Inabot ng isang linggo bago nakabalik si Lesly at Brando ganun din si Lauron. Nasundan pa ng maraming linggo ang paggawa ng gamot dahil kailangan pa muna itong e-test kung epektibo at tagumpay ang paggawa.Habang tumatagal lalo ng nanghihina si Clarence. Nagsisimula na rin maubos sa paglagas ng buhok niya sa ulo. Pinili munang dalhin ni Ciara si Clarence sa dating mansyon na binili niya noong una niyang umuwi ng pilipinas. Kasalukuyan silang nasa hardin ngayon habang nanonood ng iba’t-ibang klase at kulay ng paru-paru na masayang lumilipad sa hardin. Nakaupo silang mag-asawa sa damuhan habang nakasandal si Clarence sa balikat ni Ciara. Masaya silang nanonood sa kanilang mga anak na naghahabulan sa hardin kasama ng mga paru-paru.“Sweetheart, sakaling mawala ako, huwag kang tumigil magmahal–”“Kahit kailan hindi ako magmamahal ng iba, Ikaw lang ang gusto ko.” Agaw niya sa sinabi nito kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang ngumiti ito ng mapakla.“Ngunit hindi ko na masusukli
SIXTEEN YEARS LATER ** CLYDE DEL CASTRILLO *** Abala si Clyde sa pagtipa sa harap ng laptop niya nang biglang bumungad ang katawan ni Brando sa loob ng kanyang opisina. "Boss young," Hindi niya ito pinansin kahit naririnig naman niya ang pagtawag nito. Naiirita ang tainga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya sa 'Boss young' 'Batang Boss.' Nakasanayan na siyang tawagin ni Brando sa ganitong pangalan kahit ilang beses na niyang sinaway ito. Tila nahulaan naman nito kung bakit hindi siya namamansin kaya binago nito ang pagtawag sa kanya. "Boss Clyde." "What?" Tinatamad niyang sagot habang nakatutok pa rin ang tingin sa monitor ng laptop. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina katibayan na tuluyan na itong pumasok. "Dumating na ang mga fresh flowers na in-order mo." Bakas ang galak at tuwa sa boses nito habang pinipresenta sa harapan niya ang magandang klase ng mga bulaklak. Sinulyapan niya lang ang mga iyon ngunit hindi din naman nagtagal. Muli niyang tinuon a
“Let me go!” sigaw niya at tinadyakan sa maselang parte ang lalaking gustong gahasain siya. Mabilis siyang tumakbo at pinihit ang nakasarang pinto ng pribadong silid kung saan siya naroroon. Ngunit hindi pa niya nagawang buksan ang pinto ng biglang hinila ng lalaki ang kanyang buhok at pwersahan siyang tinulak sa kama. Nanlilisik ang mga mata nito, animoy demonyo na tumakas mula sa impyerno. “No!” malakas niyang sigaw, ng marahas nitong pinunit ang damit na suot niya. Pakiramdam niya may sungay na ang anyo nito nang makita ang hubo’t-hubad niyang katawan na tanging underwear at bra lamang ang kanyang natirang kasuotan. “I beg you, please.. Let me go!” nagmamakaawang wika niya, habang niyayakap ang sariling kahubdan, ngunit tila nasiyahan pa ito ng makita siyang nagmamakaawa. Agad itong pumatong sa ibabaw niya, dahilan upang lalo siyang nilukob ng kanyang takot na baka magtagumpay ang lalaki sa binabalak gawin sa kanya. Sinipa niya ito, ngunit mabilis nitong sinuntok ang sikmura niya da
