Share

AKAS 70

Author: Black_Jaypei
last update Last Updated: 2025-02-14 20:10:30
“Ako na, Klinton.” Kinukuha ni Xianelle ang first aid kit kay Klinton pero iniwas nito.

“I'll do it.” Iniluhod ni Klinton ang isang paa sa sahig bago binuksan ang first aid kit. Kinuha ang cotton ball at nilagyan ng panlinis sa sugat.

“Daddy, be careful.” Usal ni Alas.

“Kapag nasaktan Mommy ko, tatamaan ka sa akin!”

Sinulyapan ni Klinton si Alas na nakaupo sa kaliwa ni Xianelle bago nalipat ang tingin kay Ace na nasa kanan naman ni Xianelle. Itinuro ni Klinton ang paa ni Ace kung saan may benda.

“Ginamot ko 'yang sugat mo, nasaktan ka ba? Hayst! Ang liit-liit na sugat nilagnat.”

Pinandilatan ni Ace si Klinton at ipinakita ang nakakuyom na maliit na kamay.

Umiling si Klinton. “Ang tapang mo naman, sinong tatay mo?”

“Dead.” Malamig na turan ni Ace.

“Ace.”

“Baby.”

Sabay na saway ni Alas at Xianelle kay Ace. Umuling na lang si Klinton at ipinagpatuloy ang pagamot sa sugat ni Xianelle.

“I'm taking to Papi!” Depensa ni Ace. “Tatay ko kasi siya! Look . . . Palagi niya akong kina
Black_Jaypei

HAPPY VALENTINE'S DAY, EVERYONE!💝💖 @2025

| 32
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
renzon_22
more more update Mr A ...️...️...️
goodnovel comment avatar
jade cisneros
mga what time ka mag a-update??
goodnovel comment avatar
ziaLoveGoodNovel
happy Valentines day author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 71

    Nagising si Xianelle nang pakiwari niya'y bumukas ang pinto nang silid ngunit nang lingunin ‘yon ay nakasara naman. Sobrang himbing nang tulog ng kambal habang nakayakap kay Xianelle. Nakahiga ang mga ito sa magkabilaan niyang balikat habang makayakap sa kaniya. Nakaramdam siya ng uhaw dahilan para dahan-dahang inayos ang kambal sa kama. Inabot ang kaniyang phone upang tingnan ang oras. It's 4 AM. Pagbaba ni Xianelle nang kama, ramdam niya ang lamig dahil sa tanging black oversized shirt lamang ang suot niya na umaabot hanggang sa kalahati ng hita, natatakpan nito ang cycling shorts. Iyon kasi ang damit na dala ni Manang para sa kaniya. Hindi naman na siya nag-inarte pa dahil wala naman siyang pagpipilian. Lumabas ng silid si Xianelle upang uminom. Pababa na sana si Xianelle nang hagdanan nang mapatingin siya sa balkonahe. Nakapatay ang ilaw ngunit maliwanag ang buwan na nagsilbing liwanag dahilan para makita ni Xianelle na may nakitang paa na lampas sa sofa. Kumunot ang noo

    Last Updated : 2025-02-15
  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 72

    Kinarga at hinalikan ni Renzi si Ace patungo sa hapag kainan na panay ang kwentuhan. Dumako ang mata ni Klinton kay Xianelle bago kay Alas. Humawak si Alas sa kamay ni Xianelle at bahagyang nagtago sa likod. Sa inakto ni Alas, hindi na sinubukan pa ni Klinton na lapitan ito. Sumunod na lamang siya kina Renzi at Ace. Napatitig si Xianelle sa papalayong likod ni Klinton bago nagbaba ng tingin kay Alas na malungkot ang mata nitong nakatingin kay Klinton. “Xian-Xian, galit pa rin sa akin si Daddy?” Nginitian ni Xianelle ang anak. “Hindi, hindi. Wag kang mag-isip ng ganiyan, okay?” Umuklo si Xianelle upang buhatin si Alas pero hindi ito nagpakarga, mas gusto nito na maglakad habang magkahawak ang kamay nila. Sumunod si Xianelle at Alas sa hapag kainan. Papasok pa lamang sila ay naririnig ang malutong na tawanan ni Ace at Renzi. “You amaze me, Man! No wonder you are a son of your father!” Ginulo ni Renzi ang buhok ni Ace at nilagyan itong sandwich sa plato. Umasim ang mukha n

    Last Updated : 2025-02-16
  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 73

