5 YEARS LATER
"Ladies and gentlemen, welcome on board Flight 5B7, which is going from San Francisco to the Philippines. We are currently third in line for take-off and should be in the air in about seven minutes. Please fasten your seatbelts and secure any luggage underneath your seat or in the overhead compartments at this time. We also request that your seats and table trays be upright for take-off. Turn off all personal electronic devices, including laptop computers and cell phones. Smoking is not permitted during the flight. Thank you for your interest in TopWorld Airlines. Have a safe and enjoyable flight."Relax na isinandal ni Ciara ang likod sa bahagyang nakahiga na upuan niya. Gusto niyang umidlip muna sandali dahil wala pa siyang pahinga. Bagama't pag-aari niya ang Top World Airlines, meron siyang pribadong cabin sa loob ng eroplano kung saan relax silang makapag pahinga ng anak niya."Mommy, will I ever see my Dad in the Philippines?"Nakaidlip na siya ng muling mapadilat, matapos marinig ang tanong ng anak niya. Akala niya nagkakaintindihan na sila nito."Zariah, I thought we talked about this already? Am I not good enough as your mommy and daddy?" malambing niyang sagot rito at kinudlitan ng kanyang daliri ang tungki ng ilong ng anak niya."Of course I understand you mommy. I don't need daddy, only you are enough for me," nakangiti nitong sagot at iniunat ang maliit na kamay upang maabot ang pisngi niya. Sobrang lambing nito bagay na hindi niya magawang magalit rito kapag sinusuway siya. Alam na alam talaga nito kung paano siya lambingin."Sit back and relax. Close your eyes, when you open them we're already in the Philippines."Sinunod naman ni Zariah ang sinabi niya. Hinaplos niya ang pisngi ng anak. Kung may nangyari man sa nakaraan na hindi niya pinagsisihan, iyon ang pagdating ng anak niya. Kahit bunga ito ng maling desisyon na ginawa niya noon, pinasasalamatan pa rin niya ang panginoon dahil binigay pa rin nito sa kanya. Hindi nito hinayaan na mawala ang anak niya noong araw na akala niya, mamamatay na siya sa loob ng kulungan. Minsan kapag naalala niya ang kanyang malagim na nakaraan, sumisikip pa rin ang dibdib niya. Agad niyang pinigilan ang nagbabadyang luha, at binaling ang tingin sa labas ng bintana ng kanyang cabin. Napapalibutan sila ng makapal na ulap, ulap na kasing labo ng lihim ng kanyang nakaraan. Hindi pa sana siya handa na bumalik, ngunit sadyang tadhana na rin ang gumawa ng paraan upang kanyang balikan at muling buksan ang kaso ng kanyang nakaraan. Pagbabayarin niya ang mga taong nag set-up sa kanya. God knows kung ano ang hirap na pinagdaanan niya sa loob ng kulungan, hindi siya titigil hanggat hindi niya nalalaman ang katotohanan. Five years ago, nanganak siya ng wala sa oras dahil sinunog ang kanyang selda, tanging narinig lamang niya na ang may-ari ng DelCas Group of companies ang nag-utos upang patayin siya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon, dahil iyon ang araw kung kailan siya namatay. At ngayong araw na ito ang anibersaryo ng pagkamatay niya, ito rin ang araw na kanyang gugulantangin ang lahat sa muling pagkabuhay niya."Ladies and gentlemen, Top World Airlines, welcomes you to Manila Ninoy Aquino International Airport. Local time is 07:25 a.m. For your safety and that of those around you, please remain seated with your seatbelt on and keep the aisle clear until we have parked at the gate. Thank you.""Mommy, have we arrived in the philippines?"Nagising siya, ng maramdaman ang pagkalabit ng anak niya. Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya habang nagbabalik tanaw sa nakaraan niya kanina. Tiningnan niya ang oras sa wrist watch, 7:30 na ng umaga. Tamang-tama dahil ito rin ang oras na sinabi niya sa matalik niyang kaibigan na sunduin sila. Tanging kaibigan lang niya ang nakakaalam ng lahat sa buhay niya, at ito rin ang nagkukwento sa kanya ng mga nangyayari sa pilipinas.Suot ng kanyang itim na sunglasses, itim na above the knee spaghetti dress at pinatungan na rin ng itim na blazer, bumaba siya ng eroplano habang kapit-kamay ang anak niya. At katulad niya, naka-all black na rin ito na katulad sa suot niya. At kahit hindi niya sabihin, alam niyang sa kanilang mag-ina na katingin ang lahat ng mga passengers na kanilang madadaanan sa loob ng airport. Paano sila hindi titingnan gayong mother and daughter pair sila sa kanilang all black na kasuotan at pares na high heels.Isang luggage lang ang dala niya habang ang kanyang anak, parang dalagang maliit na rin kung titingnan dahil naka half inch na rin ang heels ng black shoes na suot nito. Minsan nag-aaway pa sila, dahil 5 years old pa lang ito ngunit puro na may mga heels ang hilig isuot. Noong una nagagalit siya,dahil sa mag sinusuot nitong high heels shoes, ngunit unti-unti na rin siyang nasanay rito."Ciara Elah!" Napalingon siya sa gawi ng babaeng sinisigaw ang pangalan niya."Mylah!" ganting sigaw rin niya at excited na sinalubong ng yakap ang kaibigan sa waiting area."Wow, ito na ba ang inaanak ko?" Nakangiting wika ni Mylah, at hindi makapaniwala ang mga mata habang tinititigan si Zariah mula ulo hanggang paa."Godmother, I know I'm pretty but will you keep looking at me? Won't you at least hug me like you and mommy did?" Nakapamewang na wika ni Zariah habang nakatingala sa ninang Mylah niya.Tila nahimasmasan naman si Mylah at nakangiting niyakap ang inaanak."Hmmm, bakit ba ang daldal mo na ngayon, bata ka?" usal nito na halata ang panggigigil sa inaanak. Dati, noong pumunta siya sa San Francisco isang taon pa lang ito. Ngayon ubod na ng talino at kakulitan."Godmother, are there many handsome men here?" bulong ni Zariah sa tenga ni Mylah dahilan upang magsitayuan ang balahibo nito. Nanlaki ang mga mata nito na binalingan si Ciara."Juice colored, Ciara, ano itong mga pinagsasabi ng anak mo?"Napatawa na lang si Ciara dahil sa reaksyon ng kaibigan. Karga pa rin nito si Zariah hanggang makarating sila sa sasakyan. Sanay na siya sa anak niya. Palagi kasi itong nanonood ng mga action movie basta gwapong lalaki ang bida, hindi ito kumukurap, kaya siguro nito na tanong kung marami ring gwapong lalaki sa pilipinas. Hindi na lang niya pinansin ang dalawa na ngayon nag-babangayan na."Don't be easily attracted to handsome men, they are not worthy." saad ni Mylah bagay na ikinasimangot ni Zariah."Life is boring when there are no handsome men to be seen," sagot nito, halatang hindi gusto ang sinabi ng ninang niya."Handsome men are unfaithful," sagot ulit ni Mylah. Wala na rin kasing tiwala sa mga lalaki, matapos malaman ang nakakakilabot na nangyari sa bestfriend niya. Hanggang ngayon, nakokonsensya pa rin siya sa tuwing naiisip na wala siya sa tabi ng bestfriend niya noong mga panahon na kailangan siya nito. Nasa states kasi siya at isang taon na nagbakasyon doon sa lola niya."And that is why you remained an old maid," sagot rin nito na nagpagising ng diwa niya."Aba’t..Hay naku Ciara, meron bang batas na pwedeng bawiin ang pagiging ninang sa inaanak? Ayoko na nitong anak mo masyadong matabil ang dila." Kunyaring naiinis na wika ni Mylah. Ngunit walang pakialam si Ciara, sa halip masarap na ang tulog nito habang siya nakikipag bangayan pa rin sa inaanak