"Kumusta ang pakiramdam mo? Gutom ka ba? Ano’ng gusto mo?" sunod-sunod na tanong ni Yaya Chadeng kay Andy na gising na nga talaga. Kalalabas lang ng doktor na sumuri rito at ang mga nurse. Awa ng Diyos ay maayos na raw ang kalagayan ng binata.Umiling si Andy sa kanyang Yaya at walang gana niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Umayos siya ng higa. Kagigising lang niya, at naroon agad ang inis niya nang maalala niya ang nangyari ng gabing iyon, na naaksidente siya dahil sa matinding galit niya kay Yolly."Tumawag na ako sa Mommy mo. Papunta na raw sila rito," sabi pa ni Yaya Chadeng niya na inayos-ayos ang kinahihigaan niya.Hindi pa rin siya umimik."Ano bang nangyari sa 'yong bata ka? Akala ko ba ay maingat ka sa pagmamaneho? Paano kung hindi lang ito ang nangyari sa 'yo?" Si Yaya Chadeng ulit. Parang nanay niya ulit na sinesermunan siya.Ang hindi alam ni Yaya Chadeng ay hindi ang kawalan ng pag-iingat niya ang sinisisi ni Andy bakit siya naaksidente, kundi ang babaeng iyon na nanlo
Hindi alam ni Yolly kung ilang oras na siyang nakatitig sa singsing na nakasuot sa daliri niya. Iniikot-ikot niya iyon habang pinagmamasdan. Halu-halong emosyon ang kanyang nararamdaman.Tapos ay sa bote ng gatorade naman siya napatingin. Saka sa lagayan ng jollibee fries.Ang lungkot niya, pero napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon. Naalala niya kasi ang mga araw na... na ang gulo nila ni Andy pero masaya naman. 'Yung daig pa nila ang aso't pusa, pero sa huli ay nagngingitian naman sila.Ang hindi niya namalayan ay tumutulo na pala ang mga luha niya. Hanggang sa suminghot-singhot na siya, na nagtuloy-tuloy sa pahagulgol.Bakit ba kasi? Bakit ba kasi hindi na lang nagtutuloy-tuloy ang lahat?Kainis naman, eh!Sana pala nag-END na lang ang kuwento nilang ito ni Andy noon pa. Noong hindi pa niya alam na hindi siya buntis. Kung bakit kasi kailangang may TO BE CONTINUE pa, eh? Tuloy nabago na ang kuwento nila. At masakit, masakit na masakit ito para sa kanya.Umasa na kasi si
"’Nay…" Malungkot na yakap ni Yolly sa likod ng kanyang ina. Nagbabalat ng sayote si Aling Yolanda."Hindi ka na naman papasok sa school?" garalgal ang tinig na tanong ng nanay niya sa kanya.Doon nahalata niya na umiiyak na naman pala ang nanay niya. Kahapon pa ito non-stop sa pag-iyak dahil nga roon sa pag-alis ni Andy na hindi man lang sila nagkita pa ulit. Hindi man lang sila nakapagpaalaman."Umiiyak ka ulit?" Kumawala siya sa pagkakayakap at tiningnan niya ang ina."Huwag mo akong pansinin. Naalala ko lang si Andy dahil siya ang tagabalat ko ng sayote." Sisinghot-singhot si Aling Yolanda habang kunwari ay abala ito sa sayote.Napangiwi siya, pero oo nga naman, naalala niya 'yong unang tinawag ni Andy ang nanay niya ng NANAY."Nanay, ano’ng gagawin dito sa sayote?" Parang nakita pa niya si Andy na ngiting-ngiti na pumasok sa kusina mula sa salas."Balatan mo, Anak," sagot naman ng nanay niya na nasa banyo noon.Umupo si Andy at sinimulan na ngang balatan 'yong sayote. Tapos ay p
"Yolly, ano ba 'tong ginagawa mo?! Hindi ka ba nag-iisip?!" Pinagalitan agad siya ni Madam Angie nang makapasok sila sa pinaka-office nito sa Jewelry Shop.Nahihiyang napayuko ng kanyang ulo si Yolly."Sit down at mag-usap tayo," anang pa ng mayamang ginang na halatang disappointed sa gusto niyang mangyari.Umupo naman siya. Gayundin si Madam Angie. Magkaharap silang dalawa. Ngunit hindi siya makatingin ng diretso sa mabait na Madam."Yolly, huwag mong ibabalik 'yan kahit na ano’ng mangyari," sabi pa ng Madam sa madiin na boses.Nag-angat siya ng kanyang ulo. "Tita, wala naman na po 'yang halaga na kasi—""No. Don't say that dahil gagawin ko ang lahat magkabati lang kayo ng anak ko. Alam mo naman na mahalaga ka na sa 'kin, Yolly. Ikaw lang ang gusto kong makatuluyan ng aking anak."SI ANDY, PAAKYAT NA NG ESCALATOR NG MALL.Sobrang na-touch si Yolly sa sinabing iyon ni Madam Angie. Subalit, lalo lamang siyang nasasaktan."Please, Yolly, keep that ring. Hangga't hindi pa 'yan kinukuha n
