Chapter 60Ethan POVHindi ko napigilan ang mapamangha sa taglay na ganda ni Pipay habang papalapit siya sa akin. Para siyang diyosa na bumaba mula sa langit, at hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang ako lang ang naroroon, at siya ang tanging bagay na makikita ko. Ang kanyang mga mata, ang kanyang ngiti, ang paraan ng kanyang paglakad—lahat ay nagbigay sa akin ng matinding kuryente.Napansin ko na nakabukas ang bibig ko, ngunit hindi ko na ito naisip pa. Ang tanging iniisip ko lang ay ang kagandahan ni Pipay, ang alingawngaw ng kanyang mga hakbang, at ang malamlam na liwanag ng araw na parang umiilaw sa kanyang paligid. Sa totoo lang, hindi ko pa naranasan ang ganitong pakiramdam sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko siya tinitingnan, pero sigurado ako na wala akong ganitong klaseng naramdaman sa kahit sino.Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Mommy na parang may kabang iniiwasan. "Bibig mo, Ethan, isarado mo," bulong niya mula sa gilid.Agad kong tinikom a
Chapter 61 Oo, may nangyari na sa amin pero isang beses lang yun. Pero bakit parang ganon, masyado yatang may epekto sa akin ang nangyari? Hindi ko na alam kung anong tamang gawin—parang napapaligaya ako sa mga simpleng tingin at mga sulyap niya, pero may isa pa akong bahagi ng utak na nagsasabing “Sus, gusto mo naman di’ba?” Wala akong masabi, kasi parang totoo nga. Gusto ko siya, at hindi ko na kayang itago pa. Saan ba ako pupunta sa mga nararamdaman ko na ito? Hindi ko alam kung magagalit ba ako o magpapasaya. Laging may bahagi ng utak ko na nagtatanong, “Bakit hindi mo pa siya pagtuunan ng pansin, Ethan? Bakit hindi mo pa siya ligawan ng maayos?” Pero may takot din sa puso ko na baka magulo na naman ang lahat. Isang beses lang ba tayo magka-connect? Sabi ko pa nga noon, “Hindi ko siya hahayaang magulo ang buhay ko,” pero parang ang hirap paniwalaan ngayon. Andami kong iniisip, at ngayon, sa harap ni Pipay, hindi ko alam kung anong eksena ang sumusunod. Sumulyap ako kay Pipay,
Chapter 62 Tinutok ko ang mata ko kay Pipay at naisip ko kung paano ko masasabi ang lahat ng ito ng hindi nadarama ang kabiguan. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mangyayari sa amin, pero alam ko sa kasalukuyan, kami ang nagsusumpaan ng pag-ibig, kahit na puno ng mga lihim at pagsubok. Si Pipay, gayundin, ay nagsimula ng kanyang vows, at nagtataka ako kung anong mga salitang sasabihin niya—mga katotohanang maaari ring itago. Hanggang nagsalita si Pipay, "Sa lahat ng pagkakataon, hindi ko inasahan na darating ang araw na ito," nagsimula si Pipay, ang boses niya ay puno ng kalaliman, at may halong kabang hindi ko alam kung nararamdaman ko rin. "Nakita ko ang mga pagsubok, ang mga hakbang na kailangang pagdaanan, at ang mga lihim na naghihintay na mabunyag. Ngunit, sa kabila ng lahat ng iyon, ikaw, Ethan, ay nahanap ko. Hindi ko alam kung anong klaseng koneksyon mayroon tayo, ngunit nararamdaman ko ang kahalagahan ng bawat sandali sa iyong tabi." Tumigil siya sandali, parang pinip
Pipay PovHabang naka-smile ako, binulungan ko si Ma'am Margaret. "Ma'am, kailangan natin maging maayos ang acting natin, ha? Baka kung hindi, mag-isip ang mga bisita na may something fishy sa kasal na ito!"Tinutok ko ang aking mata sa mga bisita na may maliliit na ngiti at titig sa amin. Mukhang may mga kasunod na katanungan sa kanilang mga isipan, at kung hindi kami mag-ingat, baka magising ang kanilang mga duda.Si Ma'am Margaret, habang may malaking ngiti, ay tumango. "Oo, Pipay, alam ko. Pero medyo nahirapan ako sa role ko, ha?" sabi niya, sabay pakita ng pilit na ngiti.Bilog ang mata ko sa kanyang sagot. "Ma'am, kung hindi ka masanay, baka magtulungan tayong mag-acting workshop!" sabay kindat ko, sabay tapik sa kanyang braso.Ang mga bisita naman, medyo naiintindihan na ang nangyayari, pero mukhang masaya naman sila sa kasal, kahit pa ito ay isang "acting gig" para sa amin. Laking pasalamat ko at si Ma’am Margaret, kahit na medyo naguguluhan, ay game na game sa acting!Siguro,