niya na hindi niya alam kung kanino nagmana.Hindi nagtagal nakarating na rin sila sa mansyon na pinabili ni Ciara sa kanya."Best, sabihin mo lang kung hindi mo nagustuhan ang villa na ito at papalitan ko.""No, its okay," agaw niya sa sinabi ng kaibigan. Mataman niyang pinagmasdan ang buong villa. Nagustuhan niya ito, golden green ang bermuda grass na nakapalibot sa mansyon, ang hardin ay puno ng iba't-ibang klase ng orchids na halatang nanggaling pa sa ibang bansa. Mayroong mga nagliliparan na ibat-ibang kulay na mga paru-paro na mula sa maliit, malaki at katamtaman lang ang laki na kung titingnan parang isang pamilya. Mayroong magkatabi na swimming pool na para sa pambata at sa mga katulad niya."Maganda, super kong nagustuhan ito, mayroong peace of mind dahil malayo sa ciudad," natutuwang saad niya.Pumasok na sila sa loob ng mansyon. Sumisigaw sa tuwa ang anak niya ng makita ang iba't-ibang laruan sa playroom nito na katabi lang sa kanyang kwarto. Maraming barbie dolls mula maliit hanggang sa pareho nito kalaki na sumasagot sa anak niya kapag nagsasalita. Malapad siyang ngumiti habang nakatingin sa anak niya. Wala siyang ibang gusto kundi ang ibigay ang lahat ng nakakapagpasaya rito."Ano ngayon ang plano mo?"Nakabalik siya sa kanyang sistema ng marinig ang tanong ni Mylah."Sisimulan ko na ang trabaho ko sa DelCas Group of Companies bukas," buong pasya niyang sagot."Sigurado ka na ba riyan? Paano ang kumpanya mo sa San Francisco? Hindi ka ba nahihirapan kapag..""No, nakahanda na akong gawin 'to. Bago ko tanggapin ang alok ng DelCas na maging Business Consultant nila, sinigurado ko muna ang lahat sa sarili ko kung kaya ko na. Ngayon nakahanda na ako. Isa itong oportunidad para sa akin, upang malaman ko kung sino ang nag set-up sa akin five years ago.Kinabukasan, maaga pa siyang naghanda para sa magiging unang araw niya sa DelCas Group. Dahil wala pa siyang pwedeng pag-iwanan ng kanyang anak, minabuti na lang niyang isama ito. May trabaho na rin kasi si Mylah kaya nahihiya na rin siyang abalahin pa ang kaibigan."Zariah, kapag nagtatrabaho na si mommy, make sure na behave ka roon okay?" Saad niya sa anak. Nag squat siya at inayos ang suot nitong cocktail dress na talagang halata na anak-mayaman. As usual nakasuot na naman ito ng half inch nitong sandals."Yes mom, I promised," nagtaas pa ito ng kamay bago siya halikan ng smack sa labi.Nakangiti siyang tumayo at hinawakan ang kamay ng anak. Isang simpleng knee length short sleeve dress lang ang suot niya. Ayaw niyang ipahalata ang totoong background niya at baka masira ang pinaplano niyang pagtuklas kung sino ang nagpapatay sa kanya. Nag Taxi lamang siya. Mamaya na lang siya bibili ng mumurahing kotse para maging madali at safe ang transportasyon nila ng kanyang anak.DELCAS GROUP OF COMPANIESPareho silang nakatingala ng kanyang anak, habang nakatingin sa nag-susumigaw na pangalan ng DelCas Group na nakadikit sa pinakatuktok ng Company Building. Abot hanggang 50th floor ang taas nito na kapag tumingala ka, parang langit na rin ang tinitingala mo."Wow, He's so handsome," bulalas ni Zariah na nagpalingon din sa kanya. Tiningnan niya rin ang direksyon kung saan nakatingin ang mga mata nito. Isang gwapong mukha ng lalaki na kayang paluhurin ang sinumang babae sa isang tingin lang. Daig pa nito ang mga hollywood actor ng america, at kapag ihanay ang lalaking ito sa mga artista, siguradong ito ang nangunguna. "Clarence Adler Del Castrillo," naka kuyom ang kanyang kamao habang binabasa ang pangalan ng gwapong mukha ng lalaki na nakabalandra sa malaking Billboard sa gilid ng highway sa harap lang mismo ng kumpanya nito. "Kung may kinalaman ka man sa mga nangyari sa akin noon, sisiguraduhin kong babagsak ka kasama ang kumpanya mo." Usal niya sa sarili. Malinaw sa ala-ala niya ang sinabi ng mga lalaki bago siya patayin sa loob ng kulungan. Kasabwat ang DelCas sa pagpatay sa kanya. Muli niyang hinawakan ang kamay ng anak upang pumasok na sa loob ng DelCas Building.