Nanlilisik ang mga mata ni Andy na palipat-lipat ang tingin kina Madam Angie at sa hindi niya kilalang babae. Hindi naman mga ito makatingin sa kanya ng diretso.Nakikilala niya ang singsing na dinampot at ngayon ay hawak na niya. Kay Yolly ang singsing dahil iyon ang ibinigay niyang singsing noon sa dalaga. Pero bakit nandito?Naningkit pa ang mga mata niya. Ah, alam na niya.His gaze halted on the woman who was with his mom. Napansin niya agad na maganda ang babae kahit simple lang. But she doesn't care about her. At ang naisip niya, siguro ay inutusan ito ni Yolly na ibalik ang singsing dito sa jewelry shop."Where is she?" he asked the woman with a flat tone.Napamata sa kanya ang babae. Hindi ito sumagot bagkus ay parang nagtaka ito sa tanong niyang iyon."I said, where is Yolly? Bakit hindi siya ang magbalik sa 'kin nito? Nawala na ba ang kakapalan niya ng mukha? O wala siyang lakas loob na magpakita sa 'kin dahil guilty siya?"Napamaang sina Madam Angie at Yolly na nagkatingina
Hindi agad nakakilos si Andy. Natulala siya at napahawak ng mahigpit sa manibela. Pero noong madami na ang taong umusyoso ay mabilis na siyang lumabas ng kotse."Hala, kawawa naman!" narinig niya agad na bulungan ng mga tao."Tumawag kayo ng ambulansya! Daliiiii!" sabi naman ng iba.Napapikit si Andy nang makita na niya ang hitsura ni Yolly. Nakahandusay ito sa harap ng kotse niya at walang malay. However, he didn't feel pity; instead, he became even more annoyed with Yolly."Hoy! Wala ka kasing awa!" singhal sa kanya ng isang babae. Ito ang nakakita na nakikiusap kaninang si Yolly na pagbuksan siya ng kotse.Napangiwi at napasinghap siya sa hangin. So, kasalanan pa ba niya iyon?! Kasalanan ba niya kung tanga ang babaeng 'to?! Kung masunurin pala at nagpakamatay talaga?! F*ck!"Naku po! Parang hindi na humihinga!" naalarmang sabi ng isang lalaki.“Kapag siya namatay, isusumbong kita!” babala pa ng saksing babae sa kanya.Doon na siya hindi nakatiis. Nilapitan niya si Yolly at parang w
Kumurap-kurap si Yolly. Nagigising na siya. At bahagya siyang nasilaw sa puting kisame ng silid na kinaroroonan niya kaya napapikit din siya uli."Yolly, ‘Nak? Kumusta ang pakiramdam mo?" boses ng kanyang Nanay."Wake up na, iha. Sige na," malumanay na boses din ni Madam Angie."Doc! Doc! Nagigising na ang anak ko!" Narinig niya pang tawag ng Nanay niya ng doktor.Dahil doon ay napagtanto niyang nasa isang silid siya ng ospital. Naalala na niya ang nangyari na pagpapabangga niya sa kotse ni Andy, huwag lang umalis ang binata at makapag-usap sila. Kaya lang ay napuruhan siguro siya kaya naroon siya ngayon sa ospital.Nagmulat na siya ng mga mata. Naroon nga ang Nanay niya at si Madam Angie. Kapwa sila nakangiti sa kanya. Ngumiti rin siya sa mga ito. Wala naman siyang nararamdaman na masakit sa katawan niya, eh. Parang nanghihina lang siya."Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ng Nanay niya habang hawak nito ang isang kamay niya."Okay lang ako, 'Nay," mahinang sagot niya na may
"Tita, magsisinungaling ulit ako? Ayoko na po, Tita," protesta ni Yolly kay Madam Angie. Pinagpipilitan pa rin kasi ng mayamang ginang ang idea nitong magpanggap siyang napuruhan para sa bahay nila muna siya titira."Oo nga, balae. Saka kahit naman papalabasin natin na napuruhan si Yolly sa aksidente, eh, nandito naman ako na mag-aalaga. Hindi pa rin makatotohanan. Baka lalong magalit lang si Andy sa kanya," segunda ni Aling Yolanda sa sinabi niya. Hindi rin pabor ang nanay niya sa idea na iyon."Pero paano sila magkakabati kung magkalayo sila, balae?" namoblemang saad ng madam.Nagkatinginan sina Aling Yolanda at Yolly. Nata-touch sila sa ginagawang effort ni Madam Angie. Hindi nga sila makapaniwala dahil sino ba naman sila para pag-aksayahan ng panahon ng madam, na kung tutuusin ay mas may mga karapat-dapat nga itong maging balae at manugang na mayaman din tulad din nito.Nang bigla ay napapitik sa ere si Madam Angie. "Alam ko na. Palabasin natin na nasunog ang bahay niyo at wala ka
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya