AYAW NIYANG MAKITA SIYA NI VAN na ganoon ang itsura kaya umiwas siya at lumabas ng kusina. Sirang-sira ang mood niya na hindi niya magawang magpanggap na maayos lang at ngumiti rito. Sirang-sira ang mood niya—katulad ng kung papaanong nasira ang dinner na pinaghirapan pa man din niyang ihanda.
Sa nanlalabong tingin ay umakyat siya sa hagdan patungo sa sila nila sa itaas. Nang marating iyon ay kaagad siyang dumiretso sa banyo. Sinulyapan niya ang sarili sa harap ng salamin, at nang makitang para siyang loka sa itsura niya ay lalo siyang nanlumo. Her hair was messy, na marahil ay dahil sa pagkakataranta niya kanina. Her eyes were red in tears, and her lips were shaking in annoyance. Dagdagan pa ang pamumula ng ilong niya sa pag-iyak, at ang damit niyang bahagyang lumaylay dahilan upang makita niya sa s
ISA-ISANG INAYOS ni Demani ang mga damit na dadalhin nila ng asawa patungong Palawan. Mamayang alas sinco ng hapon ay darating ito upang sunduin siya. They would be leaving tonight, at hindi na siya makapaghintay na makasama ang asawa at makapagliwaliw matapos ang mahabang panahon. The last time they were away was after the wedding. Iyong honeymoon pa nila, at hindi na nasundan pa iyon. Van had been busy with work; with the company. At walang problema sa kaniya iyon. Naiintindihan niya. Hindi siya nagre-reklamo dahil para rin naman iyon sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Besides... kahit walang honeymoon ay hindi nagkulang sa kaniya si Van. She was always loved.&n
“WHY?" tanong niya sa asawa. "We can still go, hon. Hindi mo ba natanggap ang text message ko kanina? I suggested na ilipat na lang natin ang oras ng flight. Siguro mamayang madaling araw? O bukas ng umaga. We still have time—” “Nah, don’t worry about it. Naisip kong marami rin pala akong kailangang gawin sa opisina.” Ibinaba na nito ang mga papeles at inilapag sa sidetable. “Besides…” he trailed off and looked at her. “…who knows, baka bukas ay tawagan ka na naman ng isa sa mga miyembro ng pamilya. Baka kailanganin ka na naman nila. Or worse, baka kahit naroon tayo sa bakasyon ay hindi ka pa rin nila tatantanan.” She could hear mockery and sarcasm. At dahil kasalanan niya ay hindi niya papatulan ang sinabi ng asawa. Naiintindihan niya kung bakit nito iyon sinabi. May
PASADO ALA-UNA ng madaling araw nang marinig ni Demani ang pagdating ng kotse ng asawa. Mabilis siyang humakbang patungo sa front door upang salubungin ito. Subalit ilang minuto na siyang naghihintay sa likod ng pinto ay hindi pa rin itong pumapasok. Kunot-noong binuksan niya ang pinto at lumabas. Naglakad siya patungo sa garahe, at nang marating iyon ay lalo siyang nagtaka sa nakita. Van was standing on the side of his car. Hands on the roof and his head down. Nakapatay na ang makina ng kotse, pero ang pinto ng driver’s side ay nakabukas pa. Lumapit siya sa pag-aalala. Pero nakakailang hakbang pa lang siya'y muling nahinto nang marinig si Van na umungol. She frowned.
SUBALIT DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS at hindi pa rin bumabalik sa dati si Van. He continued to give her cold treatment, making her really angry and sad at the same time. Noong Linggo ng gabi ay umalis ito nang hindi nagpapaalam sa kaniya, saka umuwi ng madaling araw na naman naman. Tumabi ito sa kaniya sa pagtulog, subalit patalikod. She tried to cling on him, put her arm on his body, but he gave no reaction at all. Nang sumunod na araw ay late na itong bumaba. Matapos nitong maligo at maghanda sa pagpasok sa opisina ay sumilip lang ito sa kusina kung saan siya naghahanda ng almusal para sabihing nagmamadali at hindi na kakain. He did come to her and kissed her on the cheek, pero maliban doon ay wala na itong ibang sinabi. &nbs
THE NEXT FEW DAYS WENT BACK TO NORMAL for Demani and Van. They were happy again, and everything seemed to be working well. Or so she thought. Well… iyon ang nais mangyari ni Demani. But no matter how hard she tried to bring back the old bonding, parang may pader nang namamagitan sa kanilang dalawa ni Van. Parang naiilang na siya. Parang may kung anong pumipigil sa kaniya na gawin at sabihin ang lahat ng gusto rito. Tinatantiya niya muna kung pwedeng sabihin o gawin ang isang bagay dahil hindi niya alam kung magugustuhan iyon ng asawa o ikasasama na naman ng loob nito. She became cautious; she didn't want to do or say things that would cause an argument.
“I CAN’T BELIEVE YOU ACTUALLY HIRED ME TO WORK here in your company. Akala ko ay nagbibiro ka lang nang i-offer mo ang trabahong ito sa akin.”Napangiti si Van nang marinig ang sinabi ni Lara, ang nag-iisang anak ni Attorney Salviejo at kababata niya. “Well, I just thought you needed a hobby while you’re here in the country.” “True.” Ngumiti ito saka tumayo. Tinungo nito ang chest of drawer kung saan may nakapatong na tatlong magkakaibang brands ng whiskey. Lara took out two glasses from the drawer and poured whiskey in them. Ilang sandali pa’y bumalik ito sa mesa bitbit ang dalawang basong may lamang tig-da-dalawang shots ng alak. Inilapag nito ang isa sa kaniyang harapan bago bumalik sa pagkakaupo sa harap ng mesa niya. “I’ll only stay here for a month or two,” anito bago dinala sa bibig ang baso. She sipped a little, put the glass down, and smiled at him again. “Okay lang sa’yong lumayas ako at iwan ang mga trabahong
NAPA-KAGAT-LABI SI DEMANI. Hindi alam kung papaano ipaliliwanag sa asawa ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa. “Totoo ba?” ulit ni Van, ang tinig ay bahagyang tumaas. She opened her mouth to say something, but she just couldn’t find the right words to say. Ano ba kasi dapat ang una niyang sabihin? Humingi ba muna siya ng paumanhin sa ginawa niya? Magpaliwanag ba muna siya? Damn it. Wala siyang balak na sabihin sa asawa ang tungkol sa bank loan na iyon. She was planning to hide it from him until she completed paying it off. At wala rin siyang planong manghingi rito ng pambayad. She had invested in stock market, at
NAPA-UNGOL SI DEMANI nang sa pagdating niya sa kanilang bahay ay makita ang sasakyan ni Van na nakaparada sa garahe. Mabilis siyang bumaba sa sinakyang taxi at pumasok sa loob ng gate. Habang naglalakad siya patungo sa front door ay sinulyapan niya ang oras sa relos. It was quarter to seven. Bakit maagang umuwi si Van? Sa nakalipas na mga araw ay maaga na ang alas dies na uwi nito. Dati naman, noong hindi pa sila nagtatalo tulad nito’y alas siete y media lagi ang uwi nito. Pagdating sa front door ay pinihit niya pabukas ang pinto. It was unlocked. Naroon na nga sa loob ang asawa.