“No.. hindi ko siya pinatay. Pinukpok ko lang ang ulo niya ng vase, alam kong buhay pa siya, nawalan lang siya ng malay,” agarang paliwanag niya. “May karapatan kang manahimik. Ang anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa korte ng batas. May karapatan kang kumuha ng abogado mo. Kung hindi mo kayang bayaran ang isang abogado, isa ang ibibigay para sa’yo.” sinagot siya ng pulis ayon sa miranda rights. “No..no..hindi ko siya pinatay maniwala po kayo sa akin, Pinagtangkaan niya akong gahasain.” umiiyak niyang sagot at binalingan muli ang daddy at mommy niya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. “Daddy, please tulungan ninyo ako, hindi ko talaga pinatay si Mr. Harrison.” Sa kabila ng pagmamakaawaa niya, tila, matigas na ang puso ng daddy niya na nakatingin sa kanya. Sinubukan niyang humingi ng tulong sa kanyang ina, nagbabakasakali na maawa rin ito sa kanya. “Mommy, Please maniwala kayo, gusto kong isalba ang kumpanya ngunit….” Napa-tigil siya sa pagsasalita ng nahagip
Samantalang sa loob ng interrogation room, wala pa ring tigil sa pagbuhos ang mga luha ni Ciara, habang paulit-ulit siyang tinatanong ng police officer. “Miss De Luna, hindi na kita pipilitin kung ayaw mong umamin na ikaw ang pumatay kay Mr. Harrison. Ngunit sinasabi ko na sa iyo, hindi basta-basta ang taong pinatay mo. Isa siyang Bigtime Human Smuggler sa buong bansa, at delikado ang buhay mo, kung hindi ka makipag cooperate sa amin. Kapag umamin ka sa lahat-lahat ng nalalaman mo, posibleng gagaan ang kaso mo.” Namumula ang mga mata niya na umangat ng mukha at tiningnan ng masakit ang lalaking police na kanina pa nag-iimbestiga sa kanya. “Sinabi ko na kanina ang sagot ko sa tanong mo, hindi ko kilala si Mr. Harrison, at mas lalong walang nag-utos sa akin upang patayin siya. Pinagtangkaan niya akong gahasain, ano sa tingin mo ang gagawin ko? Self defence ang nangyari, at naniniwala akong hindi pa siya patay. Senet-up lamang ako.” mahina ngunit madiin niyang sagot. “Kung hindi mo
5 YEARS LATER "Ladies and gentlemen, welcome on board Flight 5B7, which is going from San Francisco to the Philippines. We are currently third in line for take-off and should be in the air in about seven minutes. Please fasten your seatbelts and secure any luggage underneath your seat or in the overhead compartments at this time. We also request that your seats and table trays be upright for take-off. Turn off all personal electronic devices, including laptop computers and cell phones. Smoking is not permitted during the flight. Thank you for your interest in TopWorld Airlines. Have a safe and enjoyable flight." Relax na isinandal ni Ciara ang likod sa bahagyang nakahiga na upuan niya. Gusto niyang umidlip muna sandali dahil wala pa siyang pahinga. Bagama't pag-aari niya ang Top World Airlines, meron siyang pribadong cabin sa loob ng eroplano kung saan relax silang makapag pahinga ng anak niya. "Mommy, will I ever see my Dad in the Philippines?" Nakaidlip na siya ng muling mapadil
“Oh, well, mabuti naman at buhay ka pa. Kailan ka pa nakalaya?” nakakainsultong tanong nito sa kanya, para lang takpan ang hiyang inabot nito. Bumaba ang tingin nito sa anak niya. “Oh, look at it, ‘yan na ba ang bunga ng panghahalay sa’yo ni Mr. Harrison? Hindi naman pala pangit ang lahi niya, dahil nagkaroon ka ng magandang produkto.” tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa bata.“Oh, really? Paano mo nalaman?” nakangiting tanong niya, imbes kasi na magalit siya, parang natuwa pa siya ng makita ang reaksyon nito.“Siyempre, sinabi sa akin ni Mr. Harrison na successful ang panghahalay niya sa…” hindi na natuloy ni Monica ang gusto pa sana niyang sabihin ng napagtanto na nahulog siya sa patibong ni Ciara. “Marunong mang blap ang tanga!” sa loob-loob niya. Binalingan niya si Lorenz, at nakita niya ang pagdilim ng anyo nito habang nakatingin sa kanya.“I didn't know you were that close to Mr. Harrison, Monica.. And you also appear to know what happened to me back then, rig
