ENJOY READING!✨
“Talk to me calmly, Man. Sit down.” Itinuro ni Klinton ang couch. Nanatiling nakatayo si Ace. “Don’t you know Mommy doesn't know that she's carrying a twins way back then because she doesn't have a money for getting a check-up! Yet, you stole me! Pinalabas mo na ibenenta ako ni Mommy, pinaniwala mo ako na masama siya pero ang puso ko sinasabi na gusto ko siyang makita kahit na hindi ko siya kilala, gusto ko siyang makasama!” Walang kaalam-alam si Xianelle na kambal ang naging anak nila; Hindi nito inabandona si Ace. Ganu'n ba kahirap si Xianelle para hindi man lang makapagpa-ultrasound noon? Pero sino ang may kagagawan nito? Sino ang utak ng pagpadukot kay Ace at nagbenta? “Will you listen to me, Acicelion Hearter?” Tumayo si Klinton dahil inuubos na naman ni Ace ang pasensya niya na huwag itong masigawan. “No! You listen to me— Hindi natapos ang sasabihin ni Ace nang hawakan ni Klinton ang kwelyuhan ng damit ni Ace. Binitbit ni Klinton si Ace at inilapat ang katawan nito sa m
Kasalukuyang nakatayo si Xianelle sa balkonahe sa ikalawang palapag habang nakatanaw sa palamuti ng siyudad at bituwin sa kalangitan habang naghihintay kay Klinton na pumunta muna sa kusina upang kumuha ng yelo na ilalapat sa noo. Pag-akyat niya, nadaanan ni Xianelle ang master bedroom. Nagtaka siya ng makitang nakabukas 'yon. Natanaw niya ang naglilinis sina Manang Miling ng buong kuwartong napakagulo. Nang tanungin niya si Manang kung sinong may gawa no'n ay nabigla siya na malaman na si Ace ang nagvandalized roon, nabasa niya pa ang isinulat itong; I want to be with Mommy and Alas! At nai-kwento ni Manang ang buong araw na kapasawayan nito, at ang ginawa nitong pagbato kay Klinton ay ang normal 'yon sa kanila. Sumulpot ang tasa ng tsaa sa kaniyang harapan. Nilingon niya ang kamay na nagmamay-ari no'n. Walang iba kundi si Klinton habang ang isang kamay nito may hawak na ice cubes at nakalapat sa noo. Balak sanang sawayin ni Xianelle kung bakit hindi iyon inilagay sa tamang lalag
“Hindi ko ibenenta ang anak ko! Hindi ko kailanman gagawin 'yon kung alam kong kambal ang anak ko!” Balik na sigaw ni Xianelle. Kung 'yon ang dahilan ng galit ni Klinton sa kaniya dahil iniisip nito na ibenenta nga talaga niya si Ace. Iyon rin ang nakikita niyang dahilan kung bakit ayaw nitong ibigay sa kaniya si Ace. Kinuha ni Xianelle sa kaniyang bag ang flashdrive. Ipinakita niya 'yon kay Klinton. “No'ng lumuwas kami ni Alas nang Manila, nakasabay namin sa bus ang isang sugatang babae. Ibinigay niya ito sa akin at sinabi niya pang tanggapin ko 'yon bilang reward! Hindi ko maintindihan ang sinabi niya hanggang sa napanuod ko ang laman nito! Dito ko nalaman na kambal ang anak at ninakaw mismo ng araw na nanganak ako.” Kumunot ang noo ni Klinton. Inagaw niya 'yon sa kamay ni Xianelle at dali-daling bumaba. “Klinton, anong gagawin mo?!” Maingat na sumunod si Xianelle at nadatnan niya si Klinton na isinalpak ang flashdrive sa malapad na telebesyon upang panuorin ‘yon. °°° Sa ka
