasal na lang ba kayo ng hindi man lang nagdi-date?"

"Kailangan pa ba? Eh tatakbuhan ko nga yung kasal di ba?"

"Ahm, sabagay? Pero kasi -- malay mo kapag mas nakilala mo pala siya, gustuhin mo ng magpakasal sa kanya di ba? Hehe" tila kinikilig na pangaasar nito.

"Tss! No thanks!" pagirap pa nito sa kaibigan.

Nagkaayaan naman na silang magkaibigan na maligo sa beach.

Sa kabilang banda...

"Dude, dude, dude! We're in paradise!" paghaya pa ni Oscar ng kanyang mga kamay ng makalabas na sila sa kwarto nila para maligo rin sa beach.

"Hindi talaga tayo nagkamali ng pinuntahan mga pre, parang hindi ko na gugustuhing umuwi!"

Dahil hindi lang sa magandang beach ng lugar ang tinatanaw nila kung hindi ang mga babae ring naroon sa lugar.

Naglakad naman kaagad si Calvin sa may rental ng surfing board at iniwan ang dalawang kaibigan na nag-sight seeing sa mga babae.

"Uy teka pre? Bat ikaw lang mag-surfing? Pambihira naman oh!"

Paghabol naman sa kanya ng mga kaibigan niya at namili naman na sila ng mga surfing board na gagamitin.

Nagsimula silang mag-surfing pero si Dion ay hindi masyadong marunong kaya dumiskarte muna ito sa isang surfing instructor na babae. Dahil mukhang nag-e enjoy si Dion doon ay nakisali naman si Oscar dahil may mga ibang babaeng naroon din para magpaturo. Nakipagkulitan naman sila sa mga babaeng naroon para makipagkilala. Napailing na lang si Calvin ng matanaw ang ginagawa ng mga kaibigan habang nakasakay sa surf board niya at palutang-lutang.

Napansin na ni Calvin ang malaking alon na paparating kaya naghanda na siya. Nang papatama na ito sa kanya ay saka siya tumayo sa board at nakisabay sa hampas ng alon patungong shore.

Nang makarating sa pangpang ay tila madami palang tao sa beach ang nakakita sa ginawa ni Calvin. Marami ring humanga sa kanya at napansin rin ito ng mga kaibigan niya pati na rin ang mga babaeng kasama nila roon.

"Wow, galing naman niya.."

"Ang hot niya."

"Professional siguro?"

Mga komento ng mga babaeng kasama nila Oscar at Dion. Nagkatinginan sila at tila nakakita ng pagkakataon doon.

"Ahh, hindi siya pro pero marunong naman yang best friend namin." saad ni Dion.

"Talaga? Kilala niyo siya?"

"Oo naman. Best friend nga eh. Sanggang dikit. Ganito oh." pagdidikit pa ni Oscar ng dalawang daliri niya.

"Wow, kaya pala ang hot niyo rin. May girlfriend na ba siya?"

Nagkatinginan naman ulit ang magkaibigan.

"Sorry girls, taken na siya eh. He's getting married."

"Ayy.." bakas naman sa mga ito ang pagkadismaya ng malamang ikakasal na si Calvin.

"Pero don't be sad girls, kami mga single pa. Libreng libre!" pagsigurado naman ni Dion.

"Ah, by the way, magkaka-bachelor's party nga pala kami, invite namin kayo ah?"

"Talaga? Invited kami?"

"Oo naman. Doon kami sa deluxe suite room ng resort. Sabihin niyo lang sa bachelor's party ng Des Puvillos, papapasukin na kayo."

"Wow sige, pupunta kami."

Tila natuwa at na-excite naman ang mga babaeng naroon. Nagapiran naman ang dalawa dahil mukhang maraming chicks na silang naimbita.

Matapos maligo nila mag-surf at maligo sa beach, dumiretso rin sila sa kwarto nila para makapagbanlaw at makapag-lunch.

Habang kumakain, nakapag-order ng strawberry cake si Calvin dahil naalala niyang gusto ito ni Carly. Gusto niyang subukan ang flavor na ito para sa wedding cake nila.

Teka? Seryoso ba? Nagiisip ako ngayon ng tungkol sa kanya at sa kasal namin? Tss..

Tinikman ni Calvin ang cake at nagustuhan naman niya ito hanggang sa nakalahati na niya. Tila may saya siyang nadarama at sa hindi niya mapaliwanag na dahilan, dinukot niya ang phone niya at hinanap sa contacts niya si Carly.

Niwalang record ng texts o calls pa sila sa isa't isa. Alam niya lang ang number ni Carly dahil binigay ng kanyang ina.

Let's make strawberry flavor for our wedding cake -Calvin

Yun lamang ang tinext niya kay Carly at hindi niya malaman kung bakit niya ito ginawa. Siguro parang first move niya sa conversation nila o dahil sa gusto niya rin itong kamustahin.