ALAS DYES NG GABI ng tingnan ni Clarence ang oras sa suot niyang relo. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch sa loob ng kanyang home library. Katatapos niya lang mag zoom meeting sa Vice President ng Top world Airlines at ngayon lang pumayag ang mga ito na makipag collaborate sa DelCas Group para sa malaking project na pinoproposed niya. Almost 1 year na niyang nililigawan ang kumpanya na ito, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung sino ang pumalit na bagong CEO. Nagmumukha na siyang trying hard sa kakareasearch kung sino ang presidente nito, ngunit wala siyang nakukuha na impormasyon, dahil naka highly confidential ang background information nito at kahit malupit na hacker, hindi kayang e-access iyon. Nagsimula siyang magkaroon ng interest rito dahil sa loob ng limang taon, nagawa nitong i-akyat sa tuktok ng pyramid ang Sullivan Airlines na ngayon ay kilala sa tawag na Top World Airlines. Kaya niya naisipan ni e-hire si Ciara, dahil nalaman niyang naging Business Consultant
SIXTEEN YEARS LATER ** CLYDE DEL CASTRILLO *** Abala si Clyde sa pagtipa sa harap ng laptop niya nang biglang bumungad ang katawan ni Brando sa loob ng kanyang opisina. "Boss young," Hindi niya ito pinansin kahit naririnig naman niya ang pagtawag nito. Naiirita ang tainga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya sa 'Boss young' 'Batang Boss.' Nakasanayan na siyang tawagin ni Brando sa ganitong pangalan kahit ilang beses na niyang sinaway ito. Tila nahulaan naman nito kung bakit hindi siya namamansin kaya binago nito ang pagtawag sa kanya. "Boss Clyde." "What?" Tinatamad niyang sagot habang nakatutok pa rin ang tingin sa monitor ng laptop. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina katibayan na tuluyan na itong pumasok. "Dumating na ang mga fresh flowers na in-order mo." Bakas ang galak at tuwa sa boses nito habang pinipresenta sa harapan niya ang magandang klase ng mga bulaklak. Sinulyapan niya lang ang mga iyon ngunit hindi din naman nagtagal. Muli niyang tinuon a
Inabot ng isang linggo bago nakabalik si Lesly at Brando ganun din si Lauron. Nasundan pa ng maraming linggo ang paggawa ng gamot dahil kailangan pa muna itong e-test kung epektibo at tagumpay ang paggawa.Habang tumatagal lalo ng nanghihina si Clarence. Nagsisimula na rin maubos sa paglagas ng buhok niya sa ulo. Pinili munang dalhin ni Ciara si Clarence sa dating mansyon na binili niya noong una niyang umuwi ng pilipinas. Kasalukuyan silang nasa hardin ngayon habang nanonood ng iba’t-ibang klase at kulay ng paru-paru na masayang lumilipad sa hardin. Nakaupo silang mag-asawa sa damuhan habang nakasandal si Clarence sa balikat ni Ciara. Masaya silang nanonood sa kanilang mga anak na naghahabulan sa hardin kasama ng mga paru-paru.“Sweetheart, sakaling mawala ako, huwag kang tumigil magmahal–”“Kahit kailan hindi ako magmamahal ng iba, Ikaw lang ang gusto ko.” Agaw niya sa sinabi nito kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang ngumiti ito ng mapakla.“Ngunit hindi ko na masusukli
