NANLAKI ANG MGA mata ni Asha nang maramdaman niyang ipinasok nito ang daliri sa loob. Hindi niya alam kung paano nito nagawang ipasok ang kamay sa loob ng kanyang hospital gown. “Tumigil ka na Lawrence…” pakiusap niya rito.Kaya lang ay ang naging reaksyon ng katawan niya ay ibang-iba sa sa lumalabas sa bibig niya. Napakagat-labi siya at halos mapaliyad ng mga oras na iyon dahil sa pagkakiliti lalo na nang marahan nitong tinukso ang bahaging iyon ng pagkababae niya.“Paano ako titigil? E isang haplos lang ng daliri ko ay ganyan na ang reaksyon ng katawan mo…” mahinang sambit nito sa kaniya.“Hindi naman ako robot para walang maramdaman. Hindi rin ako gawa sa bato para maging manhid.” sabi niya rito.Nakita niya naman ang biglang pagngiti ni Lawrence dahil sa sinabi niya bago tuluyan nitong hinaplos ang pinakahiwa niya at dahan-dahang pinaikot sa bukana nito dahilan para mapapikit siya ng mariin at magsimula ring gumalaw ang kanyang katawan.“Law-lawrence… a-anong ginagawa mo?” nauutal
NAPALINGON SILA pareho ni Lawrence sa may pinto nang bumukas iyon. Agad na napuno ng pagkabigla ang kanyang mukha nang makita niya kung sino ang taong pumasok mula roon. “Le-lester?” halos mautal na tanong niya kaagad dito. “A-anong ginagawa mo rito?” tanong niya.Bigla niya tuloy naalala na hindi niya naman sinabi kay Lester kung saang ospital siya mismo naroon kaya paano nito nalaman na nandoon siya? Paano siya nito hinanap? Inisa-isa ba nito ang ospital?“So siya ang tinutukoy mong magiging kapalit ko sa pagbabantay?” malamig na tanong ni Lawrence sa kaniya. Ilang sandali pa ay pabagsak na binitawan nito ang hawak nitong plato sa may tray bago naglakad patungo sa sofa na may hindi maipintang mukha.Naglakad naman palapit si Lester sa kanyang kama at pagkatapos ay puno ng pag-aalalang tiningnan siya. Hindi niya pa nakitang tiningnan siya ni Lawrence ng ganuon, kahit na ito pa ang nagdala sa kanya sa ospital at ang may kasalanan kung bakit siya nasaktan. Hindi niya nakita ang ganuong
HININGAL SIYA pagkatapos niyang sumigaw. Napahawak siya sa kanyang dibdib ng wala sa oras habang naghahabol ng kanyang paghinga. Sabay na lumingon ang mga ito sa kaniya at nakita niyang tinitigan siya ni Lawrence ng malamig bago nagsalita. “Paalisin mo na ang lalaking ito bago pa ako maubusan ng pasensya at hindi makapagtimpi!” galit na usal nito.Pagkatapos nitong sabihin ito ay malakas nitong binitawan ang kwelyo ni Lester na gusot-gusot na ng mga oras na iyon. Bumalik ito sa sofa na kinauupuan nito kanina. Tumigil man ito ngunit malamig pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya habang nakaupo doon.“Aalis ako, pero hindi ngayon na.” sagot naman ni Lester sa sinabi ni Lawrence. Binalingan niya si Lester at tinitigan siya nito. Bigla tuloy siyang nabalot ng kahihiyan dahil sa inasal ni Lawrence sa harapan nito.Nilingon niya ang lalaking nakaupo sa may sofa. “Dinadalaw niya lang naman ako bakit kailangan mo pa siyang itaboy?” tanong niay rito.Inis naman nitong nilingon si Leste