Nilapag ni Calvin ang phone niya sa tabi niya sa mesa at tila nagiintay kung may reply sa kanya. Panay sulyap siya roon kahit hindi niya ipahalata.

"Uhm hmm mukhang may iniintay na reply ang lover boy ah?" pasaring ni Dion habang kumakain sila.

"May nakaka-miss kaagad ah?" pangaasar pa ni Oscar at natatawa naman sila.

Seryoso pa rin ang mukha ni Calvin pero napahilamos ito ng mukha niya dahil totoo ang mga sinabi ng kaibigan niya. Tinago na lamang niyang muli ang phone sa bulsa ng shorts niya at kumain muli sila.

Na-received ni Carly ang text pero hindi niya pa ito nakikita dahil busy pa sila ni Aki sa paglibot ng lugar at pagkuha ng mga litrato.

"Doon sa may batuhan, Aki! Mag-pose ka dun para makuhanan ko rin yun." utos naman ni Carly at pagturo pa sa sinasabing batuhan.

"Dito ba? Gosh! Ano ba naman toh? Buwis buhay!" reklamo pa ni Aki na dahan-dahang lumalapit sa batuhan.

Nagpatuloy sila sa paglibot ng area sa resort at sa beach. Halos ito lang ang nagawa nila buong araw at nagkaayaan mag-dinner sa labas na lang ng resort.

"Yun lang, thank you." saad ni Aki sa waiter pagkakuha ng orders nila.

"Hay, ang ganda dito noh? Dito na lang kaya ako tumira?" panimula ni Carly.

"Pwede rin. Pero baka mahanap ka nila kaagad dito kasi alam nila kung nasaan tayo di ba?" paginom pa ni Aki sa juice niya.

Nagpangalumbaba saglit si Carly na tila nagiisip. "Oo nga noh? Teka." dinukot naman kaagad ni Carly ang phone niya at tila nagtaka sa nakita.

"Oh bakit? Nag-message na naman si --"

"Hindi. Hindi siya. Si -- Calvin."

Tila nabigla si Aki sa narinig kung sino ang nag-text kay Carly. Bigla itong bumungisngis na tila kinikilig.

"Uyyyy... I smell something --hmm! Kilig!" pangaasar pa ni Aki. "Teka, anong sabi? Hinahanap ka na ba niya?"

"Ahm.. Wala naman. About sa wedding pero nothing important." sagot lang ni Carly bilang pagtanggi.

Ano kayang trip nito at bigla akong kinontak? Paano niya kaya nakuha number ko?

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa makatulog si Carly. Namamahay siguro siya sa lugar samantalang mahimbing naman na ang tulog ng kaibigan sa katabing kama.

Biglang sumagi sa isip ni Carly ang text ni Calvin kaya kinuha niya ang phone niya sa side table niya at binasa ulit ang message na yun.

Minasdan niya yun at hindi niya malaman kung dapat ba niyang replayan pa. Pero kung hindi niya replyan baka isipin nun suplada naman siya dahil dun.

"Ano kayang ire-reply ko dito?" sambit niya sa sarili niya. "Pero late na? Baka isipin nun hindi pa ko natutulog? Pero baka isipin din niyang balewala ko rin itong message niya? Ayts!"

Minasdan niya ulit ang text at nagisip ulit ng maaaring isagot doon.

"Okay sige? Ay hindi, parang walang gana. Sure, thanks. Para namang excited? Ano nga kaya?" sambit nito habang minamasdan ang text at nagiintay ng maiisip niyang reply.

"Hmm.. Okay, sure. Let's tell to our mom? Yun na lang siguro?" at tinype na nga niya ito sabay send na rin.

Hindi na siguro magre-reply yun kasi late night na.

Sa isip ni Carly kung kaya't inilapag niya ulit ang phone sa side table pero bago pa man siya makapwesto ulit ng higa ay tumunog ito na may nag-text. Halos nagmadali siya para silipin ang phone. Nag-reply pa si Calvin.

"Abah? Gising pa toh?"

Why still awake?

"Ay taray, namumulis?" kaagad naman din siya nag-reply rito. "I just can't sleep yet. How 'bout you?" sabay send na niya rito. "Teka? Bat ko ba tinanong pa? Ayyts."

Ilang sandali ay dumating ulit ang reply nito. "Abah fast replies ah. Parang hindi busy. Hindi rin siguro makatulog?"

Can't sleep too yet. Had drinks with friends.

"Wow honest? Mukha naman pala siyang mabait din." saad pa nito sa sarili niya.

That's nice, better have some rest.

"She's thoughtful rin pala? O baka ayaw na niya akong kausapin?" bulong naman din ni Calvin sa sarili ng mabasa ang reply ni Carly sa kanya.

