MAKALIPAS ANG ILANG oras na byahe, nakarating na rin sila sa bayan ng Alegria. Kaagad rin sila naghanap ng matutuluyan ngunit gaya sa pinanggalingang bayan, punuan na rin ang mga kwarto sa mga ito.
"Hay pambihira! Akala ko pa naman abswelto na ko sa pagsama sayo sa iisang kwarto, yun pala ganun din ang eksena natin dito?" tila reklamo pa ni Carly ng pabagsak na maiupo ang sarili sa kama nila.
"Don't worry, isang gabi lang naman. Bukas aalis rin tayo para magtungo sa sunod na destinasyon mo."
"Oo na, oo na! Basta doon ka sa couch ah." pagtataray pa nito.
"Bakit ako doon? Ako ang nagbayad sa kwartong ito?" reklamo rin ni Calvin dahil sa totoo lang, sa tangkad niya ito ay hindi siya kakasya at magiging komportable sa couch.
"Ugh? Sumbatan agad? Ang gentleman mo naman ah?"
"Hindi sa ganun." depensa naman ni Calvin. "Tingnan mo naman? Parang kalahati ko lang ang kasya doon sa couch."
"Ah basta!"
"Ah basta rin!" sabay higa ng padapa
HINDI NAMAN MAKAPANIWALA si Rick sa mga sinabi ni Carly. Napahihilamos siya ng mukha na rito naguguluhan."Was it him?"Napatingin saglit sa kanya si Carly at tumungo na lamang bilang tugon.Tila nangilid naman ang luha ni Rick at nabakas dito ang kalungkutan. Nakaramdam naman ng guilty si Carly dahil rito.Tumungo-tungo naman muna si Rick kay Carly na tila natatanggap na niya ang mga inamin nito."So pinilit ka lang ipakasal sa kanya, tama ba?"Hindi naman malaman ni Carly kung paano ito sasagutin."We can do something about this! You don't have to marry that guy if you don't want to.""What are you saying?"Lumapit si Rick sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Itatakas kita. Akong bahala sayo! Sumama ka na sa akin!""You don't understand, Rick! Hindi yun basta ganun na lamang! Aside sa business related ang marriage na yun, Calvin is --" tila hindi naman niya malaman kung paano ide-describe ito kay Rick.
MATAPOS ANG MAHABANG gabi nila ay nagbalik na rin sila sa kabina nila. Kaagad na rin silang nahiga ngunit parehong hindi pa dinadalaw ng antok. Pareho silang nakatitig lamang sa itaas nila at hindi na gumagalaw.Hindi naman mapakali si Carly kung kaya't nagbakasali siya kung gising pa ang kasama."Calvs? Gising ka pa?" pagbabakasakali nito."Why?" sagot rin nito sa kanya kaya bahagya siyang nakampante na hindi pa niya ito naiistorbo."Ahm, hindi ba tinatanong mo ko kanina kung -- kung ilang anak ba ang gusto ko?" tila nahihiya naman ito dahil wala na siyang ibang maisip na topic nila. Gusto lamang niyang makausap pa si Calvin."Hmm?""Ahm.. Ikaw ba? Ilan gusto mo?" tila bawat sambit ng salita niya ay pagaalangan niya. Kinakabahan sa mga sinasabi at mas kinakabahan siya kung ano ang magiging sagot ni Calvin sa kanya."Ilan ba kaya mo?" tila napabalikwas naman si Carly sa narinig."Ano?!" pagdungaw pa nito sa ibaba kung saan nasi
NANG MAKASAKAY NA silang muli sa bangka pabalik ng dispatching area, naging tahimik na lang si Carly at nakapatalikod na upo habang nakatanaw sa dagat. Si Calvin naman ay nasa unahang parte ulit ng bangka at minamasdan naman din si Carly."Maraming salamat po kuya." pagpapaalam naman ni Carly sa bangkero."Salamat rin po dito, ma'am, sir! Sa uulitin po!""Salamat din kuya."Pagpapaalaman naman nilang dalawa at naglakad na sila palabas ng dispatching area. Nasa may ward na sila at napansin ni Carly ang mga nakahilerang stall ng mga fruit shakes."Tara, let's refresh ourselves!" pag-aya naman ni Carly kay Calvin at lapit sila sa isang fruit shake stall.Nag-order na sila at inintay ito doon."Saan mo balak pang pumunta? Mahaba pa ang oras natin ngayon." tanong naman ni Calvin."Hmm sa Mangrove Paddleboat tayo?""Saan naman yun banda?""Somewhere lang din daw yun dito eh.""Sa dulo po yun ma'am, sir. Pwede kay