Chapter 64 Habang papalayo ang mga men in black kasama ako, naramdaman ko ang mabigat na titig ni Ethan na nakasunod sa akin. Hindi ko magawang lumingon dahil baka lalo lang siyang magduda. Ang mga bisita naman ay nagtataka na at nagbubulungan. Sa isip ko, Bahala na! Basta maayos lang ang palabas na ito. Pagkatapos ng ilang hakbang, biglang humabol si Ethan. "Sandali lang!" sigaw niya, dahilan para huminto kami. Napalunok ako habang nililingon siya. "Ethan, huwag na. Kailangan ko talagang umalis," sabi ko na pilit pinapakalma ang boses ko, pero halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido. "Bakit? Ano ba talaga ang nangyayari? At bakit ka nila tinatawag na Senyorita?" tanong niya, ang tono niya ay puno ng pag-aalala pero halatang may halong galit. Hindi ko alam kung dahil sa mga tanong niya o sa sitwasyon namin. Ang leader ng men in black ay nagpakilala. "Pasensya na po, Senyor Ethan Monteverde. Pero may mahalagang bagay na kailangan asikasuhin si Senyorita Piazza Fontana Vega,"
Chapter 65"Hahaha, wag kang mag-alala dahil wala doon ang mommy mo at daddy mo," sabi ni Lucas habang tumatawa pa na parang ang saya-saya niya sa sitwasyon ko.Napanguso ako at napasimangot. "Isa pa 'yun, Lucas! Kaya nga ayaw kong bumalik doon, eh. Sino ba namang matutuwa? Isang beses ko lang silang nakilala, tapos biglang sasabihin na sila ang totoo kong magulang. Tapos, ano? Ipipilit nila akong magpakasal sa kung sinong estranghero?!"Tahimik ang tatlo. Pero si Tristan, hindi nakatiis. "Uy, huwag mong tawaging estranghero. Baka pogi naman ‘yun.""Pogi?!" Napairap ako. "Tristan, kahit pa mukha siyang Greek god, hindi ibig sabihin na puwede na akong sumabak sa kasal. Paano kung mukha nga siyang modelo, pero ugali naman parang halimaw?!""Eh, ‘di tanggalin mo ‘yung ulo niya para magpantay ang katawan at ugali," singit ni Rafael na parang napaka-simple lang ng solusyon niya."Alam mo, Rafael, kung pwede lang gawin ‘yan, ginawa ko na kanina sa fake groom ko," sabi ko, sabay tingin kay L
Chapter 66"Pero, may ligal namang paraan para masingil at mabayaran ka niya, Pipay. May batas naman doon, pero kailangan may katibayan ka," seryosong sabi ni Lucas habang naglalakad kami.Napahinto ako bigla, at tila may liwanag na sumiklab sa utak ko. "Oo nga no! May batas!" Agad akong nagkaroon ng lakas ng loob. Sayang kaya yung isang libo! Kahit pang-merienda, malaking tulong na 'yun, 'no!"Humanda ka sa akin, babae ka," bulong ko sa sarili ko habang nagngingitngit. Syempre, hindi ko binanggit ang pangalan dahil baka marinig ni Khatana at magka-aberya pa. Paano kung isipin niya na siya ang tinutukoy ko?Napansin ko namang nagtanong si Tristan, "Pipay, parang galit na galit ka, ah. Sino ba yang babae na 'yan?""Ah, wala, wala," mabilis kong sagot habang umiwas ng tingin. "Basta, mababayaran ko rin siya ng tamang pananampalataya!"Si Rafael, na kanina pa tahimik, biglang tumawa. "Pipay, parang detective ka na rin ngayon, ah. Sinong susunod mong ipa-subpoena?"Napangiti ako ng konti
Chapter 67Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa tatlong pinsan ko na mukhang pinagkakaisahan ako. "Tama na nga ‘yang asaran. Eh, ano naman ang plano niyo ngayon? Balak niyo bang guluhin pa ang buhay ko o may iba pa kayong agenda?"Si Lucas ang unang sumagot, "Eh, wala naman kaming choice, Pipay. Gano’n talaga kapag ikaw ang paboritong pinsan. Kami pa ang ginawang official bodyguard-slash-problem-solvers mo.""Official bodyguard? Excuse me, baka gusto niyong kayo ang i-Tulfo ko?" bawi ko, sabay taas ng kilay sa kanila.Napahalakhak si Tristan. "Ay, sige, sige! Pero huwag kang mag-alala, kami na ang magiging witness sa lahat ng drama mo sa buhay. Para kang teleserye, Pipay!""Uy, wait lang," sabat ni Rafael. "Kung teleserye siya, sino ang leading man? Yung ex na billionaire boss ba o yung mystery guy na payat na sinasabi niya?"Bigla akong napahinto at napaismid. "Raf, gusto mo talagang mag-away tayo ngayon?""Eh, bakit ba? Curious lang! Gusto naming malaman ang susunod na ch
Hello all, sana ay napasaya ko po kayo sa aking akda.... ako po ay lubos nagpapasalamat sa inyong suporta... Sana po ay subaybayan ninyo ang iba kong story naisulat... maraming salamat sa inyong lahat. Love Inday Stories......