Sa totoo lang hindi niya malaman kung ano pa ba ang dapat isagot roon. Kung magpapaalam na ba siya at baka isipin nitong siya naman may ayaw siyang makausap. O kukulitin niya pa ngunit baka mainis ito sa kanya? Naalala niyang lagi nga pala siyang sinusungitan nito.

You too, good night Carly.

Hindi naman mawari ni Carly kung bakit nangiti siya sa reply ni Calvin kung kaya't nakapag-reply na lang din siya rito.

Good night Calvs

"Calvs? Hmm" nangisi na lang din si Calvin ng mabasa ang pet name na sa kanya ni Carly. Tila makakatulog na nga siya ngayon.

Kinabukasan...

Day 2 of 'Escape getaway'

"Ano pareng Calvin, ready ka na ba sa hindi mo malilimutang bachelor's party mo?" pagakbay pa sa kanya ni Dion.

"Mukhang magugustuhan mo ang party natin mamaya. Maraming chicks ang pupunta!" excited ring tugon ni Oscar sa kanya.

"Pwede ba? Nandito tayo para mag-unwind, hindi magpaka-wild. Huwag niyo ngang dalahin dito yang gawain niyo sa Maynila." pasaring nito sabay inom ng kape niya.

Nasa restaurant sila ngayon ng resort para magalmusal.

"Baduy neto. Alam naming wala ka ng social life dahil masyado kang busy sa kompanya niyo. Eto na ang pagkakataon para makapagsaya ka!" paghaya pa niyo ng mga braso.

"Pre? Ikakasal ka na lang at lahat, kompanya niyo pa rin iniisip mo! Heto nga't kaya ka pa magpapakasal dahil din sa --"

"Kompanya niyo!" sabay pang sambit ng dalawang kaibigan.

"Tss.. Kung hindi dahil sa akin, hindi niyo tinatamasa ang luho niyo ngayon. Kung babagsak ang kompanya, bagsak din ang investments ng mga pamilya niyo!" pasaring naman ni Calvin.

"Tsk tsk tsk.. Alam namin yun pre, pero for the meantime, let's have fun, okay? Pagbalik natin ng Maynila, more than a week na lang ikakasal ka na. Mas hindi mo na magagawa ito kasi -- alam mo na. Siguro dapat i-date mo rin yang Carly na yan. Maganda naman siya e, nerdy nga lang."

"Pero tingin ko, adventurous yun. Malay mo, sa loob ang pagka-wild di ba?"

"Pero sa totoo lang pre, mas maganda yung best friend niya. Ang hot!"

"Umiral na naman pagkababaero niyo." pag-iling pa ni Calvin.

"Bakit pre? Don't tell me si --"

"Oy, oy pre! Huwag kang ganyan, ikakasal na yung tao oh?"

Napatingin naman ng seryoso si Calvin sa dalawang kaibigan.

"Kaya nga nagpasubsob sa trabaho itong best friend natin e dahil --"

Sabay naman napatingin ang dalawa kay Calvin na tila nananahimik na lamang.

"Uy, pre joke lang ah. Pinapasaya ka lang namin. Ikakasal ka na kasi pero parang wala ka pa rin pakialam sa ibang bagay aside sa trabaho sa kompanya." nagseryoso naman si Oscar.

"Kilala ka namin pre, siguro nga moved on ka na pero it doesn't mean you shouldn't open your heart. Malay mo, baka this time, mas mag-work na." nagkatinginan pa sila ni Oscar na nagsasangayunan.

"My only concern now is the company and -- the upcoming wedding." sabay inom pa nito sa tasa ng kape niya.

Sa kabilang banda...

"What do you want to do today? Di ba may bucket list ka?" tanong naman ni Aki ng makabalik na sila ng kwarto nila matapos ang buffet breakfast.

"Hmm, let's visit the farm nearby?"

"Farm?"

"Yes, there's a lobster farm and different plants and vegetables farm nearby here. Maybe we could buy something there." saad nito sa kaibigan.

"Ohh lobsters! I love it! Sige, let's change and tara na there!"

Nang makarating sila doon ay panay kuha lang ng pictures muna sa kapaligiran si Carly. Habang nagse-selfie rin si Aki kasunod niya.

"Maayong umaga mga magagandang dilag! Welcome sa aming lobster farm."

"Magandang umaga rin po manong. Pwede po bang makapasok sa loob?"

"Abay oo naman, mam. Kung gusto niyo rin po, pwede kayong maghuli ng lobster sa loob tapos pwede niyo rin po ipaluto o kayo mismo magluto." paliwanag ng tila care taker rito.

"Talaga po? Pwede magluto?"

"Abay oo naman. Karamihan sa mga turista dito ganun ginagawa eh. Manghuli sila ng lobster tapos mamitas din sila doon sa kabilang farm naman ng mga pang rekados, tapos nagluluto sila rito. May rentahan naman ng palayok at kawali sa loob. Luto sa gatong nga lang. Hehe."

