Naiwang nakatulala si Xianelle sa papalayong bulto ni Klinton. Nanggigilid ang mga luha niya. Imbes na bumaba ay bumalik sa silid at doon ibinuhos ang kaniyang mga luha. Mali ba na turuan ng tamang asal ang mga bata? Bakit parang pakiramdam niya'y napakasama niyang ina kapag pinalo niya ang mga bata? Hindi niya naman gawain 'yon, labag rin naman 'yon sa kalooban niya pero kailangan matuto ng kambal, hindi niya inaabuso ang mga ito. Sa inakto ni Klinton, pinuprotektahan nito ang mga bata. Ayaw nito na masaktan at napagtanto ni Xianelle na hindi nga nito gawaing saktan ang mga bata. Bakit pakiramdam niya sa kaniya pa mas delikado ang mga bata? Kung tutuusin ay napakaliit na bagay no'n pero para kay Xianelle big deal. Marahil epekto 'yon ng pagbubuntis niya, mabilis na magbago ang kaniyang mood. Madaling magalit at madamdamin. Iyong sinabing parusa ng mga anak ay siya ang gumawa. Hindi siya bumaba para kumain ng almusal. Sa kabilang banda, muntik pang mabangga ni Klinton ang kam
Nang makarating sa kumpanya si Xianelle. Huminga siya malalim bago pumasok sa loob. Walang masyadong pinagbago ang kumpanya, at masasabi niyang bahagi ng kaniyang pagkabata. Agad siyang natigilan nang bumungad sa kaniya ang nakasabit sa pader sa likod ng front desk, sa tabi 'yon ng logo ng kumpanya. Isang malaking frame, malapad ang babasagin na salamin at ang nasa loob ito; guhit ng panloob na desinyo. “This is mine...” Usal ni Xianelle. Nilapitan 'yon ni Xianelle at tiningala. Pinakatitigan niya 'yon. Isa 'yon sa mga iginuhit niya noon. Sa unang tingin masasabi mong napakaganda no'n at madaling gawin ngunit bihira lamang ang makaguhit ng ganu'ng desinyo. ‘Bakit naka-display ito dito?’ Sa isip ni Xianelle. Magaling si Xianelle sa pagguhit ng panloob na desinyo, bata pa lamang siya 'yon na ang hilig niya. Iyon ang minana niyang talento sa kaniyang ama. Ipinagmamalaki at mataas ang pangarap sa kaniya ng kaniyang Ama ngunit gumuho 'yon dahil sa kaniyang pagkakamali. No'ng palayasi
“Sit down, Miss Daza.” Putol ni Klinton sa hindi maintindihang litanya nito. Natigilan si Alexa at bumaling kay Klinton. Inisip niyang namamali lang siya ng rinig dahil wala naman itong kasunod na sinabi. Napahilot sa sintido si Klinton nang magpatuloy pa si Alexa. Pinukol niya ito ng masamang tingin. “I said sit down!” Ulit ni Klinton. Hindi 'yon ang inasahang presentasyon ni Klinton dahil napakalayo nito sa proposal na nakita niya. “B-but I'm not yet done— “Exactly!” Ibinato ni Klinton ang phone niya sa ibabaw ng mesa dahilan para maglikha 'yon ng ingay na ikinagulat ng lahat. “I came here personally then, you'll gonna present—what do you called that? A highschool student unprepared report?” Napayuko si Alexa dahil ramdam niya ang kahihiyan sa harap ng sarili niyang empleado at higit sa lahat sa harap ni Xianelle. Tahimik naman sina Denmark at Miss Madonna, sa simula pa lamang ay alam na nilang hindi 'yon magugustohan ng amo, suwerte na nga ito na umabot hanggang kalahati