Pipay POVHabang naglalakad ako palayo, ramdam ko ang bigat ng puso ko. Dalawang taon. Dalawang taon akong namuhay sa sakit at pangungulila, tinanggap na wala na si Ethan, at pilit na binuo ang buhay ko kasama si Jhovel.At ngayon, parang isang iglap lang, bumalik siya—buhay at humihingi ng puwang sa buhay namin.Napahinto ako at mariing pumikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito. Kung paano pipigilan ang emosyon sa loob ko na parang gusto nang sumabog."Mommy?" tinig ni Jhovel ang pumukaw sa akin.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin, hawak ang kamay ng lalaking akala ko’y hindi ko na muling makikita. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha, halatang may gusto siyang itanong ngunit hindi alam kung paano.Napangiti ako nang pilit. "Anak, halika na sa loob. Magpapalit ka pa ng damit para sa birthday party mo.""Pero Mommy… si Daddy?" may halong pag-aalalang tanong niya.Napatingin ako kay Ethan, at doon ko siya muling nasilayan nang buo. Matangkad, gwapo pa rin tulad
Chapter 119Dalawang taon. Dalawang taon mula nang huli kong makita si Pipay at si Jhovel. Ngayon, narito ako sa harap ng Vega Mansion, hindi alam kung paano ko haharapin ang mag-inang matagal kong iniwan.Birthday ng anak ko. Ika-pitong taon niya, at ito ang unang pagkakataong makikita ko siya nang malapitan bilang ama niya—hindi bilang isang anino mula sa malayo.Huminga ako nang malalim, pinapakiramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sa loob ng dalawang taon, wala akong nagawa kundi panoorin sila mula sa malayo. Ngayon, oras na para ipakita kong buhay ako—at bumalik ako hindi lang bilang Ethan Monteverde, kundi bilang isang ama kay Jhovel.Pinunasan ko ang pawis sa aking palad bago ako naglakas-loob na lumapit sa gate. Sa loob, maririnig ko ang masasayang tawanan ng mga bata, ang halakhak ng mga bisita, at ang malambing na tinig ng babaeng matagal kong iniwan.Si Pipay.Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin, kung paano siya tutugon sa muli kong pagbabalik. Pero kahit anong mang
Ethan POVSa malayo, nakamasid ako sa kanila nakasuot ng itim na hoodie at tahimik na nakamasid sa kanila. Nakatayo ako sa likod ng isang malaking puno, hindi magawang lumapit.Nakita niyang dahan-dahang sumakay si Pipay sa sasakyan, karga si Jhovel. Halata ang lungkot sa kanyang mukha. Mula rito, rinig niya ang mahina ngunit punong-punong sakit na tinig nito nang sabihing, "Daddy is in heaven now, baby…"Napapikit siya, pilit nilulunok ang kirot sa kanyang dibdib."Pipay…" Mahinang bulong niya sa hangin.Gusto niyang lumapit, gusto niyang yakapin ito, gusto niyang sabihing nandito lang siya, buhay siya. Pero hindi niya kaya. Hindi pa.Sa ngayon, kailangan niyang manatiling patay sa mata ng mundo.Huminga siya nang malalim at nilingon ang isang babaeng lumapit sa kanya. Si Cie Jill, ang tanging nakakaalam ng kanyang sikreto."Umalis na sila," mahina niyang sabi sa lalaki. "Huwag ka munang magpapakita sa kanila, lalo na kay Pipay."Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga kamao. "Alam k
Chapter 117 Kinabukasan, isang madilim at makulimlim na umaga ang bumungad sa amin. Parang nakikisama ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Tahimik akong nagbihis ng itim, hinanda si Jhovel, at pilit na pinatatag ang sarili ko. Habang nasa sasakyan papunta sa sementeryo, mahigpit kong hawak ang maliit na kamay ni Jhovel. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit hindi pa niya lubusang nakilala ang kanyang ama, alam kong dama niya ang pagkawala nito. Pagdating namin sa huling hantungan ni Ethan, marami nang tao roon—mga kaibigan, pamilya, at kasamahan niya sa negosyo. Tahimik ang lahat, tanging ang mahinang iyakan at panaghoy lang ang maririnig. Dahan-dahang inihatid ang kabaong niya sa hukay. Habang bumababa ito, parang unti-unting nababasag ang puso ko. Napakapit ako nang mahigpit kay Jhovel, pinipigilan ang mga luhang pilit na gustong bumagsak. Si Ma’am Margaret ay tahimik na nakatayo sa harapan, ni hindi kumikilos. Kita ko ang sakit sa kanyang
