Share

Part 5

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"KASI I’M NOT really ready yet. There are still some things I wanted to do before got married. And --"

"Yung bucket list mo?"

"How did you --"

"It doesn't matter. Is that so?"

Napatungo na lamang si Carly bago mapayuko kasi tila nahihiya siya rito sa dahilan niya ng pagtakas.

"After you've finished all in your list, will you gonna come back?"

Napatingala naman si Carly sa kanya na hindi rin maunawaan ang sinasabi niya.

"Will you?" tila nagiintay naman si Calvin ng isasagot ni Carly sa kanya.

"Maybe..." at nagkibit balikat naman ito.

Napabuntong hininga naman si Calvin at tila napalibot ng tingin sa kwarto niya.

"Please, Calvin. Huwag mong sasabihing nakita mo ko dito ah? Promise abswelto ka rin. Kunwari hindi tayo nagkita."

Tiningnan lang siya ni Calvin ng medyo seryoso.

"And why would I do that? Tumakas ka sa sarili nating kasal? Tapos gusto mong tulungan pa kitang makatakas lalo?"

"Eh di ba? Ayaw mo rin naman talagang magpakasal kung di lang dahil sa posisyon niyo ni daddy sa kompanya niyo?"

"And who told you na ayaw ko nga magpakasal porket dahil doon?"

Natigilan naman si Carly sa narinig at hindi rin malaman ni Calvin kung bakit niya nasabi pa iyon.

"Ahh basta! I'm not coming back there until I've finished my list!" pagmamaktol naman ni Carly at pabagsak na naupo sa kama niya at nagpaikot ng mga braso sa harapan.

Napabuntong hininga naman si Calvin sa inaasal ni Carly. Hindi niya alam kung dapat niya ba itong tulungan o hindi. Pero naiisip din niyang nakokonsensya rito dahil hindi naman ito magkakaganito kung hindi dahil sa kasal nila.

"This is all I ask of you. Hayaan mo na lang ako gawin muna ang mga nasa bucket list ko, then when I come back. I'll marry you."

Napabuntong hininga ng malalim si Calvin na tila wala rin naman ng siyang pagpipilian. Napamewangan niya si Carly at tingin dito na parang batang nagsusumamo sa kanya.

"Haay. Alright. Deal."

"Deal? So pumapayag ka nga?" tila nabubuhayan namang tanong ng dalaga. Napatayo pa siya at lapit kay Calvin na hindi inalintana ito.

"Fine." sagot lang ni Calvin.

"Ahh! Thank you, thank you Calvs!" sa sobrang tuwa ni Carly ay napasunggab siya rito ng yakap at dahil hindi iyon inaasahan ni Calvin, nawalan siya ng balanse at napatumba sa may couch.

Nakapatong si Carly sa kanya at parehas silang nakapayakap sa isa't isa.

"Oops, sorry. " saad lang ni Carly at kaagad na tumayo. Gayun din ang ginawa ni Calvin.

"I only agreed to you because of one thing, when you come back, we'll gonna do what our families will."

"Alright then."

"But how will I make sure you'll gonna come back?"

Napatigil naman din si Carly at napaisip pa si Calvin sa mga sinabi.

Paano nga naman siya makakasigurado na magbabalik pa si Carly kung sakaling hahayaan niya itong umalis?

"Ahmm... I promise you. I will return."

"I've heard a lot of promises even before. That's what I need even when it comes to business. I need assurance. Just like marrying you."

Si Carly naman ang napaisip mabuti na tila inaalam kung papaano nga ba tuluyang makukumbinsi si Calvin na hayaan na muna siyang makaalis.

"You know about my bucket list, right? So you know already know where I could be."

Napatingin naman din si Calvin sa kanya.

"Bahala ka na nga! Basta usapan ay usapan. Kapag hindi ka bumalik, hinding hindi makukuha ni Thomas ang posisyon na para sa kanya. Siya na lamang ang isipin mo."

"Oo na. Hindi ko rin naman gustong ma-disappoint ang parents ko. Konti lang." pag-describe niya pa ng maliit sa daliri niya.

"Hay, fine. I'll pretend we never met today. I'll keep on pretending of finding you until you come back." tila walang gana namang saad pa ni Calvin.

"You're such an angel." sabay haplos pa ni Carly ng pisngi ni Calvin na tila kinatuod ng binata. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang nanginig at kinabahan. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya.

"Ahm.. I -- I have to go." pagiwas na ni Calvin sa sitwasyon.

"Teka? Bakit ka nga pala nandito? Huwag mo sabihing nasundan mo kaagad ako?"

"It's not like that. We're having a -- a bachelor's party here."

"Oh wow? Bachelor's party ha?" natatawa namang komento nito at pinaikutan ng braso sa harapan niya.

Tila naiilang naman si Calvin at hindi malaman ang isasagot.

"It was just a get together with Oscar and Dion. You know them di ba?" tila pagpapaliwanag nito.

"Hmm.. Okay."

"Tss." At saka naman na lumabas si Calvin ng kwarto niya at hindi mapaliwanag naman ang saya ni Carly dahil sa wakas ay napapayag na niya ito.

Pero sandali pa ay bumukas ulit ang pinto niya at bumungad ulit si Calvin doon na nakahawak pa sa knob.

"I need updates of everything." pagturo pa nito kay Carly.

"At bakit?" pagtataray pa nito.

Napatigil naman si Calvin at tila nagiisip ng palusot. Napalingon-lingon pa ito sa paligid.

"B -- basta! Or else ako mismo susundo sayo kung nasaan ka man!" sabay sarado nito ng pinto at umalis na.

"Weird nun. Possessive din pala. Tss."

Sa kabilang banda...

Habang naglalakad si Calvin pabalik ng kanilang deluxe room tila kinakausap nito ang sarili niya.

"Pambihira! Hindi naman siguro makakahalata parents namin na may alam ako sa pagtakas niya di ba? Hays.." napapahilamos naman ito ng mukha niya.

Nang makapasok siya sa villa nila mukhang hindi pa ito nalilinis ng maayos, wala na ang mga bisitang babae nila at ilang housekeepers na rin ang hindi pa tapos maglinis. Umayak siya sa kwarto ng dalawang kaibigan ngunit wala ang mga ito roon. Nagtaka naman siya kaya pumasok muna siya sa kwarto niya ngunit nakita niyang mahimbing ang tulog ng mga kaibigan niya roon.

"Pambihira.. Hoy! Umalis nga kayo sa kama ko! Ang babaho niyo!" sigaw niya sa mga ito pero tulog na tulog pa rin.

Napakamot na lang siya ng ulo at hindi naman mapakali.

*kriing kriing...

Nabigla naman siya ng marinig ang phone niya natumunog. Dinukot niya ito at minasdan muna kung sino ito. Ang mama niya.

Napailing muna siya dahil kailangan na pala niyang itanggi sa mga ito ang pagkikita nila ni Carly.

"Mom."

(Anak, any updates? May balita ka na ba kay Carly? Anong sabi sa airlines?) sunod-sunod na tanong ng mama niya sa kanya pero napabuntong hininga muna siya.

"I'm -- I'm sorry, mom. Wala pa silang updates sa akin eh. I think she's using another account."

(Oh God! Mukhang planado ni Carly ang paglalayas niyang ito. I can't imagine what will your father gonna do when he found this out!)

"She'll be fine, mom."

(We don't know that! Helena is suffering in nervous breakdown!)

"What? Did she -- I mean, is she okay?" pagaalala naman ni Calvin. Sa tingin niya, hindi alam ni Carly ang tungkol rito. Paniguradong magaalala ito.

(I hope she'll be fine too. And I hope you'll find Carly as soon as possible! When your father finds this out, we're finished!)

Hindi naman malaman ni Calvin kung dapat ba niya itong sabihin kay Carly. Paniguradong magaalala ito at baka kusa na lang umuwi.

Pero hindi ba yun ang gusto mo, Calvin? Ang umuwi na lang si Carly para matuloy ang kasal?

Pagkagising nila Dion at Oscar, naghanda na rin sila para makapag-checkout na ng resort. Papunta na silang reception area ng matanaw sa malayo ni Calvin si Carly na naroon at nakikipagusap sa receptionist. Hindi nga pala alam dapat ng dalawang kaibigan na narito ito kung kaya't hindi niya malaman kung papaanong hindi sila magkita-kita.

"Ahh teka lang. May naiwan yata ako sa kwarto." pagpapatigil niya sa mga kaibigan.

"Ano naman yun?" takang tanong pa ni Dion.

"Yung relo ko yata. Tama, yung relo ko."

"Pre, suot mo." sagot naman ni Oscar kaya sabay-sabay silang napatingin sa kaliwang kamay ni Calvin.

"Ahm, hindi ito. Yung isang Rolex ko. Dala ko yun. Hindi ko naimpake kanina e." palusot pa rin ni Calvin.

Napakamot ulo naman si Dion.

"Pambihira. Tanong na lang natin sa housekeeping na naglinis dun kanina."

"Ang alam ko nasa kwarto yun e, sa may side table. Tara nga kunin natin." pagaya niya sa mga ito.

"Ikaw na lang pre. Intayin ka namin sa reception."

Tumanaw naman ulit si Calvin sa reception at napansin niyang wala na roon si Carly kaya medyo napanatag na siya.

"Ahh, tama. Tanong na lang natin sa housekeepers."

At dumiretso na silang reception area para mag-checkout.

Sa kabilang banda...

"Oh, my freaking gosh! This can't be happening!"

Tila mag-panic naman si Carly ng malamang nawawala ng airlines ang mga bagahe niya. Tanging maliit na body bag niya at isang maliit na hand carry bag lang ang nadala niya. Naisakay daw pala lahat ng bagahe niya sa ibang eroplano at nangako naman ang airlines na ipapadala na lang sa resort kung saan siya naka-stay in kung sakaling makita na ito. Nagabiso naman din siya sa resort na kung sakaling tumahuwag amg airlines tungkol sa mga bagahe niya, ideretso na lamang ito sa kwarto niya, ngunit --

"I am so sorry miss Villadejos. The airlines said your luggage are mistakenly sent to Hawaii."