Sa loob ng opisina ni Phil, nakaupo si Xianelle sa visitors chair habang kaharap si Phil. Hindi na kailangan pang sabihin ni Xianelle kung ano ang napag-usapan nila ni Klinton dahil narinig naman 'yon ni Phil. Hiningi ni Xianelle ang kopya ng proposal na ipinasa sa Pendilton Empire, iyon ang nais niyang makita at mapag-aralan dahil sigurado siyang 'yon ang isa sa dahilan kung bakit napili ni Klinton ang papalubog nilang kumpanya. Hindi na lang 'yon tungkol sa kasunduan na meron sila ni Klinton. May kakayahan talaga ang kumpanya ng pamilya niya para piliin ni Klinton. “Pag-aaralan ko ang mga ito, Phil, titingnan ko kung ano ang magagawa ko.” Tinanggap ni Xianelle ang mga folders. “Mabuti naman at nagbago ang isip mo, Miss Xianelle. Sigurado akong matutuwa si Boss na malaman na ginagawa mo 'to para sa kumpanya.” May ngiti sa labi ni Phil. “Nga pala, tawagan mo ako kung may mga kailangan ka pa. Ipapahanda ko ang opisina mo upang komportable kang mag-trabaho.” Kailan pa siya nagkaro
“Why are you still up?” Balik na tanong ni Klinton. Nilapitan ni Klinton si Alas. Hinaplos niya ang buhok nito bago umuklo at ginawaran ng halik sa ulo. “I can't sleep, Daddy." Agad na ipinalibot ni Alas ang mga braso sa leeg ni Klinton dahilan para buhatin ni Klinton at muling ginawaran ng halik sa pisngi. “Where's your mom?” “Mahimbing na po silang natutulog ni Ace. Lumabas ako ng room namin tapos pinuntahan kita sa room mo pero wala ka. Bumaba ako rito para hintayin ka dahil alam ko, uuwi ka.” Hinaplos ni Alas ang mukha ng kaniyang Daddy dahil napansin niyang namumungay ang mata nito at naamoy niya rin ang alak. “You look tired, Daddy, and a little tipsy. You should rest na po. Have you eaten? Because we ate already.” Klinton lick his lower lips before nod. ”Yeah, yeah. I'm done. You said, you can't sleep how about we talk for a moment, handsome?” Kumunot ang noo ni Alas. “About what?” “Anything . . . ? Everything.” Hinalikan ni Klinton sa balikat si Alas bago naglakad p
Pababa na si Ace ng hagdanan nang mapagtanto niyang may isang lugar pa siyang hindi napupuntahan—ang kwarto ng kanilang Daddy! Mabilis na tinungo ni Ace ang kwarto. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kaniya ang magulong kama. Lilisanin niya na ang kwarto nang marinig niya ang boses ni Alas sa veranda, agad niya iyong nilapitan. “I can do it, Daddy!” Masiglang sambit ni Alas. Nakatayo si Alas sa ibabaw ng pang-isahang couch hawak ang bow and arrow, sa likuran nito si Klinton, nakatukod ang magkabilaang kamay sa railing at nakakulong doon si Alas. Parehong walang saplot pang-itaas ang mag-ama tanging jogger lamang ang suot. “Point it to the target.” Bahagyang inayos ni Klinton ang pagkakahawak ni Alas sa bow and arrow upang maasinta ang apple na nasa ibabaw ng coffee table sa hardin. Nakapikit ang isang mata ni Alas habang inaasinta ang apple, titig na titig naman si Klinton sa anak. Natigilan si Alas dahil hindi niya inakala na matatamaan niya ng inaasinta. “Tinamaan? Tinama
Kasalukuyang nasa likod ng mansion si Klinton kung na saan ang malaking pool. Nakaupo sa couch nakaharap sa kaniyang laptop na nakapatong sa center table. Samantala si Alas ay tumatakbo papunta sa hardin dala-dala ang bow and arrow. Agad na natigilan nang mahagip ng mata ang kaniyang Daddy. Akala niya'y umalis ito pagkatapos kumain ng almusal dahil hindi niya na nakita pa pero naroon lamang pala ito sa may pool. “Daddy!” Patakbong lumapit si Alas. “Daddy! Daddy! Nandito ka lang pala!” Sinulyapan ni Klinton si Alas na nakatayo sa kaniyang gilid. Matamis na ngumiti si Alas. “Oh! Seems your busy, Daddy! I'll go back inside!” Dumukwang si Alas palapit kay Klinton at humalik sa pisngi. “Ang galing mo palagi, Boss-Daddy!” Pinakatitigan ni Klinton ang anak at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Kung itsura ang pag-uusapan kuhang-kuha nito sa kaniya. Manghang-mangha si Klinton kay Alas dahil nakikita niya dito ang ugali ni Xianelle. “Come here, come here.” Hinawakan ni Klinton ang pu