    Sa Funeral Home, Si Denmark ang nag-ayos ng lahat kaya nagulat na lamang si Xianelle nang makita ang burol ni Divine ay sa isang tanyag na funeral home. At mas lalo pa siyang nawindang na malaman ang renta; limampung libo kada araw. Nakatayo si Xianelle sa may pintuan, kinakamayan siya nang mga bisitang dumarating tanda na nakikiramay ang mga ito. Karamihan sa mga dumadalaw ay ang mga naging malapit na kaibigan ni Divine sa kanilang lugar, mga kapitbahay, katrabaho at ilang kaanak. Ang Ina ni Divine ay nakatayo habang ang Ama naman nito ay nakaupo sa wheelchair sa tabi ng kabaong ni Divine, walang humpay sa pag-iyak ang Ina nito habang tahimik naman na umiiyak ang Ama magmula nang unang gabi. Sa tuwing naririnig ni Xianelle ang mga hikbi at hagulhol ng mga ito ay nadudurog siya. Hindi niya maiwasang maluha habang nakatingin sa larawan ni Divine. Nilapitan ni Xianelle ang dalawa, hinawakan niya ang balikat ng Ina ni Divine dahilan para lumingon ito sa kaniya at hinawakan an

    Last Updated : 2025-02-17
  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 74

    Dinala ni Xianelle si Klinton sa maliit na hardin, mayroon doong isang bench. Tahimik na naupo doon si Xianelle at walang lakas na magsalita. Pinakatitigan ni Klinton si Xianelle. Bakas sa maganda nitong mukha ang pagod at puyat. Namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak. Naging abala si Klinton sa nitong mga nakaraang araw sa paghahanap ng hustisya para sa kaibigan nito. Kaya naman ngayon pa lamang siya nakakapunta. Kahit wala siya sa tabi ni Xianelle alam niya ang lahat dahil may mga tauhan siyang nagbabantay dito upang masiguro ang kaligtasan nito. “Have you eaten?” Tanong ni Klinton sa mababang boses. Inilapag niya sa tabihan ni Xianelle ang bitbit niyang paper bag. Napatingin doon si Xianelle bago dumapo ang mata kay Klinton. “Kamusta ang mga bata?” Balik na tanong ni Xianelle. Nang makita niya si Klinton, mas nangulila siya sa kambal. No'ng umalis siya, gustong-gusto sumama ng kambal lalo na si Alas pero hindi siya pumayag dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga ito

    Last Updated : 2025-02-18
  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 75

    “Lady's first, Mommy.” Huminto sina Alas at Ace nang makarating sa pathway upang paunahin ang kanilang Mommy. Hindi naman na umangal si Xianelle. Isinuot niya ang kaniyang shades bago naunang naglakad sa mahabang pathway. Nililipad ang buhok ni Xianelle sa mahinang pag-ihip ng hangin, sa mga galaw niya'y para siyang naglalakad sa runaway. Nakasunod kay Xianelle si Alas at Ace na magkasabay ang dalawa, pareho pang nakapamulsa. They are very charismatic! Habang nasa likod naman si Klinton, ang isang kamay ay nakapirmi sa bulsa ng pantalon. Cool na nakasunod sa mag-iina. He lick his lower lips while staring at Xianelle’s beautiful in all ways before he look down to his sons. His queen and his little princes... Ang isang kamay ay dinukot ang phone sa loob nang bulsa nang maramdaman na nag-vibrate ito. Mensahe mula kay Denmark na ipinagbibigay alam na naihatid na nilang maayos ang mag-asawa sa hotel at nagpapahinga na ang mga ito. “Open the roof!” Aroganteng utos ni Ace. “It's too

    Last Updated : 2025-02-18
  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 76

    Sa Mansion ni Klinton, Nang makapasok si Alas at Ace sa silid agad na hinarap ni Xianelle si Klinton. Hinila niya ito patungo sa balkonahe ng ikalawang palapag at hinampas sa braso. Hinaplos ni Klinton ang kaniyang braso. “What was that for?” “Kulang pa 'yan! Kung anu-anong kalokohan ang itinuturo mo kay Alas! Tingnan mo pati ang itsura niya, itinutulad mo siya sa'yo!” Naiinis si Xianelle siya kay Klinton sa ginawa nitong ayos ni Alas na kapareho dito. Iyong gupit nito, kahit na sabihin na bagay 'yon kay Alas at ang mas hindi niya gusto 'yong may hikaw ito! Ang bata-bata pa nito para sa mga ganu'ng bagay. “Hey, Hey! Hey! It was accident when he saw me naked and I didn't teach him that!” Depensa ni Klinton. At kung ang tinutukoy naman ni Xianelle ay tungkol sa gupit at hikaw. Si Alas ang magkagustuhan no'n na pareho silang dalawa, pinagbigyan niya lang ito. “Magde-deny ka pa, huling-huli ka na nga! Kung hindi mo 'yon itinuro, saan niya naman 'yon nakuha ah?” “Perhaps it his an

