Share

Chapter 56.💜

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2023-12-18 22:03:00
[Tyler pov]

Sinabi sa akin ni Trevor ang lahat ng mga sinabi at ginagawa sa kanya ni Suzy. Galit na galit ako. Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang anak ko laban sa step-sister ko. Kung hindi pa nangyari ang gulong ito ay hindi ko malalaman ang lahat. Mabuti pa si Fiona ay nagawang protektahan ang anak namin ni Maya.

Malaking pagkakamali talaga na hinayaan ko pa na bumalik si Suzy sa mansion na ito. Kapag naaalala ko ang sinabi nito kanina lang ay hindi ko mapigilan ang lalong magalit. Hindi na talaga ito magbabago pa.

Hindi ko pinakinggan ang pagmamakaawa ni Suzy, hindi ako naniniwala na hindi na nito uulitin ang ginawa. Dapat ay noon pa lang ay alam ko na iyon at hindi ito hinayaan na tumunton pa sa pamamahay ko. Nang tuluyan ng mapalayas si Suzy ay ipinatawag ko si Fiona sa library para kausapin.

Habang magkaharap kami ay nababakas ko sa kanyang mukha ang pangamba at takot. May tumulo pang butil ng pawis mula sa noo nito, halatang pinanlalamigan ito sa takot. Hindi ko ito mas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 57.💜

    [Tyler pov]Kinabukasan ay nakita ko si Fiona na nakangiti habang inaalagaan ang anak ko. Parang hindi ito nanggaling sa paghihirap kagabi. May ngiti ito habang nakikipag usap sa anak kong si Trevor. Bawat galaw ng kanyang labi, tawa niya, boses at lahat ng galaw niya ay nagpapaalala sa akin kay Maya.Malinaw ang mata ko… Damn! Alam kong walang mali sa paningin ko, pero hindi ko alam kung bakit kakaiba ang tingin ko kay Fiona… hindi siya pangit sa paningin ko kahit noong una ko pa lang siyang nakita. I saw her as a normal woman just like others. Ang hindi ko maintindihan ay habang dumadaan ang mga araw ay gumaganda ang tingin ko sa kanya.Iniwas ko ang mata ko sa kanya ng tumalikod siya sa bandang gawi ko. Suot ni Fiona ang binili kong pulang bestida. Dahil sa tingin ko ay magka- size sila ni Maya ng katawan ay size ng asawa ko ang pinili ko para sa kanya.Ngayon suot ni Fiona ang binili kong bestida ay masasabi ko na hindi lamang sila magka- size… para silang iisang tao lang ni Maya.

    Huling Na-update : 2023-12-19
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 58.💜

    “Maya/Fiona pov]Lumuluha na bumalik ako sa kwarto at mahinang inuntog ang ulo sa pinto. “Ang tan6a mo, Fiona. Bakit mo naman inisip na galing kay sir Tyler ang bestidang ‘yan! Ayan tuloy, napahiya ka!” kausap ko sa sarili ko. Buong akala ko ay kay sir Tyler galing ang suot kong pulang bestida ngayon. Sobrang saya ko pa dahil nakatanggap ako ng ganito kagandang bestida, at galing pa sa lalaking lihim kong mahal, pero hindi pala ito galing sa kanya. Nag alala lang si sir Tyler sa akin ay umasa na agad ako. Ngayon tuloy ay nasasaktan ako. Bakit ba kasi umaasa ang pangit na gaya ko na kahit kaunti ay mapapansin ako ni sir. Alam ko naman na malabong mangyari ‘yo pero heto at nagpapakatan6a ako. Pinapaniwala ko ang sarili ko na baka may chance ako. Nakakahiya, lalo pa’t nakita at narinig ng mga kaibigan nito ang sinabi ko.Tuwing sumasakit ang ulo ko at nakakakita ng mga malalabong imahe at nakakarinig ng samo’t saring boses ay palagi kong naririnig ang boses ni sir. Sa tingin ko ay kaya

    Huling Na-update : 2023-12-19
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 59.💜