“Wait, why do I look like him?” tanong ng kanyang anak, habang titig pa rin sa Billboard ni Clarence Adler. Hindi naman niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan."Anak, halika na, may trabaho pa si mommy." Hindi na niya pinansin ang sinasabi ng kanyang anak.Nagpatuloy sila sa paglalakad. Ngunit hindi pa man sila nakarating sa entrance ng Delcas Group, bigla na silang napahinto ng marinig ang taong tumawag sa pangalan niya mula sa kanyang likuran."Ciara?"Bakas ang pagkagulat at pamumutla, ng dalawa ng lumingon siya. Mapang-uyam siyang ngumiti, sa mga ito. Hindi niya inaasahan na makita niya si Lorenz at Monica ng ganito kaaga."P..paanong buhay ka?" Namumutlang tanong ni Monica. Bakas ang hindi makapaniwala sa kanyang anyo."Bakit Monica, sino ang nagsabi na patay na ako?" puno ng laman ang tanong niya.“Oh, well, mabuti naman at buhay ka pa. Kailan ka pa nakalaya?” nakakainsultong tanong nito sa kanya, para lang takpan ang hiyang inabot nito. Bumaba ang tingin nito sa anak niya. “Oh, look at it, ‘yan na ba ang bunga ng panghahalay sa’yo ni Mr. Harrison? Hindi naman pala pangit ang lahi niya, dahil nagkaroon ka ng magandang produkto.” tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa bata.“Oh, really? Paano mo nalaman?” nakangiting tanong niya, imbes kasi na magalit siya, parang natuwa pa siya ng makita ang reaksyon nito.“Siyempre, sinabi sa akin ni Mr. Harrison na successful ang panghahalay niya sa…” hindi na natuloy ni Monica ang gusto pa sana niyang sabihin ng napagtanto na nahulog siya sa patibong ni Ciara. “Marunong mang blap ang tanga!” sa loob-loob niya. Binalingan niya si Lorenz, at nakita niya ang pagdilim ng anyo nito habang nakatingin sa kanya.“I didn't know you were that close to Mr. Harrison, Monica.. And you also appear to know what happened to me back then, rig
ALAS DYES NG GABI ng tingnan ni Clarence ang oras sa suot niyang relo. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch sa loob ng kanyang home library. Katatapos niya lang mag zoom meeting sa Vice President ng Top world Airlines at ngayon lang pumayag ang mga ito na makipag collaborate sa DelCas Group para sa malaking project na pinoproposed niya. Almost 1 year na niyang nililigawan ang kumpanya na ito, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung sino ang pumalit na bagong CEO. Nagmumukha na siyang trying hard sa kakareasearch kung sino ang presidente nito, ngunit wala siyang nakukuha na impormasyon, dahil naka highly confidential ang background information nito at kahit malupit na hacker, hindi kayang e-access iyon. Nagsimula siyang magkaroon ng interest rito dahil sa loob ng limang taon, nagawa nitong i-akyat sa tuktok ng pyramid ang Sullivan Airlines na ngayon ay kilala sa tawag na Top World Airlines. Kaya niya naisipan ni e-hire si Ciara, dahil nalaman niyang naging Business Consultant
