Nang makita ni Olivia ang eksena sa kanyang harapan ay dali-dali siyang lumapit sa mga ito at bago pa man dumapo ang kamay ng babae na kasama ng haliparot na si Trisha sa mukha ni Annie ay bigla na lamang gumalaw si Trisha at pinigilan ito.Agad naman na nanlaki ang mga mata nito at pagkatapos ay napasigaw sa kaniya. “Bitawan mo ako!” galit na galit na sigaw nito sa kaniya at nanlilisik pa ang mga matang nakatingin kay Annie ngunit hindi siya binitawan nito.“Cathy, huminahon ka. Huwag kang sumigaw.” saway naman kaagad ni Trisha rito at agad din namang kumalma ang babae. Cathy pala ang pangalan ng talipandas na ito na gustong manakit sa kaibigan niya.Pagkasabi ni Trisha nito ay bigla na lamang niyang binitawan ang kamay nito at dahan-dahan din naman nitong ibinaba iyon pagkatapos ay hindi ito makapaniwalang napatingin kay Trisha. “Ate bakit mo ako pinigilan?” tanong nito.“Dahil ayokong mapahamak ka.” seryoso namang sagot ni Trisha rito.“Anong ibig mong sabihin na mapahamak ako ate?
Mabilis siyang nagpunta sa counter at nanghingi ng upuan at mablis din naman siyang binigyan ng mga ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay mabilis niyang hinila si Annie at pagkatapos ay pinaupo na muna doon. “Ako na na lang muna ang haharap sa kanila at para makapagpahinga ka. May baby ka pa naman sa tiyan mo kaya hindi ka pwedeng mapagod o magalit man lang.” sabi niya rito.Kaagad naman na ngumiti si Annie at pagkatapos ay tumango sa kaniya. “Salamat.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumango lamang siya rito at nagmartsa na palapit kina Trisha at sa kasama nitong babae na si Cathy.Alam niyang buong-buo ang tiwala sa kaniya ni Annie at hindi niya bibiguin ito. Nakarating na siya ng tuluyan sa tapat ng mga ito at tiningnan niya ang mga ito. Si Trisha ay nakaupo sa wheelchair at mukhang mahina na kung titingnan ay aakalain mo pang may sakit sa puso dahil sa itsura nito.Sunod naman niyang tiningan ang alipores nito na mas maliit kaysa sa kaniya at walang sinabi sa tangakd niya. Saman
Bago pa man mahawakan ni Cathy ang kamay ni Olivia ay kaagad niya nang naabot ang kamay nito at pagkatapos ay mabilis niyang dinala sa likod nito at dahil sa kanyang ginawa ay napasigaw sa sakit si Cathy at nakita niya pang tumulo ang luha nito.“Napakasakit! Bitawan mo akong babae ka!” sigaw nito sa kaniya na may kasamang pagdaling.Malamig naman siyang tinapunan ng tingin ni Olivia. “Masakit?” nanunuyang tanong niya rito. “Ngayon alam mo ang salitang masakit pero hindi mo yan inisip kanina nang susugurin mo ako.” sabi niya rito. “Ang lakas din ng loob mo, bata.” dagdag pa niyang sabi rito.“Bitawan mo ako!” muli nitong sigaw sa kaniya. “Pinsan ako ni Kuya Lucas baka hindi mo alam!” dagdag pa nitong sabi sa kanya. Nagmamalaki pa talaga ito sa kaniya at wala pang balak aminin ang pagkakamali nito at dahil rito ay mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakadiin niya sa kamay nito kaya mas napasigaw pa ito sa labis na sakit.“Bitawan mo ako sabi! Kapag hindi mo pa ako binitawan ay sin
Maya-maya nga ay bumalik na ang teller dala-dala ang resibo at pagkatapos ay kaagad namang inabot ni Trisha ang card niya rito upang bayaran na ang singsing. Abala siya sa pagtitig sa singsing na nasa kanyang harapan nang ilang beses na sinubukan na i-swipe ng teller ang kanyang card ngunit talagang ayaw nitong gumana hanggang sa ilang minuto pa nga ang lumipas at tuluyan na ngang natukoy ng teller kung ano ang problema.Agad na nag-angat ito ng ulo at ngumiti sa kaniya. “Ma’am pasensiya na po pero mukhang kulang po ang balance ng card ninyo para mabayaran ang singsing. May iba pa po ba kayong card?” magalang na tanong nito sa kaniya.Nang marinig niya ang sinabi nito ay kaagad siya naakunot ang noo ay nagsalubong pa ang kanyang mga kilay ng wala sa oras. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong niya rito dahil napaka-imposible ng sinasabi nito.Mayroon siyang higit dalang milyon sa kanyang cars na natitirang ipon niya nitong mga nakaraang taon at kung hindi nga lang sana dahil sa singsing
