TILA MAY NAALALA naman si Carly kaya tumingin siya sa paligid nila bago tiningnan ulit ang kaibigan.
"Ahm, Aki? I have plans, are you in?" tila pilyang tugon nito sa kaibigan.
"I'm in!" tila excited nitong sagot pero may napagtanto. "Teka? Ano ba yun?"
"My mom promised me na I could go on a trip before the wedding. I want to go somewhere where nobody knows me and nobody will judge me."
"Sa Bilibid? No one knows you there for sure saka hindi ka nila judge kasi lahat naman sila kriminal yata dun." pangaasar pa ng kaibigan nito.
"Hindi! Ano ka ba?! Like an escape!"
Pinagtakahan naman ni Aki ang sinabi ng kaibigan.
"You mean tatakas ka sa arrange marriage?"
"Shh!" hinatak naman ni Carly palapit ang kaibigan at napalinga sa paligid nila. "Parang ganun na nga." bulong nitong sagot.
Nabigla naman ang kaibigan niya sa narinig at napatakip ng bibig. "Seryoso ka ba? Tatakas ka?"
"Oo nga. Kaya samahan mo ko, please?"
"Ay? Tapos ako? Baka akalain din ng parents ko naglayas ako?"
"Oo nga noh? Pero hindi! Ganito na lang, sabay tayong aalis para alam nila mommy at daddy na ikaw kasama ko. And then, in the middle of the trip natin, bigla akong umalis at iniwan ka somewhere kaya umuwi ka na lang. Ganun!" paliwanag pa nito sa kaibigan na tila nakaisip ng magandang ideya.
"Oo nga noh? Pwede pwede! Taba talaga ng utak mo noh? Sana all!"
Tila ngiting tagumpay naman si Carly sa binabalak. Sa kabilang banda...
"Ano pre? Ako ng bahala sa venue ng bachelor's party natin para kay Calvin ah?" pasigurado naman ni Dion.
"Sige pre, ako ng bahala sa mga iimbitahan at alam niyo na -- girls!"
"Ayos!" nagapiran pa sina Oscar at Dion.
Tila wala pa rin imik si Calvin at sa hindi niya malamang dahilan ay minamasdan niya sa kalayuan si Carly na nakikipagusap pa rin sa kaibigan niya at tila masaya naman ang mga ito.
Hindi naman niya maunawaan kung bakit tila simula noong araw na pinakilala sila sa isa't isa ni Carly, hindi na ito maalis sa isip niya. Tila naaawa siya rito dahil parang dahil sa kasal nila ay hindi na nito magagawa ang gusto nitong gawin. Napagalaman niyang gusto nitong maglibot sa buong mundo upang mapagyaman ang experience niya at research bago mag-apply sa America sa dream job niya. Hindi na ito maaari sa oras na maikasal na sila dahil hindi na pwedeng umalis ito ng bansa at tumira sa malayo. Iniisip na lang din ni Calvin na maaari pa rin naman itong mangyari sa oras na mahiwalay na sila.
Hindi si Carly ang tipo niya, sa totoo lang, ni hindi na niya alam kung ano pa ba ang tipo niya. Tila nakalimutan na rin niyang makipag-date ulit. Masyado siyang focus muna sa trabaho niya sa kompanya. Ni hindi na siya nakakapagbakasyon kaya noong sinabihan siya ng mga kaibigan niya na magkakaroon siya ng bachelor's party sa malayong lugar, pumayag na rin siya. Bago man lang maganap ang kasal niya.
KAHIT tila naghahanda na ang mga magulang nila Carly at Calvin sa kasal nila, sila naman ay walang interes doon.
Kahit nagkakasama sila kapag may kailangan gawin tungkol sa paghahanda ng kasal, tila absent minded naman si Calvin dahil nakatutok naman ito sa tablet niya dahil may ginagawang trabaho at panay tanggap ng tawag. Samantalang si Carly naman ay panay browse at paghahanap ng mga lugar na maaari niyang puntahan sa pinaplanong pagtakas sa kasal na ito.
Nagtungo si Carly sa may parking area at nakita niyang naroon si Calvin na tila may kausap sa phone. Lumihis na lamang siya ng pupuntahan at pagkatalikod niya siya namang pagharap sa kanya ni Calvin kung kaya't nakita siya nitong nakatalikod at paalis na.
"Sige pre, mag-book na ko ng flight ko mamaya." sagot nito sa kausap sa phone at saka ibinaba ang tawag.
Bumalik na si Calvin sa loob ng reception ng kanilang kasal ngunit wala doon si Carly. Nadaanan niya ang laptop ng dalaga na tila nakatigil sa isang resort page. Naisip nitong naghahanap kaya ito ng lugar kung saan sila magha-honeymoon? Pero mabilis na napagtanto niyang imposible ito dahil kumpara sa kanya, mas ayaw nitong pakasalan siya.
Lumingon siya sa paligid at hindi matanaw si Carly. Nakita niya rin ang mga ina nila na abala sa pagkausap sa wedding planner at nagtuturo kung saan para sa ayos ng venue kung kaya't naupo siya sa tapat ng laptop ni Carly at chineck ang lugar na nakita.
"Davao del sur? Napakalayo naman nito?" tila saad sa sarili niya at patuloy siya sa pag-browse sa page ng isang kilalang resort doon.
Habang sinusuri niya ito napansin niya ang isang note icon na nasa ibabang link sa screen ng laptop. Sa pagiging curious niya at pinindot niya ito at bumungad sa kanya ang tila isang mahabang listahan na naroon.
"Things to do before settling down?" tila nagtaka siya kung anong uri ng listahan ito kung kaya't binasa na niya. "Hmm?"
Sa ibaba nito ay tila isang mapa ng pilipinas na naroon. Ngunit napansin niyang tila may guhit ito ng mga ruta at pagkakasunod-sunod sa magkakarugtong na lugar. Nakita niya sa unahan ng listahan ay ang lugar ng Davao del Sur. Doon niya napagtantong doon rin ang resort na nakita niya. Minasdan niyang mabuti ang mapa at mga lugar na kasunod nito ayon sa guhit ng ruta. Tila mula Mindanao hanggang dulo ng Luzon ang listahan ng mga lugar.
Habang nagbabasa ay tila napansin niya ang sliding door at lumabas doon si Carly kung kaya't kaagad niyang sinara ang note link sa laptop at binalik kung saan ito kanina nakatigil ng browse. Dali-dali din siyang tumayo at lumayo kung nasaan ang laptop, kunwari ay may tinatawagan siya.
Lumapit nga si Carly sa laptop niya at sinara na lamang ito.
"Carly, Calvin! Come over here. Check out this! What do you think if we're gonna place the stage here?" saad pa ni Amara.
"Alright!" sagot naman ni Carly at inayos na lang niya ang mga gamit na naiwan.
Napatingin naman si Carly kay Calvin at hindi malaman ng binata ang gagawin kundi tingnan na lamang din ito. Inirapan naman siya ni Carly bago siya inalisan at lumapit sa kanilang mga ina.
Matapos ang kanilang magbisita sa venue, dumiretso naman sila sa kilalang resto na mag-cater ng kanilang mga pagkain. Doon na rin nila gaganapin ang food and cake tasting.
Habang abala ang mga ina na naman nila magkwentuhan habang iniintay ang kanilang mga pagkain, si Carly ay sinamantala ulit ito upang magawa ang mga balak niyang 'escape getaway' niya. Habang si Calvin naman ay nag-book na ng flight niya patungong Surigao dahil doon balak ng mga kaibigan niya ganapin nila ang kanyang bachelor's party.
Makalipas ng ilang minuto ay dumating na rin ang mga sample foods at sinimulan na nilang mag food tasting.
"Hmm I like the beef broccoli here. Must be on the main course." komento naman ni Helena habang kumakain.
"I agree, balae. Pati itong seafood chowder. Hindi ba favourite mo toh Calv?" pagtugon naman ni Amara sa anak.
"Sure mom." sagot lang nito sabay punas ng napkin sa bibig. Napasulyap siya kay Carly na tahimik lang din na kumakain. Tila wala talaga itong imik.
Naisip ni Calvin kung ano kayang gagawin ni Carly sa listahan at ruta sa mapa na iyon. Hindi kita ito sana ang pangarap nitong puntahan kung kasali man hindi pa sila ikakasal?
"Oh, by the way, nakapili na ba kayo kung saan kayo magha-honeymoon?" tanong ni Amara ngunit walang sumagot sa kanya.
"Anak?"
"Po? Ano po yun?" tila nagbalik na diwa ni Carly.
"Saan niyo kako gustong makapag-honeymoon ni Calvin?"
"Ha -- honeymoon?" para namang nabibiglang sagot ng dalaga.
"How 'bout you, Calv? May suggestion ka ba kung saan niyo gustong mag-honeymoon?" tila nakapagpabalik din ng diwa ni Calvin ang tanong sa kanya ng ina.
"Ahm.. Maybe wherever Carly wants to, I'm fine with it." simpleng sagot lang nito at napatingin kay Carly. Nagkasalubong naman sila ng mata na tila nagtatantsahan. Nakita niyang nag-make face si Carly sa kanya at alam niya inis sa kanya ang dalaga. Hindi niya mawari kung bakit tila natutuwa siya rito.
"Kahit saan pa yan! European tour, sa US or Asia. Or even a cruise! Just tell us, okay?" masaya namang tugon ni Amara at bumalik sila sa pagkain.
Matapos makapili ng kanilang mga kakainin, dinala na rin kaagad sa kanila ang iba't ibang flavor ng cake at cupcakes. Tila tinikman lahat ito ni Carly dahil mahilig siya sa mga ito. Habang nakikipagusap naman ang mga ina nila at ang wedding planner sa mayari ng restaurant.