"Edwin!"Naabutan pa ni Edwin ang panghuling hilik niya ng marinig ang sigaw ni Mylah. Hinahanap niya kung saan ito habang pupungas-pungas."Babe, ano ka ba naman. Bakit ka ba sumisigaw? Baka magising na naman ang anak mo. Ang hirap pa naman patulugin ito." Reklamo niya."Kasalanan mo yan! Kailan ka pa natutong nagdesisyon na hindi muna ako tinatanong?" Mahinahon ngunit halata pa rin ang galit nito."Pumirma ka na?" Tanong nito."At bakit hindi ako pipirma gayung nakapirma ka na?" Singhal nito at pabagsak na umupo sa kama."Babe, isang taon lang naman ang kontrata nila eh. Sakaling hindi nila natutunang ibigin ang isa't-isa, mawawalan ng bisa ang kasal after 1 year.""Wala akong question sa pagpapakasal sa kanila dahil alam kong swerte ng anak natin mung si Clyde ang pakasalan niya. Ngunit bakit kailangan pang ilihim mo ito sa akin?""I'm sorry." Kinuha nito ang kamay niya at dinampian ng halik. "Alam ko kasi ang maging reaksyon mo kaya parang isang galit na lang hinayaan ko na si Cla
Umangat ng mukha si Clarence. “Saan niyo ito nakita Mom?” tanong niya habang nakatingin kay Donya Amanda. “Si Clyde ang nakakita niyan.” naluluhang sagot ni Donya Amanda. “Saan nga pala sila?” “Nauna na sila sa loob ng sasakyan.” sagot ni Ciara na ang tinutukoy ay ang bridal car niyang limousine. “Tamang-tama, doon na rin ako sasakay.” mabilis pa kaysa sa kanila na pumasok ito ng limousine. “Ako na ang magdadrive anak.” nakangiting wika ni Lauron at kinuha ang susi sa driver. “Mukhang naging masungit ngayon si Mommy sa inyo Dad, ah.” pabirong saad ni Ciara. “Hehe, hayaan mo siya anak. Lalambot din sa akin yan.” nakangiting sagot ni Lauron at tinulungan ng makapasok sa loob ng limo si Clarence. Matapos niyang e-fold ang wheelchair at ipasok rin sa loob. Agad na siyang lumipat sa driver seat. “Mi-amor, dito ka umupo sa tabi ko sa driver seat.” tawag niya kay Amanda ngunit tila wala itong narinig. “Mom, sa tingin ko po, doon na kayo umupo. Medyo masikip tayo rito.” wika ni Ciara.
"Kanina, habang binabaybay natin ang gitna ng Aisle, hindi pa rin ako makapaniwala na sa daming lalaki sa buong mundo ikaw ang lalaking itinakda ng panginoon sa akin upang maging kabiyak ng puso ko. Sa dinami-dami ng kamalasan na nangyari sa buhay ko minsan tinanong ko ang Diyos kung deserve ko ba ang lahat ng iyon ngunit ikaw ang naging sagot niya sa lahat ng mga tanong ko. Simula ng malaman ko na ikaw ang ama ng mga anak ko hindi ko alam kung paano kita tatanggapin sa buhay ko. Until I didn't realize that I was slowly falling in love with you. Walang kapantay ang saya na nararamdaman ko ng sinabi mo na mahal mo rin ako. Sa maikling salita nagsama tayo. Nasanay ako sa bawat araw na lagi akong nagigising habang nakaunan sa bisig mo. Lagi akong natutulog sa mga yakap at halik mo. But as the saying goes, love isn't perfect, so fate has put our love to the test several times. Minsan ng sinubukan ng tadhana na ilayo ka sa akin ngunit nagtiwala ako na babalik ka at hindi ako nabigo. Mas la
“Clarence Adler, do you take Ciara Ella to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part? “I do,” mabilis na sagot ni Clarence sa tanong ng Pari. "Ciara Ella, do you take Clarence Adler to be your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” “I do,” nakangiting sagot ni Ciara habang hawak ang kamay ni Clarence. Nakaupo pa rin ito sa wheelchair. Habang tinitingnan ni Donya Amanda ang dalawa sa harap ng Pari hindi niya maiwasan ang manghinayang. Siya ang nahihirapan para sa dalawa. Bongga ang set up ng simbahan. Puro Cherry blossoms ang theme. Napapaligiran ng mataas na puno ng Cherry Blossoms ang magkabilang gilid ng Aisle. Ang Gown naman ni Ciara abot mayroong limang metro ang haba sa likuran at puno ito ng swarovski Crystal beads. Talagang pinaghanda
