Nang malapit nang dumampi ang kanyang mga labi sa labi ni Lucas ay bigla na lamang sila pareho nakarinig ng lagapak kaya natigil din siya. Paglingon siya sa kanyang side ay nakita niyang nasa sahig na si Trisha at nahulog na mula sa wheelchair nito.Bigla siyang tiningnan ni Lucas. “Uuwi ako mamayang gabi, doon na lang tayo mag-usap sa bahay.” sabi nito bago ito nagtatakbo palapit sa babaeng mahal nito.“Anong nararamdaman mo? Okay ka lang?” sunod-sunod na tanong nito habang binubuhat nito ito pabalik sa wheelchair nito.Bigla naman niyang nakita ang pag-arte ni Trisha na may paiiyak-iyak pa. “Ang-ang sakit ng paa ko.” sabi nito at pagkatapos ay marahang hinaplos ang paa.Pagkatapos nitong maiupo si Trisha ay ito naman ang umupo sa harap nito at marahang minasahe ang bukong-bukong nito. Wala siyang nakagawa kundi ang mapairap na lamang mula sa kanyang kinatatayuan. Napakuyom din ang kanyang mga kamay habang pinapanuod niya si Lucas habang alalang-alala kay Trisha.Mukhang mahal na mah
Dahil nga sa utos ni Lucas ay sinundan ni Kian si Annie ngunit ang inakala niyang bumaba na ay nagtungo pala sa jewerly store kung saan pumasok sina Lucas at Trisha.“Miss pwede mo bang ilabas ang mga singsing na tiningnan kanina nung lalaking pogi at nung babaeng naka-wheelchair. Gusto kong makita ang mga iyon.” sabi niya sa teller.Agad naman itong ngumiti sa kaniya. “Sure ma’am.” sabi nito at pagkatapos ay tumalikod na para sa kuhanin ang mga singsing.Mabilis na bumalik sa harap niya ang teller dala ang isang singsing. Sinulyapan niya ang teller at pagkatapos ay nagtanong. “Ito lang ba ang tiningnan nila kanina? Wala na bang iba?” “Ay tatlong singsing po ang tiningnan nila kanina ma’am.” nakangiting sabi nito sa kaniya. “Pero ito po yung last na tiningnan nila.”“Nasaan yung dalawa? Gusto kong makita.” sabi niya rito.“Okay ma’am wait lang po at kukuhanin ko.” nakangiting sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay muling tumalikod.Hindi nagtagal ay muli itong bumalik at pagkatapos ay
Napakaliit talaga ng mundo. Sa dami-dami ng taong makikita niya ay ang mga ito pa talaga. Biglang umahon ang matinding inis sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Nakita niyang naupo ang mga ito sa pinadulong mesa dahil kahit na may sari-sariling silid ay transparent na salamin ang naghihiwalay sa bawat room kaya malinaw niyang nakita ang mga ito, pero marahil ang mga ito ay hindi siya napansin. Bigla siyang napasulyap sa mga pagkaing nasa harap niya ng wala sa oras at bigla siyang nawalan ng gana. Ngunit bigla na lamang pumasok sa isip niya na kailangan nga pala ng saggol sa tiyan niya ng nutrisyon kaya pinilit niyang kumain ng kumain.Lalo na ang mga hipon na sa pakiramdam niya ay medyo malansi ang kinain niya ng kinain at halos hindi na nginuya at nilunok nalang ng nilunok. Pagkatapos niyang kumain ay bigla siyang napatingin sa kanyang tapat kung saan ay nakaupo si Kian.“Kian matanong ko nga, gaano ka na katagal nagta-trabaho para kay Lucas?” biglang tanong niya rito.Nag-isip naman
“Ma’am wait lang po kayo rito at kukuha po ako ng gamot.” magalang na sabi sa kaniya ng waiter.Napatingin si Annie sa kanyang kamay kung saan ay kitang-kita ang pamumula ng parte ng kamay niya at namamaga na rin ito. “Hindi na. Huhugasan ko na lang ito ng tubig mamaya at mawawal din ito ano ka ba.” mahinahong sabi niya sa waiter dahil bakas na sa mukha nito ang pag-aalala. Isa pa ay wala naman itong kasalanan kung bakit siya napaso dahil siya naman ang may kasalanan.Isa pa ay sa sobrang sakit siguro ng nararamdaman niya dahil sa nakita niya ay namanhid na ang katawana niya at pakiramdam niya ay hindi naman ito masakit kahit na namamaga at namumula ito.“Kalokohan.” rinig nilang dalawa kaya bigla na lamang silang napalingon sa may pinto. Pumasok mula doon ang walang mababakas emosyon sa mukha na si Lucas.Nang makita niya ito ay bigla siyang natigilan dahil hindi niya inaasahang pupunta siya doon. Hindi ba at busy ito kasama ni Trisha sa kabilang room isa pa ay hindi ba at hindi pa s
Biglang napahinto ang kamay ni Lucas sa pagpapahid ng gamot sa kanyang kamay. Ngunit ilang segundo lang din ang lumipas ay muling gumalaw ang kamay nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.“Diba alam mo naman na ang dahilan kung bakit ako nagpakasal sayo?” mahinang tanong nito sa kaniya.Napakagat-labi si Annie nang marinig niya ang naging tugon nito sa kaniya. Parang pakiramdam niya ay muling may tumusok sa puso niya. Inaasahan na niyang iyong ang isasagot nito sa kaniya ngunit nagtanong pa rin siya.Ngayon ito na mismo ang nagsabi sa kaniya ay mas lalo lamang tumibay ang paniniwala niya na hindi na siya dapat umasa pa. Kailangan niya na talagang magising. Sa mga nakalipas na taon at hanggang sa mga oras na iyon ay tanging si Trisha lamang ang nasa puso nito at wala ng iba pa.Simula nang bumalik si Trisha at binanggit sa kaniya ni Lucas ang tungkol sa paghihiwalay nila ay gumuho ang pangarap niya na masayang pamilya kasama si Lucas. Alam niya na sa mga sandaling iyon ay hindi na iyon mat
Hindi napigilang mapakuyom ng kamay ni Trisha habang nakatingin sa room kung nasaan si Lucas. Kung hindi pa sinasadyang mapasulyap siya sa gawi doon ay hindi niya pa makikita na naroon din pala si Annie sa restaurant na iyon. Isa pa ay iniwan talaga siya ni Lucas na mag-isa doon para lang puntahan si Annie. Nakakapanggigigil talaga. Birthday niya ngayong araw at nandoon sila para mag-date pagkatapos ay nandoon si Annie para sirain lang ang espesyal na araw na iyon? Kanina pa ito sa jewerly store at hindi niya akalain na hanggang doon ay naroon ito.Ngunit hindi siya dapat makita ni Lucas na galit. Kailangan niyang magpanggap sa harap nito na walang nangyari at wala siyang nakita para maging smooth ang date nila. Kailangan niyang tiisin ang lahat ng iyon.Nang marinig niya ang papalapit na mga yabag ay mabilis niya ibinuka ang kanyang mga kamay mula sa pagkakakuyom at pagkatapos ay nagpaskil ng matamis ng ngiti sa labi. “Lucas…” sabi niya pagkatapos bumukas ang pinto at pumasok ito ro
“Hindi ko ginagastos ang pera ng asawa ko sa mga walang kwentang bagay isa pa ay hindi naman nagrereklamo ang asawa ko tungkol rito.” sabi nito.Ang mga salita nito ay mas lalo pang nagpagalit sa kaniya lalo. Napakakapal ng mukha nito. Sa isang banda nang marinig niya ang isinagot ni Annie ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng tuwa.Sinulpayan siya nitong muli at si Lucas pagkatapos ay nagsalita. “O siya sige na, hindi na ako magtatagal, aalis na ako para hindi ko kayo ma-istorbo.” sabi nito sa kanila at akmang tatalikod na sana itong nang bigla niya itong pigilan.“Sandali lang Annie. Gusto kitang makausap ng tayo lang, pwede ba?” tanong niya rito ngunit mabilis itong umiling.“Kung may gusto kang sabihin sa akin ay sabihin mo na rito ngayon.” walang gana nitong sabi sa kaniya ngunit hindi siya papayag na doon niya ito kakausapin. Kailangan nilang mag-usap ng sila lang dalawa.“Ilang minuto lang ang hihingin ko sayo at sinisiguro ko sayong hindi ako lalampas doon. Annie huwag
“Annie hindi mo pa ba nakikita o ni naiintindihan ang lahat? Ako lang ang nag-iisang mahal ni Lucas simula sa umpisa at hanggang noong hindi pa nakikilala ng nanay mo ang lolo ni Lucas. Ang mga magulang mo ay mahirap lamang at kung hindi dahil sa hiling ng nanay mo sa lolo ni Lucas ay hindi ka kailanman mapapabilang sa pamilya Montenegro. Para kang nangangarap ng isang bagay na napaka-imposible mo namang maabot Annie.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Ngumiti siya rito kahit na sobrang sakit ng puso niya ng mga oras na iyon dahil sa mga binitiwang salita nito sa kaniya. Pinigilan niya rin na huwag magpakita ng kahit na anumang emosyon rito. “E ikaw Trisha, kamusta ka naman sana?” balik niyang tanong rito. “Sa dalawang taon naming pagsasama paano mo nalaman na wala nga siyang feelings para sa akin? Paano mo malalaman na katulad pa rin ng dati ang pagmamahal niya sayo?” tanong niya rito ng nakataas ang noo.Hindi ito nakapagsalita kaya nagpatuloy siya. “Hindi ka ba natatakot?” dagdag