Nang makatanggap ng tawag ang batang babae ay kasalukuyan syang nagbabalat ng mansanas kaya dali-dali nyang inilagay sa kanyang tenga ang kanyang cellphone at pagkatapos ay inipit ito gamit ang kanyang ulo. “O hello ate!” bungad niya kaagad. “April, ako ito…” tinig iyon ng nakatatanda niyang kapatid na si Trisha. “Ate ano bang pinagsasasab mo?” kaagad nyang tanong rito. “Syempre ay alam kong kaw ang tumawag dahil number mo ito. Isa pa ay ito ang unang beses mong tumawag sa akin ah simula nang umuwi ka rito sa bansa. Alam mo ba? Miss na miss ka na nina Mommy at DAddy. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon? At nasaan ka? Wala ka bang balak umuwi?” sunod-sunod na tanong niya sa kanyang kapatd. SAMANTALA ay mahigpt naman na napahawak si Trisha sa kanyang cellphone at nakaramdam ng halo-halo emosyong pagkatapos niyang marinig ang masiglang boses ng kanyang kapatid sa kabilang linya. Simula kasi nang maaksidente siya sa sasakyan ay maging pilay ang kanyang magkabilang mga paa ay bumagsak na a
Ngunit sa halip na patulan ito ni Annie ay nginitian niya ito. “Maaaring hind mo pa alam kaya ako na ang magsasabi sayo. Si Lucas ay nanumpa sa harap ng lolo niya bago ito mawala na hinding-hindi na niya ako hihiwalayan.” sabi niya rito.Gulat na gulat naman ito dahil sa narinig at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. “Anong sinabi mo?” tanong nito sa kaniya.Nakita niya na ang mukha ni TRisha ay agad na namutla, kasing putla ng isang papel na walang anumang kulay. “Hindi. Imposible ang sinasabi mo. nagsisinungaling ka.” sabi niya rito. Hindi nya matatanggap ang sinasabi nito ng mga oras na iyon.Ngunit sa totoo lang ay eksakto lamang na nakita niya doon si Annie at doon lang mismo pumasok sa utak niya na bumili ng singsing para lang ipakita rito at para na rin sumuko na ito ngunit hindi nya talaga alam na gumawa ng pangako si Lucas sa lolo nito, hindi niya iyon alam.Kilala niya ang ugali ni Lucas at ito ang klase ng tao na tumutupad sa mga pangako nito at may isang salita ito,
“Gusto mo na umalis akong mag-isa rito at iwanan ka ritong mag-isa? Mukhang mga baliw ang mga tao sa labas. Hindi kita pwedeng iwanan rito dahil baka mapano ka.” nag-aalalang sabi niya rito.Agad naman na hinawakan nito ang kamay niya at pagkatapos ay bahagya itong pinisil. “Kailangan mong sundin ang sinabi ko Annie. Sa pagkakataong ito ay kailangan mong makinig sa akin.” sabi naman nito sa kaniya na nakatitig sa mga mata niya. “Ako ang target nila at hanggat nandito ako ay hindi ka nila palilibutan.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Hindi siya sumagot rito at nakatitig lamang rito. “Tatawagan ko si Lucas at sasabihin kong ipasundo ka niya kaagad.” dagdag pa nito.Dahil sa pagbanggit ni Olivia sa pangalan nito ay bigla na lamang niya itong naisip bigla. Sa buong araw na iyon ay isinara niya talaga ang kanyang isip na huwag isipin ito ngunit nang mabanggit nito ang pangalan nito ay muli na naman niyang naramdaman ang galit para rito, ngunit sa kabila ng galit na nararamdaman niya ay ka
Sobrang gulo ng paligid niya ng mga oras na iyon at halos hindi na niyang makita ang kanyang dinadaanan. Sa gitna ng mga tao ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi niya magawang sagutin ito dahil naiipit siya ng mga oras na iyon. Mas nagsiksikan pa ang mga tao at halos hindi na siya makagalaw pa ang espasyo sa kanyang harapan ay paliit ng paliit hanggang sa wala na talaga. Wala siyang magawa kundi ang tumingala ay pilit na huminga, pinilit niyang ihakbang ang kanyang mga paa paalis doon ngunit ang mga tao ay parami ng parami hanggang sa ang hawak niyang cellphone ay bigla na lamang nahulog. Pinilit niyang abutin ito para makahingi na siya ng tulong kay Lucas at makaalis doon ngunit nang abutin niya ito gamit ang kamay niya ay bigla-bigla na lamang may tumapak rito.Nagsimula sa isa, hanggang sa nasundan at hanggang sa maging ang kanyang mga binti ay natapakan na at napaikit na lamang siya sa sakit. Napasigaw siya ngunit wala iyong naging epekto sa mga tao na pa