HALOS MALAGLAG ang kanyang panga dahil sa sinabi nito. Gulat na gulat siya dahil hindi niya lubos akalain na sasabihin ni Lawrence iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya rin maiwasang itanong sa kanyang isip kung kailan pa siya nakita ni Lawrence biang fiance nito? Idadag pa na pinagbabawalan na siya nitong ma-involve sa ibang lalaki. Mag-ooverthink na ba siya? Para tuloy gusto na niyang isipin na nagbago na ang ihip ng hangin.“Hindi ko ugaling mag-share sa iba ng laruan ko.” sabi nito sa kaniya. Marahil ay baka nabasa nito ang iniisip niya dahilan para magmdali ito an sabihin iyon para hindi na siya mag-isip pa ng kung ano ano pero mabuti na lang at nilinaw nito iyon sa kaniya para hindi siya umasa.“Hindi pwede ang gusto mo. dehado ako kapag nagkataon.” malamig na sabi niya. Laruan lang pala ang tingin nito sa kaniya o mas tamang sabihin na parausan siya nito. Katawan lang naman niya ang gusto nito at hindi siya. Kung susundin niya lahat ng gusto nito, sa huli ay
BIGLANG NGUMITI si Lawrence bago naglakad para tabihan siya sa kama. Nagulat siya nang bigla na lang itong tumabi sa kaniya bago magsalita na puno ng kumpyansa. “Habang lumalapit ako sayo, nararamdaman kong kinakabahan ka.” sabi nito sa kaniya. “Kaya sigurado ako na palalim pa ng palalim ang nararamdaman mo para sa akin.” dagdag pa nitong sabi.Napakagat labi siya. Alam niya sa sarili niyang totoo ang sinabi nito. Inilagay ni Lawrence ang kamay nito sa baba nito at pagkatapos ay yumuko. “Wala kang ibang dapat na mahalin kundi tanging ako lang at wala ng iba pa.” sabi nito sa malamig na boses.Iniiwas niya ang kanyang mukha rito. “Gu-gusto ko ng humiga at magpahinga.” sabi niya rito. Mabuti na lang at hindi naman siya nito ginulo at tumayo mula sa pagkakahiga nito sa kama. Nakita niyang naglakad ito patungo sa balkonahe at naglabas ng sigarilyo at nagsindi nito.Pumikit siya at nagkunwaring natutulog pero sa totoo lang ay hindi naman talaga siya inaantok pa. Ang kanyang isip ay punong-
ISA NAISIP NIYA rin na totoo rin naman ang sinabi nito sa kaniya na bakit naman nito pakikialaman ang kanyang cellphone, idagdag pa na may password naman iyon at alam niya na hindi nito alam iyon. Hindi niya nai-blocked niya ito kagabi dahil sa pagbabanta ni Lawrence sa kaniya at hindi lang niya maalala?Ilang sandali pa ay bigla niyang nilingon itong muli. “Nagugutom ka ba? Gusto mo bang mag-order ng pagkain?” tanong niya rito dahil baka mamaya ay hindi pa ito kumakain.Sinulyapan siya nito ng matalim. “Tumahimik ka nga, hindi mo ba nakikitang nagtatrabaho ako?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Nag-aalala lang ako sayo…” mahinang sabi niya dahil sa likod nun ay sobra siyang nasaktan sa totoo lang. Iniisip niya lang naman ito pero parang siya pa ang naging masama. Pwede naman itong tumanggi sa maayos na paraan hindi katulad ng ganun.“Huwag mo na akong alalahanin pa dahil ayoko.” walang pusong sabi nito sa kaniya.Itinikom na lamang niya ang kanyang bibig dahil wala na siyang ibang
NAWALAN ng kulay ang mukha ni Asha nang ituloy pa rin ni Lawrence na hubarin ang polo nito sa kabila nang pagsasabi niya na mayroon siyang regla rito. Hindi niya akalain na hindi gagana ang palusot niyang iyon dito. Mas lalo pa tuloy siyang kinabahan ng wala sa oras. Tiyak na parurusahan talaga siya nito kapag nalaman nitong nagsisinungaling lang siya. Napalunok siya at tumitig dito. “Hindi ba mas maganda na hintayin mo na lang munang matapos ang regla ko?” tanong niya rito.Malamig siya nitong sinulyapan. “Hindi ba sinabi ko sayo na may condom naman ako?” tanong nito sa kaniya.Natigilan siya at nataranta. Seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito? Gagawin talaga nito iyon? Pero… “paano kung tumulo yung dugo sa bedsheet?” tanong niya ulit dito, umaasa na baka sakaling magbago ang isip nito. Kaya lang ay iritado itong napatingin sa kaniya.“Napaka-simple ng problema mo.” may bahid nang inis na sabi nito. “E di kapag narumihan ay pwede namang palitan ang bedsheet.”Hindi na lang siya naka
IBINUKA NIYA ang kanyang bibig upang humanap ng tamang salita upang sabihin dito ang totoo. Kahit na anong sabihin niya rito ay tiyak na magagalit pa rin naman ito sa kaniya. “Ah, kasi… kasi…” hindi siya makahanap ng tamang salita para sabihin dito ang totoo.“Ganito ba talaga ang kulay ng regla mo?” galit na tanong nito sa kaniya habang inilapit sa kanyang mukha ang daliri nitong may madulas na likido ngunit walang kulay.Napalunok siya. “Hindi.” sagot niya rito.“Kung ganun ay ibig sabihin ay nagsinungaling ka sa akin? Ganun ba ha?!” bigla nitong sigaw sa kaniya na umalingawngaw sa loob ng silid nito. Hindi niya napigilang mapapikit ng mariin dahil sa matinding gulat. Idagdag pa na nabalot ng matinding takot ang kanyang katawan.“Pa-pasensya na. Nagkamali yata ako. Akala ko kasi ay meron na. Hindi ko sinasadya.” tuloy-tuloy na sabi niya. Hinihiling na sana ay paniwalaan siya nito kahit na alam niya na malabo iyon.“Hindi mo sinasadya? Talaga ba huh?! Ako pa ang lolokohin mo? Napaka-
DAHIL SA NAGING sagot niya ay bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kaniya. Huminto ito sa harapan niya at tinitigan siya gamit ang malalamig nitong mga mata. “Baka nakakalimutan mo na, naging masaya ka noong mga panahong iyon at higit sa lahat ay nagustuhan mo rin ang mga nangyari sa pagitan natin.” sabi nito sa kaniya.Agad na napakuyom ang kanyang mga palad dahil sa sinabi nito. “Kung ang tinutukoy mo ay ang mapipilit mo sa akin at dahil sa ginawa mo akong parausan ay hindi ako masaya at hinding-hindi ako naging masaya. Hindi mo naaalala yung mga sinabi ko sayo? Sa tingin mo ba ay matutuwa ako sa bagay na nayuyurakan ang pagkatao ko?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Para bang nag-iisip ito o kung natamaan man lang ba ito sa mga sinabi niya, ngunit syempre ay napaka-imposibleng mangyari ng bagay na iyon dahil ang mga taong katulad ni Lawrence ay masyadong walang puso at hinding-hindi maa
HINDI NA NIYA mahintay pa ang araw na aalis si Lawrence at pupunta ng Taiwan. Kapag umalis ito ay paniguradong magiging malaya na siya at magiging tahimik na ang buhay niya. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kanyang likod kung saan ay nakita niya na paalis na ang kotse ni Lawrence dahilan para mapabuntong-hininga na lang siya.Tahimik siyang naglakad papasok ng campus at pagkatapos ay dali-daling hinubad ang coat na ipinasuot sa kanya ni Lawrence. Sa tingin ba talaga nito ay susundin niya ang utos nito sa kaniya? Nagbago na siya. Hindi na siya yung dating ASha na kilala nito.“Uyy…” napahawak siya sa kanyang dibdib sa matinding gulat nang bigla na lang sumulpot si Lester sa kung saan.“Aatakihin naman ako sa puso sayo.” sabi niya at naghahabol ng paghinga.Napakamot naman ito kaagad sa ulo nito at bahagyang ngumiti sa kaniya. “Sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka.” sabi nito sa kaniya.Tiningnan niya ito. “Wala ka bang klase?” tanong niya rito. Hindi niya kasi ito kaklase sa iba