“Besh okay ka lang ba?” Narinig niyang tanong ni Mylah habang inaayos ang kanyang mahabang wedding Gown sa likuran. Magkasunod siyang tumango. “Okay lang ako best. Hindi ko lang kasi maiiwasan na hindi mag-alala para kay Clarence.” Naiiyak niyang sagot habang maingat na pinapahid ng tissue ang mga luha niya. Nakita niya ang awa mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Nag-alala ka ba sa kanya dahil mas pinili niyang tumayo kaysa umupo sa wheelchair niya?” Hinawi nito ang ilang hibla ng pinakulot niyang buhok sa gilid ng pisngi. “Oo,” Naluluha niyang sagot. “Alam kong pinipilit niya lang tumayo para sa akin. Ayaw kasi niyang bigyan ako ng pasanin sa araw ng aming kasal. Parang sasabog na ang puso ko ngayon, best.” Magkasunod na pumatak ang mga luha niya na yumakap sa kaibigan. Hinimas naman nito ang likod niya upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. “Isipin mo na lang na masaya si Clarence sa pinili niya, best. Huwag mong isipin na may sakit siya, baka kapag nak
“Hindi ko matatanggap na iwanan mo kami, lalaban pa rin tayo. Hahanap ako ng lunas sa sakit mo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” “Sweetheart,” tawag nito sa kanya na may kasamang pamgumbinsi na dapat na siyang sumuko. “Hindi kita susukuan Clarence. Kahit kailan hindi kita sinukuan. Sana ganun ka rin! Utang na loob! Papayag ka na lang ba na paghihiwalayin tayo ng sakit mo? Nakalimutan mo na ba? Sabay tayong lumaban kahit gaano man kahirap labanan ang mga kalaban natin. Nalampasan natin iyon. Ngayon ka pa ba susuko?” Umangat siya ng ulo at tinitigan ang maamong mukha ng asawa na nahilamos na rin sa luha. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito at ginawaran ng mainit na halik sa labi. Napapikit si Clarence habang ginagawa iyon ni Ciara. “Huling laban na natin ito, nasa atin ang gabay ng Diyos, kaya naniniwala akong gagaling ka pa. Kahit sa bingit ka pa ng kamatayan hindi pa rin kita susukuan kahit ako na lang ang mag-isang lumalaban.”
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pauwi ng biglang mag ring ang telepono ni Clarence. Kinuha ni Ciara ang cellphone mula sa likurang upuan at ibinigay iyon kay Clarence.‘Sino ang tumatawag?” tanong nito habang nagmamaneho. Hindi muna nito kinuha ang cellphone sa kanya. Tiningnan niya ang screen. “Hindi ko alam. Numero lang kasi ang lumabas.” sagot niya.“Sagutin mo na muna,” pasuyo nito sa kanya.“Hello?” bungad niya.“Hello, sa kay Clarence Adler Del Castrillo po ba ito?”“Ito nga po.” agad niyang sagot.“Ah, Ma’am from St. Dominic Hospital po ito. Tumawag po kami to inform about sa pasyente namin na si Leticia Del Castrillo. Thirty minutes na po siyang binawian ng buhay. Ilang araw na po kasi siyang hindi kumakain. At kanina lang, natagpuan namin ang bangkay niya sa loob ng banyo. Uminom po siya ng muriatic acid na nandoon sa loob.”Napaawang ang labi ni Ciara habang nakatingin kay Clarence ng marinig ang balita. “Hello Ma’am? Nandiyan pa po ba kayo?”Agad na nakabalik si Ci