Share

Chapter 45.1

Author: MikasaAckerman
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Hindi nila alam kung gaano sila katagal naghintay hanggang sa tuluyang mamatay ang ilaw sa loob ng emergency room at kasunod nito ay bumukas ang pinto at lumabas doon ang doktor. Mabilis silang nagsilapitan rito.

“Doc kumusta na ang lolo ko?” kaagad na tanong ni Lucas rito.

Sa halos araw-araw nilang magkasama ni Lucas ay palagi itong kalamado ngunit sa mga oras na iyon ay iyon pa lamang ang unang beses na nanginig ang boses nito. Mugto na ang mga mata ni Annie dahil sa tuloy-tuloy na pag-iyak. Lahat sila ay pare-parehong naghintay ng sasabihin sa kanila ng doktor.

Hanggang sa nagsalita na nga ito na halos ikapanghina nila pare-pareho. Hinubad nito ang suot nitong face mask at malungkot na tumingin sa kanila. “Pasensiya na po pero ang ginawa na po talaga namin ang lahat ng aming makakaya. Hindi na siya magtatagal at gusto kong magpaalam na kayo sa kaniya habang may oras pa.” sabi nito sa kaniya.

Biglang nanghina si Annie ng marinig niya ang sinabi ng doktor at hindi niya maiwasang hind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joy M Villacarlos
sana lang hindi matuloy ang hiwalayan nila anni at lucas
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 45.2

    Pagkalabas na pagkalabas lang nila ay bigla na lamang niyang nakita ang isang taong hindi niya gustong makita. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakaupo sa wheelchair nito katulad ng dati. Bakas sa mukha nito ang pag-aaalala.Puno ng pawis ang mukha ni Lucas kaya malakas ang kutob ni Trisha na may hindi magandang nangyari sa lolo nito.“Lucas kamusta si lolo? Nang matanggap ko ang balita ay kaagad akong nagpunta rito.” sabi nito.Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. “Paano mo nalaman na isinugod sa rito sa ospital si lolo?” tanong niya kaagad rito at pagkatapos ay sinulyapan din niya si Lucas.Mabilis na sumagot si Trisha sa kaniya dahil sa pagsulyap niya kay Lucas. “Annie mali ang iniisip mo. hindi si Lucas ang nagsabi sa akin kundi isang kakilala rito sa ospital.” mabilis nitong pagpapaliwanag sa kaniya.“Talaga?” matalim niyang tiningnan ito.Mabilis naman na sumagot si Lucas sa kaniya. “Sa tingin mo ba mahaharap ko pang sabihin sa kaniya?” inis na tanong nito sa kaniya k

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 46.1

    Bahagyang natigilan si Lucas dahil sa tanong ng kanyang lolo ngunit sa huli ay tumango siya. “Opo lolo.” sagot niya rito at pagkatapos ay napahigpit ng hawak sa kamay nito. “Pinapangako po iyon sa inyo lolo.” dagdag pa niyang sabi rito.Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito pagkatapos. “Mabuti naman kung ganun.” sabi niti sa kaniya. “Mapapanatag na ang loob ko kung ganuon.” malalim na humugot ito ng hininga. “Gusto kong makausap ang apo ko.” sabi nito sa kaniya kaya mabilis siyang tumango rito at pagkatapos ay hinalikan niya muna ang noo nito bago tuluyang lumabas ng silid upang tawagin si Annie.…Nang lumabas si Lucas ay agad na napatayo siya at sinalubong ito. Tumingin ito sa kaniya. “Hinahanap ka ni lolo.” sabi nito sa kaniya.Sa kanilang lahat ay siya ang pinakahuling tinawag nito. Tinanguan niya ito at pagkatapos ay naglakad papasok ng silid ngunit nanduon pa lang siya sa tapat ng pinto ay nahulog na ang luha niya sa kanyang mga mata kaya mabilis siyang pinunasan iyon.Alam niy

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 46.2

    “Oo.” sagot nito at pagkatapos ay tila lumipad ang isip nito. “Mahal na mahal na mahal na mahal.” sagot nito at pagkatapos ay tumitig sa kaniya. “Katulad mo rin si lolo na nagmamahal at namimiss ko na ang lola. Ngayon ay sobrang saya ko dahil malapit ko na siyang makasama ulit.” bulong nito. Pagkasabi nito ay bigla na lamang bumigat ang mga paghinga nito kaya mabilis siyang nagsalin ng tubig sa baso at ipinainom rito. Pagkatapos nitong inumin ang tubig ay pumikit ito. Napatitig si Annie sa nakapikit nitong mga mata at hindi niya maiwasang hindi makaramdaman ng takot ngunit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Tumayo lamang siya sa tabi nito at tahimik na nakamasid. Ilang minuto pa ang nakalipas at dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata ng matanda at nahihirapang bumulong sa kaniya. “Hija may iniwan akong susi para sayo at gamitin mo ang susing iyon para buksan ang pangalawang drawer sa aking silid. May iniwan akong sulat para sayo dahil hindi ko na kayang sabihin pa

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 47.1

    Isang araw lamang ang ginawang burol ng kanilang lolo at nang araw na iyon ay libing na nito. Nang araw na iyon ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakasuot siya ng kulay itim na damit na may nakalagay na kulay puting bulaklak sa side nito at pagkataposa y may hawak siyang kulay itim na payong habang nakatayo kasama ng iba.Sabi ng kanyang lolo ay huwag siyang umiyak at bilang isang masunurin na apo ay hindi nga talaga siya umiyak. Bumuhos ang napakalakas na ulan na tila ba maging ito ay nagluluksa sa pagkawala ng kanilang lolo. Habang pinapanuod niya ang pagpatak ng ulan sa lupa ay bigla niyang naisip ang kanyang lolo na nakangiti sa kaniya.At pagkatapos ay sinabi nito na, ‘hija huwag kag umiyak. Gusto kong makita ka lagi na nakangiti dahil ikaw ang pinakamaganda sa lahat’.Kaya naman pinigil niya ang sarili na hindi umiyak habang inililibing ito hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang mga taong nakiramay sa kanilang pamilya at sila-sila na lamang ang natira doon. Mabilis siyang nag