"Ehekm! Ehekm!" tila nasamid naman si Carly habang kumakain ng cake.
"Here." pagabot naman ni Calvin ng tubig sa kanya at kinuha naman niya ito sabay inom. "Dahan-dahan kasi."
"Masyadong matamis tong blueberry. Ayoko nito." patingin pa nito sa tinidor niyang may piraso ng cake na kinakain.
"How about the strawberry? Or vanilla?"
"I love the strawberry. Ikaw ba, anong mas prefer mo?"
Nagkasalubong sila ng tingin ngunit natigilan din na tila may napagtanto. Sabay silang napaiwas ng tingin at bumalik ng tingin sa kanilang mga plato. Tila ito ang unang beses na magusap sila ng tungkol sa preparasyon ng kasal nila.
Ano ka ba Carly? Kilabutan ka nga!
Sa isip-isip ni Carly ay dapat inis siya sa lalaking ito dahil hindi siya sinangayunan sa pagtigil ng kanilang kasal.
Dahan-dahan niyang nilingon si Calvin at sa hindi niya mawaring dahilan, minasadan niya ito.
In fairness, gwapo ang isang ito. Napakaseryoso nga lang, parang hindi pwede biruin. Ni hindi mangiti. Daig pa bato. Pero tse! Posisyon lang naman sa kompanya ang habol nito kaya magpapakasal, biruin mo? Siya pa kaagad nag-suggest ng hiwalayan after lang maupo ni daddy? Hay, wala rin pakialam ang isang ito sa sa akin. Tama lang siguro na tumakas na lang ako!
Saad ni Carly sa sarili ngunit hindi na niya ito isinatinig.
"I can't wait for your wedding, anak! Hay, ang bilis talaga ng panahon. Ikakasal na ang panganay ko." paghawi pa ng buhok ni Helena sa anak.
"Mom, kung hindi niyo naman ako gustong ipakasal, hindi pa sana ako ikakasal pa." sarcastic namang tugon ni Carly na tila walang gana.
"Ano ka ba naman?" tila pagsuway naman nito sa sinabi ng anak.
"Ah, balae. Don't be late tomorrow ah? Fitting na tayo ng mga gowns. Bukas ang schedule natin kay Francis Libiran." saad pa ni Amara.
"Sure, balae. Exactly a month from now, kasal na pala."
"Oo nga eh. Hay.. Basta I'm so happy na ikakasal ang mga anak natin, balae."
Tila nagkakasiyahan naman ang dalawang ginang at nagpupumilit naman si Carly na ngitian ang mga ito. Napagawi siya kung saan nakatayo si Calvin ngunit ng magtama ang kanilang mga mata ay inirapan niya ito saka tumalikod.
"Si -- see you tomorrow."
Napahinto naman si Carly sa sinabi ni Calvin sa kanya.
Napalingon pa toh sa paligid nila ngunit silang dalawa lang naman ang nasa parking katabi ng kani-kanilang kotse at ang mga ina nila ay nasa loob pa ng restaurant.
"A -- ako ba kausap mo?" pagtataka nito at turo sa sarili.
"Who else that be?" walang reaksyon lang na sagot nito.
Sinamangutan naman siya ni Carly. "Malay ko ba kung may kausap kang iba sa phone?" pagtataray nito.
"I free myself from work for today and for tomorrow. Hindi rin naman papayag ang parents natin na hindi ako present sa wedding preparation na toh."
"As if interesado ka talaga di ba?"
"I am. Aren't you? Wala ba sa pangarap mong maikasal ng ganito?" tila sinusubukan ni Calvin magkaroon sila ng pagusapan ni Carly.
"Oo, pero gusto ko sa taong mahal ko at mahal din ako!" Napatingin pa siya ng matalim kay Calvin. "Hindi sa taong dahil lang sa negosyo! This wasn't all in my plans!" tila pagmamaktol pa ng dalaga.
"Hmm, look. As I said, you can still do whatever you want even we're married."
"Not at all! Ang gusto nila para akong display lang na accessory sa asawa ko! Hindi ko naman pinangarap na maging housewife lang at magintay sa grasya. I still wanted to pursue my career!"
Natigilan naman si Calvin dahil ramdam niya ang lungkot at galit ni Carly sa nangyayari.
"Look at you, you are already successful on your chosen field. And you actually agreed upon this arrange marriage for your assurance of success."
Tila tinamaan siya sa sinabi ni Carly kung kaya't hindi na siya makapagsalita pa.
"How I wish I could escape this." tila bulong ni Carly ngunit sapat yun para marinig ni Calvin.
Nakatingin sa malayo si Carly at tila nakasimangot. Hindi malaman ni Calvin kung dapat ba siyang maawa rito. Minasdan na lamang niya ito na tila nakokonsensya siya sa pagpayag niya sa kasal nila.
MAKALIPAS ng isang linggo, nakapagsukat na rin ng mga gowns at suits ang mga kasali sa entourage. Napapayag na rin ni Carly ang mga magulang niya na magkakaroon sila ng getaway ng best friend niyang si Aki bilang bachelorette's party niya kung kaya't hindi na ito naghinala pa.