Sa Mansion ni Klinton, Binuksan ni Xianelle ang pinto ng banyo. Nag-uunahang lumabas si Alas at Ace, kakatapos lang ni Xianelle na paliguan ang kambal. “Dahan-dah— Bago pa man matapos ang sasabihin ni Xianelle, nakaakyat na sa kama ang kambal. Pareho itong nakangiti sa kaniya na naghihintay na bihisan. Pinunasan ni Xianelle ang mga ulo ng mga anak at katawan bago kinuha ang damit na nakalapag sa kama. Pares na puti kay Ace habang pares na grey kay Alas. Jogger at long sleeve shirt 'yon. Sa magkabilaang manggas naka-printa ang letrang; SALVADOR. “Ace, sama ka sa akin? Puntahan natin si Daddy!” Bulong ni Alas. “Huwag ka ng pumunta doon, kakain na tayo ng dinner. Makikita mo naman siya sa baba.” Tugon ni Ace. “Pero kasi . . . May ipapakita sa akin si Daddy. Gusto mo rin bang makita 'yong mga pet niya?” Kumikinang ang mga mata ni Alas. Namilog ang mata ni Ace nang mapagtanto na higanteng ahas at buwaya ang tinutukoy ni Alas. “Xian-Xian, pupuntahan ko po si Daddy. Promi
Iyon ang unang beses na natawag si Xianelle na kabit! Masakit sa kaniyang kaloob lalo pa't wala namang namamagitan sa kanila ni Klinton kung may nag-uugnay man sa kanilang dalawa 'yon ay ang kambal.Nagpanting ang pandinig ni Xianelle. Napaawang ang labi at hindi makapaniwalang sinalubong ang mga mata ni Don Leon.Nabuhay ang matinding galit sa dibdib ni Xianelle tila napakalalim ng pinangagalingan no'n siguro dahil na rin sa buntis siya, kaya ganu'n na lamang ang emosyon niya.Kahit kating-kati ang dila niya na sugutin ang si Don Leon ay hindi niya magawa, walang boses na lumalabas sa bibig niya.Nalipat ang mata ni Xianelle sa likod ni Don Leon. Bahagyang tumalikod si Renzi na tila iniwasan na magtagpo ang mata dahil nagpipigil ng tawa habang si Klinton naman ay namulsa, ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na tila ipinagyayabang siya kay Don Leon.Kumuyom ang kamay ni Xianelle dahil mas ikinapikon niya ang uri ng tingin sa kaniya ni Klinton lalo na nang ngumisi ito bago nagsal
Sa labas ng Paraiso De Pendilton, Nakahilera ang mga kasambahay at mga guwardiya na nakasuot ng purong itim, isa na doon si Manang Lita na sasalubong sa pagdating ni Don Leon. Magkasabay na lumabas ng Paraiso De Pendilton si Klinton at Renzi. Huminto at tumayo ng tuwid si Klinton habang si Renzi ay naglakad patungo sa kakarating pa lamang na kulay gintong limousine. Binuksan ni Renzi ang backseat, lumabas doon matandang napa-gwapo sa kaniyang kasuotan na purong itim na formal suit, samahan pa ng suot nitong black leather cowboy hat at kulay silver na tungkod. Ang presensya ni Don Leon ay isinisigaw ang karahasan, karangyaan at kapangyarihan. Sa ganda ng tindig nito ay masasabi mong maskulado at napaka-gwapong binata no'ng araw. “Señior-Dad.” Ngumiti si Renzi at bahagyang yumuko. “Thank you, my boy.” Tinapik ni Don Leon ang braso ni Renzi bago tumingin sa kabuohan ng kaniyang Paraiso. Sumilay ang ngiti sa labi ni Don Leon nang makita ang mga tapat niyang tauhan na nakahilera upa