"Daddy, I want to pee," Napalingon si Clarence sa anak ng marinig niya ang sinabi nito. Yumuko siya para lang makita ang kulay hazelnut nitong mga mata na hindi niya alam kung kanino nagmana. Light green ang kulay ng mga mata niya, samantalang ang sa anak niya nag-aagaw ang kulay berde at kulay light brown. Hinayaan niya ang anak na kumalas ang kamay sa paghawak sa kanya. Kakapasok lang nila sa loob ng Madge Cafe, at kasalukuyang hinahanap niya ang table no. 6, kung saan nakapwesto si Ciara. Nagtext ito kanina na dumating na raw ang Vice President ng Top World Airlines. Medyo nakaramdam pa siya ng hiya dahil mas nauna pa itong dumating, gayung siya ang nag set-up ng meeting. “Daddy, don’t worry; promise I won't get lost.” saad ni Zariah ng maramdaman ang pag-aatubili ng ama niya na pumunta siya ng Cr na nag-iisa. “Okay, You shouldn't take too long. Once you're done, head on over to VIP Table No. 6.” saad ni Clarence sa anak. Hindi na rin kasi niya masamahan ito, dahil ayaw niyang p
Hindi maipinta ang mukha ni Madam Leticia, habang nakatitig sa mga larawan na ipinadala sa cellphone niya. Hindi pwedeng kumalat ang larawan na ito, lalong lalo na at malapit ng ikasal ang anak niya kay Crystal Mendez. Mabilis niyang kinuha ang kanyang telepono at agad na tinawagan ang numero ng taong laging nyang inuutusan kapag may pinapatrabaho siya. “Hello, Mike, may ipapagawa ako sa’yo. Ipapadala ko sa’yo ang larawan ng babaeng gustong kong imbestigahan mo. Kailangan sa lalong madaling panahon may ibabalita ka na sa akin. Ayokong maudlot ang ang kasal ni Clarence dahil lang sa lintang babaeng iyon.” “Ngayon mismo madam, tatrabahuin ko iyan,” sagot ni Mike bago pinatay ng Donya ang tawag. “Huwag mo akong pilitin na gumawa ulit ng hindi maganda, Clarence. Lahat ng ito ginagawa ko para sa’yo.” usal niya sa sarili. Kinuha niya ang cellphone at muling nagdial ng numero. “Tita, bakit po kayo na patawag?”tanong ng kabilang linya. “Crystal, Iha, hindi ba kita naistorbo ngayon?” nakan
Nagpalinga-linga si Clarence sa bawat madadaanan niya dahil nawala na sa kanyang paningin ang sasakyan ni Lorenz ganun na rin kay Ciara. Hinahanap niya kung saan pumunta ang dalawa. Unti-unti siyang nagdahan-dahan ng pagpapatakbo ng kanyang sasakyan ng makita sa unahan ang dalawang nakapark na kotse sa gilid ng kalsada. Nakita niyang magkaharap na nag-uusap sina Ciara at Lorenz sa tabi lang ng mga sasakyan nila.Alam niyang nagtatalo ang dalawa dahil halata ang galit sa mukha ni Ciara, samantalang si Lorenz naman ay kalmado lang tila ginagawa ang lahat ng paraan kung paano suyuin si Ciara. Nag kasalubong ang kanyang dalawang kilay, habang pilit ina-alala kung saan niya nakita ang lalaki. Nahampas niya ang manibela ng may naalala siya five years ago. Nakita na niya ang lalaking ito isang beses noong umattend siya sa business summit. Natandaan niya ang mukha nito, kasama ang babaeng maputi at balingkinitan ang katawan. Kung hindi siya nagkakamali, CEO ang lalaking ito ng Dellon Pharma. H
“Clarence!” bigla siyang napahinto sa paghabol kay Ciara ng marinig ang boses ng kanyang ina. Nilingon niya ito, nakita ang nagbabanta nitong mga tingin na nagpapahiwatig na hindi nito gustong habulin niya si Ciara. Tinapunan niya lang ito ng masamang tingin. Nagbabanta rin ang kanyang mga mata na hindi rin niya gusti ang ginawa ng mga ito kay Ciara. Nagpatuloy siya sa paghabol kay Ciara, ngunit nawala na sa paningin niya ang taxi na sinakyan nito. Pumasok siya sa kanyang kotse, hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya sa mga sinabi ni Ciara kanina. Hindi niya alam na nakaranas pala ito ng pagkakulong 5 years ago. Ngunit paano nasangkot ang DelCas Group sa tangkang pagpatay kay Ciara? Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Brando.“Boss, wala pa akong magandang balita..”“Itigil mo na ang paghahanap niyan, may bago akong ipapagawa sa’yo,” agaw niya sa pagsasalita nito. “Nakikinig ka ba?” tanong niya ng maramdaman na hindi na nagsasalita si
