Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Ella, habang papalapit nang papalapit ang mukha ni Tony sa mukha niya.
“Nakikilala mo na ako?” Halos pabulong na naitanong niya.
Ibig niyang matiyak na alam ng hahalik sa kanya na siya si Ella Caprichosa. Na tiyak nito sa isip at sa puso na ang hahagkan nito ay ang asawang pinakasalan, at hindi ang kung sino man na nasa lumang alaala nito at naiwan doon, kahit ang lahat ng iba pang mga alaala ay nabura na.
Natitigilang tumitig sa mukha niya ang lalake. Wari ay kinikilala siyang mabuti.
“Naalala mo na ako, ‘di ba? Ako ng iyong Sweet Baby Ella. Ang babaing iyong pinakasalan… asawa mo!”
Marahang binitawan ni Tony ang magkabilang pisngi niya, na hawak nito nang dalawang kamay. Umatras sa pagkakaupo. Laglag ang mga balikat na yumuko. Wari ay pagod na pagod itong naghahangad na makapagpahinga. Umatras. Nahiga. Ipinatong ang kaliwang braso sa n
Alumpihit na si Amanda sa pag-aalala sa kalagayan ni Senyor Gaspar. Nami-miss na niya ang masayang mga pagbibiro at pagpapatawa nito sa kanya. Gustung-gusto niyang marinig ang masiglang tinig nito na laging may positibong pagpapaalala sa kanya.Halos ay mapudpod na ang suot niyang tsinelas sa kapaparoo’t parito sa kanyang silid tulugan. Hindi niya madesisyunan kung tatawagan o hindi ang lalaking nasa kanyang damdamin at isipan.May ilang linggo na ring ni hindi siya tinawagan, para kumustahin man lang ng kanyang masugid na manliligaw.“Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Maysakit kaya siya?“ Paulit-ulit niyang tanong sa hangin.Tiningnan niya ang kanyang cellphone na kanina pa niya hawak. Pinindot iyon upang lumitaw ang pangalan ng kanyang mga contact.Nasa “special friend” ang pangalang Gas Sandoval.Maraming sandali na ang lumilipas mula ng isipin niyang kanyang tatawagan ang numero
KRIIIINNNGGG…KRRRIINGGGG…KRRIIINNNGG…Paulit -ulit ang halos walang tigil na pag-iingay ng telepono ni Senyor Gaspar, ngunit hindi ito naririnig ng Senyor na naliligo sa banyo. Nais niyang maging malinis na malinis at maayos na maayos sa pagharap kay Amanda.Nakatigil na sa pagkiriring ang phone nang lumabas ng paliguan ang lalake. Mabiis na nag-ayos. Tiniyak na presentable siya sa magiging paghaharap nila ng babaing kanyang nililigawan. Pumasok sa kanyang walk in closet at pinili ang pinakasimpleng polo at pantalon na naroon.Ilang sandali pa’y nagmamaneho na ito, excited at ang ibig ay makarating agad sa hotel na kinaroroonan ni Amanda Madrid.KRRIIINNGGG…KRRIINNNGG…KRRRIINNGG…Nag-iingay na naman ang kanyang telepono na naiwan niya sa ibabaw ng kanyang kama.…….Iritang-irita si Sophie.“Hindi sinasagot ni Senyor Gaspar ang kanyan
Biglang kumislap ang brilyanteng nasa singsing na suot ni Amanda, nang tamaan ito ng liwanag, na bahagyang ikinasilaw ni Victor.“Wow, ang laking brilyante n’yan,” nasambit niya na hindi naiwasan ang mapatingin sa daliri ng ina, “siguradong mahal ‘yan.”Hindi nagsalita, buong kasiyahang pinagmasdan ni Amanda ang suot na singsing.Nakaramdam ng paghinala si Victor.“Engagement ring ba ‘yan, Ma?” Tanong niya na may kahalong kaba.Hindi agad sumagot ang ina. Sinalubong ng tingin ang nagtatanong na anak.Nakakunot ang noo ng anak niya. Nasa mga mata ang hindi naitagong sama ng loob. Ang sakit ng damdamin.Nag-alala si Amanda. Paano kung hindi siya payagan ni Victor na mag-asawang muli? Kung ayawan nito ang pakikipagrelasyon niya kay Senyor Gaspar?Nabura ang kasiyahang nasa kanyang mukha. Nawala ang ngiting, yumuko ito at muling pinagmasdan ang singsi
Nararamdaman ni Victor na may gulong magaganap. Na may namumuong bagyo sa pagitan nila ng babaing dinalaw.Ramdam na niya ang kumukulong galit ni Sophie na parang kumukulong lava ng bulkang nagbabantang sumabog ano mang sandali.Agad niyang iniabot ang box of chocolates at mga roses na pasalubong niya sa katipan, umaasang mapipigil noon ang nagbabantang pagsabog ng bulkan.Hindi kinuha ni Sophie ang kanyang iniaabot. Sa halip ay humalukipkip at tumalikod ito sa kanya.Lalo ng kinabahan ang binatang nagsimulang mag-isip kung ano ang kasalanang kanyang nagawa sa nobyang animo bagyong nag-iipon ng lakas.Sinubukan niya ang magbiro. Nagbabakasakaling mapangiti man lang ang kasintahan.“Full moon ba ngayon? Bakit tila yata lalabas ang wolf personality mo, Babe.”Hindi pinansin ni Sophie ang kanyang pagbibiro. Nanatili itong nakatalikod sa kanya at nakahalukipkip.“Hindi mo man lang ba ak
