Share

Chapter 35.2

Dahil nga sa utos ni Lucas ay sinundan ni Kian si Annie ngunit ang inakala niyang bumaba na ay nagtungo pala sa jewerly store kung saan pumasok sina Lucas at Trisha.

“Miss pwede mo bang ilabas ang mga singsing na tiningnan kanina nung lalaking pogi at nung babaeng naka-wheelchair. Gusto kong makita ang mga iyon.” sabi niya sa teller.

Agad naman itong ngumiti sa kaniya. “Sure ma’am.” sabi nito at pagkatapos ay tumalikod na para sa kuhanin ang mga singsing.

Mabilis na bumalik sa harap niya ang teller dala ang isang singsing. Sinulyapan niya ang teller at pagkatapos ay nagtanong. “Ito lang ba ang tiningnan nila kanina? Wala na bang iba?”

“Ay tatlong singsing po ang tiningnan nila kanina ma’am.” nakangiting sabi nito sa kaniya. “Pero ito po yung last na tiningnan nila.”

“Nasaan yung dalawa? Gusto kong makita.” sabi niya rito.

“Okay ma’am wait lang po at kukuhanin ko.” nakangiting sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay muling tumalikod.

Hindi nagtagal ay muli itong bumalik at pagkatapos ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Josilyn Borromeo
kailan pba matatapos yang kabuwictan na kadramahan Wala Ng excitement basahin nakakairita na.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status