Binalik niya sa dressing table ang picture frame ng marinig ang pag ring ng kanyang telepono. "Boss, nandito na po ako sa labas ng pintuan," saad ni Brando ng sagutin niya ang tawag.Mabilis siyang lumabas ng silid at binuksan ang pintuan. Kinuha niya ang isang maliit na supot ng plastic, galing sa pharmacy na pinagbilhan nito. "What is this?" tanong niya ng maliban sa plastic mayroon pang brown envelope na inabot si Brando sa kanya. "Files po iyan, tungkol sa personal background ni Ma'am Ciara, boss." Sagot ni Brando.Tinanggap niya iyon ngunit nagdududa ang kanyang mga mata na nakatingin sa personal assistant niya. "Bakit ang bilis? Sigurado ka bang tama ang lahat na mga impormasyon na nandito sa loob?" "Syempre naman boss. Madali lang mangalap ng impormasyon dahil alam namin kung sino ang hinahanap namin, kaysa naman naghahanap kami ng taong hindi namin alam kung sino dahil hindi naman namin nakita ang mukha." Sagot nito sa kanya."Mukhang may ipinapahiwatig ang mga salita mong i
"Ibig sabihin, totoong nakulong siya ng siyam na buwan?" Hindi makapaniwala ang mga mata ni Clarence habang nakatitig sa police record na hawak n'ya. Kapapasok lang ni Brando sa loob ng opisina niya mula sa paghatid ng pagkain kay Ciara."Yes boss, at ayon sa nakausap ko na pulis, buntis si Ciara ng mangyari ang sunog sa kulungan. Hindi nila nakita ang bangkay nito, ngunit natagpuan nila ang kulay puting bathrobe na lagi nitong suot simula ng araw na nakulong ito. Nakasabit ang nasabing bathrobe sa bintana ng banyo na pinaniniwalaang gagamitin sana nito upang makatakas sa sunog. Hanggang ngayon hindi nila alam na nakaligtas si Ma'am Ciara mula sa pagkasunog. Ang akala nila, patay na ito."Biglang pumasok sa isipan ni Clarence ang tungkol sa nawawala niyang bathrobe 5 years ago. "Nakita mo ba kung ano ang itsura ng bathrobe na sinasabi ng pulis?" Interesado siyang malaman ang tungkol sa bathrobe na sinasabing suot ni Ciara ng makulong ito.Kinuna ni Brando ang cellphone niya at binuksan
SIXTEEN YEARS LATER ** CLYDE DEL CASTRILLO *** Abala si Clyde sa pagtipa sa harap ng laptop niya nang biglang bumungad ang katawan ni Brando sa loob ng kanyang opisina. "Boss young," Hindi niya ito pinansin kahit naririnig naman niya ang pagtawag nito. Naiirita ang tainga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya sa 'Boss young' 'Batang Boss.' Nakasanayan na siyang tawagin ni Brando sa ganitong pangalan kahit ilang beses na niyang sinaway ito. Tila nahulaan naman nito kung bakit hindi siya namamansin kaya binago nito ang pagtawag sa kanya. "Boss Clyde." "What?" Tinatamad niyang sagot habang nakatutok pa rin ang tingin sa monitor ng laptop. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina katibayan na tuluyan na itong pumasok. "Dumating na ang mga fresh flowers na in-order mo." Bakas ang galak at tuwa sa boses nito habang pinipresenta sa harapan niya ang magandang klase ng mga bulaklak. Sinulyapan niya lang ang mga iyon ngunit hindi din naman nagtagal. Muli niyang tinuon a
Inabot ng isang linggo bago nakabalik si Lesly at Brando ganun din si Lauron. Nasundan pa ng maraming linggo ang paggawa ng gamot dahil kailangan pa muna itong e-test kung epektibo at tagumpay ang paggawa.Habang tumatagal lalo ng nanghihina si Clarence. Nagsisimula na rin maubos sa paglagas ng buhok niya sa ulo. Pinili munang dalhin ni Ciara si Clarence sa dating mansyon na binili niya noong una niyang umuwi ng pilipinas. Kasalukuyan silang nasa hardin ngayon habang nanonood ng iba’t-ibang klase at kulay ng paru-paru na masayang lumilipad sa hardin. Nakaupo silang mag-asawa sa damuhan habang nakasandal si Clarence sa balikat ni Ciara. Masaya silang nanonood sa kanilang mga anak na naghahabulan sa hardin kasama ng mga paru-paru.“Sweetheart, sakaling mawala ako, huwag kang tumigil magmahal–”“Kahit kailan hindi ako magmamahal ng iba, Ikaw lang ang gusto ko.” Agaw niya sa sinabi nito kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang ngumiti ito ng mapakla.“Ngunit hindi ko na masusukli
