“Villafuente ba ang apelyido ng may-ari ng ospital?” tanong ni Lucas sa kaniya.Agad namang tumango si Annie at medyo nagulat. “Kilala mo ba sila?” tanong niya rito.“Hindi ko sila kilala personally.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay bahagyang napaisip. “Pero marami na akong narinig tungkol sa pamilya nila at sinasabi ko na sayo na dapat ay lumayo ka sa pamilyang iyon.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na tumango si Annie. Sa totoo lang ay kapapasok niya lang naman sa ospital na iyon at hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataong humawak ng kahit isa man lang na scalpel kaya malamang na hindi siya makakalapit sa mga ito kaya napaka-imposible na mapalapit siya rito.Napakunot naman ang noo ni Lucas dahil sa pagtango niya at pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang braso nito upang ulitin sa kaniya ang sinabi niya kanina. “Annie narinig mo ba ang sinabi ko? Layuan mo ang lalaking iyon at ang pamilya niya lalo na kung wala naman silang kailangan sayo.” sabi niya kay Annie. “Tandaan mo a
Nang matapos ang shift niya ay mabilis na nagpalit si Annie ng kanyang damit at dali-daling tinungo ang elevator upang pumunta sa opisina ni Reid. agad siyang kumatok bago siya pumasok.Samantala, napa-angat ang ulo ni Reid upang tingnan kung sino ang kumatok at pumasok ng kanyang opisina at agad niyang nakita ang mukha ni Annie at bigla siyang natulala sandali at mabilis na tinapunan ito ng malamig na mga mata. “Anong kailangan mo rito?” tanong niya kaagad rito.Tumingin naman ito sa kaniya at sinalubong ang kanyang mga mata. “Hindi ko alam kung saan ang bahay mo at maging ang number mo kaya dito na lang ako sa opisina mo nagpunta.” sabi ni Annie rito. Pero sa totoo lang ay walang alam si Reid kung bakit siya nagpunta doon, ang akala nito ay gagantihan siya nito nang sinabi niya rito sa dinner party na hindi niya ito magugustuhan lalo na nang ilang beses siya nitong binunggo doon.Agad na napasandal sa kanyang upuan si Reid at napatingin muli kay Annie. “So anong masamang hangin ang
Tahimik na natulala si Reid nang maiwan siya sa kanyang opisina. Pagkatapos ng sampung minuto na dumaan habang nakatulala siya ay hindi pa rin niya matanggap ang mga sinabi nito sa kaniya. Sinabi nito sa kaniya na mali ang akala niya. Paano nangyari iyon? Parang tinapakan ang ego niya sa mga sinabi nito at hindi niya maiwasang hindi mainis. Sa huli ay siya pala ang mali at hindi ito.Ilang sandali pa nga ay muling nahulog ang kanyang mga mata sa mga perang nasa kanyang mesa at doon niya pa lang naalala na tawagan ang kanyang ina.“Oh, anak…” bungad nito sa kaniya kaagad nang sagutin nito ang kanyang tawag.“Binigyan mo ng pera si Annie?” diretsong tanong niya rito at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.“Oo, paano mo nalaman?” sagot naman nito na hindi itinanggi ang ginawa nito.Dahil rito ay napahilot na lamang si Reid sa kanyang sentido. Sumasakit ang kanyang ulo dahil doon. “Ma, hindi porque sinabi ko sayo na manatili ka sa abahy ar gawin mo ang gusto mo ay hahantong pa sa ganito. Bakit b
Nang pumasok si Annie sa mall ay dumiretso na siya kaagad sa hotpot restaurant. Habang iniikot niya ang kanyang ulo upang maghanap ng kanyang mauupuan ay bigla na lamang na may kumaway sa kaniya. Agad na kumunot ang noo niya nang makita niya doon si Olivia kung saan ay naka-ready na ang mesa at muhang hinihintay na lamang siya.“Annie, dito!” sabi nito habang kinakawayan siya. Agad naman siyang lumapit rito at pagkatapos ay agad niyang nakita ang mga ulam na naroon at halos lahat ay paborito niya. Parang hinaplos ang puso niya ng mga oras na iyon at pagkatapos ay tinitigan ito. “Salamat, Via.” sabi niya.Agad naman siya nitong nginitian at hinawakan ang kamay niya. “Ano ka ba. Umupo ka na at kumain na tayo.” sabi nito sa kaniya. Dahil rito ay agad din naman siyang umupo sa harap nito at pagkatapos ay nilingon siya nito at tinitigan tyaka nagtanong. “Wala na siya?” tanong nito sa kaniya. Nakatitig si Annie sa mga pagkaing nasa mesa nila ng mga oras na iyon kaya nang marinig niya ang