Day 1 of 'Escape getaway'
"Cars? Yung totoo? Wala ka na talagang balak umuwi sa inyo? Magpapakalayo-layo ka na talaga?" pagsita ni Aki ng makita ang mga dalang bagahe ng kaibigan bago sila mag-check in sa airport.
"Exactly! Hindi naman nila napansin yan kasi sabi ko mga pang ootd ko mga dala ko. Saka pang photoshoot ko kako sayo yung ibang damit at props."
Hilig din kasi nitong kumuha ng litrato ng magagandang tanawin at lugar. Minsan ginagawa niya rin modelo doon ang kaibigan dahil tingin niya maganda ito at mas sexy kaysa sa kanya. Nerd type kasi talaga siya hindi gaya ni Aki na less conservative.
"Hmm, pero Cars, kinakabahan pa rin ako sa balak mong ito. Baka masisi ako ng parents mo at parents nung fiancé mo." pagaalala naman ng kaibigan.
"Hindi yan, ano ka ba? Wala ka nga dapat alam di ba? Panindigan mo lang!"
Sa kabilang banda...
"Pre? Ready ka na ba sa bachelor's party mo na hinding hindi mo malilimutan?" tila pagaasar ni Dion ng magpangita silang tatlo sa airport.
"Tss.."
"Don't worry pre, masisiyahan ka dun bago ka man matali sa iisang babae. Malalasap mo muna ang iba't ibang putahe ng langit!" saad pa ni Oscar at nagtawanan naman sila ni Dion na tila nagkakasundo.
"Mga sira ulo! Gusto ko lang mag-unwind hindi magdagdag ng stress." sagot naman ni Calvin sa mga kaibigan at saka inalisan ang mga ito saglit upang magtungo ng banyo. Hindi naman maikubli ang excitement sa mga kaibigan niya at patuloy sa paguusap tungkol sa kanyang party.
Dumiretso nga si Calvin ng restroom at pagkalabas niya ay tila may pamilyar siyang nakita na lumabas din sa kabilang restroom. Si Carly.
Hindi man sigurado, sinundan ni Calvin ito sa paglalakad.
Medyo maraming tao sa airport ngunit sinisikap niyang hindi maiwala sa paningin niya ang sinusundan. Nahaharangan man siya ng ibang dumaraan sa hall, nagmamadali pa rin siyang habulin ito.
Siya nga kaya yun?
Sa isip isip ni Calvin, ngunit bago pa man niya maabutan ito ay naharang na siya ng mga kaibigan.
"Calv? Tara na?" pagharang ni Oscar sa kanya at tila wala naman siyang nagawa na kung hindi huminto sa mga ito. Tinanaw pa niya ito ngunit nawala na sa paningin niya.
Nag-check in na sila sa kani-kanilang airlines dahil halos sabay ang flight nila sa kani-kanilang destinasyon.
Makalipas ng ilang oras, unang nakarating sina Calvin at ang mga kaibigan niya sa Surigao. Kaagad rin sila nasundo ng service patungo sa resort ng kanilang tutuluyan. Habang nasa byahe sila sa van, tila napapaisip si Calvin kung Carly nga ba ang nakita niya kanina. Gustuhin man niyang tanungin ito ngunit nagaalangan siya. Hindi rin naman alam nito kung may byahe din ang dalaga. Winaglit na lamang niya ito sa isipan niya.
"Ay grabe! Sakit ng batok ko!" reklamo ni Aki ng makababa na sila sa eroplano. Narito na rin sila sa destinasyon nila.
"Tara na, ayun na yung van ng resort oh!" pagturo ni Carly sa van na nakaparada sa arrival area.
Kaagad rin sila sumakay doon at nagtungo sa resort. Sa isip ni Carly, ito na ang plano niya, nagaganap na. Hindi na siya maaaring umatras pa.
Pagkarating sa resort ay nagtungo kaagad sila sa kwarto nila ni Aki. Kaagad silang nahiga at mabilis nakatulog si Aki. Habang siya naman ay napatanaw sa kisame ng kwarto at napapaisip.
Hindi naman talaga niya gustong tumakas, ngunit may gusto lamang din siyang gawin bago siya ikasal. Mukhang walang makakapagbago na sa isip ng buong pamilya nila ni Calvin, at kahit si Calvin ay hindi niya makumbinsi. Ayaw rin naman niyang ipahamak ang ama sa gagawin. Sana lang maunawaan siya ng mga ito na hindi pa talaga siya handang magpakasal.
Bumangon siya at dali-daling kinuha ang laptop. Binuksan niya ito at tila chineck ang notes niya. Narito na siya ngayon sa first destination niya, sa Davao del Sur. Dito niya balak umpisahan ang escape getaway niya. Tatlong araw lang ang book nila sa resort, matapos nun ay maghihiwalay na sila ni Aki sa airport. Ito pabalik ng metro, siya ay didiretsong Surigao.