"Edwin!"Naabutan pa ni Edwin ang panghuling hilik niya ng marinig ang sigaw ni Mylah. Hinahanap niya kung saan ito habang pupungas-pungas."Babe, ano ka ba naman. Bakit ka ba sumisigaw? Baka magising na naman ang anak mo. Ang hirap pa naman patulugin ito." Reklamo niya."Kasalanan mo yan! Kailan ka pa natutong nagdesisyon na hindi muna ako tinatanong?" Mahinahon ngunit halata pa rin ang galit nito."Pumirma ka na?" Tanong nito."At bakit hindi ako pipirma gayung nakapirma ka na?" Singhal nito at pabagsak na umupo sa kama."Babe, isang taon lang naman ang kontrata nila eh. Sakaling hindi nila natutunang ibigin ang isa't-isa, mawawalan ng bisa ang kasal after 1 year.""Wala akong question sa pagpapakasal sa kanila dahil alam kong swerte ng anak natin mung si Clyde ang pakasalan niya. Ngunit bakit kailangan pang ilihim mo ito sa akin?""I'm sorry." Kinuha nito ang kamay niya at dinampian ng halik. "Alam ko kasi ang maging reaksyon mo kaya parang isang galit na lang hinayaan ko na si Cla
Umangat ng mukha si Clarence. “Saan niyo ito nakita Mom?” tanong niya habang nakatingin kay Donya Amanda. “Si Clyde ang nakakita niyan.” naluluhang sagot ni Donya Amanda. “Saan nga pala sila?” “Nauna na sila sa loob ng sasakyan.” sagot ni Ciara na ang tinutukoy ay ang bridal car niyang limousine. “Tamang-tama, doon na rin ako sasakay.” mabilis pa kaysa sa kanila na pumasok ito ng limousine. “Ako na ang magdadrive anak.” nakangiting wika ni Lauron at kinuha ang susi sa driver. “Mukhang naging masungit ngayon si Mommy sa inyo Dad, ah.” pabirong saad ni Ciara. “Hehe, hayaan mo siya anak. Lalambot din sa akin yan.” nakangiting sagot ni Lauron at tinulungan ng makapasok sa loob ng limo si Clarence. Matapos niyang e-fold ang wheelchair at ipasok rin sa loob. Agad na siyang lumipat sa driver seat. “Mi-amor, dito ka umupo sa tabi ko sa driver seat.” tawag niya kay Amanda ngunit tila wala itong narinig. “Mom, sa tingin ko po, doon na kayo umupo. Medyo masikip tayo rito.” wika ni Ciara.
"Kanina, habang binabaybay natin ang gitna ng Aisle, hindi pa rin ako makapaniwala na sa daming lalaki sa buong mundo ikaw ang lalaking itinakda ng panginoon sa akin upang maging kabiyak ng puso ko. Sa dinami-dami ng kamalasan na nangyari sa buhay ko minsan tinanong ko ang Diyos kung deserve ko ba ang lahat ng iyon ngunit ikaw ang naging sagot niya sa lahat ng mga tanong ko. Simula ng malaman ko na ikaw ang ama ng mga anak ko hindi ko alam kung paano kita tatanggapin sa buhay ko. Until I didn't realize that I was slowly falling in love with you. Walang kapantay ang saya na nararamdaman ko ng sinabi mo na mahal mo rin ako. Sa maikling salita nagsama tayo. Nasanay ako sa bawat araw na lagi akong nagigising habang nakaunan sa bisig mo. Lagi akong natutulog sa mga yakap at halik mo. But as the saying goes, love isn't perfect, so fate has put our love to the test several times. Minsan ng sinubukan ng tadhana na ilayo ka sa akin ngunit nagtiwala ako na babalik ka at hindi ako nabigo. Mas la