    HINDI maalis ang tingin nina Berta, Mae, at Vanjie kay Fiona na abala sa pakikipaglaro kay Trevor. Bawat kilos ni Fiona ay nakamasid silang tatlo. At sa bawat kilos ng dalaga ay lalo lang nilang nakikita rito si Maya. Parehong-pareho ang dalawa!“Paano kung mali tayo ng hinala, aling Berta? Paano kung hindi naman talaga siya si Maya at nagkataon lang talaga ang lahat?” May pag aalala sa boses na tanong ni Mae. “Hindi natin malalaman kung hindi natin aalamin, Mae.” Ani Berta. “Hindi ba’t nakapagtataka na sa dinami-dami ng namasukan rito para maging yaya ni Trevor ay siya lang ang nagustuhan nito? Saka napansin niyo naman hindi ba, mula sa kilos, pananalita, hubog ng katawan, kulay ng mata, lahat ay parehong-pareho sila ni Maya.” Tumango-tango ang dalawa sa sinabi ni Berta. Alam na alam ni Berta ang lahat kay Maya dahil halos ito na ang nagpalaki rito ng mawala si Maria. Itinuring niya itong isang parang tunay na apo. “Tama ka, aling Berta. Hindi natin malalaman kung wala tayong gaga

    Huling Na-update : 2023-12-20
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 60.💜

    [Maya/Fiona] Nahihiwagaan ako sa kinikilos nila aling Berta, ate Mae at Vanjie. Panay kasi ang yakap nila sa akin. At halos magtatalon sila sa tuwa ng sabihin ko sa kanila ang tungkol sa mga boses na naririnig ko at imahe na malabo sa panaginip ko. Ang nakakapagtaka pa ay nag iyakan sila ng sabihin ko sa kanila na lumilitaw sa isip ko ang imahe ng isang lalaki na kaboses ni sir Tyler. “Sasabihin ba natin kay sir ang tungkol sa nalaman natin?” Agad akong sumandal sa gilid ng pader at nagtago. Naririnig kong nag uusap sina ate Mae at aling Berta. Gabi na ngayon at umuwi na si Vanjie. “Wala tayong sasabihin kay sir, Mae. Walang kasiguraduhan kung paniniwalaan niya tayo. Baka mamaya ay pag isipan niya tayo ng masama. Paano kung isipin niya na nagsisinungaling tayo at kasabwat natin siya? Baka imbis makatulong ay mapasama pa ang lagay niya rito sa mansion. Hintayin na lang natin na siya mismo ang makaalala ng lahat.” ‘Sino kaya ang pinag uusapan nila?’ Isip-isip ko. “Pero, aling Berta

    Huling Na-update : 2023-12-20
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 61.💜

    [Maya//Fiona]Ginawa ko ang lahat para iwasan si sir Tyler. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko kaya magsinungaling kapag kaharap ko siya. Hindi ko matagalan ang klase ng tingin niya, nakakatunaw.Narito kami ngayon nila aling Berta at ate Mae sa isang Department Store dahil may bibilhin kami. Tuwang-tuwa kaming tatlo dahil binigyan kami ni sir Tyler ng pang shopping namin. Ang sabi pa nito ay para daw malibang kaming tatlo. Hindi lang naman kami ang binigyan ni sir, maging ang lahat, ‘yon nga lang ay hindi kami pwede sabay na mag-day off kaya naman sa susunod na araw na ang iba. Ang totoo ay sa palengke lang namin mamili para mas makamura, pero hindi pumayag ang amo namin.Nawili ako sa pagpili ng mga pabango para kay lola Felly kaya naman hindi ko namalayan na napalayo na ako sa kanila. Natuon ang atensyon ng lahat sa malakas na boses ng isang babae. “Ano ang ginagawa ng dalawang muchacha rito? Aba, wala bang nakapagsabi sa inyo na bawal ang malansang isda rito?”Habang lumala

    Huling Na-update : 2023-12-20
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 62.💜