    Last Updated : 2025-02-19
  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 77

    Sa Pendilton Empire, Ang mga empleado ay nakatambak sa labas ng establisyemento. May pangamba sa kanilang mukha at nagugulohan. Sa pagdating mga tauhan ni Mr. Edwards, pinalabas silang lahat. Umakto ito na parang may-ari nang kumpanya na sinigaw-sigawan sila. Ang mga tauhan nito ay nagkalat sa loob ng Pendilton Empire habang may dalawa namang naiwan sa labas. Sa pagpasok ng Pendilton Empire ang unang bubungad ay ang front desk. Malawak na tanggapan ng bisita ang buong floor. Kung baga sa mall, isa 'yong food court na pwedeng tambayan ng mga empleado tuwing break. Sa likod na bahagi no'n ay ang cafeteria, madalas kapag may selebrasyon lamang kumakain ang mga empleado dahil mamalin rin doon, kaya nagbabaon na lamang ang mga ito at sa tanggapan ng bisita madalas kumain. Sa gitnang bahagi, nakaupo si Mr. Edwards sa silya sa harap ng isang round table. Kahit may katandaan na ito, cool na cool ito sa kaniyang suot na bilge coat and pants, gumagalaw ang isa nitong paa. Sa unang tingin masa

    Last Updated : 2025-02-21
  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 78

    ”You are making me laugh, Klinton.” Binuntunan iyon ng tawa ni Mr. Edwards. Tumawa rin si Klinton. “You can laughed until your jaw drop. But it doesn't change the fact that I won't marry your daughter.” Natigilan si Mr. Edwards sa pag-aakala na mali lamang ang pagkakarinig no'n. Kung ganu'n seryoso nga ito sa sinabi. Napakaraming negosyante ang nangangarap na maikasal ang anak na babae sa CEO ng Pendilton Empire, isa na doon si Mr. Edwards. “Tama nga ang bali-balita...” Komento ni Mr. Edwards. Hindi siya nakadalo sa piging ng mga Daza pero may naririnig siya sa mga taong dumalo ang tungkol sa asawa ni Klinton. “Walang kaso 'yon, hiwalayan mo ang asawa mo at pakasalan mo ang anak ko. Magiging matibay na magkakampi tayo, Mr. Salvador! Hindi mo naitatanong, maganda ang anak ko, may pinag-aralan, malaki ang maitutulong sa'yo sa kumpanya at higit sa lahat malaki ang gusto sa'yo.” Kumuyom ang kamao ni Klinton. Hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasabi nito. Kung makapagsalita ito ay

    Last Updated : 2025-02-21

Latest chapter

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 98

    Kasalukuyang nasa loob ng taxi ni Alvaro ang kambal na Alas at Ace. Maagang nagising ang kambal, mahimbing pang natutulog ang kanilang Mommy ng lumabas sila ng silid. Wala ring mga katulong ang nakapansin sa kanila sapagkat abala ito sa kaniya-kaniyang trabaho at nakagawa sila ng paraan para makapuslit sa mga guwardiya.Kagabi pa nila pinagplanohan ang kanilang gagawin at kasama doon si Alvaro. Kaya paglabas nila sa Paraiso De Pendilton ay naghihintay na ang taxi ni Alvaro.Nang makasakay sa backseat ang kambal, agad na binuhay ni Alvaro ang makina at tinahak ang direksyon na ibinibigay ni Ace.Ang mga mata ni Ace ay nakatutok sa dalang laptop habang ekspertong tinitipa ang keyboard, lumabas ang sandamakmak na numero bago nagloading at lumabas ang resulta—ang CCTV footage sa Paraiso De Pendilton.“Mommy haven't go downstairs yet. Daddy just enter the dinning with Grandpapa. They still don't have an idea that we escape.” Isinasatinig ni Ace ang nak