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 47.2

    Habang nakasakay sila sa kotse ay mas lalo pang naramdaman ni Annie ang pananakit ng kanyang tiyan. Bago pa man sila sumakay kanina sa kotse ay binilinan na ni Lucas si Kian na painitin na ang loob ng kotse upang kahit papano ay mabawasan man lang ang ginaw na nararamdaman nilang dalawa.Ngunit kahit na nga mainit na ay hindi pa rin magawang mapalagay ni Annie dahil patuloy pa rin ang pagsakit ng tiyan niya. Kaya niyang tiisin ang sakit ngunit hindi niya maiwasang hindi mag-alala sa sanggol dahil baka kung ano ang mangyari rito.Dahil sa naisip niyang iyon ay umahon ang takot sa dibdib niya at hindi lang basta takot kundi takot na takot siya.“Lucas gutso kong dalhin mo ako sa ospital ngayon na.” sabi niya rito.Agad naman itong tumingin sa kaniya at mabilis na tumango. “Sige. huwag ka ng mag-alala, dadalhin kita kaagad sa ospital.” sabi nito at pagkatapos ay inabot ang kamay niya at marahang pinisil. “Matulog kana muna at gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa ospital.”

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 48.1

    Niyakap ni Annie ng mahigpit ang beywang ni Lucas at pagkatapos ay isinandal niya ang kanyang ulo sa likod nito. Nang maramdaman naman ni Lucas ang pagkakadaiti ng kanilang mga katawan ay bigla itong nanigas sa kinatatayuan nito.Humugot ito ng malalim na buntung-hininga at pagkatapos ay sumagot sa kaniya. “Sige.” mahinang sagot nito sa kaniya.Bagamat napakaliit na bagay nito ay hindi maiwasang hindi maging masaya ni Annie. Pagkauwi nila ng bahay nila ay mabilis na pinuno nito ang bathtub ng tubig at pagkatapos ay pinaligo na siya nito doon kaya nagbabad din naman siya.Hanggang sa mga oras na iyon ay malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas at nang makauwi sila ay halos mag-aalas dos na ng hapon. Halos isang oras din yata siyang nagbabad bago tuluyang umahon at pagkatapos niyang maligo ay kaagad niyang naramdaman na uminit na rin sa wakas ang katawan niya at hindi na siya giniginaw pa.Nang tingnan niya rin ang sarili sa harap ng salamin ay umayos na rin ang itsura nito at hindi na

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 48.2

    Naalala niya bigla ang huling hiling ng matanda sa kaniya at kung ipipilit pa rin nito sa kaniya ang pakikipaghiwalay ay papayag pa rin siya sa kabila ng lahat at hindi siya tututol sa gusto nito at makikipagkooperasyon siya sa pakikipaghiwalay rito, ngunit kailangan niya munang subukan.Nakakunot ang noong nakatitig sa kaniya si Lucas. “Ikaw na ang mauna.” sabi nito sa kaniya.“Sigurado ka ba?” nagdadalawang isip na tanong niya rito.Tumango ito. “Mauna ka na.” dagdag pa nito sa kaniya.Bigla siyang kinabahan ng mga oras na iyon at halos maglabasan ang pawis sa kanyang noo at maging ang kanyang mga palad ay pinagpawisan din. Kanina pa paulit-ulit sa isip niya ang gusto niyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pagsasabi nito rito.Sa huli ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata ay pagkatapos ay huminga ng malalim bago nagsalita. “Gusto ko lang sabihin sayo na kung pwede lang ay huwag na tayong maghiwalay. Ayoko na, ayoko ng maghiwalay pa tayong dalaw

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 49.1

    Sa kabila ng kagustuhan ni Annie na protektahan at isalba ang pagsasama nila ni Lucas dahil lang sa hiling sa kanyang ng matanda ngunit ngayon na si Lucas na mismo ang nagdesisyon na ayusin ang pagsasama nila ay ayaw niyang maging isang sunud-sunuran na lamang rito.Kaya ngang magtiis na makasama pa si Lucas sa iisang bubong dahil nga sa hiling ng matanda sa kaniya at tanggap niya na sa kabila nito ay hindi pa rin siya nito mahal pero ang hindi niya matatanggap ay ang pakikipagkita pa ni Lucas kay Trisha ngayong napagkasunduan na nilang iurong ang paghihiwalay nilang dalawa.Kung magiging ganuon pa rin ang ugali nito ay ano na lang ang magiging papel niya rito?Pagkaalis ni Lucas ay bigla naman siyang nakatanggap ng tawag mula kay Olivia.“Hello Annie, labas tayo, nakauwi na ako! Masarap ngayon magkape.” agad saad nito sa kaniya.Agad na nagulat siya sa sinabi nito. “Nakauwi ka na ba talaga? Diba ang sabi mo ay next month ka pa makakauwi?” tanong niya rito sa kabila ng kasiyahan niya.

Pinakabagong kabanata

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   EPILOGUE

    Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 163

    Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.4

    Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.3

    “Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.2

    Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.1

    “Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 161.5

    Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 161.4

    “Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 161.3

    Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka

DMCA.com Protection Status