PAGKABALIK NILA SA resort ay nauna ng mag-shower si Carly. Tila may ginawa pa muna si Calvin at sakto ng matapos si Carly ay siya naman din naligo.Matapos nun ay inaya ni Calvin si Carly na mag-dinner na sila at kaagad rin silang lumabas ng kanilang kwarto.Nangunguna pa sana si Carly sa paglalakad patungong restaurant ng resort ng hatakin at pigilan siya ni Calvin."Oh? Akala ko ba --""Hindi diyan ang table natin." saad naman ni Calvin.Inakbayan niya si Carly at hinaya sa may beach front ng resort. Doon nasilayan si Carly ang isang naka-set up na table for two sa harap mismo ng beach.Tila namangha at nabigla siya dito dahil mukhang pinaghandaang mabuti. Maayos at napaka-romantic ng table setup nila with sulo at candle lights."Oh my.." tila natutulala naman siya ng makita ito."Let's go?" paghaya pa ni Calvin ng kamay niya at may pa flower path pa sa buhanginan na dinadaanan nila patungo sa table nila. Inalalayan naman siy
HINAYA NI CALVIN ang kamay kay Carly at nang abuting ito ni Carly ay hinatak niya ito kaagad papalapit sa kanya. Napakapit siya sa bewang nito at nakahawak naman si Carly sa may dibdib niya.Tila nagsaliw sila roon habang nakalutang. Nagsasayaw sila sa gitna ng hall. Hinawakan muli ni Calvin ang kamay ni Carly at itinulak ito palayo ngunit magkahawak sila. Lumangoy papalapit si Carly sa kanya ng paikot hanggang sa mapasandal siya kay Calvin at naghawak muli ang isa pa nilang mga kamay.Inulit nila ang pagsasayaw rito at pareho silang natutuwa sa ginagawa. Hindi man nila tuluyang naririnig o nakikita ang reaksyon ng bawat isa, alam nilang pareho ngayon silang gusto ito.Nang makaahon na sila dahil paubos na rin ang kanilang oxygen, inalis na ni Carly ang goggles at oxygen niya at gayun rin ang ginawa ni Calvin. Nagtama naman ang mga tingin nila habang nakalutang pa rin sa tubig. Tinulungan naman din silang makaakyat muli sa bangka.Nakabalik muli sila sa I
"SOBRANG GANDA TALAGA dito kahit sa gabi noh?" tila mahinahon ng saad nito. Napatingin lang naman din si Calvin sa kanya."Gaano kayo katagal?" biglang tanong naman ni Carly na hindi inaasahan ni Calvin.Ilang sandali pa bago ito nakasagot ng tukuyan."Five years.""Wow? Tagal ah? Anyare?"Hindi naman sigurado si Calvin kung tama ba na ikwento pa niya ito ngunit wala rin naman siyang nakikitang masama rito. Kunb nais malaman ito ni Carly ay bukas naman siya ipaalam rito ang lahat."She left me for another guy.""Ohh?" tila nag-lielow naman si Carly. "And then?"Napatingin pang muli si Calvin sa kanya saglit at tingin ulit sa karagatan."And then ayun, naging subsob na lang ako sa pagtatrabaho sa kompanya. I've made to the position that I worked so hard. All my time, my energy, my everything, I dedicated to the company because I wanna prove to my father that I can do better, that I can do the best. " paliwanag naman niya.