Chapter 116Naramdaman kong lumapit si Rafael at marahang pinisil ang balikat ko. "Pipay... kailangan mong magpakatatag para kay Jhovel."Huminga ako nang malalim at pilit na pinunasan ang aking luha. "Alam ko, Rafael... pero ang sakit."Tahimik lang siya, halatang hindi rin alam kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa, bigla kong narinig ang mahina at tila nag-aalalang tinig ni Ma’am Margaret mula sa labas ng pinto."Pipay... handa ka na ba?"Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Pero alam kong wala na akong magagawa—bukas, haharapin ko ang pinakamalaking sakit ng buhay ko.Biglang nagsalita si Jhovel nakaupo sa kama habang nakamasid sa paligid. "Mom, what happened? Bakit po tayo andito? Bakit pong daming tao sa labas?" inosente nitong tanong.Napalunok ako at pilit na pinigilan ang muling pag-agos ng luha ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari? Paano ko sasabihin na ang ama niyang hindi niya pa nakikilala ay… wala na?Lumapit ako sa kama at marahang hinaplos ang buhok ni J
Chapter 115Pipay POVPakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma’am Margaret. Bukas na ang libing ni Ethan.Para akong sinampal ng reyalidad. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang magpaalam.Mabigat ang bawat pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ang kabaong sa harapan ko. Pilit kong iniisip na baka isang masamang panaginip lang ang lahat. Baka kapag nagising ako bukas, nariyan pa rin si Ethan, nakangiti, tatawagin ang pangalan ko gaya ng dati.Pero hindi. Hindi ito panaginip."P-pero, Ma'am... baka puwede nating ipagpaliban kahit isang araw pa?" mahina kong pakiusap, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses.Napatingin siya sa akin, ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Para bang may iniisip siyang ibang dahilan na hindi niya kayang sabihin sa akin."Hindi na natin pwedeng patagalin pa," sagot niya nang matigas. "Mas mabuti na rin na matapos agad ang lahat."Tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapipigilan ang saki
Chapter 114Tahimik akong tumayo sa harap ng kabaong, pinagmamasdan ang bawat detalye nito. Napakabigat sa loob ko ang pagpapanggap na ito, pero wala akong ibang pagpipilian.Biglang bumukas ang pinto ng mansyon, at pumasok sina Pipay kasama sina Rafael, Lucas, at Tristan. Agad kong napansin ang pamumugto ng kanyang mga mata—halatang kakaiyak lang niya.Napalunok ako. Paano ko matitiis ang sakit na pinapasan niya ngayon?Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, nanginginig ang kamay habang hinahaplos ang ibabaw nito. "Ethan..." mahina niyang tawag, na parang umaasang sasagot ito.Hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko maaaring sirain ang plano namin."Ma'am Margaret," basag ni Pipay sa katahimikan. Lumingon siya sa akin, at doon ko nakita ang matinding hinanakit sa kanyang mga mata. "Paano po nangyari ito? Bakit po siya kinuha nang ganito kabilis?"Napapikit ako at pilit na pinakalma ang sarili. "Isang aksidente, anak..." m
Chapter 113 Margaret POVPinamasdan ko ang bulto sa likuran ni Pipay habang papaalis. "Patawad, Pipay anak. Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ninyong dalawa," mahina kong sabi."Tita, sure ka na ba sa plano mong palihim kay Pipay na hindi pa patay si Ethan?" wika sa ex-fiance sa aking anak."Oo, buo na ang loob ko, Cie Jill. Kailangan kong gawin 'to!" tugon ko dito.Alam ko magagalit ito kapag nalaman niyang totoo na buhay si Ethan, pero kailangan itong maoperahan sa ibang bansa dahil matindi ang damage natamo nito sa disgrasya kanina."Pero, Tita, paano kung matuklasan ni Pipay ang totoo?" nag-aalalang tanong ni Cie Jill.Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa ngayon. Kailangan niyang lumayo sa sitwasyon, at higit sa lahat, kailangan nating bigyan si Ethan ng pagkakataong mabuhay."Napayuko si Cie Jill, halatang nag-aalinlangan. "Pero, Tita, may karapatan si Pipay na malaman ang totoo. Anak niya si Jhovel, at—"Pinutol ko siya. "At kay