Nag-browse siya ulit at nakita ang listahan niya ng mga bagay na nais niya sanang gawin bago magpakasal. Naroon rin ang mapa at ruta ng mga lugar na nais niyang isa-isahing puntahan.
-Travel with your BFF
-Learn to cook-Face one of your biggest fear-Live alone-Accomplish a goal-Find your drink of choice-Challenge yourself-Make a first move-Take a road trip-Try a nice restaurant by yourself-Live somewhere else-Learn to drive manual-Build something with your own hands-Stay up until sunrise-Learn to fight-Volunteer-Try a new hobby-Apply for your dream job-Have a long conversation with a stranger-Do something crazy and spontaneousYan sana ang mga listahan ng nais niyang gawin bago man lang maikasal.
"Hay.. Ayan, check na itong nasa first list ko." pagngiti pa niya sabay tingin sa kaibigang natutulog muli sa katabing kama.
Kinahapunan ay nagkaayaan naman silang maligo sa beach kung kaya't nagpalit na sila ng kanilang mga swimsuit.Naka-two piece swimsuit si Aki habang one piece ang kay Carly ngunit hubog rito ang balingkinitan niyang katawan dahil namimintog ang kanyang dibdib at pwet habang mas maliit ang kanyang bewang. Si Aki naman ay mas malaman sa kanya ngunit sexy pa rin."Gosh! I forgot to put some sunblock!" reklamo naman ni Aki na napatigil sa paglalakad."Wow ah? Takot kang mangitim? E parang di ka naman tinatalaban nun?""Hindi nga, pero the skin burns are so freaking hurt kaya. Wait, I'll let get my sunblock lang ah?" at dali-dali namang bumalik si Aki sa kwarto nila. Habang dumiretso naman na sa beachfront si Carly at naglatag ng kanilang sapin sa buhangin.Habang nagiintay si Carly kay Aki, nag-browse ito sa phone niya at nag-open ng social media niya. Nag-browse siya saglit roon at napansin ang isang request message sa kanya.*Hey, how are y
"ATTACK!" saad naman ni Aki at sabay na silang kumain ni Carly. Mukhang nasarapan naman sila dahil nanahimik sila sa pagkain nila."Cars, grabe. Ang sarap nito. Magluluto nga ako ng ganito paguwi ko ng Maynila." komento pa ni Aki na wala ng arte sa pagkain dahil parehas sila ngayon nakakamay."Ako nga rin. Mukhang kailangan ko na talagang matuto magluto na.""Oo nga, ikakasal ka na eh."Natigilan naman sila parehas."Oops. Pero for the near future di ba? Saka you wanted to live alone din di ba? Alangang puro ka bili ng food. You must learn how to cook too."Napaisip naman din doon si Carly. "Oo nga noh?"Nagpatuloy na sila sa pagkain at nang matapos ay bumalik na rin sila ng resort."Hay grabe! Sobrang busog ako! Hindi ko yata mag-swimsuit ngayon!" biro pa ni Aki."Okay lang yan, mawawala rin yan.""Palibhasa kasi kahit anong kain mo, ang payat mo eh!""Sexy ka pa rin naman, Aks."Habang nagpapahinga
"KASI I’M NOT really ready yet. There are still some things I wanted to do before got married. And --""Yung bucket list mo?""How did you --""It doesn't matter. Is that so?"Napatungo na lamang si Carly bago mapayuko kasi tila nahihiya siya rito sa dahilan niya ng pagtakas."After you've finished all in your list, will you gonna come back?"Napatingala naman si Carly sa kanya na hindi rin maunawaan ang sinasabi niya."Will you?" tila nagiintay naman si Calvin ng isasagot ni Carly sa kanya."Maybe..." at nagkibit balikat naman ito.Napabuntong hininga naman si Calvin at tila napalibot ng tingin sa kwarto niya."Please, Calvin. Huwag mong sasabihing nakita mo ko dito ah? Promise abswelto ka rin. Kunwari hindi tayo nagkita."Tiningnan lang siya ni Calvin ng medyo seryoso."And why would I do that? Tumakas ka sa sarili nating kasal? Tapos gusto mong tulungan pa kitang makatakas lalo?""Eh
NAGTUNGO NA SILA sa restaurant ng resort nagsimulang mag-order.Napansin ni Carly na merong strawberry cake na nasa menu ng desserts. Nangiti siya ng makita ito."I would like to have the strawberry cake for my dessert." saad nito sa waiter at napatingin sa kanya si Calvin."Okay mam, sir. Thank you. Just a moment.""Natikman mo na yun noh? Kaya nag-text ka sa akin gusto mo na rin yung strawberry cake?" tila pangungulit ni Carly."Hmm, oo.""Hmm.. Okay." pagngisi pa nito at tila nagdududa."So, where's the next destination?" panimula ulit ni Calvin habang nakatingin sa phone niya na tila may binabasa."Huh?"Napatingala sa kanya si Calvin. "Next destination after dito sa Surigao.""Ahh oh? Well.." dinukot din ni Carly ang phone niya na tila may titingnan. "Cebu.""In Cebu? Bakit hindi pa dun ang inuna mo?""Eh di hindi sana tayo nagkita ngayon dito di ba?""Are you following me?""Excus