NAGPATULOY NA MULI sila ng byahe pabalik ng city mismo. Nakapag-advance booking na ng hotel rooms nila silang dalawa kaya dumiretso na sila doon sa hotel.Nakakuha sila ng kwarto ng medyo magkahiwalay ngunit sa iisang palapag lamang din. Pagkapasok na pagkapasok nila ay tumunog ang phone ni Calvin kaya chineck niya kaagad kung sino ito."Hello?"Tila nagseryoso naman ang mood nito dahil sa kausap."Yes, we're here in our hotel room" pagaalangang sagot pa nito at napapahilamos ng mukha."I'm trying my best." at saka pinatay nito ang tawag. Inihagis naman niya ang phone niya sa kama at napagulo na rin ito ng buhok niya.Nagkaayaan naman sila ni Carly na kumain ng lunch sa kalapit na mall.Habang naglalakad ay napansin ni Calvin na malaki ang binago sa itsura ni Carly na kung nung una niyang kita ay napaka-mestiza, ngayon ay tanned na ito. Ngunit bumagay ito sa dalaga at mas nagmukha itong hot. Hindi na niya nakikita rito ang Carly na ne
NAKAPAGTANONG-TANONG rin sila na mayroon seaside bay rin dito kung saan hile-hilera ang mga kainan. Nagpasya silang dumiretso na doon ng kumagat na ang dilim.Tumambad sa kanila ang iba't ibang kainan sa bungad pa lamang. May mga naghahain ng traditional Filipino style foods, different seafoods, at mayroon ding Thai foods at other Asian foods.Hindi naman sila makapili kung saan nila gustong kumain kung kaya't naupo na lamang sila sa parang food court ng lugar at bumili ng iba't ibang klase ng pagkain ng kanilang matipuhan.Naunang namili na si Carly at halos hindi na ito matapos."Is that good for us?""Of course not! Pang akin palang yan noh, hindi ko alam kung anong gusto mo kaya ikaw na lang bumili ng sayo.""Ang daya naman? Sana dinagdagan mo na orders mo.""May dagdag na yan! Don't worry, I'll share with you." sabay kindat pa nito at alis rin dahil inilapag lamang niya ang isang seafood platter.Makalipas ang ilang minuto
HINATID NA NILA Carly, Venus at Pio si Calvin sa may airport at nagkakapaalaman na rin sila.Magkayakap lang sina Carly at Calvin na halos ayaw maghiwalay."Susko naman, bakit kaya hindi ka na lang sumama kay sir Calvin eh noh?!" pasaring pa ni Venus na natatawa na lamang sila."Soon, tayo naman ang uuwi ng Manila." sagot na lamang ni Carly sa kaibigan.Paghawak pa ni Calvin sa magkabilang pisngi ni Carly at hinarap ito sa kanya. "I'll be back soon, okay? I can't wait to tell them that we are really getting married.""No! Please don't tell them!" saad naman ni Carly na kinataka ni Calvin. "I want us -- to tell them. After the charity will started, probably it was already summer vacation in school, I will have some time to visit them in Manila. And by then --" paghawak pa ni Carly sa kamay ni Calvin. "Let's tell them, together." at pagngiti niya pa rito.Napangiti na lamang din si Calvin sa kanya sabay halik sa kamay ni Carly kung saan nakasu
"HI, MR. DE PUVILLOS." bati naman ni Ben rito kaya napatingin din ito sa kanya."Hi, Mr. Yu." pormal naman ding bati nito pero hindi ito masama ng tumingin kay Ben."Na -- napadaan ka rin yata?""I missed you already." diretsong sagot nito na nakaramdam naman si Carly ng hiya dahil kaharap pa nila si Ben.Pinandidilatan naman siya ni Carly na tila sinusuway pero nginingitian lang siya ni Calvin na tila nananadya pa."Here, I brought you some breakfast." pagabot pa nito sa naka-takeout ring cup of coffee at paper bag.Pero napansin din ni Carly na may hawak ng ganito si Carly at isang rosas habang hawak din ang sunflower na binigay niya."Well, I think your hands are full." saad naman nito at napansin ni Carly ang pagkadismaya sa reaksyon na nito."Ahm, can you help me put it on my table?" saad naman ni Carly kay Calvin kaya tila nabubuhayan naman na ito.Pilit namang ngumiti si Calvin at tumungo na lamang ito."Ah