Tila nabuhayan si Carly sa nalaman dahil isa sa mga list niya ang makapagluto. Kahit pa gusto niya itong gawin sa kanila, hindi siya masyadong hinahayaan ng mga kasambahay nila. Ngayon niya palang masusubukang magluto magisa ng sarili niyang recipe.

"Aks, you heard that? We can cook in here after catching the lobsters."

"What? We'll gonna have to get that lobsty on our own?!" hindi naman makapaniwalang tanong pa nito.

"Oo nga. Challenge din toh noh! Makakapag-check ako ng dalawa sa list ko ngayon." natutuwang saad pa nito.

"Oh gosh! What did I agree on you?" tila pagtataray nito.

"Ahm, kasi best friend mo ko at wala kang choice?"

"Fine! You really owe big!"

At pumasok na sila sa loob ng farm at naglibot. Naghanda na rin sila sa gagawin panghuhuli ng lobster.

Kahit takot man, sinubukan nila mamingwit ng lobster. At himalang una pang nakakuha si Aki kaysa sa kanya. Tuwang-tuwa naman sila sa experience na ito kahit pa parehong first time nila gumawa ng ganito.

"Haha gosh! Grabe! Ang saya pala manguha ng malalaking lobster na yun! Though they're too aggressive, still I had fun!" saad pa ni Aki ng maupo na sila sa table area nila.

"Oo nga. Kahit puro talsik na ko ng putik at tubig dun, okay lang. Later we can cook those lobsters."

Tumayo naman na din kaagad si Carly na tila handa ulit gumawa ng isang bagay.

"Gosh! Can we rest a little more?"

"No! Hindi natin maluluto yun kung wala tayong ingredients. Kaya tara na dun sa veggie farm aa kabila. Tara na." pagaya pa niyo kay Aki.

Medyo labag man ay tumayo na rin si Aki at sinundan ang kaibigan.

Nang makarating sa loob ng farm, tila namangha sila roon dahil hindi lang pang bahay kubo ang mga halaman na naroon kung hindi marami pang iba.

Namitas sila ng ilang kamatis, sili at kalamansi. Nagbungkal din ng sibuyas at bawang. Mas madali ito kaysa sa panghuhuli ng lobster kung kaya't hindi naman sila napagod masyado.

Matapos mabayaran nila ang mga napitas, bumalik na rin sila sa loob ng lobster farm upang makapagluto na.

"Ano bang balak mong lutuin ha?" pagtingin-tingin pa ni Aki sa mga ingredients na gagamitin nila.

"Hmm Singaporean chili lobster." sagot naman ni Carly.

"Sounds delicious ah? You know how to do it?"

"Syempre hindi! Pero may g****e at youtube naman. Sundan na lang natin. Hehe"

At ganoon nga ang ginawa ng dalawa. Sinunod nila ang na-search na recipe at sinusundan ang bawat nasa video. Kahit parehas na hirap sa paghiwa ng mga rekados, nag-e enjoy naman silang dalawa bilang bonding na rin nila.

"Ayan, ayan, ilagay mo na Cars!" pagtatago pa ni Aki sa likuran ng kaibigan na buhay na ilulubog ang lobster sa mainit na tubig bago pa ito iluto sa gagawin niyang putahe.

"Eto na nga oh! Ayy! Palag ng palag!" halos parang nakikipagbuno sa ginagawa.

"Ahhh! Goodbye lobsty. Kawawa naman siya."

"Mas kawawa ako kapag nasipit ako nun kasi ayaw mong tumigil kakatili!"

Matapos ang ilang sandali ay natapos na rin sila sa pagluluto at mukhang naging successful naman ang ginawa nilang luto sa lobsters.

"Oh my gosh! This is so -- achievement for me! We caught, we harvest and we cooked our dish!" natutuwang saad naman ni Aki na nakahain na sa wakas sa harapan nila ang pinaghirapan nila.

"Ako rin. We should have done this before noh?"

"Oo nga eh. But before anything else --" dumukot naman ito sa phone niya sa bulsa niya. "For instagrammy!"

Parehas silang nagkuha muna ng picture ng kanilang pagkain. It will set as a souvenir on what they did.