BAGO PA MAN tuluyang umalis si Calvin ng kwarto ni Carly, tinulungan na niya muna itong tanggalin ang mga tsinelas na nakasuot sa mga braso niya. Inalis niya rin ang salaming suot pa nito. Ngunit ng mapagmasdan niya ang mukha nito, tila may kung anong kaba siyang nadarama. Tila nabibighani siya rito at naaakit na halikan.Ngunit kaagad niya rin napigilan ang sarili at nakabalik sa wisyo. Sa isip niya, kailan pa ba siya huling na-attract sa babae?Sa buong tala ng buhay niya, isang babae lang din ang tunay niyang minahal ngunit pinagpalit siya nito sa ibang lalaki. Simula noon ay nagsumikap na siya sa sarili niya upang maiangat ito. At ngayon nga ay nakakamtan na niya ang lahat ng naisin niya ngunit bakit pakiramdam niya ay hindi pa rin siya masaya?Pero ngayon, tila nakaramdam siya ng saya na hindi na niya maalala kung kailan pa siya nakaramdam nito.Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa magandang mukha ni Carly. Dinampi niya rin ang pisngi nito at bahagy
KAAGAD RIN SILANG pumanik na sa kwarto na tila excited pa si Carly."Uhh haaa! Sa wakas, nakahiga na rin ako sa kama!" pabagsak pang higa ni Carly sa kama.Hindi naman makaimik si Calvin at nilapag lang ang ilang gamit nila sa mesa sa tapat ng kama."Oh? Bakit nandito ka pa?" takang tanong naman ni Carly rito nang maiangat ang ulo niya."This will be my room too." tila walang ganang sagot naman nito sa kanya."Huwat?! Share tayo ng room?""Wala ng ibang kwartong available. Pero nagpasabi naman na ko kung sakaling may mabakante, lilipat na lang ako.""Huwat?!" bumangon naman si Carly at naupo sa kama. "Hoy Calvin ah? Porket ikaw ang gumagastos dito baka gusto mong mag-take advantage na sa akin?!" bintang pa nito sabay yakap sa sarili niya."Tss? Do I have to? Fiancé naman kita eh? Saka hindi ko kailangan mamilit, they come to me willing --""Stop! I don't want to hear how girls running after you! I don't care!" pag
MAKALIPAS ANG ILANG oras na byahe, nakarating na rin sila sa bayan ng Alegria. Kaagad rin sila naghanap ng matutuluyan ngunit gaya sa pinanggalingang bayan, punuan na rin ang mga kwarto sa mga ito."Hay pambihira! Akala ko pa naman abswelto na ko sa pagsama sayo sa iisang kwarto, yun pala ganun din ang eksena natin dito?" tila reklamo pa ni Carly ng pabagsak na maiupo ang sarili sa kama nila."Don't worry, isang gabi lang naman. Bukas aalis rin tayo para magtungo sa sunod na destinasyon mo.""Oo na, oo na! Basta doon ka sa couch ah." pagtataray pa nito."Bakit ako doon? Ako ang nagbayad sa kwartong ito?" reklamo rin ni Calvin dahil sa totoo lang, sa tangkad niya ito ay hindi siya kakasya at magiging komportable sa couch."Ugh? Sumbatan agad? Ang gentleman mo naman ah?""Hindi sa ganun." depensa naman ni Calvin. "Tingnan mo naman? Parang kalahati ko lang ang kasya doon sa couch.""Ah basta!""Ah basta rin!" sabay higa ng padapa
HINDI NAMAN MAKAPANIWALA si Rick sa mga sinabi ni Carly. Napahihilamos siya ng mukha na rito naguguluhan."Was it him?"Napatingin saglit sa kanya si Carly at tumungo na lamang bilang tugon.Tila nangilid naman ang luha ni Rick at nabakas dito ang kalungkutan. Nakaramdam naman ng guilty si Carly dahil rito.Tumungo-tungo naman muna si Rick kay Carly na tila natatanggap na niya ang mga inamin nito."So pinilit ka lang ipakasal sa kanya, tama ba?"Hindi naman malaman ni Carly kung paano ito sasagutin."We can do something about this! You don't have to marry that guy if you don't want to.""What are you saying?"Lumapit si Rick sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Itatakas kita. Akong bahala sayo! Sumama ka na sa akin!""You don't understand, Rick! Hindi yun basta ganun na lamang! Aside sa business related ang marriage na yun, Calvin is --" tila hindi naman niya malaman kung paano ide-describe ito kay Rick.