HABANG BUSY PA rin sila sa pagaayos ng mga ipamimigay na ayuda, napansin naman ni Ben na tila nangangalay na si Carly dahil kanina pa ito nakatayo sa paglilinis, napapaunat pa ito ng bewang niya kaya kaagad siyang kumuha ng monoblock chair."Carly!"Tila sabay-sabay silang nabigla dahil sabay na lumapit sina Calvin at Ben kay Carly na may dalang mga monobloc chair at inihaya ito sa likuran ni Carly para makaupo. Nawindang naman din si Carly sa pagsulpot nilang dalawa kaya napalingon siya sa mga ito. Nabigla rin sina Calvin at Ben dahil hindi nila inaasahang sabay pa nila itong gagawin kaya nagkatinginan pa sila.Hindi naman malaman ni Carly kung anong gagawin sa dalawang monoblock chairs na nasa harapan niya ngayon."Ah --""Dito ka na maupo.""Sit here!"Sabay pang saad ng dalawa na nagkakatinginan rin dahil sabay silang nagsasalita. Napagsasalitan lang naman sila ni Carly ng tingin."Thank you ah, pero okay lang ako." tila pagt
"PABALIK NA BA si kuya Pio? Tamang-tama makakahigop kayo ng sabaw." saad pa ni Carly habang naghahain sa mesa.Lumapit naman na si Calvin sa kanya sa may mesa. Naupo na ito at hindi malaman kung papaano sasabihin ang katotohanan."Ka -- kamusta ng pakiramdam mo?" pagsapo pa ni Carly sa noo ni Calvin. "Mukhang may lagnat ka pa rin ah? Hmm.. Uminom ka na lang ulit ng gamot pagkatapos mong kumain."Naupo naman na din si Carly sa tabi niya at nagsandok ng egg soup na hinain niya. May toasted bread at mga prutas din siyang hinain.Kumain sila ng tahimik ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay napansin na ni Carly na tila wala pa rin si Pio."Nasaan na si kuya Pio? Akala ko pabalik na siya?" pagkagat pa ni Carly ng tinapay na hawak."Ahm.. He's not coming back.""Hmm?" hindi naman ito makapagsalita dahil sa pagnguya."He said -- he can't come back because of the heavy rain."Tila nabigla naman si Carly sa narinig kaya minada
TULUYANG BUMANGON SI Carly at napalibot ng tingin, halos mapalundag siya sa kinahihigaan ng makita si Calvin na nakaupo at sandal sa pader. Tanging boxer shorts lang ang suot nito at ang tuwalyang nakabalot sa balikat niya. Tila nakatulog ito roon.Dahan-dahan siyang tumayo ngunit nakaramdam pa rin ng sakit ng ulo. Ramdam niya ang malakas na pag-uga ng bangka ngayon kaya sinilip niya sa bintana sa tabi ito at nakitang malakas nga ang ulan sa karagatan.Sinubukan niyang magkondisyon para makatayo ngunit nahihilo pa rin siya dahil na rin sa nangyaring paguntog niya sa pader at nainom na alak. Dahan-dahan naman din siyang punagapang na lang sa sahig ng bangka para makalapit kay Calvin."Calvs? Calvin?!" pagtawag niya dito at tapik sa tuhod nito, ngunit ni hindi siya pinansin nito. "Calvin!" pagtapik pa nitong mabuti sa tuhod ni Calvin ngunit may napansin siya. "Ang init mo ah? Nako! Calvin!"Hirap man ay sinubukan ni Carly na maupo sa tabi ni Calvin at sinap