Kaugnay na kabanata

  • Accidental Escape   Part 4

    "ATTACK!" saad naman ni Aki at sabay na silang kumain ni Carly. Mukhang nasarapan naman sila dahil nanahimik sila sa pagkain nila."Cars, grabe. Ang sarap nito. Magluluto nga ako ng ganito paguwi ko ng Maynila." komento pa ni Aki na wala ng arte sa pagkain dahil parehas sila ngayon nakakamay."Ako nga rin. Mukhang kailangan ko na talagang matuto magluto na.""Oo nga, ikakasal ka na eh."Natigilan naman sila parehas."Oops. Pero for the near future di ba? Saka you wanted to live alone din di ba? Alangang puro ka bili ng food. You must learn how to cook too."Napaisip naman din doon si Carly. "Oo nga noh?"Nagpatuloy na sila sa pagkain at nang matapos ay bumalik na rin sila ng resort."Hay grabe! Sobrang busog ako! Hindi ko yata mag-swimsuit ngayon!" biro pa ni Aki."Okay lang yan, mawawala rin yan.""Palibhasa kasi kahit anong kain mo, ang payat mo eh!""Sexy ka pa rin naman, Aks."Habang nagpapahinga

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Accidental Escape   Part 5

    "KASI I’M NOT really ready yet. There are still some things I wanted to do before got married. And --""Yung bucket list mo?""How did you --""It doesn't matter. Is that so?"Napatungo na lamang si Carly bago mapayuko kasi tila nahihiya siya rito sa dahilan niya ng pagtakas."After you've finished all in your list, will you gonna come back?"Napatingala naman si Carly sa kanya na hindi rin maunawaan ang sinasabi niya."Will you?" tila nagiintay naman si Calvin ng isasagot ni Carly sa kanya."Maybe..." at nagkibit balikat naman ito.Napabuntong hininga naman si Calvin at tila napalibot ng tingin sa kwarto niya."Please, Calvin. Huwag mong sasabihing nakita mo ko dito ah? Promise abswelto ka rin. Kunwari hindi tayo nagkita."Tiningnan lang siya ni Calvin ng medyo seryoso."And why would I do that? Tumakas ka sa sarili nating kasal? Tapos gusto mong tulungan pa kitang makatakas lalo?""Eh

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Accidental Escape   Part 6

    NAGTUNGO NA SILA sa restaurant ng resort nagsimulang mag-order.Napansin ni Carly na merong strawberry cake na nasa menu ng desserts. Nangiti siya ng makita ito."I would like to have the strawberry cake for my dessert." saad nito sa waiter at napatingin sa kanya si Calvin."Okay mam, sir. Thank you. Just a moment.""Natikman mo na yun noh? Kaya nag-text ka sa akin gusto mo na rin yung strawberry cake?" tila pangungulit ni Carly."Hmm, oo.""Hmm.. Okay." pagngisi pa nito at tila nagdududa."So, where's the next destination?" panimula ulit ni Calvin habang nakatingin sa phone niya na tila may binabasa."Huh?"Napatingala sa kanya si Calvin. "Next destination after dito sa Surigao.""Ahh oh? Well.." dinukot din ni Carly ang phone niya na tila may titingnan. "Cebu.""In Cebu? Bakit hindi pa dun ang inuna mo?""Eh di hindi sana tayo nagkita ngayon dito di ba?""Are you following me?""Excus

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Accidental Escape   Part 7

    BAGO PA MAN tuluyang umalis si Calvin ng kwarto ni Carly, tinulungan na niya muna itong tanggalin ang mga tsinelas na nakasuot sa mga braso niya. Inalis niya rin ang salaming suot pa nito. Ngunit ng mapagmasdan niya ang mukha nito, tila may kung anong kaba siyang nadarama. Tila nabibighani siya rito at naaakit na halikan.Ngunit kaagad niya rin napigilan ang sarili at nakabalik sa wisyo. Sa isip niya, kailan pa ba siya huling na-attract sa babae?Sa buong tala ng buhay niya, isang babae lang din ang tunay niyang minahal ngunit pinagpalit siya nito sa ibang lalaki. Simula noon ay nagsumikap na siya sa sarili niya upang maiangat ito. At ngayon nga ay nakakamtan na niya ang lahat ng naisin niya ngunit bakit pakiramdam niya ay hindi pa rin siya masaya?Pero ngayon, tila nakaramdam siya ng saya na hindi na niya maalala kung kailan pa siya nakaramdam nito.Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa magandang mukha ni Carly. Dinampi niya rin ang pisngi nito at bahagy

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Accidental Escape   Part 8

    KAAGAD RIN SILANG pumanik na sa kwarto na tila excited pa si Carly."Uhh haaa! Sa wakas, nakahiga na rin ako sa kama!" pabagsak pang higa ni Carly sa kama.Hindi naman makaimik si Calvin at nilapag lang ang ilang gamit nila sa mesa sa tapat ng kama."Oh? Bakit nandito ka pa?" takang tanong naman ni Carly rito nang maiangat ang ulo niya."This will be my room too." tila walang ganang sagot naman nito sa kanya."Huwat?! Share tayo ng room?""Wala ng ibang kwartong available. Pero nagpasabi naman na ko kung sakaling may mabakante, lilipat na lang ako.""Huwat?!" bumangon naman si Carly at naupo sa kama. "Hoy Calvin ah? Porket ikaw ang gumagastos dito baka gusto mong mag-take advantage na sa akin?!" bintang pa nito sabay yakap sa sarili niya."Tss? Do I have to? Fiancé naman kita eh? Saka hindi ko kailangan mamilit, they come to me willing --""Stop! I don't want to hear how girls running after you! I don't care!" pag