“Clarence Adler, do you take Ciara Ella to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part? “I do,” mabilis na sagot ni Clarence sa tanong ng Pari. "Ciara Ella, do you take Clarence Adler to be your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” “I do,” nakangiting sagot ni Ciara habang hawak ang kamay ni Clarence. Nakaupo pa rin ito sa wheelchair. Habang tinitingnan ni Donya Amanda ang dalawa sa harap ng Pari hindi niya maiwasan ang manghinayang. Siya ang nahihirapan para sa dalawa. Bongga ang set up ng simbahan. Puro Cherry blossoms ang theme. Napapaligiran ng mataas na puno ng Cherry Blossoms ang magkabilang gilid ng Aisle. Ang Gown naman ni Ciara abot mayroong limang metro ang haba sa likuran at puno ito ng swarovski Crystal beads. Talagang pinaghanda
“Besh okay ka lang ba?” Narinig niyang tanong ni Mylah habang inaayos ang kanyang mahabang wedding Gown sa likuran. Magkasunod siyang tumango. “Okay lang ako best. Hindi ko lang kasi maiiwasan na hindi mag-alala para kay Clarence.” Naiiyak niyang sagot habang maingat na pinapahid ng tissue ang mga luha niya. Nakita niya ang awa mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Nag-alala ka ba sa kanya dahil mas pinili niyang tumayo kaysa umupo sa wheelchair niya?” Hinawi nito ang ilang hibla ng pinakulot niyang buhok sa gilid ng pisngi. “Oo,” Naluluha niyang sagot. “Alam kong pinipilit niya lang tumayo para sa akin. Ayaw kasi niyang bigyan ako ng pasanin sa araw ng aming kasal. Parang sasabog na ang puso ko ngayon, best.” Magkasunod na pumatak ang mga luha niya na yumakap sa kaibigan. Hinimas naman nito ang likod niya upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. “Isipin mo na lang na masaya si Clarence sa pinili niya, best. Huwag mong isipin na may sakit siya, baka kapag nak
“Hindi ko matatanggap na iwanan mo kami, lalaban pa rin tayo. Hahanap ako ng lunas sa sakit mo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” “Sweetheart,” tawag nito sa kanya na may kasamang pamgumbinsi na dapat na siyang sumuko. “Hindi kita susukuan Clarence. Kahit kailan hindi kita sinukuan. Sana ganun ka rin! Utang na loob! Papayag ka na lang ba na paghihiwalayin tayo ng sakit mo? Nakalimutan mo na ba? Sabay tayong lumaban kahit gaano man kahirap labanan ang mga kalaban natin. Nalampasan natin iyon. Ngayon ka pa ba susuko?” Umangat siya ng ulo at tinitigan ang maamong mukha ng asawa na nahilamos na rin sa luha. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito at ginawaran ng mainit na halik sa labi. Napapikit si Clarence habang ginagawa iyon ni Ciara. “Huling laban na natin ito, nasa atin ang gabay ng Diyos, kaya naniniwala akong gagaling ka pa. Kahit sa bingit ka pa ng kamatayan hindi pa rin kita susukuan kahit ako na lang ang mag-isang lumalaban.”
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pauwi ng biglang mag ring ang telepono ni Clarence. Kinuha ni Ciara ang cellphone mula sa likurang upuan at ibinigay iyon kay Clarence.‘Sino ang tumatawag?” tanong nito habang nagmamaneho. Hindi muna nito kinuha ang cellphone sa kanya. Tiningnan niya ang screen. “Hindi ko alam. Numero lang kasi ang lumabas.” sagot niya.“Sagutin mo na muna,” pasuyo nito sa kanya.“Hello?” bungad niya.“Hello, sa kay Clarence Adler Del Castrillo po ba ito?”“Ito nga po.” agad niyang sagot.“Ah, Ma’am from St. Dominic Hospital po ito. Tumawag po kami to inform about sa pasyente namin na si Leticia Del Castrillo. Thirty minutes na po siyang binawian ng buhay. Ilang araw na po kasi siyang hindi kumakain. At kanina lang, natagpuan namin ang bangkay niya sa loob ng banyo. Uminom po siya ng muriatic acid na nandoon sa loob.”Napaawang ang labi ni Ciara habang nakatingin kay Clarence ng marinig ang balita. “Hello Ma’am? Nandiyan pa po ba kayo?”Agad na nakabalik si Ci