BAKIT PA KASI nagpakita yung lalaking yun eh? Nakaka-move on na sana ako. Pero teka? Bakit ko ba kailangan mag-move on pa? Hindi naman naging kami? I mean, yes, he's my fiancé, before! But not in a serious matter of relationship, just a pure business! But --Fine! Yes! I admit I liked him, before! But now? I don't know. I'm not sure.I thought it was just a simple admiration like I liked Rick before but -- but I never felt so hurt before the way Calvin did to me.I guess, I'm just still afraid that he would do it again if I trust him again. I'm so afraid that probably in the end, I'll end up the only one who really cares.But he said -- he loves me? Does he really is?"Hay ewan!" yun lamang ang naisigaw ni Carly sa daming pumapasok sa isip niya. Napainom siya ng maraming beer at naubos ang kalahating laman pa nito.Inilapag niya ang bote sa baba niya na katabi ang ilang bote ng beer na naub
"FAVORITE NA NGA ni Hazel at nanang din yun eh." tila nangongonsensya naman si Venus kaya natatawa na lang si Carly at napapailing."Fine." pagpayag naman nito."Yehey! Oh, Pio at sir Calvin ah? Sa bahay na po kayo mag-dinner!" pag-aaya naman ni Venus sa mga ito."Ahm, talaga miss Venus? O -- okay lang na dun kami --""Oo naman, ano ka ba?! Welcome naman kayo dun!" pagsigurado naman nito kay Pio dahil mukhang kinakabahan.Nang bumaba na sila ng sasakyan, bumalandra sa kanila ang wet market malapit sa port. Sinusundan naman nilang lahat si Venus dahil ito ang mas nakakaalam sa lugar.Nagsimula sila mamili at makipagtawaran ni Carly, ngunit kinamangha naman ni Venus na marunong pala makipagtawaran rin si Calvin."Tingnan mo si sir Calvin oh? Parang tatawaran siya nyan eh halatang turista siya." bulong pa ni Venus kay Carly. "Marunong ba pumili ng magandang klase ng isda yan?"Nangingiti naman si Carly sa kaibigan at naiiling na l
TILA HINDI NAMAN makasagot sina Calvin at Pio rito dahil ang pagkakaalam nila Carly at lalo na ni Venus ay nakita lang nila ang charity na ito sa related LGU projects ng probinsya at nagkainteres na suportahan. Wala pa rin ideya si Venus na dahil sa tagal ng sinusundan at minamanmanan nila Pio at Calvin si Carly dahil ito ang nag-runaway bride niya."Alam niyo po, sa lahat ng lugar na napuntahan na ni miss Carly sa buong Pilipinas, iniisip ko pa rin bakit dito sa pinakamalayo at medyo tagong probinsya pa ng Batanes niya napiling manatili ng matagal at heto pa nga, gumagawa siya ng paraan para makatulong sa mga taga rito. " paliwanag pa nito at lahat naman sila ay napatingin kay Carly.Nagkatinginan saglit sina Calvin at Pio ngunit hindi ito pinahalata kay Venus."Ang sabi niya lang sa akin noon, she found her peace, away from those who'd hurt her. Kaya naisip ko talaga, brokenhearted siguro ito kaya naggagala? Lam niyo y
BUMUKAS ANG BINTANA sa may driver's seats at pareho nilang hindi kilala kung sino ang driver na ito."Come on in, I'll take you home!" saad naman bigla ni Calvin ng dumungaw siya sa tabi ng driver."Ay, hi sir Calvin!" natutuwang bati naman ni Venus. "Hello.""Hi." bati rin ni Pio rito.Natatahimik pa rin si Carly at maglalakad na sana padiretso sa motor niya ngunit hinatak siya ni Venus kaya napahinto ito."Oh? Saan ka pupunta? Ihahatid na daw tayo ni sir Calvin oh?""Ikaw na lang, alam mo namang may motor ako di ba?""Ay? Oo nga pala." bumaling naman si Venus sa kotse."Ahm, sir? Hindi na lang po pala kasi --" napapatingin pa ito kay Carly. "Kasi po may motor nga po pala itong si Miss Carly."Napatingin naman si Calvin kay Carly na nakasakay na sa motor niya at handa ng umalis."Sigurado ka ba? Sayang naman hindi ka namin mahahatid." pasaring pa ni Pio na tila natutuwa na makausap si Venus."Ah eh, next t