"What?! Hindi niyo ko maloloko, may connecting flight pa bago dumiretso ng Hawaii yun! Kung saan man ang first stop over ng luggage ko, eh di ibalik na lang kaagad dito sa pinas!" tila pagwawala nito sa reception area.

"Sinabi ko naman po yan sa airlines, mam. Pero sabi nila wala daw silang magagawa para i-cut off yung byahe ng luggages. Maapektuhan daw yung ibang kasamang bagahe doon at mas malaking perwisyo daw kapag may nawala o nasira pa sa ibang luggages. Mas malaking inconvenience sa kanila. " nagsusumamong paliwanag pa ng receptionist sa kanya na napagbubuntungan niya ng galit.

"Fine! I'll talk to that airline directly!" inis man ay wala na ring nagawa si Carly. Alam naman niyang kahit magwala siya ay mas walang magagawa yun kung kaya't kakausapin na lamang niyang muli ang airlines na nakawala ng bagahe niya.

Bumalik na siya ng kwarto niya at binuksan muli ang phone niya. Hindi pa man siya nakakapag-dial, may nare-received na siyang text messages at email notifications. Babalewalain na sana niya ito pero napansin niya ang isang email sa kanya.

"Account suspended? What?! They cut off my bank accounts?!" tila hindi naman siya makapaniwala sa mga nakikita niya. "Oh no!"

May nakita rin siyang notifications na suspended rin ang lahat ng booked flights niya sa kahit na anong airlines domestic man o international. Mukhang hindi na siya makakalabas ng bansa pa, at kung sakali mang mag-book siya ulit ng flights ay matutunton na siya.

"This can't be happening! Grabe naman sila sa akin!"

Imbes na tawagan ang airlines at si Aki kaagad ang tinahuwagan ni Carly.

(I'm so sorry, Carls. Your father became desperate. He talked to my dad na i-suspend ang lahat ng booked flights mo and they became so surprised sa dami ng booked flights mo all over the country and -- internationally.) tila worried namang tugon nito.

Napailing na lang si Carly sa disaster na nalaman niya. Mukhang por nada ang mga plano niya.

(I cannot also send you some help Cars kasi they tracking also my accounts. I'm kinda grounded, you know? Bantay sarado ako ng pamilya mo kasi alam nilang baka ako ang una mong lapitan at -- oh shocks they're here! I'll message you later Cars. Bye!)

At kaagad namang pinatayan na siya ng tawag ni Aki.

"What the? Ugh!"

Tila nanlulumo naman si Carly dahil kahit pa magalit siya ay wala na siyang magagawa pa. Kinuha niya ang pouch bag niya at sinilip ang laman nun. May iilan pa siyang cash at puro cards na lang ang naroon. Nandoon din ang passport niya ngunit wala ng silbi ang mga ito. Tanging kaunting cash na lang niya ang natitira. Ni hindi na niya ito magagamit sa pambayad ng isa pang araw sa resort. Sa madaling salita, wala na siyang pera para matuloy ang mga plano pa niya.

Napaupo na lang siya sa kama at tila nagiisip ng gagawin. Hindi naman niya malaman kung sino pa ang lalapitan dahil kahit ang best friend niyang si Aki ay baka mapahamak pa.

"Ahhhhg! Naman eh!" malakas na sigaw nito at nagmamaktol na lamang habang nakahiga sa kama. Halos mangiyak na siya sa inis at lungkot ng sinapit niya.

Ilang sandali pa ay may naalala siya kung kaya't tumigil siya sa pag-tantrums. Nagpahid siya ng luha niya at bumangon na paupo sa kama niya.

"Tama, siya na lang natitirang pagasa ko."

Kinuha niya ang phone niya at tila may tinext.

Meet me at the pool area. Now.

Nabasa kaagad ito ni Calvin pagkaupo na magkaupo niya sa driver seat ng service car na maghahatid na sa kanila sa airport.

Tila nagalangan siya sa nabasa niya. Ano kayang gusto ni Carly at nakikipagkita ito sa kanya?

"OKAY na po mga sir bagahe niya. Nakarga na pong lahat sa likod. Tara na po?" saad naman ng dricer nila at naupo na sa tabi niya upang makaalis na sila.

"Ahm, wait!"

"Argh! Pre ano na naman? Natatae ka ba? Kanina ka pa pa-wait wait eh!" tila inis namang reklamo ni Dion.

"Ahm, sorry. May naiwan lang talaga ako sa kwarto natin."

"Na naman? Ano ba talagang naiwan mo dun ah? Pustiso mo?"

Please Calvs. It's urgent!

Yun pa ang isang text ni Calvin kung kaya't nagmadali na ito.

"Mauna na kayo sa airport. Doon niyo na lang ako intayin ah?" at kumaripas ng labas ito sa kotse pabalik ng resort.