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Accidental Escape   Part 9

    MAKALIPAS ANG ILANG oras na byahe, nakarating na rin sila sa bayan ng Alegria. Kaagad rin sila naghanap ng matutuluyan ngunit gaya sa pinanggalingang bayan, punuan na rin ang mga kwarto sa mga ito."Hay pambihira! Akala ko pa naman abswelto na ko sa pagsama sayo sa iisang kwarto, yun pala ganun din ang eksena natin dito?" tila reklamo pa ni Carly ng pabagsak na maiupo ang sarili sa kama nila."Don't worry, isang gabi lang naman. Bukas aalis rin tayo para magtungo sa sunod na destinasyon mo.""Oo na, oo na! Basta doon ka sa couch ah." pagtataray pa nito."Bakit ako doon? Ako ang nagbayad sa kwartong ito?" reklamo rin ni Calvin dahil sa totoo lang, sa tangkad niya ito ay hindi siya kakasya at magiging komportable sa couch."Ugh? Sumbatan agad? Ang gentleman mo naman ah?""Hindi sa ganun." depensa naman ni Calvin. "Tingnan mo naman? Parang kalahati ko lang ang kasya doon sa couch.""Ah basta!""Ah basta rin!" sabay higa ng padapa

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Accidental Escape   Part 10

    HINDI NAMAN MAKAPANIWALA si Rick sa mga sinabi ni Carly. Napahihilamos siya ng mukha na rito naguguluhan."Was it him?"Napatingin saglit sa kanya si Carly at tumungo na lamang bilang tugon.Tila nangilid naman ang luha ni Rick at nabakas dito ang kalungkutan. Nakaramdam naman ng guilty si Carly dahil rito.Tumungo-tungo naman muna si Rick kay Carly na tila natatanggap na niya ang mga inamin nito."So pinilit ka lang ipakasal sa kanya, tama ba?"Hindi naman malaman ni Carly kung paano ito sasagutin."We can do something about this! You don't have to marry that guy if you don't want to.""What are you saying?"Lumapit si Rick sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Itatakas kita. Akong bahala sayo! Sumama ka na sa akin!""You don't understand, Rick! Hindi yun basta ganun na lamang! Aside sa business related ang marriage na yun, Calvin is --" tila hindi naman niya malaman kung paano ide-describe ito kay Rick.

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Accidental Escape   Part 11

    MATAPOS ANG MAHABANG gabi nila ay nagbalik na rin sila sa kabina nila. Kaagad na rin silang nahiga ngunit parehong hindi pa dinadalaw ng antok. Pareho silang nakatitig lamang sa itaas nila at hindi na gumagalaw.Hindi naman mapakali si Carly kung kaya't nagbakasali siya kung gising pa ang kasama."Calvs? Gising ka pa?" pagbabakasakali nito."Why?" sagot rin nito sa kanya kaya bahagya siyang nakampante na hindi pa niya ito naiistorbo."Ahm, hindi ba tinatanong mo ko kanina kung -- kung ilang anak ba ang gusto ko?" tila nahihiya naman ito dahil wala na siyang ibang maisip na topic nila. Gusto lamang niyang makausap pa si Calvin."Hmm?""Ahm.. Ikaw ba? Ilan gusto mo?" tila bawat sambit ng salita niya ay pagaalangan niya. Kinakabahan sa mga sinasabi at mas kinakabahan siya kung ano ang magiging sagot ni Calvin sa kanya."Ilan ba kaya mo?" tila napabalikwas naman si Carly sa narinig."Ano?!" pagdungaw pa nito sa ibaba kung saan nasi

    Huling Na-update : 2021-10-09

Pinakabagong kabanata

  • Accidental Escape   Epilogue

    HINATID NA NILA Carly, Venus at Pio si Calvin sa may airport at nagkakapaalaman na rin sila.Magkayakap lang sina Carly at Calvin na halos ayaw maghiwalay."Susko naman, bakit kaya hindi ka na lang sumama kay sir Calvin eh noh?!" pasaring pa ni Venus na natatawa na lamang sila."Soon, tayo naman ang uuwi ng Manila." sagot na lamang ni Carly sa kaibigan.Paghawak pa ni Calvin sa magkabilang pisngi ni Carly at hinarap ito sa kanya. "I'll be back soon, okay? I can't wait to tell them that we are really getting married.""No! Please don't tell them!" saad naman ni Carly na kinataka ni Calvin. "I want us -- to tell them. After the charity will started, probably it was already summer vacation in school, I will have some time to visit them in Manila. And by then --" paghawak pa ni Carly sa kamay ni Calvin. "Let's tell them, together." at pagngiti niya pa rito.Napangiti na lamang din si Calvin sa kanya sabay halik sa kamay ni Carly kung saan nakasu