“Alas?! Alas!” Mabilis na nilapitan ni Ace si Alas. Puno ng pag-aalala ang mukha nitong sinuri ang katawan ng kakambal, bago hinila papasok sa loob ng mansion. “What’s happened? Bakit ganiyan ang itsura mo?” Sunod-sunod na tanong ni Ace. “Alas, nasaktan ka ba? Anong nangyari?” Napako naman si Xianelle sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin sa kambal. Sobrang kinakabahan si Xianelle lalo na't nababalot ng dugo si Alas. Gusto niyang lapitan ng anak ngunit nanginginig ang mga kalamnan niya na para bang kapag gumalaw siya ay mawawalan siya ng lakas. Samantala, titig na titig si Klinton kay Alas. Napalunok siya nang marinig ang mahinang paghikbi nito. Mariing kumuyom ang kamao. Iniisip niya pa lang na nanganib ang buhay nito, patong-patong na galit ang namuo sa kaniyang dibdib. “Alas naman eh! Magsalita ka! Anong nangyari?!” Tila nauubusan ng pasensya si Ace, nanggigilid na rin ang luha dahil ang pag-iyak ni Alas ay apektado siya. Titig na titig si Alas kay Ace bago siya sumuly
“Ako na, Klinton.” Kinukuha ni Xianelle ang first aid kit kay Klinton pero iniwas nito. “I'll do it.” Iniluhod ni Klinton ang isang paa sa sahig bago binuksan ang first aid kit. Kinuha ang cotton ball at nilagyan ng panlinis sa sugat. “Daddy, be careful.” Usal ni Alas. “Kapag nasaktan Mommy ko, tatamaan ka sa akin!” Sinulyapan ni Klinton si Alas na nakaupo sa kaliwa ni Xianelle bago nalipat ang tingin kay Ace na nasa kanan naman ni Xianelle. Itinuro ni Klinton ang paa ni Ace kung saan may benda. “Ginamot ko 'yang sugat mo, nasaktan ka ba? Hayst! Ang liit-liit na sugat nilagnat.” Pinandilatan ni Ace si Klinton at ipinakita ang nakakuyom na maliit na kamay. Umiling si Klinton. “Ang tapang mo naman, sinong tatay mo?” “Dead.” Malamig na turan ni Ace. “Ace.” “Baby.” Sabay na saway ni Alas at Xianelle kay Ace. Umuling na lang si Klinton at ipinagpatuloy ang pagamot sa sugat ni Xianelle. “I'm taking to Papi!” Depensa ni Ace. “Tatay ko kasi siya! Look . . . Palagi niya akong kina
Nagising si Xianelle nang pakiwari niya'y bumukas ang pinto nang silid ngunit nang lingunin ‘yon ay nakasara naman. Sobrang himbing nang tulog ng kambal habang nakayakap kay Xianelle. Nakahiga ang mga ito sa magkabilaan niyang balikat habang makayakap sa kaniya. Nakaramdam siya ng uhaw dahilan para dahan-dahang inayos ang kambal sa kama. Inabot ang kaniyang phone upang tingnan ang oras. It's 4 AM. Pagbaba ni Xianelle nang kama, ramdam niya ang lamig dahil sa tanging black oversized shirt lamang ang suot niya na umaabot hanggang sa kalahati ng hita, natatakpan nito ang cycling shorts. Iyon kasi ang damit na dala ni Manang para sa kaniya. Hindi naman na siya nag-inarte pa dahil wala naman siyang pagpipilian. Lumabas ng silid si Xianelle upang uminom. Pababa na sana si Xianelle nang hagdanan nang mapatingin siya sa balkonahe. Nakapatay ang ilaw ngunit maliwanag ang buwan na nagsilbing liwanag dahilan para makita ni Xianelle na may nakitang paa na lampas sa sofa. Kumunot ang noo
Kinarga at hinalikan ni Renzi si Ace patungo sa hapag kainan na panay ang kwentuhan. Dumako ang mata ni Klinton kay Xianelle bago kay Alas. Humawak si Alas sa kamay ni Xianelle at bahagyang nagtago sa likod. Sa inakto ni Alas, hindi na sinubukan pa ni Klinton na lapitan ito. Sumunod na lamang siya kina Renzi at Ace. Napatitig si Xianelle sa papalayong likod ni Klinton bago nagbaba ng tingin kay Alas na malungkot ang mata nitong nakatingin kay Klinton. “Xian-Xian, galit pa rin sa akin si Daddy?” Nginitian ni Xianelle ang anak. “Hindi, hindi. Wag kang mag-isip ng ganiyan, okay?” Umuklo si Xianelle upang buhatin si Alas pero hindi ito nagpakarga, mas gusto nito na maglakad habang magkahawak ang kamay nila. Sumunod si Xianelle at Alas sa hapag kainan. Papasok pa lamang sila ay naririnig ang malutong na tawanan ni Ace at Renzi. “You amaze me, Man! No wonder you are a son of your father!” Ginulo ni Renzi ang buhok ni Ace at nilagyan itong sandwich sa plato. Umasim ang mukha n