"What?"

"Pre naman oh!"

Dumiretso na siyang pool area at hinanap ng paningin niya si Carly. Tinanaw-tanaw niya ito ngunit hindi niya makita.

"Hey!" paghatak naman ni Carly kay Calvin sa may gilid ng mga halamanan sa gilid ng pool area.

"Hey? What's wrong?"

"Ahm.. They suspended all my flights and bank accounts. Does they know where am I?" tila nagaalangan pang tanong ni Carly.

"I don't know. But mom said --" tila natigilan naman si Calvin.

"What? They found me or what?"

"I mean, she's asking me about you, of course."

"Ugh!" napabagsak balikat na lamang si Carly dahil mukhang por nada na ang plano niya.

"If they suspended all your bank accounts, does mean --"

"Yes! I'm broke now! Can't even afford to pay another day for my room. So -- I need your help." nagaalangan naman siya sa sinabi.

"Me? My help? What kind of help?" tila nabuhayan naman si Calvin sa narinig. Hindi niya inaasahang hihingi ng tulong sa kanya si Carly aside sa pagtatago nito kung nasaan ba talaga siya.

"Yes! I need some money. Pa -- papahiramin mo ba ko?" nahihiya man pero naglakas loob na siyang sabihin ito.

Napamewang naman si Calvin at minamasdan si Carly na parang maamong tupa ngayon. Hindi niya malaman kung maaawa siya rito o sasamantalahin na lang ito para maiuwi niya na ito sa kanila.

"Please, please Calvin. Pahiramin mo na ko? Promise ibabalik ko yun, kahit doble pa!" pakiusap na nito.

"I'm no concern about if you'll gonna return the money. What's mine will be yours too soon, remember?"

Natigilan naman ulit si Carly at sumimangot na. Tila mas naawa naman si Calvin rito.

"Eh di tulungan mo na ko, please? Sige ka, kapag natagpuan nila ako rito, sasabihin kong ikaw mismo ang nagpatakas sa akin!" pagbabanta naman nito.

"At talagang na-blackmail pa ko?"

"Ihh sige na please Calvs?"

"Fine."

"Fine? Papahiramin mo na ko?"

"But in one condition."

Tila nagtaka naman si Carly rito. Nagkatinginan sila at nagkasukatan ng tingin.

"What condition?"

"I'll go with you."

"What?!"

"You heard me right."

"Wi -- wait what?!"

"I'll let you do whatever you want. I'll let you go wherever you want. But as long as I'll go with you."

"You what?!"

"All your flights are suspended, remember? So paano ka makakapunta sa mga next destination mo? Do you even know how to drive?"

Napailing naman si Carly bilang sagot.

"You don't even have sufficient money to immediately transport back and fort somewhere else. Aside from that, you are alone. Baka kung ano pang mangyari sayo."

"That's the thing! I need to do it all alone!"

"Then do it! Hindi mo naman pala kailangan tulong ko eh." patalikod na sana si Calvin ngunit hinatak ulit siya n Carly paharap sa kanya.

"Uy teka lang! Toh naman, di mabiro."

Tiningnan naman siya ni Calvin ng seryoso.

"Okay, fine! Sumama ka na sa akin. Pero hindi ka ba hahanapin din ng parents mo? I mean, nawawala na nga ko, nawawala ka rin?"

Tila napaisip rin si Calvin sa sinabi ng dalaga.

"I'll find an excuse. I'll tell them that I'm gonna run after you. I have a lead."

"Paniwalaan kaya nila?"

"Trust me, they're more concern of you than me."

Hindi naman malaman ni Carly kung bakit tila nangingiti siya sa sinabi ni Calvin. Gusto nitong sumama sa kanya na lang imbes na pahiramin siya ng pera. Ibig sabihin concern din ito sa kanya.

Hindi niya man ine-expect ito, pero mabuti na rin kaysa mas hindi matuloy ang mga plano niya. Yun nga lang, may extra baggage siya.

Sabay na silang nagtungong reception area at binayaran na ni Calvin ang accommodation ni Carly. Kumuha na rin siya ng isa pang kwarto katabi ang kwarto ni Carly.

*kriing kriing!

Nakita ni Calvin na tinatawagan siya ni Dion at doon palang niya naalalang pinauna na nga pala niya ang mga ito sa airport.

(Hello pre? Nasaan ka na ba? Nakapag-check in na kami. Maiiwanan ka na ng flight!)

"Ahm, sige pre. Mauna na kayo sa Manila."

(What?! Magpapaiwan ka dito sa Surigao?)

"Ah, oo eh. Na -- nawawala daw kasi si Carly. I -- I need to find her." napapatingin pa si Calvin kay Carly na tila nakikinig din ng usapan nila magkaibigan.

(Seriously? Bakit? Na-kidnapped ba siya?)

"I don't think she is. Basta mauna na lang kayong umuwi. I'll be fine here."

(Oh, sya sige pre. Balitaan mo na lang kami ah?) at natapos na ang tawagan nila.

"Wow, ang best actor mo rin pala noh? Award kayo sa akin ni Aki."

"Ni Aki? So kasabwat mo nga siya sa pagtakas mong ito."

Natigilan naman si Carly dahil tila nadulas niya at nailaglag niya ang best friend niya.

"Ah eh.. Nagugutom na ko. Let's have some lunch?" pagiiba nito ng usapan.

Related chapters

  • Accidental Escape   Part 6

    NAGTUNGO NA SILA sa restaurant ng resort nagsimulang mag-order.Napansin ni Carly na merong strawberry cake na nasa menu ng desserts. Nangiti siya ng makita ito."I would like to have the strawberry cake for my dessert." saad nito sa waiter at napatingin sa kanya si Calvin."Okay mam, sir. Thank you. Just a moment.""Natikman mo na yun noh? Kaya nag-text ka sa akin gusto mo na rin yung strawberry cake?" tila pangungulit ni Carly."Hmm, oo.""Hmm.. Okay." pagngisi pa nito at tila nagdududa."So, where's the next destination?" panimula ulit ni Calvin habang nakatingin sa phone niya na tila may binabasa."Huh?"Napatingala sa kanya si Calvin. "Next destination after dito sa Surigao.""Ahh oh? Well.." dinukot din ni Carly ang phone niya na tila may titingnan. "Cebu.""In Cebu? Bakit hindi pa dun ang inuna mo?""Eh di hindi sana tayo nagkita ngayon dito di ba?""Are you following me?""Excus

  • Accidental Escape   Part 7

    BAGO PA MAN tuluyang umalis si Calvin ng kwarto ni Carly, tinulungan na niya muna itong tanggalin ang mga tsinelas na nakasuot sa mga braso niya. Inalis niya rin ang salaming suot pa nito. Ngunit ng mapagmasdan niya ang mukha nito, tila may kung anong kaba siyang nadarama. Tila nabibighani siya rito at naaakit na halikan.Ngunit kaagad niya rin napigilan ang sarili at nakabalik sa wisyo. Sa isip niya, kailan pa ba siya huling na-attract sa babae?Sa buong tala ng buhay niya, isang babae lang din ang tunay niyang minahal ngunit pinagpalit siya nito sa ibang lalaki. Simula noon ay nagsumikap na siya sa sarili niya upang maiangat ito. At ngayon nga ay nakakamtan na niya ang lahat ng naisin niya ngunit bakit pakiramdam niya ay hindi pa rin siya masaya?Pero ngayon, tila nakaramdam siya ng saya na hindi na niya maalala kung kailan pa siya nakaramdam nito.Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa magandang mukha ni Carly. Dinampi niya rin ang pisngi nito at bahagy

  • Accidental Escape   Part 8

    KAAGAD RIN SILANG pumanik na sa kwarto na tila excited pa si Carly."Uhh haaa! Sa wakas, nakahiga na rin ako sa kama!" pabagsak pang higa ni Carly sa kama.Hindi naman makaimik si Calvin at nilapag lang ang ilang gamit nila sa mesa sa tapat ng kama."Oh? Bakit nandito ka pa?" takang tanong naman ni Carly rito nang maiangat ang ulo niya."This will be my room too." tila walang ganang sagot naman nito sa kanya."Huwat?! Share tayo ng room?""Wala ng ibang kwartong available. Pero nagpasabi naman na ko kung sakaling may mabakante, lilipat na lang ako.""Huwat?!" bumangon naman si Carly at naupo sa kama. "Hoy Calvin ah? Porket ikaw ang gumagastos dito baka gusto mong mag-take advantage na sa akin?!" bintang pa nito sabay yakap sa sarili niya."Tss? Do I have to? Fiancé naman kita eh? Saka hindi ko kailangan mamilit, they come to me willing --""Stop! I don't want to hear how girls running after you! I don't care!" pag

  • Accidental Escape   Part 9

    MAKALIPAS ANG ILANG oras na byahe, nakarating na rin sila sa bayan ng Alegria. Kaagad rin sila naghanap ng matutuluyan ngunit gaya sa pinanggalingang bayan, punuan na rin ang mga kwarto sa mga ito."Hay pambihira! Akala ko pa naman abswelto na ko sa pagsama sayo sa iisang kwarto, yun pala ganun din ang eksena natin dito?" tila reklamo pa ni Carly ng pabagsak na maiupo ang sarili sa kama nila."Don't worry, isang gabi lang naman. Bukas aalis rin tayo para magtungo sa sunod na destinasyon mo.""Oo na, oo na! Basta doon ka sa couch ah." pagtataray pa nito."Bakit ako doon? Ako ang nagbayad sa kwartong ito?" reklamo rin ni Calvin dahil sa totoo lang, sa tangkad niya ito ay hindi siya kakasya at magiging komportable sa couch."Ugh? Sumbatan agad? Ang gentleman mo naman ah?""Hindi sa ganun." depensa naman ni Calvin. "Tingnan mo naman? Parang kalahati ko lang ang kasya doon sa couch.""Ah basta!""Ah basta rin!" sabay higa ng padapa