Kinabukasan...Nagising si Xianelle na wala sa kaniyang tabihan ang kambal. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait na kasabit sa pader.Tila isang stolen shoot iyon dahil parehong naglalakad ang dalawa habang nagtatawanan. Si Klinton kasama ang isang matandang lalaki. Ang background ay ang kompanya na pinamamahalaan ni Klinton. Ang larawan ay kuha sa labas ng Pendilton Empire.“Masyado naman siyang matanda para maging ama ni Klinton.” May hawig ang dalawa.Pinakatitigan ni Xianelle ang matanda tila pamilyar ang mukha nito, iyon bang may 40's version ito. Hindi niya matukoy kung saan niya ‘yon nakita.Inilibot ni Xianelle ang paningin sa buong kwarto, napakalawak niyon na para bang buong floor ay sakop. Panlalaki ang desinyo at mamahalin ang lahat ng kagamitan na naroon. Masasabi niyang napakayaman ng may-ari no'n dahil may kulay ginto pang chandelier sa pinaka-sentro sa itaas.“Tanghali na!” Nagmamadali siya
Sa Paraiso De Pendilton,Binuhat si Denmark at isinakay sa stretcher ng mga tauhan ni Don Leon, mabilis itong itinakbo patungo sa likod kung saan ang isang silid na nagsisilbing clinic na may kompletong kagamitan sa medisina.Isa-isang inaalalayan ng mga tauhan ni Don Leon ang mga tauhan ni Klinton na sugatan at dinala rin sa pinagdalhan kay Denmark.°°°Samantala sa loob ng Paraiso De Pendilton,Ang mga kasambahay, ilang tauhan ni Klinton at Don Leon ay nakahilera sa gilid habang nakatingin sa gawi ni Klinton.Nakaupo si Klinton sa mahabang sofa. Namumutla ang gwapong mukha ni Klinton ngunit nakaukit pa rin ang rahas.Madami na ang dugong nawala sa kaniya, nanghihina at ramdam ang pagod dahil mahabang gabing pakikipagbarilan.Nakabandera ang magandang katawan dahil hinubad
Paikot-ikot ang chopper sa tuktok ng mansion ni Klinton, tumalon ang isang sakay no'n sa bubong ng mansion. Nakasuot iyon ng purong itim na kasuotan at may takip ang mukha, tangging mata lang ang nakalabas. Nagtungo ang chopper sa gawi ng hardin at nagpaulan ng bala ang mga taong nasa loob niyon. Lahat ng pinapatamaan ng mga taong sakay ng chopper ay ang mga kasamahan ni Joko. Napatingin si Klinton sa loob ng chopper pilit na inaaninag kong sino ang sakay no'n. Sa kaniyang kinatatayuan ay hindi niya maiiwasan ang balang galing sa itaas ngunit imbes na tamaan siya ng bala, ang mga nakahawak sa kaniya ang isa-isang bumagsak. Napatingin siya sa gawi ng mga anak niya, mayroong nakapurong itim na sinakbot ang mga anak niya na itinakbo papasok sa loob. Kinuha ni Klinton ang pagkakataon na ‘yon at nang kaniyang mga tauhan na lumaban sa mga natitira pang mga kalaban. Hindi man matukoy ni Klinton kung sino ang sakay ng chopper at kung sino ang nagpadala niyon nasisiguro niya naman na kaka
Ang bagong dating na mga kasamahan ni Joko, dumiretso sa hardin. Nakita ng mga ito si Whike mula sa labas ng gate. Nakapalibot sa buong hardin ang mga kalaban. Karamihan sa kanila, hawak ay baril at may ilan-ilan ring may hawak na samurai. Ang mga kalaban ay walang humpay na kinakalabit ang gatsilyo na nakatutok sa bilog na lulon na katawan ni Whike. Nakatayo si Klinton sa loob ng nakalulon na katawan ni Whike habang umaalingangaw ang putol ng baril. Whike taking all the bullets for Klinton. Whike is protecting Klinton in all cost. May dugong pumapatak sa damuhan. Bumaling si Klinton ang kaniyang kanang braso—nadaplisan ‘yon ng bala ni Joko. Napatingin si Klinton sa kaliwang bahagi niya nang marinig ang mabibigat na yabag, kasunod no'n ang malakas kalabog na tila may tumilapon at hiyawan ng mga kalaban. Nakarating na sa hardin si Crokon, mabagal ang bawat hakbang nito at mabigat. Sa laki ng katawan, mahaba rin ang buntot nito na kayang sumaksak ng tao, sa tigas no'n at may urmang