Sa Funeral Home, Si Denmark ang nag-ayos ng lahat kaya nagulat na lamang si Xianelle nang makita ang burol ni Divine ay sa isang tanyag na funeral home. At mas lalo pa siyang nawindang na malaman ang renta; limampung libo kada araw. Nakatayo si Xianelle sa may pintuan, kinakamayan siya nang mga bisitang dumarating tanda na nakikiramay ang mga ito. Karamihan sa mga dumadalaw ay ang mga naging malapit na kaibigan ni Divine sa kanilang lugar, mga kapitbahay, katrabaho at ilang kaanak. Ang Ina ni Divine ay nakatayo habang ang Ama naman nito ay nakaupo sa wheelchair sa tabi ng kabaong ni Divine, walang humpay sa pag-iyak ang Ina nito habang tahimik naman na umiiyak ang Ama magmula nang unang gabi. Sa tuwing naririnig ni Xianelle ang mga hikbi at hagulhol ng mga ito ay nadudurog siya. Hindi niya maiwasang maluha habang nakatingin sa larawan ni Divine. Nilapitan ni Xianelle ang dalawa, hinawakan niya ang balikat ng Ina ni Divine dahilan para lumingon ito sa kaniya at hinawakan an
“Why are you still up?” Balik na tanong ni Klinton.Nilapitan ni Klinton si Alas. Hinaplos niya ang buhok nito bago umuklo at ginawaran ng halik sa ulo.“I can't sleep, Daddy."Agad na ipinalibot ni Alas ang mga braso sa leeg ni Klinton dahilan para buhatin ni Klinton at muling ginawaran ng halik sa pisngi.“Where's your mom?”“Mahimbing na po silang natutulog ni Ace. Lumabas ako ng room namin tapos pinuntahan kita sa room mo pero wala ka. Bumaba ako rito para hintayin ka dahil alam ko, uuwi ka.” Hinaplos ni Alas ang mukha ng kaniyang Daddy dahil napansin niyang namumungay ang mata nito at naamoy niya rin ang alak.“You look tired, Daddy, and a little tipsy. You should rest na po. Have you eaten? Because we ate already.” Klinton lick his lower lips before nod. ”Yeah, yeah. I'm done. You said, you can't sleep how about we talk for a moment, handsome?”Kumunot ang noo ni Alas. “About what?”“Anything . . . ? Everything.” Hinalikan ni Klinton sa balikat si Alas bago naglakad patungo sa
Sa loob ng opisina ni Phil, nakaupo si Xianelle sa visitors chair habang kaharap si Phil. Hindi na kailangan pang sabihin ni Xianelle kung ano ang napag-usapan nila ni Klinton dahil narinig naman 'yon ni Phil. Hiningi ni Xianelle ang kopya ng proposal na ipinasa sa Pendilton Empire, iyon ang nais niyang makita at mapag-aralan dahil sigurado siyang 'yon ang isa sa dahilan kung bakit napili ni Klinton ang papalubog nilang kumpanya. Hindi na lang 'yon tungkol sa kasunduan na meron sila ni Klinton. May kakayahan talaga ang kumpanya ng pamilya niya para piliin ni Klinton. “Pag-aaralan ko ang mga ito, Phil, titingnan ko kung ano ang magagawa ko.” Tinanggap ni Xianelle ang mga folders. “Mabuti naman at nagbago ang isip mo, Miss Xianelle. Sigurado akong matutuwa si Boss na malaman na ginagawa mo 'to para sa kumpanya.” May ngiti sa labi ni Phil. “Nga pala, tawagan mo ako kung may mga kailangan ka pa. Ipapahanda ko ang opisina mo upang komportable kang mag-trabaho.” Kailan pa siya nagkaro