HINATID NA NILA Carly, Venus at Pio si Calvin sa may airport at nagkakapaalaman na rin sila.Magkayakap lang sina Carly at Calvin na halos ayaw maghiwalay."Susko naman, bakit kaya hindi ka na lang sumama kay sir Calvin eh noh?!" pasaring pa ni Venus na natatawa na lamang sila."Soon, tayo naman ang uuwi ng Manila." sagot na lamang ni Carly sa kaibigan.Paghawak pa ni Calvin sa magkabilang pisngi ni Carly at hinarap ito sa kanya. "I'll be back soon, okay? I can't wait to tell them that we are really getting married.""No! Please don't tell them!" saad naman ni Carly na kinataka ni Calvin. "I want us -- to tell them. After the charity will started, probably it was already summer vacation in school, I will have some time to visit them in Manila. And by then --" paghawak pa ni Carly sa kamay ni Calvin. "Let's tell them, together." at pagngiti niya pa rito.Napangiti na lamang din si Calvin sa kanya sabay halik sa kamay ni Carly kung saan nakasu
"HI, MR. DE PUVILLOS." bati naman ni Ben rito kaya napatingin din ito sa kanya."Hi, Mr. Yu." pormal naman ding bati nito pero hindi ito masama ng tumingin kay Ben."Na -- napadaan ka rin yata?""I missed you already." diretsong sagot nito na nakaramdam naman si Carly ng hiya dahil kaharap pa nila si Ben.Pinandidilatan naman siya ni Carly na tila sinusuway pero nginingitian lang siya ni Calvin na tila nananadya pa."Here, I brought you some breakfast." pagabot pa nito sa naka-takeout ring cup of coffee at paper bag.Pero napansin din ni Carly na may hawak ng ganito si Carly at isang rosas habang hawak din ang sunflower na binigay niya."Well, I think your hands are full." saad naman nito at napansin ni Carly ang pagkadismaya sa reaksyon na nito."Ahm, can you help me put it on my table?" saad naman ni Carly kay Calvin kaya tila nabubuhayan naman na ito.Pilit namang ngumiti si Calvin at tumungo na lamang ito."Ah
HABANG BUSY PA rin sila sa pagaayos ng mga ipamimigay na ayuda, napansin naman ni Ben na tila nangangalay na si Carly dahil kanina pa ito nakatayo sa paglilinis, napapaunat pa ito ng bewang niya kaya kaagad siyang kumuha ng monoblock chair."Carly!"Tila sabay-sabay silang nabigla dahil sabay na lumapit sina Calvin at Ben kay Carly na may dalang mga monobloc chair at inihaya ito sa likuran ni Carly para makaupo. Nawindang naman din si Carly sa pagsulpot nilang dalawa kaya napalingon siya sa mga ito. Nabigla rin sina Calvin at Ben dahil hindi nila inaasahang sabay pa nila itong gagawin kaya nagkatinginan pa sila.Hindi naman malaman ni Carly kung anong gagawin sa dalawang monoblock chairs na nasa harapan niya ngayon."Ah --""Dito ka na maupo.""Sit here!"Sabay pang saad ng dalawa na nagkakatinginan rin dahil sabay silang nagsasalita. Napagsasalitan lang naman sila ni Carly ng tingin."Thank you ah, pero okay lang ako." tila pagt
"PABALIK NA BA si kuya Pio? Tamang-tama makakahigop kayo ng sabaw." saad pa ni Carly habang naghahain sa mesa.Lumapit naman na si Calvin sa kanya sa may mesa. Naupo na ito at hindi malaman kung papaano sasabihin ang katotohanan."Ka -- kamusta ng pakiramdam mo?" pagsapo pa ni Carly sa noo ni Calvin. "Mukhang may lagnat ka pa rin ah? Hmm.. Uminom ka na lang ulit ng gamot pagkatapos mong kumain."Naupo naman na din si Carly sa tabi niya at nagsandok ng egg soup na hinain niya. May toasted bread at mga prutas din siyang hinain.Kumain sila ng tahimik ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay napansin na ni Carly na tila wala pa rin si Pio."Nasaan na si kuya Pio? Akala ko pabalik na siya?" pagkagat pa ni Carly ng tinapay na hawak."Ahm.. He's not coming back.""Hmm?" hindi naman ito makapagsalita dahil sa pagnguya."He said -- he can't come back because of the heavy rain."Tila nabigla naman si Carly sa narinig kaya minada