  • Accidental Escape   Part 30

    "HI, MR. DE PUVILLOS." bati naman ni Ben rito kaya napatingin din ito sa kanya."Hi, Mr. Yu." pormal naman ding bati nito pero hindi ito masama ng tumingin kay Ben."Na -- napadaan ka rin yata?""I missed you already." diretsong sagot nito na nakaramdam naman si Carly ng hiya dahil kaharap pa nila si Ben.Pinandidilatan naman siya ni Carly na tila sinusuway pero nginingitian lang siya ni Calvin na tila nananadya pa."Here, I brought you some breakfast." pagabot pa nito sa naka-takeout ring cup of coffee at paper bag.Pero napansin din ni Carly na may hawak ng ganito si Carly at isang rosas habang hawak din ang sunflower na binigay niya."Well, I think your hands are full." saad naman nito at napansin ni Carly ang pagkadismaya sa reaksyon na nito."Ahm, can you help me put it on my table?" saad naman ni Carly kay Calvin kaya tila nabubuhayan naman na ito.Pilit namang ngumiti si Calvin at tumungo na lamang ito."Ah

  • Accidental Escape   Part 29

    HABANG BUSY PA rin sila sa pagaayos ng mga ipamimigay na ayuda, napansin naman ni Ben na tila nangangalay na si Carly dahil kanina pa ito nakatayo sa paglilinis, napapaunat pa ito ng bewang niya kaya kaagad siyang kumuha ng monoblock chair."Carly!"Tila sabay-sabay silang nabigla dahil sabay na lumapit sina Calvin at Ben kay Carly na may dalang mga monobloc chair at inihaya ito sa likuran ni Carly para makaupo. Nawindang naman din si Carly sa pagsulpot nilang dalawa kaya napalingon siya sa mga ito. Nabigla rin sina Calvin at Ben dahil hindi nila inaasahang sabay pa nila itong gagawin kaya nagkatinginan pa sila.Hindi naman malaman ni Carly kung anong gagawin sa dalawang monoblock chairs na nasa harapan niya ngayon."Ah --""Dito ka na maupo.""Sit here!"Sabay pang saad ng dalawa na nagkakatinginan rin dahil sabay silang nagsasalita. Napagsasalitan lang naman sila ni Carly ng tingin."Thank you ah, pero okay lang ako." tila pagt

  • Accidental Escape   Part 28

    "PABALIK NA BA si kuya Pio? Tamang-tama makakahigop kayo ng sabaw." saad pa ni Carly habang naghahain sa mesa.Lumapit naman na si Calvin sa kanya sa may mesa. Naupo na ito at hindi malaman kung papaano sasabihin ang katotohanan."Ka -- kamusta ng pakiramdam mo?" pagsapo pa ni Carly sa noo ni Calvin. "Mukhang may lagnat ka pa rin ah? Hmm.. Uminom ka na lang ulit ng gamot pagkatapos mong kumain."Naupo naman na din si Carly sa tabi niya at nagsandok ng egg soup na hinain niya. May toasted bread at mga prutas din siyang hinain.Kumain sila ng tahimik ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay napansin na ni Carly na tila wala pa rin si Pio."Nasaan na si kuya Pio? Akala ko pabalik na siya?" pagkagat pa ni Carly ng tinapay na hawak."Ahm.. He's not coming back.""Hmm?" hindi naman ito makapagsalita dahil sa pagnguya."He said -- he can't come back because of the heavy rain."Tila nabigla naman si Carly sa narinig kaya minada

  • Accidental Escape   Part 27

    TULUYANG BUMANGON SI Carly at napalibot ng tingin, halos mapalundag siya sa kinahihigaan ng makita si Calvin na nakaupo at sandal sa pader. Tanging boxer shorts lang ang suot nito at ang tuwalyang nakabalot sa balikat niya. Tila nakatulog ito roon.Dahan-dahan siyang tumayo ngunit nakaramdam pa rin ng sakit ng ulo. Ramdam niya ang malakas na pag-uga ng bangka ngayon kaya sinilip niya sa bintana sa tabi ito at nakitang malakas nga ang ulan sa karagatan.Sinubukan niyang magkondisyon para makatayo ngunit nahihilo pa rin siya dahil na rin sa nangyaring paguntog niya sa pader at nainom na alak. Dahan-dahan naman din siyang punagapang na lang sa sahig ng bangka para makalapit kay Calvin."Calvs? Calvin?!" pagtawag niya dito at tapik sa tuhod nito, ngunit ni hindi siya pinansin nito. "Calvin!" pagtapik pa nitong mabuti sa tuhod ni Calvin ngunit may napansin siya. "Ang init mo ah? Nako! Calvin!"Hirap man ay sinubukan ni Carly na maupo sa tabi ni Calvin at sinap