“Magsikalat kayo! Palibutan ang buong mansion!” Mariing utos ni Joko, ang kanang kamay ni Mr. Edwards. May suot itong earpiece kung saan may roon silang kumonikasyon ng mga kasamahan. Nakaposisyon na ang lahat ng mga kalaban, nagkalat na sila sa buong mansion. Mula sa harapan, sa likod at hardin ay may pinapunta siyang mga tao. Sa pagdating nila, wala silang nakita na kahit isang anino ng bata ni Klinton. Wala si Denmark at ayon sa kanilang nakuhang impormasyon nasa Espanya si Rodrigo na humahalili sa mga meeting na dapat dinadaluhan ni Klinton. Walang kaalam-alam si Klinton sa ginawa nilang paglusob. Wala silang ibinigay na senyales ayon sa utos ni Mr. Edwards. “Magiging madali ang misyon na 'to!” Usal ni Joko. Lingid sa kaalaman ni Joko at ng mga kasamahan niya, nakaposisyon at handa ang mga tauhan ni Klinton. Bago pa sila dumating dati nang nasa loob ang mga tauhan ni Klinton dahil umiiwas na makita sila ni Whike. Ngumisi si Joko at sinabing, “Fire!” Sa isang salita ni Joko,
“Mi Rey, she's Whike.” Nag-angat ng tingin si Ace kay Klinton. Nakangiti ito sa kaniya at kumindat pa. ‘Is that true, Daddy call me King?’ Sa isip ni Ace. Similay ang tipid na ngiti sa labi ni Ace pero agad rin 'yong ibinalik sa dati. Bumaling kay Klinton si Whike at binunundol nito ang ulo sa braso ni Klinton. Mahinang natawa si Klinton at hinaplos ang mukha ni Whike. “Alas! Ace!” Nagmamadaling nilapitan ni Xianelle ang dalawa. “Ayos lang ba kayo?” Lumuhod si Xianelle habang sinusuri ang katawan ng kambal agad ring natigilan si Xianelle ng marinig ang huni ni Whike ng mag-angat siya ng tingin, nakayuko na ito sa kaniya. “Oh . . . My g-god.” Nanginginig ang mga tuhod, pinagpapawisan ng malamig at namumutla. Nanginginig ang mga kamay ni Xianelle na kinabig papunta sa likod niya ang kambal bago siya dahan-dahang tumayo. “She's the woman I always mentioned to you and she's the mother of my sons. Remember what I've promise you? You'll gonna meet her someday and this is the day, Wh
Sa Mansion ni Klinton, Binuksan ni Xianelle ang pinto ng banyo. Nag-uunahang lumabas si Alas at Ace, kakatapos lang ni Xianelle na paliguan ang kambal. “Dahan-dah— Bago pa man matapos ang sasabihin ni Xianelle, nakaakyat na sa kama ang kambal. Pareho itong nakangiti sa kaniya na naghihintay na bihisan. Pinunasan ni Xianelle ang mga ulo ng mga anak at katawan bago kinuha ang damit na nakalapag sa kama. Pares na puti kay Ace habang pares na grey kay Alas. Jogger at long sleeve shirt 'yon. Sa magkabilaang manggas naka-printa ang letrang; SALVADOR. “Ace, sama ka sa akin? Puntahan natin si Daddy!” Bulong ni Alas. “Huwag ka ng pumunta doon, kakain na tayo ng dinner. Makikita mo naman siya sa baba.” Tugon ni Ace. “Pero kasi . . . May ipapakita sa akin si Daddy. Gusto mo rin bang makita 'yong mga pet niya?” Kumikinang ang mga mata ni Alas. Namilog ang mata ni Ace nang mapagtanto na higanteng ahas at buwaya ang tinutukoy ni Alas. “Xian-Xian, pupuntahan ko po si Daddy. Promi