Pagkatapos nilang kumain ni Olivia ay agad na silang nag-umpisang mag-shopping para kahit papano ay bumaba na ang kinain nila lalo pa at medyo naparami ang kain nila pareho. Isa pa ay medyo nagpaka-busy na lamang din siya para kahit papano ay makalimutan niya rin ang mga problema niya. Habang namimili sila ni Olivia ay masayang masaya siya.Tinulungan siya ni Olivia na pumili ng mga magagandang damit at pinicturan pa siya nito habang nagsusukat siya ng damit at ipinadala nito ang mga iyon kay Lucas.“Ikaw ang nag-send sa kaniya ng mga larawang ito?” tanong ni Annie nang makita niyang may mga chat si Lucas sa kaniya.Agad namang tumango sa kaniya si Olivia at hindi itinanggi ang sinabi niya. “Syempre, gusto ko na isipin ka niya habang nasa byahe siya para habang tinititigan niya ang larawan mo ay bigla a niyang ma-miss at para na rin hindi na siya makapaghintay pa na bumalik sayo kaagad.” mabili nitong sabi sa kaniya.“Hmm, e hindi naman ako maganda e.” sabi niya naman rito.“Ano ban
Napasimangot si Tristan dahil sa tanong niya. “Siya ba talaga ang gusto mong tanungin o gusto mong itanong kung bakit ako nandito?” sabi nito sa kaniya.Bigla namang napaisip bigla si Annie dahil sa naging tanong nito. “Ibig bang sabihin ay alam nito ay alam mo na nandito rin si Via? Ibig bang sabihin ay pumunta a rito at sinundan mo siya para aminin mo na ang pagakamali mo?” tanong niya rito ngunit mabilis itong umiling sa kaniya.“Bakit naman ako ang aamin ng pagkakamali ko e wala naman akong ginagawa. Siya lang naman ang—” natigilan si Tristan nang makita niyang lumabas mula sa fitting room si Olivia at hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin sana kay Annie dahil napako na ang mga mata niya rito. Totoo ba ang nakikita niya? Nakasuot ito ng kulay pink tulle dress at sa likod nito ay may isang magandang trail na mukha namang normal sa likod, bumagay ito sa maputi nitong balat at ang palda nito ay napakanipis ng telang ginamit at halos mandalim ang kanyang mga mata nang makita
ILANG sandali pa nga ay kaagad na narinig ni Via na tumunog ang kanyang cellphone kung saan ay aabutin niya sana iyon sa kanyang bulsa ngunit aksidente niyang nahawan ang braso ni TRistan dahil nga maliit nga lang ang loob ng fitting room. Dahil rito ay agad niyang binawi ang kanyang kamay na tila ba napapaso.Dahil naman sa inakto nito ay bigla na lamang nalungkot si Tristan bigla at pagkatapos ay nagtanong sa kaniya. “Ganyan ka na ba talaga? Ayaw mo bang makasama ako at ni ang madikit man lang sa balat ko ay iwas na iwas ka?” tanong niya agad rito. Sa halip na sagutin siya nito ay yumuko lamang ito at doon na sumiklab ang galit niya. “Ano Olivia? Napipi ka na ba? Magsalita ka!” galit na sabi niya rito ngunit nanatili pa rin itong tahimik.“Olivia…” sa pagkakataong iyon ay galit na galit na siyang tinawag ang pangalan nito at mabilis niyang inabot ang kamay nito at pinisil iyon at natitiyak niya na dahil sa higpit ng ginawa niyang pagpisil doon ay namula iyon.Nang mga oras na iyon a
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni TRistan nang marinig niya ang sinabi nito ngunit pinilit niya pa ring kumalma. “Ang ganda ng damit na yan at bagay yan sa yo. Makinig ka nga sa akin. Isuot mo na yan.” sabi niya rito.Samantala, pagkatapos na sabihin iyon sa kaniya ni Trista ay hindi nasiyahan si Olivia. “Ang kulay nito au makaluma at ang pangit ng estilo. Tristan naman, alam mo naman kung ano ang trabaho ko at baka mamaya ay may makakilala sa akin? Makikita nila na ganito ang suot ko?” bulalas niya rito.“Ikuha mo ako ng iba pa.” sabi nito sa kaniya. Napaisip din naman siya at tama nga naman ito aya mabilis siyang nag-ikot sa loob ng shop upang mamili ng damit. Ilang sandali pa ay wala siyang nahanap na damit dahil halos pare-pareho lang ang mga design at ang iba ay ang iikli na at mababa ang leeg at halos kita na ang dibdib. Hindi naman siya pumayag na ang mga iyon ang isuot nito. Sa huli ay tiningnan niya ito ng may banta.“Wala na akong ibang damit na mahanap maliban sa damit n