  • Accidental Escape   Part 10

    HINDI NAMAN MAKAPANIWALA si Rick sa mga sinabi ni Carly. Napahihilamos siya ng mukha na rito naguguluhan."Was it him?"Napatingin saglit sa kanya si Carly at tumungo na lamang bilang tugon.Tila nangilid naman ang luha ni Rick at nabakas dito ang kalungkutan. Nakaramdam naman ng guilty si Carly dahil rito.Tumungo-tungo naman muna si Rick kay Carly na tila natatanggap na niya ang mga inamin nito."So pinilit ka lang ipakasal sa kanya, tama ba?"Hindi naman malaman ni Carly kung paano ito sasagutin."We can do something about this! You don't have to marry that guy if you don't want to.""What are you saying?"Lumapit si Rick sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Itatakas kita. Akong bahala sayo! Sumama ka na sa akin!""You don't understand, Rick! Hindi yun basta ganun na lamang! Aside sa business related ang marriage na yun, Calvin is --" tila hindi naman niya malaman kung paano ide-describe ito kay Rick.

  • Accidental Escape   Part 11

    MATAPOS ANG MAHABANG gabi nila ay nagbalik na rin sila sa kabina nila. Kaagad na rin silang nahiga ngunit parehong hindi pa dinadalaw ng antok. Pareho silang nakatitig lamang sa itaas nila at hindi na gumagalaw.Hindi naman mapakali si Carly kung kaya't nagbakasali siya kung gising pa ang kasama."Calvs? Gising ka pa?" pagbabakasakali nito."Why?" sagot rin nito sa kanya kaya bahagya siyang nakampante na hindi pa niya ito naiistorbo."Ahm, hindi ba tinatanong mo ko kanina kung -- kung ilang anak ba ang gusto ko?" tila nahihiya naman ito dahil wala na siyang ibang maisip na topic nila. Gusto lamang niyang makausap pa si Calvin."Hmm?""Ahm.. Ikaw ba? Ilan gusto mo?" tila bawat sambit ng salita niya ay pagaalangan niya. Kinakabahan sa mga sinasabi at mas kinakabahan siya kung ano ang magiging sagot ni Calvin sa kanya."Ilan ba kaya mo?" tila napabalikwas naman si Carly sa narinig."Ano?!" pagdungaw pa nito sa ibaba kung saan nasi

  • Accidental Escape   Part 12

    NANG MAKASAKAY NA silang muli sa bangka pabalik ng dispatching area, naging tahimik na lang si Carly at nakapatalikod na upo habang nakatanaw sa dagat. Si Calvin naman ay nasa unahang parte ulit ng bangka at minamasdan naman din si Carly."Maraming salamat po kuya." pagpapaalam naman ni Carly sa bangkero."Salamat rin po dito, ma'am, sir! Sa uulitin po!""Salamat din kuya."Pagpapaalaman naman nilang dalawa at naglakad na sila palabas ng dispatching area. Nasa may ward na sila at napansin ni Carly ang mga nakahilerang stall ng mga fruit shakes."Tara, let's refresh ourselves!" pag-aya naman ni Carly kay Calvin at lapit sila sa isang fruit shake stall.Nag-order na sila at inintay ito doon."Saan mo balak pang pumunta? Mahaba pa ang oras natin ngayon." tanong naman ni Calvin."Hmm sa Mangrove Paddleboat tayo?""Saan naman yun banda?""Somewhere lang din daw yun dito eh.""Sa dulo po yun ma'am, sir. Pwede kay

  • Accidental Escape   Part 13

    PAGKABALIK NILA SA resort ay nauna ng mag-shower si Carly. Tila may ginawa pa muna si Calvin at sakto ng matapos si Carly ay siya naman din naligo.Matapos nun ay inaya ni Calvin si Carly na mag-dinner na sila at kaagad rin silang lumabas ng kanilang kwarto.Nangunguna pa sana si Carly sa paglalakad patungong restaurant ng resort ng hatakin at pigilan siya ni Calvin."Oh? Akala ko ba --""Hindi diyan ang table natin." saad naman ni Calvin.Inakbayan niya si Carly at hinaya sa may beach front ng resort. Doon nasilayan si Carly ang isang naka-set up na table for two sa harap mismo ng beach.Tila namangha at nabigla siya dito dahil mukhang pinaghandaang mabuti. Maayos at napaka-romantic ng table setup nila with sulo at candle lights."Oh my.." tila natutulala naman siya ng makita ito."Let's go?" paghaya pa ni Calvin ng kamay niya at may pa flower path pa sa buhanginan na dinadaanan nila patungo sa table nila. Inalalayan naman siy