  • Accidental Escape   Part 26

    BAKIT PA KASI nagpakita yung lalaking yun eh? Nakaka-move on na sana ako. Pero teka? Bakit ko ba kailangan mag-move on pa? Hindi naman naging kami? I mean, yes, he's my fiancé, before! But not in a serious matter of relationship, just a pure business! But --Fine! Yes! I admit I liked him, before! But now? I don't know. I'm not sure.I thought it was just a simple admiration like I liked Rick before but -- but I never felt so hurt before the way Calvin did to me.I guess, I'm just still afraid that he would do it again if I trust him again. I'm so afraid that probably in the end, I'll end up the only one who really cares.But he said -- he loves me? Does he really is?"Hay ewan!" yun lamang ang naisigaw ni Carly sa daming pumapasok sa isip niya. Napainom siya ng maraming beer at naubos ang kalahating laman pa nito.Inilapag niya ang bote sa baba niya na katabi ang ilang bote ng beer na naub

  • Accidental Escape   Part 25

    "FAVORITE NA NGA ni Hazel at nanang din yun eh." tila nangongonsensya naman si Venus kaya natatawa na lang si Carly at napapailing."Fine." pagpayag naman nito."Yehey! Oh, Pio at sir Calvin ah? Sa bahay na po kayo mag-dinner!" pag-aaya naman ni Venus sa mga ito."Ahm, talaga miss Venus? O -- okay lang na dun kami --""Oo naman, ano ka ba?! Welcome naman kayo dun!" pagsigurado naman nito kay Pio dahil mukhang kinakabahan.Nang bumaba na sila ng sasakyan, bumalandra sa kanila ang wet market malapit sa port. Sinusundan naman nilang lahat si Venus dahil ito ang mas nakakaalam sa lugar.Nagsimula sila mamili at makipagtawaran ni Carly, ngunit kinamangha naman ni Venus na marunong pala makipagtawaran rin si Calvin."Tingnan mo si sir Calvin oh? Parang tatawaran siya nyan eh halatang turista siya." bulong pa ni Venus kay Carly. "Marunong ba pumili ng magandang klase ng isda yan?"Nangingiti naman si Carly sa kaibigan at naiiling na l

  • Accidental Escape   Part 24

    TILA HINDI NAMAN makasagot sina Calvin at Pio rito dahil ang pagkakaalam nila Carly at lalo na ni Venus ay nakita lang nila ang charity na ito sa related LGU projects ng probinsya at nagkainteres na suportahan. Wala pa rin ideya si Venus na dahil sa tagal ng sinusundan at minamanmanan nila Pio at Calvin si Carly dahil ito ang nag-runaway bride niya."Alam niyo po, sa lahat ng lugar na napuntahan na ni miss Carly sa buong Pilipinas, iniisip ko pa rin bakit dito sa pinakamalayo at medyo tagong probinsya pa ng Batanes niya napiling manatili ng matagal at heto pa nga, gumagawa siya ng paraan para makatulong sa mga taga rito. " paliwanag pa nito at lahat naman sila ay napatingin kay Carly.Nagkatinginan saglit sina Calvin at Pio ngunit hindi ito pinahalata kay Venus."Ang sabi niya lang sa akin noon, she found her peace, away from those who'd hurt her. Kaya naisip ko talaga, brokenhearted siguro ito kaya naggagala? Lam niyo y

  • Accidental Escape   Part 23

    BUMUKAS ANG BINTANA sa may driver's seats at pareho nilang hindi kilala kung sino ang driver na ito."Come on in, I'll take you home!" saad naman bigla ni Calvin ng dumungaw siya sa tabi ng driver."Ay, hi sir Calvin!" natutuwang bati naman ni Venus. "Hello.""Hi." bati rin ni Pio rito.Natatahimik pa rin si Carly at maglalakad na sana padiretso sa motor niya ngunit hinatak siya ni Venus kaya napahinto ito."Oh? Saan ka pupunta? Ihahatid na daw tayo ni sir Calvin oh?""Ikaw na lang, alam mo namang may motor ako di ba?""Ay? Oo nga pala." bumaling naman si Venus sa kotse."Ahm, sir? Hindi na lang po pala kasi --" napapatingin pa ito kay Carly. "Kasi po may motor nga po pala itong si Miss Carly."Napatingin naman si Calvin kay Carly na nakasakay na sa motor niya at handa ng umalis."Sigurado ka ba? Sayang naman hindi ka namin mahahatid." pasaring pa ni Pio na tila natutuwa na makausap si Venus."Ah eh, next t

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status