“Sit down, Miss Daza.” Putol ni Klinton sa hindi maintindihang litanya nito. Natigilan si Alexa at bumaling kay Klinton. Inisip niyang namamali lang siya ng rinig dahil wala naman itong kasunod na sinabi. Napahilot sa sintido si Klinton nang magpatuloy pa si Alexa. Pinukol niya ito ng masamang tingin. “I said sit down!” Ulit ni Klinton. Hindi 'yon ang inasahang presentasyon ni Klinton dahil napakalayo nito sa proposal na nakita niya. “B-but I'm not yet done— “Exactly!” Ibinato ni Klinton ang phone niya sa ibabaw ng mesa dahilan para maglikha 'yon ng ingay na ikinagulat ng lahat. “I came here personally then, you'll gonna present—what do you called that? A highschool student unprepared report?” Napayuko si Alexa dahil ramdam niya ang kahihiyan sa harap ng sarili niyang empleado at higit sa lahat sa harap ni Xianelle. Tahimik naman sina Denmark at Miss Madonna, sa simula pa lamang ay alam na nilang hindi 'yon magugustohan ng amo, suwerte na nga ito na umabot hanggang kalahati
Nang makarating sa kumpanya si Xianelle. Huminga siya malalim bago pumasok sa loob. Walang masyadong pinagbago ang kumpanya, at masasabi niyang bahagi ng kaniyang pagkabata. Agad siyang natigilan nang bumungad sa kaniya ang nakasabit sa pader sa likod ng front desk, sa tabi 'yon ng logo ng kumpanya. Isang malaking frame, malapad ang babasagin na salamin at ang nasa loob ito; guhit ng panloob na desinyo. “This is mine...” Usal ni Xianelle. Nilapitan 'yon ni Xianelle at tiningala. Pinakatitigan niya 'yon. Isa 'yon sa mga iginuhit niya noon. Sa unang tingin masasabi mong napakaganda no'n at madaling gawin ngunit bihira lamang ang makaguhit ng ganu'ng desinyo. ‘Bakit naka-display ito dito?’ Sa isip ni Xianelle. Magaling si Xianelle sa pagguhit ng panloob na desinyo, bata pa lamang siya 'yon na ang hilig niya. Iyon ang minana niyang talento sa kaniyang ama. Ipinagmamalaki at mataas ang pangarap sa kaniya ng kaniyang Ama ngunit gumuho 'yon dahil sa kaniyang pagkakamali. No'ng palayasi
Naiwang nakatulala si Xianelle sa papalayong bulto ni Klinton. Nanggigilid ang mga luha niya. Imbes na bumaba ay bumalik sa silid at doon ibinuhos ang kaniyang mga luha. Mali ba na turuan ng tamang asal ang mga bata? Bakit parang pakiramdam niya'y napakasama niyang ina kapag pinalo niya ang mga bata? Hindi niya naman gawain 'yon, labag rin naman 'yon sa kalooban niya pero kailangan matuto ng kambal, hindi niya inaabuso ang mga ito. Sa inakto ni Klinton, pinuprotektahan nito ang mga bata. Ayaw nito na masaktan at napagtanto ni Xianelle na hindi nga nito gawaing saktan ang mga bata. Bakit pakiramdam niya sa kaniya pa mas delikado ang mga bata? Kung tutuusin ay napakaliit na bagay no'n pero para kay Xianelle big deal. Marahil epekto 'yon ng pagbubuntis niya, mabilis na magbago ang kaniyang mood. Madaling magalit at madamdamin. Iyong sinabing parusa ng mga anak ay siya ang gumawa. Hindi siya bumaba para kumain ng almusal. Sa kabilang banda, muntik pang mabangga ni Klinton ang kam
Paglabas ni Ace nang silid nakita niya na lumabas sa master bedroom si Xianelle. Hindi siya nito napansin, animo'y may hinahanap ito at nagmamadali.Patakbong tinungo ni Ace ang master bedroom.Maingat niyang binuksan ang pinto niyon at sumilip. Sumilay ang ngisi sa labi ni Ace. Nakadapa si Klinton sa kama habang yakap-yakap nito ang isang unan at mahimbing ang tulog. Walang ingay na lumapit si Ace sa kama. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay sa harap ng mukha ng kaniyang Daddy upang malaman kung tulog ba ito o hindi.“Ang sarap-sarap ng tulog mo ah... Samantala, napuyat ako.” Pabulong na sumbat ni Ace habang nililibot ang paningin sa buong silid.Wala siyang mahagip na kung anong pwedeng magamit. Nakangiting tiningnan ni Ace ang kaniyang dalawang mga kamay. Tinatansya ni Ace ang kamay kung maabot nito ang pisngi ni Klinton.“Ahhhhhhh!” Ibinuwelo ni Ace ang isa niyang kamay at malakas na tumama ang palad nito sa pisngi ni Klinton.Nagising si Klinton. Sa gulat niya ay mabilis niy