    [Maya pov]Masaya akong sinalubong ni lola Felly at kuya Gordon. Akala ko ay hindi ako papayagan ni sir Tyler ng magpaalam ako sa kanya, kaya laking gulat ko ng payagan na nga niya ako, binigyan niya pa ako ng pera para daw may ibigay ako sa pamilya ko. Hindi ko tinanggap ang pera, may malaki pa kasi akong utang na hindi nababayaran, pero hindi ito pumayag.Hindi lang gwapo si sir Tyler, napakabait pa nito. ‘Yon ang napatunayan ko bawat araw habang nasa mansion ako.Kinuha ni kuya Gordon ang kamay ko at nilagyan ito ng pera. “Pasensya ka na, Fiona, ha. ‘Yan lang ang naipon ko simula ng umalis ka. Maliit lang ‘yan pero sana ay makatulong.” Nagpasalamat ako sa kanya, hindi ito maliit na tulong, para sa akin ay malaking tulong na ito para mabawasan ang utang ko kay sir. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ako magbabayad. Hindi naman kasi biro ang halagang isang milyon. “Kamusta na ang kalagayan mo, Fiona? May naaalala ka na ba?” Umiling ako sa pinsan ko. “Wala pa, kuya Gordon. Pe

    Huling Na-update : 2023-12-21
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 63.💜

    [Tyler pov]Hindi maalis ang ngiti ko sa labi sa tuwing maaalala ko ang reaksyon kanina ni Fiona ng tuksuhin ito ni Trevor. Loko-loko din ‘tong anak ko. Ano ba ang nakain nito at nagsabi ng gano’n.Eh ako, ano ang nakain ko at bigla-bigla ay natutuwa ako ng ganito sa ibang babae?Alam ko naman na hindi siya si Maya at magkaboses lang sila, pero sa tuwing magsasalita siya at kikilos ay ang asawa ko talaga ang nakikita ko.Damn!Muntik ko ng isipin na hindi panaginip ang naganap no’ng nakaraan sa akin. Iniisip ko pa na baka totoong nangyari ‘yon. Na baka inakala kong si Maya ay si Fiona at nagniig kami. Ang gag0 ko dahil nagawa kong isipin ‘yon at magtaksil sa isip ko kasama ang ibang babae.But why I have this feeling that is was all true? Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init ng hubad naming katawan habang kami ay nag iisa?Fvck! Kailangan ko itong iligo dahil kung ano-ano na naman ang mga eksenang nakikita ko. Pero nakaligo na ako ay hindi nawala ang init ng katawan ko. Damn!

    Huling Na-update : 2023-12-21
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 64.💜

    [Maya pov]Ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko man nasabi kay sir Tyler ng direkta ang nararamdaman ko ay naiparamdam ko naman iyon sa kanya. Alam ko na kapangahasan ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Inasahan ko na baka itulak niya ako, pero hindi… hinayaan niya ako, kaya naman ang saya ko.Biglang sumulpot si aling Berta sa harapan ko at hinila ako sa kamay. Hinila niya ako hanggang sa labas kung nasaan si sir Tyler habang may kausap na dalawang matanda. “Hindi mo man lang ba kami patutuluyin, Mr. Montemayor?” Tanong ng may edad na lalaki. Sa kabila ng katandaan ay matikas pa rin ang pangangatawan nito. Ewan ko ba pero katulad ng naramdaman ko ng makita ko si Hannah at Suzy ay hindi ko rin gusto ang dalawang matandang ito.“Walang espasyo ang taong katulad niyo sa loob ng pamamahay ko, Mr. Gustin. Ano na naman ang ipapakiusap niyo sa akin ngayon?” Bumaling si sir Tyler sa matandang babae. “Well, what ever it is save it because I don’t want to hear it. Makakaalis na kayo.”Lumuhod an

    Huling Na-update : 2023-12-22

Pinakabagong kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 154.💙

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 153. 💙

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 152. 💙

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala na…“Karla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 151. 💙

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 150. 💙

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 149. 💙

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. “Teka, saan ka ba nagtatrabaho?” Tanong sa akin ni Jelay. “Para madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?” Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayro’ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 148. 💙

    (Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.“Ma’am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?” Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. “Opo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.” Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.“Ma’am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na ‘yan at iisang angkan lang… ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na ri’yan nakatira ang kaibigan mo.” “Hon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?” Agad na tumango ako. “Oo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayro’ng record si Jelay doon.

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 147. 💙

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.“Clare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. “Hi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. “Pasa sa akin ba ang mga bulaklak na ‘yan?”“Bakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng ‘yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.“Sinong Bane?” Tanong ni Clare. “Ah, siya ba ‘yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na ‘to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. “Si Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 146. 💙

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

DMCA.com Protection Status