Maraming ulit nang napasyalan ni Senyor Gaspar at Amanda ang Underground River na ‘yon sa Puerto Princesa, na tinatawag ding Puerto Princesa Subterranean River, kung saan matatagpuan ang kahanga-hangang formations ng stalactites and stalagmites., nang hindi sila magkasama.Maraming pagkakataon nang ipinasyal ni Amanda doon ang kanyang mga naging kakilala at mga kaibigan. Nagmimistula siyang tourist guide ng mga kamag-anak na dumadalaw sa kanya sa Palawan, na nagnanais makiita ang ganda ng Underground River ng Puerto Princesa. Hindi nawawala ang kanyang paghanga sa lugar sa iyon, lalo pa at idini-describe niya ang bawat bahagi at sulok ng lugar na iyon sa kung sino mang kasama niya.Ngunit higit na bukas ang mga mata niya ng mga sandaling iyon, habang katabi niya sa Bangka ang kanyang fiancé. Kakaibang ganda ang namamasid niya sa bawat mga halaman at bulaklak na kanyang nakikita. Mas overwhelmed siya sa nagtataasang mga puno, mga
Hindi inaasahan ni Amanda ang pagdating ni Victor at Sophie. Masayang sinalubong niya ang mga ito, na masayang, sabay na humalik sa magkabila niyang pisngi.Ano’ng mabuting hangin ang nagtaboy sa inyo dito sa Palawan?” Tanong ni Amanda sa dalawa.“Hihingin na daw ni Sophie ang kamay ko sa inyo, Ma.” Pagbibiro ng kanyang anak.“Ganoon ba? Ano naman ang maio-offer niyang dowry?” Ganting biro ng ina.“Hindi po, Ma’am Amanda,” singit ni Sophie sa pag-uusap ng mag-ina, “kukunin ko lang po ‘yong kotseng pangarera ni Victor. ‘Yung Mustang na pula.”Nagtawa si Amanda.“Malabong mangyari ‘yan,” saad niya, “kunin mo na ang lahat ng pag-aari niyan, pero huwag-huwag mong gagalawin ang kanyang mustang at tiyak na magkakagulo.”Sumunod ang dalawa kay Amanda nang pumasok ito ng kabahayan. Nagpatuloy sa masayang pag-
Ang pamamanhikan ay isang kaugaliang Pilipino. Ito ay ang paghingi ng permiso ng mga magulang ng lalake sa mga magulang babae sa pagpapakasal ng magkasintahan.Awkward ang pakiramdam ni Tony sa pagkakataong iyon, na siyang anak ni Senyor Gaspar ang siyang makikipag-usap para sa ama, upang hingin ang kapahintulutan ni Victor na mapakasalan ng papa niya ang mama nito.Lumunok muna siya bago nagsalita.“Isang magandang kaugalian natin ang pamamanhikan,” pahayag ni Tony, “but the truth of the matter is, I feel awkward, na akong anak ang siyang hihingi sa kamay ni Ms. Amanda para sa aking ama,” tumawa ito, para bawasan ang embarrassment na nararamdaman.“Parang baligtad nga, ano,” saad ni Victor, “tayong mga anak ang mag-uusap para sa pagpapakasal ng mga magulang natin. Parang awkward talaga!”Nagtawanan ang mga naroon.“Well, buong puso kong pinapayagan ang aking m
Matagal na pinagmamasdan ni Amanda ang sarili sa harapan ng malaking salamin na nakakabit sa dingding. Iyon ay silid na kadugtong ng kanyang silid tulugan, na tinawag niyang Vanity room. Naroon sa silid na iyon ang lahat ng kanyang gamit sa pag-aayos ng sarili. Nasa silid ring iyon ang kanyang walk in closet.May dalawang cabinet sa silid na iyon, kung saan ang isa ay lalagyan ng kanyang mga pabango at ang isa naman ay para sa kanyang mga pang-make-up. Lahat ng nasa mga cabinet na iyon ay pawang mga mamahalin at branded.Lahat ng kanyang mga pang-make-up ay kanyang pinapalitan tuwing ikaanim na buwan at hindi niya pinanghihinayangang itapon ang mga lumang pampaganda niya na karaniwan ay halos hindi naman nagamit.Maingat siya sa mga ginagamit niya sa kanyang balat, kaya hindi kataka-takang mukha siyang bata ng sampung taon kaysa sa kanyang tunay na idad.Maganda siya, at hindi siya ipokrita para hindi aminin ‘
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at