“Klinton?” Usal ni Xianelle. Itinutok ni Xianelle ang ilaw sa mukha upang siguradohin na si Klinton nga iyon. Agad namang iniwas ni Klinton ang mukha sa ilaw ng phone. Tinanggal ni Xianelle ang kamay ni Klinton sa bewang niya at bahagyang lumayo dito. Sinapo niya ang kaniyang dibdib dahil labis ang kabang naramdaman. “Anong ginagawa mo dito?” May bahid ng inis na turan ni Xianelle. Tinutukan ni Xianelle ng ilaw si Klinton mula ulo hanggang paa. Suot pa rin nito ang kaparehong damit kanina. “Kakarating mo lang?” “Yeah.” Simpleng tugon ni Klinton ngunit bakas ang bigat roon. Tumango-tango si Xianelle. Binalikan niya ang kaniyang kinakain. Nakakailang subo na siya nang mapansin na naroon pa rin si Klinton. “Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na.” Imbes na sundin ang sinabi nito. Lumapit si Klinton kay Xianelle. Itinukod ni Klinton ang isang siko sa island counter. Gamit ang isang kamay hinaplos ang nakalugay na tuwid na tuwid na buhok ni
”You are making me laugh, Klinton.” Binuntunan iyon ng tawa ni Mr. Edwards. Tumawa rin si Klinton. “You can laughed until your jaw drop. But it doesn't change the fact that I won't marry your daughter.” Natigilan si Mr. Edwards sa pag-aakala na mali lamang ang pagkakarinig no'n. Kung ganu'n seryoso nga ito sa sinabi. Napakaraming negosyante ang nangangarap na maikasal ang anak na babae sa CEO ng Pendilton Empire, isa na doon si Mr. Edwards. “Tama nga ang bali-balita...” Komento ni Mr. Edwards. Hindi siya nakadalo sa piging ng mga Daza pero may naririnig siya sa mga taong dumalo ang tungkol sa asawa ni Klinton. “Walang kaso 'yon, hiwalayan mo ang asawa mo at pakasalan mo ang anak ko. Magiging matibay na magkakampi tayo, Mr. Salvador! Hindi mo naitatanong, maganda ang anak ko, may pinag-aralan, malaki ang maitutulong sa'yo sa kumpanya at higit sa lahat malaki ang gusto sa'yo.” Kumuyom ang kamao ni Klinton. Hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasabi nito. Kung makapagsalita ito ay
Sa Pendilton Empire, Ang mga empleado ay nakatambak sa labas ng establisyemento. May pangamba sa kanilang mukha at nagugulohan. Sa pagdating mga tauhan ni Mr. Edwards, pinalabas silang lahat. Umakto ito na parang may-ari nang kumpanya na sinigaw-sigawan sila. Ang mga tauhan nito ay nagkalat sa loob ng Pendilton Empire habang may dalawa namang naiwan sa labas. Sa pagpasok ng Pendilton Empire ang unang bubungad ay ang front desk. Malawak na tanggapan ng bisita ang buong floor. Kung baga sa mall, isa 'yong food court na pwedeng tambayan ng mga empleado tuwing break. Sa likod na bahagi no'n ay ang cafeteria, madalas kapag may selebrasyon lamang kumakain ang mga empleado dahil mamalin rin doon, kaya nagbabaon na lamang ang mga ito at sa tanggapan ng bisita madalas kumain. Sa gitnang bahagi, nakaupo si Mr. Edwards sa silya sa harap ng isang round table. Kahit may katandaan na ito, cool na cool ito sa kaniyang suot na bilge coat and pants, gumagalaw ang isa nitong paa. Sa unang tingin masa