TULUYANG BUMANGON SI Carly at napalibot ng tingin, halos mapalundag siya sa kinahihigaan ng makita si Calvin na nakaupo at sandal sa pader. Tanging boxer shorts lang ang suot nito at ang tuwalyang nakabalot sa balikat niya. Tila nakatulog ito roon.Dahan-dahan siyang tumayo ngunit nakaramdam pa rin ng sakit ng ulo. Ramdam niya ang malakas na pag-uga ng bangka ngayon kaya sinilip niya sa bintana sa tabi ito at nakitang malakas nga ang ulan sa karagatan.Sinubukan niyang magkondisyon para makatayo ngunit nahihilo pa rin siya dahil na rin sa nangyaring paguntog niya sa pader at nainom na alak. Dahan-dahan naman din siyang punagapang na lang sa sahig ng bangka para makalapit kay Calvin."Calvs? Calvin?!" pagtawag niya dito at tapik sa tuhod nito, ngunit ni hindi siya pinansin nito. "Calvin!" pagtapik pa nitong mabuti sa tuhod ni Calvin ngunit may napansin siya. "Ang init mo ah? Nako! Calvin!"Hirap man ay sinubukan ni Carly na maupo sa tabi ni Calvin at sinap
BAKIT PA KASI nagpakita yung lalaking yun eh? Nakaka-move on na sana ako. Pero teka? Bakit ko ba kailangan mag-move on pa? Hindi naman naging kami? I mean, yes, he's my fiancé, before! But not in a serious matter of relationship, just a pure business! But --Fine! Yes! I admit I liked him, before! But now? I don't know. I'm not sure.I thought it was just a simple admiration like I liked Rick before but -- but I never felt so hurt before the way Calvin did to me.I guess, I'm just still afraid that he would do it again if I trust him again. I'm so afraid that probably in the end, I'll end up the only one who really cares.But he said -- he loves me? Does he really is?"Hay ewan!" yun lamang ang naisigaw ni Carly sa daming pumapasok sa isip niya. Napainom siya ng maraming beer at naubos ang kalahating laman pa nito.Inilapag niya ang bote sa baba niya na katabi ang ilang bote ng beer na naub
"FAVORITE NA NGA ni Hazel at nanang din yun eh." tila nangongonsensya naman si Venus kaya natatawa na lang si Carly at napapailing."Fine." pagpayag naman nito."Yehey! Oh, Pio at sir Calvin ah? Sa bahay na po kayo mag-dinner!" pag-aaya naman ni Venus sa mga ito."Ahm, talaga miss Venus? O -- okay lang na dun kami --""Oo naman, ano ka ba?! Welcome naman kayo dun!" pagsigurado naman nito kay Pio dahil mukhang kinakabahan.Nang bumaba na sila ng sasakyan, bumalandra sa kanila ang wet market malapit sa port. Sinusundan naman nilang lahat si Venus dahil ito ang mas nakakaalam sa lugar.Nagsimula sila mamili at makipagtawaran ni Carly, ngunit kinamangha naman ni Venus na marunong pala makipagtawaran rin si Calvin."Tingnan mo si sir Calvin oh? Parang tatawaran siya nyan eh halatang turista siya." bulong pa ni Venus kay Carly. "Marunong ba pumili ng magandang klase ng isda yan?"Nangingiti naman si Carly sa kaibigan at naiiling na l
TILA HINDI NAMAN makasagot sina Calvin at Pio rito dahil ang pagkakaalam nila Carly at lalo na ni Venus ay nakita lang nila ang charity na ito sa related LGU projects ng probinsya at nagkainteres na suportahan. Wala pa rin ideya si Venus na dahil sa tagal ng sinusundan at minamanmanan nila Pio at Calvin si Carly dahil ito ang nag-runaway bride niya."Alam niyo po, sa lahat ng lugar na napuntahan na ni miss Carly sa buong Pilipinas, iniisip ko pa rin bakit dito sa pinakamalayo at medyo tagong probinsya pa ng Batanes niya napiling manatili ng matagal at heto pa nga, gumagawa siya ng paraan para makatulong sa mga taga rito. " paliwanag pa nito at lahat naman sila ay napatingin kay Carly.Nagkatinginan saglit sina Calvin at Pio ngunit hindi ito pinahalata kay Venus."Ang sabi niya lang sa akin noon, she found her peace, away from those who'd hurt her. Kaya naisip ko talaga, brokenhearted siguro ito kaya naggagala? Lam niyo y
BUMUKAS ANG BINTANA sa may driver's seats at pareho nilang hindi kilala kung sino ang driver na ito."Come on in, I'll take you home!" saad naman bigla ni Calvin ng dumungaw siya sa tabi ng driver."Ay, hi sir Calvin!" natutuwang bati naman ni Venus. "Hello.""Hi." bati rin ni Pio rito.Natatahimik pa rin si Carly at maglalakad na sana padiretso sa motor niya ngunit hinatak siya ni Venus kaya napahinto ito."Oh? Saan ka pupunta? Ihahatid na daw tayo ni sir Calvin oh?""Ikaw na lang, alam mo namang may motor ako di ba?""Ay? Oo nga pala." bumaling naman si Venus sa kotse."Ahm, sir? Hindi na lang po pala kasi --" napapatingin pa ito kay Carly. "Kasi po may motor nga po pala itong si Miss Carly."Napatingin naman si Calvin kay Carly na nakasakay na sa motor niya at handa ng umalis."Sigurado ka ba? Sayang naman hindi ka namin mahahatid." pasaring pa ni Pio na tila natutuwa na makausap si Venus."Ah eh, next t