NAPATIGIL SIYA SA PAGSASANDOK nang marinig niya ang mga yabag na tumigil hindi kalayuan sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Lawrence na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya habang salubong na salubong ang mga kilay. “Ano yan? Papasok ka ba talaga sa paaralan o mang-aakit lang ng mga lalaki?” puno ng panunuyang tanong nito sa kaniya.Tumaas naman ang sulok ng labi niya. Sa halip na maapektuhan sa sinabi nito ay tinaasan niya ito ng kanyang kila. “E ano naman kung may balak akong mang-akit sa paaralan? Masama ba?” walang pake na tanong niya rito.Naging matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Balak mo ba talaga na i-provoke ako?” malamig na tanong nito sa kanya.“Hindi naman. Ano ba kasing pakialam mo sa pananamit ko?” kaswal na tanong niya rito. Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong nito. Sa halip ay mas lalo pang gumuhit ang galit sa mukha nito.Napakuyom ang mga kamay nito. “Wala akong pakialam! Magpalit ka ng damit mo!” biglang sigaw nito sa kaniya na umalin
NAGLAKAD SIYA PAPALAYO roon nang hindi lumilingon. Ang katulad nitong adik na adik sa s3x ay dapat lang na mangyari iyon sa kaniya. Mas mainam pa nga kung mabugbog ang partying iyon ng katawan niya upang tuluyan niya nang hindi magamit pa. Naglakad siya pabalik patungo sa dalawa. Umupo siya sa tabi ni Adam na para bang walang nangyari bago niya inilibot ang kanyang paningin at nagtanong. “Saan nagpunta si Lawrence?” tanong niya na para bang hindi niya alam kung nasaan ito para lang mapagkatakpan na sumunod ito sa kaniya.Nagkibit-balikat lang naman si Adam at maging si Luke. “ewan, bigla na lang siyang umalis e. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta.” parehong sagot ng mga ito.Iginala niya ang paningin sa kanyang paligid nang mapansin niya na wala an ang mga babae kanina. Kumunot ang noo niya nang magtanong. “Nasaan na ang mga babaeng iyon kanina?”“Pinuwi ko na.” sagot ni Luke at biglang tumingin ito sa kaniya. Ang mga titig nito ay para bang may kakaiba dahilan para mag-iwas siy
NAGULAT SIYA NANG bigla na lang may humawak sa kanyang braso at itinulak siya papasok ng banyo bago pa man siya makapasok sa loob. Nang makita niya ito ay agad na napakunot ang kanyang noo. “Ba-bakit ka pumasok dito?” gulat na tanong niya rito. Hindi niya akalain na susundan siya nito.“Bakit mo sinabi ang mga iyon ha? Ano bang gusto mong patunayan?” galit na tanong nito sa kaniya.“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Adam kanina?” tanong nito sa kaniya.“Ano naman ngayon? Anong pakialam ko ngayon doon?” walang emosyon na tanong niya rito. Sinalubong niya ang mga mata nito ng walang katakot-takot.“Talaga bang sinusubukan mo ako ha? Ayaw mo bang patunayan o subukan man lang kung totoo nga yung sinabi niya kanina?” nanghahamong tanong nito sa kaniya.“Hindi ako interesado. Lumabas ka na rito.” malamig na sabi niya rito pero nakatayo pa rin doon si Lawrence at walang kagalaw-galaw. Nakatingin lang ito sa kaniya.Nagulat siya nang bigla na lang nitong ipinulupot ang kamay nito sa beywang n
BAHAGYA itong natawa dahil sa sinabi niya at tumitig sa kaniya. “Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay na bumalik ka? Sa tingin mo ba talaga ay ganun-ganun lang iyon?” may nakakatakot na ngiti sa mga labi nito.“Ano bang ginawa ko sayo para gawin mo sa akin ito ha? Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi na ako ulit magpapauto sayo!” inis na bulalas niya.Mas lalo pa naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay inilapit ang mukha sa kaniya bago nagsalita sa mahinang boses. “Huwag ka ng magmatigas pa kung ako sayo. Nakikipag-usap ako sayo ng matiwasay kaya huwag mo sana akong galitin. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na kahit pa anong gawin mo ay hinding-hindi kita bibitawan, hindi mo pa rin ba iyon naiintindihan?” tanong nito sa kaniya.Hindi na lang siya sumagot. Kaysa makipagtalo pa siya rito ay pinili na lang niyang tumalikod at naglakad palayo mula dito. Pero habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niyang nakasunod ito ng tingin sa kaniya. Kung ganito at ganito ang ga