Latest chapter

  • Accidental Escape   Epilogue

    HINATID NA NILA Carly, Venus at Pio si Calvin sa may airport at nagkakapaalaman na rin sila.Magkayakap lang sina Carly at Calvin na halos ayaw maghiwalay."Susko naman, bakit kaya hindi ka na lang sumama kay sir Calvin eh noh?!" pasaring pa ni Venus na natatawa na lamang sila."Soon, tayo naman ang uuwi ng Manila." sagot na lamang ni Carly sa kaibigan.Paghawak pa ni Calvin sa magkabilang pisngi ni Carly at hinarap ito sa kanya. "I'll be back soon, okay? I can't wait to tell them that we are really getting married.""No! Please don't tell them!" saad naman ni Carly na kinataka ni Calvin. "I want us -- to tell them. After the charity will started, probably it was already summer vacation in school, I will have some time to visit them in Manila. And by then --" paghawak pa ni Carly sa kamay ni Calvin. "Let's tell them, together." at pagngiti niya pa rito.Napangiti na lamang din si Calvin sa kanya sabay halik sa kamay ni Carly kung saan nakasu

  • Accidental Escape   Part 30

    "HI, MR. DE PUVILLOS." bati naman ni Ben rito kaya napatingin din ito sa kanya."Hi, Mr. Yu." pormal naman ding bati nito pero hindi ito masama ng tumingin kay Ben."Na -- napadaan ka rin yata?""I missed you already." diretsong sagot nito na nakaramdam naman si Carly ng hiya dahil kaharap pa nila si Ben.Pinandidilatan naman siya ni Carly na tila sinusuway pero nginingitian lang siya ni Calvin na tila nananadya pa."Here, I brought you some breakfast." pagabot pa nito sa naka-takeout ring cup of coffee at paper bag.Pero napansin din ni Carly na may hawak ng ganito si Carly at isang rosas habang hawak din ang sunflower na binigay niya."Well, I think your hands are full." saad naman nito at napansin ni Carly ang pagkadismaya sa reaksyon na nito."Ahm, can you help me put it on my table?" saad naman ni Carly kay Calvin kaya tila nabubuhayan naman na ito.Pilit namang ngumiti si Calvin at tumungo na lamang ito."Ah

  • Accidental Escape   Part 29

    HABANG BUSY PA rin sila sa pagaayos ng mga ipamimigay na ayuda, napansin naman ni Ben na tila nangangalay na si Carly dahil kanina pa ito nakatayo sa paglilinis, napapaunat pa ito ng bewang niya kaya kaagad siyang kumuha ng monoblock chair."Carly!"Tila sabay-sabay silang nabigla dahil sabay na lumapit sina Calvin at Ben kay Carly na may dalang mga monobloc chair at inihaya ito sa likuran ni Carly para makaupo. Nawindang naman din si Carly sa pagsulpot nilang dalawa kaya napalingon siya sa mga ito. Nabigla rin sina Calvin at Ben dahil hindi nila inaasahang sabay pa nila itong gagawin kaya nagkatinginan pa sila.Hindi naman malaman ni Carly kung anong gagawin sa dalawang monoblock chairs na nasa harapan niya ngayon."Ah --""Dito ka na maupo.""Sit here!"Sabay pang saad ng dalawa na nagkakatinginan rin dahil sabay silang nagsasalita. Napagsasalitan lang naman sila ni Carly ng tingin."Thank you ah, pero okay lang ako." tila pagt

  • Accidental Escape   Part 28

    "PABALIK NA BA si kuya Pio? Tamang-tama makakahigop kayo ng sabaw." saad pa ni Carly habang naghahain sa mesa.Lumapit naman na si Calvin sa kanya sa may mesa. Naupo na ito at hindi malaman kung papaano sasabihin ang katotohanan."Ka -- kamusta ng pakiramdam mo?" pagsapo pa ni Carly sa noo ni Calvin. "Mukhang may lagnat ka pa rin ah? Hmm.. Uminom ka na lang ulit ng gamot pagkatapos mong kumain."Naupo naman na din si Carly sa tabi niya at nagsandok ng egg soup na hinain niya. May toasted bread at mga prutas din siyang hinain.Kumain sila ng tahimik ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay napansin na ni Carly na tila wala pa rin si Pio."Nasaan na si kuya Pio? Akala ko pabalik na siya?" pagkagat pa ni Carly ng tinapay na hawak."Ahm.. He's not coming back.""Hmm?" hindi naman ito makapagsalita dahil sa pagnguya."He said -- he can't come back because of the heavy rain."Tila nabigla naman si Carly sa narinig kaya minada

  • Accidental Escape   Part 27

    TULUYANG BUMANGON SI Carly at napalibot ng tingin, halos mapalundag siya sa kinahihigaan ng makita si Calvin na nakaupo at sandal sa pader. Tanging boxer shorts lang ang suot nito at ang tuwalyang nakabalot sa balikat niya. Tila nakatulog ito roon.Dahan-dahan siyang tumayo ngunit nakaramdam pa rin ng sakit ng ulo. Ramdam niya ang malakas na pag-uga ng bangka ngayon kaya sinilip niya sa bintana sa tabi ito at nakitang malakas nga ang ulan sa karagatan.Sinubukan niyang magkondisyon para makatayo ngunit nahihilo pa rin siya dahil na rin sa nangyaring paguntog niya sa pader at nainom na alak. Dahan-dahan naman din siyang punagapang na lang sa sahig ng bangka para makalapit kay Calvin."Calvs? Calvin?!" pagtawag niya dito at tapik sa tuhod nito, ngunit ni hindi siya pinansin nito. "Calvin!" pagtapik pa nitong mabuti sa tuhod ni Calvin ngunit may napansin siya. "Ang init mo ah? Nako! Calvin!"Hirap man ay sinubukan ni Carly na maupo sa tabi ni Calvin at sinap