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 97

    Sa Clinic ng Paraiso De Pendilton, nakahiga si Denmark sa hospital bed. May benda ang ulo at may saklay ang kaliwang braso. Nakapatay ang ilaw sa silid ngunit may lampshade sa tabi ng kama na nagsisilbing liwanag.Mababaw lamang ang pagtulog ni Denmark, kumunot ang noo niya ng pakiwari’y may nakamasid sa kaniya. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata bumungad sa kaniya ang bulto ng isang babae na nakatayo sa may pintuan.Pinindot ni Xianelle ang switch ng ilaw dahilan para lumiwanag sa buong paligid.“Lady Xianelle?!” Nagkukumahog na bumangon si Denmark ngunit agad ring natigilan dahil masakit pa ang katawan.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Denmark.” Pigil ni Xianelle nang pinipilit pa rin nitong gumalaw.“Anong ginagawa mo dito?” Sumulyap si Denmark sa likuran ni Xianelle tila may hinahanap. “Hindi ka pwedeng pumunta lalo na kung wala kang permiso mula kay Boss.”“I want to talk to you.” Derektang sambit ni Xianelle.Umiwas ng tingin si Denmark. “We are not allow to talk to you.

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 96

    Iyon ang unang beses na natawag si Xianelle na kabit! Masakit sa kaniyang kaloob lalo pa't wala namang namamagitan sa kanila ni Klinton kung may nag-uugnay man sa kanilang dalawa 'yon ay ang kambal.Nagpanting ang pandinig ni Xianelle. Napaawang ang labi at hindi makapaniwalang sinalubong ang mga mata ni Don Leon.Nabuhay ang matinding galit sa dibdib ni Xianelle tila napakalalim ng pinangagalingan no'n siguro dahil na rin sa buntis siya, kaya ganu'n na lamang ang emosyon niya.Kahit kating-kati ang dila niya na sugutin ang si Don Leon ay hindi niya magawa, walang boses na lumalabas sa bibig niya.Nalipat ang mata ni Xianelle sa likod ni Don Leon. Bahagyang tumalikod si Renzi na tila iniwasan na magtagpo ang mata dahil nagpipigil ng tawa habang si Klinton naman ay namulsa, ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na tila ipinagyayabang siya kay Don Leon.Kumuyom ang kamay ni Xianelle dahil mas ikinapikon niya ang uri ng tingin sa kaniya ni Klinton lalo na nang ngumisi ito bago nagsal

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 95

    Sa labas ng Paraiso De Pendilton, Nakahilera ang mga kasambahay at mga guwardiya na nakasuot ng purong itim, isa na doon si Manang Lita na sasalubong sa pagdating ni Don Leon. Magkasabay na lumabas ng Paraiso De Pendilton si Klinton at Renzi. Huminto at tumayo ng tuwid si Klinton habang si Renzi ay naglakad patungo sa kakarating pa lamang na kulay gintong limousine. Binuksan ni Renzi ang backseat, lumabas doon matandang napa-gwapo sa kaniyang kasuotan na purong itim na formal suit, samahan pa ng suot nitong black leather cowboy hat at kulay silver na tungkod. Ang presensya ni Don Leon ay isinisigaw ang karahasan, karangyaan at kapangyarihan. Sa ganda ng tindig nito ay masasabi mong maskulado at napaka-gwapong binata no'ng araw. “Señior-Dad.” Ngumiti si Renzi at bahagyang yumuko. “Thank you, my boy.” Tinapik ni Don Leon ang braso ni Renzi bago tumingin sa kabuohan ng kaniyang Paraiso. Sumilay ang ngiti sa labi ni Don Leon nang makita ang mga tapat niyang tauhan na nakahilera upa

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 94

    Kinabukasan...Nagising si Xianelle na wala sa kaniyang tabihan ang kambal. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait na kasabit sa pader.Tila isang stolen shoot iyon dahil parehong naglalakad ang dalawa habang nagtatawanan. Si Klinton kasama ang isang matandang lalaki. Ang background ay ang kompanya na pinamamahalaan ni Klinton. Ang larawan ay kuha sa labas ng Pendilton Empire.“Masyado naman siyang matanda para maging ama ni Klinton.” May hawig ang dalawa.Pinakatitigan ni Xianelle ang matanda tila pamilyar ang mukha nito, iyon bang may 40's version ito. Hindi niya matukoy kung saan niya ‘yon nakita.Inilibot ni Xianelle ang paningin sa buong kwarto, napakalawak niyon na para bang buong floor ay sakop. Panlalaki ang desinyo at mamahalin ang lahat ng kagamitan na naroon. Masasabi niyang napakayaman ng may-ari no'n dahil may kulay ginto pang chandelier sa pinaka-sentro sa itaas.“Tanghali na!” Nagmamadali siya