NGUMITI ITO SA kaniya pagkalipas ng ilang sandali. “Kahit na ano pa ang gusto mong isuot ay hindi kita pipigilan hija lalo pa at kung iyon naman ang ikakasaya mo.” sabi nito at ngumiti ng matamis sa kaniya. “Masaya ako na nakabalik ka na rito.” dagdag pa nito.Ngumiti lang din naman siya rito at pagkatapos ay para bang bigla itong may naalala. “Ay siya nga pala, naghanda si sir Lawrence ng isang welcome party para sayo kanina pang umaga. Halika tingnan mo.” excited na sabi nito sa kaniya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Si Lawrence po?” hindi makapaniwala niyang tanong.Nilingon siya nito at mas lumawak pa ang pagkakangiti. “Oo naku, nung nalaman niya na uuwi ka ay naghanda na siya kaagad ng welcome party para sayo. Nakakatuwa nga e.” masayang sabi nito sa kaniya.Napaawang na lang ang labi ni Asha nang marinig niya ang sinabi ni Manang Selya. Marahil ay hindi iniisip ni Manang Selya na walang kakaiba kay Lawrence kaya ginawa nito iyon ngunit siya sa sarili niya alam niya na may b
MATULIN NA LUMIPAS ang araw at dumating na nga ang takdang oras ng pagbalik niya sa bansa. Inihanda na niya ang kanyang mga gamit at pagkatapos ay malungkot na iginala ang kanyang tingin sa loob ng silid. Nalulungkot siyang umalis dahil ayaw niya pa sana talagang umalis ngunit kailangan na. Nagulat na lang siya nang bigla na lang may nagsalita mula sa pinto. “Tapos ka na bang mag-ayos? Baka mahuli ka sa flight mo.”Nang lumingon siya sa pinto ay nakita niya si Don Lucio na nakatayo doon. Nag-presinta ito na ihatid siya sa airport kaya lang ay tumanggi siya dahil alam niya na kailangan nitong magpahinga. Sinabi na lang niya na sabay sila ni Lester na babalik kaya hindi na siya nito dapat pang ihatid pa.Ngumiti siya rito. “Tapos na po.” may halong lungkot na sabi niya. Hindi pa man siya nakakaalis ay nalulungkot na siya. Paano na lang kung nandoon na siya? Hindi kaya siya manibago?“Ah, tungkol nga pala sa pakiusap mo. ipagbibilin ko sa mga tauhan ko na hanapan ka ng maayos na condo.”
PAG-UWI NI Asha ay tinitigan niya ang mga maleta niyang nakahanda na sa gilid ng kama. Napaupo na lang siya ng wala sa oras at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Malapit na naman siyang bumalik ng bansa at kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya sanang umuwi muna. Kaso ay hindi pwede.Yung nandito na nga siya sa malayo ay nagagawa pa rin ni Lawrence na gumawa ng paraan para lang mapahirapan siya at talagang hindi siya nito tinigilan sa mga banta nito sa kaniya at kung babalik siya ng bansa, ano na lang ang naghihintay sa kaniya kung sakali lalo na at naroon pa rin ito? Ayaw niya sana itong makita o ni makasalamuha na ngunit kapag iniwasan niya naman ito ay baka sabihin nito na natatakot siya. Napakuyom ang kanyang mga kamay, hindi na siya papayag pa na yurakan pa nitong muli ang pagkatao niya.~~~~MAKALIPAS ANG isang linggo, umupo si Asha sa may kama at isa-isa nang isinisilid sa kanyang maleta ang mga damit niya. Mabigat ang loob niya habang inaayos ang damit niya da