  • Accidental Escape   Part 26

    BAKIT PA KASI nagpakita yung lalaking yun eh? Nakaka-move on na sana ako. Pero teka? Bakit ko ba kailangan mag-move on pa? Hindi naman naging kami? I mean, yes, he's my fiancé, before! But not in a serious matter of relationship, just a pure business! But --Fine! Yes! I admit I liked him, before! But now? I don't know. I'm not sure.I thought it was just a simple admiration like I liked Rick before but -- but I never felt so hurt before the way Calvin did to me.I guess, I'm just still afraid that he would do it again if I trust him again. I'm so afraid that probably in the end, I'll end up the only one who really cares.But he said -- he loves me? Does he really is?"Hay ewan!" yun lamang ang naisigaw ni Carly sa daming pumapasok sa isip niya. Napainom siya ng maraming beer at naubos ang kalahating laman pa nito.Inilapag niya ang bote sa baba niya na katabi ang ilang bote ng beer na naub

  • Accidental Escape   Part 25

    "FAVORITE NA NGA ni Hazel at nanang din yun eh." tila nangongonsensya naman si Venus kaya natatawa na lang si Carly at napapailing."Fine." pagpayag naman nito."Yehey! Oh, Pio at sir Calvin ah? Sa bahay na po kayo mag-dinner!" pag-aaya naman ni Venus sa mga ito."Ahm, talaga miss Venus? O -- okay lang na dun kami --""Oo naman, ano ka ba?! Welcome naman kayo dun!" pagsigurado naman nito kay Pio dahil mukhang kinakabahan.Nang bumaba na sila ng sasakyan, bumalandra sa kanila ang wet market malapit sa port. Sinusundan naman nilang lahat si Venus dahil ito ang mas nakakaalam sa lugar.Nagsimula sila mamili at makipagtawaran ni Carly, ngunit kinamangha naman ni Venus na marunong pala makipagtawaran rin si Calvin."Tingnan mo si sir Calvin oh? Parang tatawaran siya nyan eh halatang turista siya." bulong pa ni Venus kay Carly. "Marunong ba pumili ng magandang klase ng isda yan?"Nangingiti naman si Carly sa kaibigan at naiiling na l

  • Accidental Escape   Part 24

    TILA HINDI NAMAN makasagot sina Calvin at Pio rito dahil ang pagkakaalam nila Carly at lalo na ni Venus ay nakita lang nila ang charity na ito sa related LGU projects ng probinsya at nagkainteres na suportahan. Wala pa rin ideya si Venus na dahil sa tagal ng sinusundan at minamanmanan nila Pio at Calvin si Carly dahil ito ang nag-runaway bride niya."Alam niyo po, sa lahat ng lugar na napuntahan na ni miss Carly sa buong Pilipinas, iniisip ko pa rin bakit dito sa pinakamalayo at medyo tagong probinsya pa ng Batanes niya napiling manatili ng matagal at heto pa nga, gumagawa siya ng paraan para makatulong sa mga taga rito. " paliwanag pa nito at lahat naman sila ay napatingin kay Carly.Nagkatinginan saglit sina Calvin at Pio ngunit hindi ito pinahalata kay Venus."Ang sabi niya lang sa akin noon, she found her peace, away from those who'd hurt her. Kaya naisip ko talaga, brokenhearted siguro ito kaya naggagala? Lam niyo y

  • Accidental Escape   Part 23

    BUMUKAS ANG BINTANA sa may driver's seats at pareho nilang hindi kilala kung sino ang driver na ito."Come on in, I'll take you home!" saad naman bigla ni Calvin ng dumungaw siya sa tabi ng driver."Ay, hi sir Calvin!" natutuwang bati naman ni Venus. "Hello.""Hi." bati rin ni Pio rito.Natatahimik pa rin si Carly at maglalakad na sana padiretso sa motor niya ngunit hinatak siya ni Venus kaya napahinto ito."Oh? Saan ka pupunta? Ihahatid na daw tayo ni sir Calvin oh?""Ikaw na lang, alam mo namang may motor ako di ba?""Ay? Oo nga pala." bumaling naman si Venus sa kotse."Ahm, sir? Hindi na lang po pala kasi --" napapatingin pa ito kay Carly. "Kasi po may motor nga po pala itong si Miss Carly."Napatingin naman si Calvin kay Carly na nakasakay na sa motor niya at handa ng umalis."Sigurado ka ba? Sayang naman hindi ka namin mahahatid." pasaring pa ni Pio na tila natutuwa na makausap si Venus."Ah eh, next t

DMCA.com Protection Status