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 93

    Sa Paraiso De Pendilton,Binuhat si Denmark at isinakay sa stretcher ng mga tauhan ni Don Leon, mabilis itong itinakbo patungo sa likod kung saan ang isang silid na nagsisilbing clinic na may kompletong kagamitan sa medisina.Isa-isang inaalalayan ng mga tauhan ni Don Leon ang mga tauhan ni Klinton na sugatan at dinala rin sa pinagdalhan kay Denmark.°°°Samantala sa loob ng Paraiso De Pendilton,Ang mga kasambahay, ilang tauhan ni Klinton at Don Leon ay nakahilera sa gilid habang nakatingin sa gawi ni Klinton.Nakaupo si Klinton sa mahabang sofa. Namumutla ang gwapong mukha ni Klinton ngunit nakaukit pa rin ang rahas.Madami na ang dugong nawala sa kaniya, nanghihina at ramdam ang pagod dahil mahabang gabing pakikipagbarilan.Nakabandera ang magandang katawan dahil hinubad

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 92

    Paikot-ikot ang chopper sa tuktok ng mansion ni Klinton, tumalon ang isang sakay no'n sa bubong ng mansion. Nakasuot iyon ng purong itim na kasuotan at may takip ang mukha, tangging mata lang ang nakalabas. Nagtungo ang chopper sa gawi ng hardin at nagpaulan ng bala ang mga taong nasa loob niyon. Lahat ng pinapatamaan ng mga taong sakay ng chopper ay ang mga kasamahan ni Joko. Napatingin si Klinton sa loob ng chopper pilit na inaaninag kong sino ang sakay no'n. Sa kaniyang kinatatayuan ay hindi niya maiiwasan ang balang galing sa itaas ngunit imbes na tamaan siya ng bala, ang mga nakahawak sa kaniya ang isa-isang bumagsak. Napatingin siya sa gawi ng mga anak niya, mayroong nakapurong itim na sinakbot ang mga anak niya na itinakbo papasok sa loob. Kinuha ni Klinton ang pagkakataon na ‘yon at nang kaniyang mga tauhan na lumaban sa mga natitira pang mga kalaban. Hindi man matukoy ni Klinton kung sino ang sakay ng chopper at kung sino ang nagpadala niyon nasisiguro niya naman na kaka

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 91

    Ang bagong dating na mga kasamahan ni Joko, dumiretso sa hardin. Nakita ng mga ito si Whike mula sa labas ng gate. Nakapalibot sa buong hardin ang mga kalaban. Karamihan sa kanila, hawak ay baril at may ilan-ilan ring may hawak na samurai. Ang mga kalaban ay walang humpay na kinakalabit ang gatsilyo na nakatutok sa bilog na lulon na katawan ni Whike. Nakatayo si Klinton sa loob ng nakalulon na katawan ni Whike habang umaalingangaw ang putol ng baril. Whike taking all the bullets for Klinton. Whike is protecting Klinton in all cost. May dugong pumapatak sa damuhan. Bumaling si Klinton ang kaniyang kanang braso—nadaplisan ‘yon ng bala ni Joko. Napatingin si Klinton sa kaliwang bahagi niya nang marinig ang mabibigat na yabag, kasunod no'n ang malakas kalabog na tila may tumilapon at hiyawan ng mga kalaban. Nakarating na sa hardin si Crokon, mabagal ang bawat hakbang nito at mabigat. Sa laki ng katawan, mahaba rin ang buntot nito na kayang sumaksak ng tao, sa tigas no'n at may urmang

  • 𝐀𝐊𝐀𝐒   AKAS 90

    “Magsikalat kayo! Palibutan ang buong mansion!” Mariing utos ni Joko, ang kanang kamay ni Mr. Edwards. May suot itong earpiece kung saan may roon silang kumonikasyon ng mga kasamahan. Nakaposisyon na ang lahat ng mga kalaban, nagkalat na sila sa buong mansion. Mula sa harapan, sa likod at hardin ay may pinapunta siyang mga tao. Sa pagdating nila, wala silang nakita na kahit isang anino ng bata ni Klinton. Wala si Denmark at ayon sa kanilang nakuhang impormasyon nasa Espanya si Rodrigo na humahalili sa mga meeting na dapat dinadaluhan ni Klinton. Walang kaalam-alam si Klinton sa ginawa nilang paglusob. Wala silang ibinigay na senyales ayon sa utos ni Mr. Edwards. “Magiging madali ang misyon na 'to!” Usal ni Joko. Lingid sa kaalaman ni Joko at ng mga kasamahan niya, nakaposisyon at handa ang mga tauhan ni Klinton. Bago pa sila dumating dati nang nasa loob ang mga tauhan ni Klinton dahil umiiwas na makita sila ni Whike. Ngumisi si Joko at sinabing, “Fire!” Sa isang salita ni Joko,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status