Napahinto sa paghakbang si Lyca nang marinig niyang nagsalita si Andrei.Pumihit siya paharap at napatingin sa dating asawa bago siya dahan-dahang tumango.“Since you said so, I will go back,” pagkatapos sabihin iyon ay muli siyang tumalikod. Nararamdaman niya na kapag tumagal pa siya na kaharap ang lalaki ay lalo lang masasaktan ang puso niya. Walang naiintindihan si Andrei at wala itong nalalaman sa totoong nilalaman ng puso niya. Manhid ito at walang pakialam sa nararamdaman niya.Gusto ng lalaki na pumunta siya sa kaarawan ng ama niya. Ang kaarawan ng daddy niya ay siya ring anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ina. At ang pag-anyaya sa kanya na dumalo sa kaarawan ng ama ay parang pagtarak ng kutsilyo sa kanyang puso.********Ang mansyon ng pamilya Lopez ay matatagpuan sa isang exclusive subdivision na para lang sa mga mayayaman. Nakatayo sa malawak na lupain, ang bawat ladrilyo at tile ay nagpapakita ng karangyaan at kagandahan dito. Idinisenyo at itinayo ito ng isang sik
Yumuko si Dean at tumingin sa kay Lyca. Ipinatong pa ng binata ang kamay niya sa balikat niya na para bang galit siya na inaalo nito. Umiwas ng tingin si Lyca sa lalaki. Namumula kasi ang mga mata niya pero hindi siya nagpatalo. Malamig ang tingin niya na sinalubong ang titig ng lalaki. Walang kahit na anong bakas ng emosyon sa mga mata. "Sinusundan mo ba ako?” aniya na nakataas ang isang kilay. "Sinusundan?" balik tanong nito. Ngumiti si Dean at bahagyang nakaangat ang sulok ng mga mata, halatang nanunukso ang mga tingin sa kanya. "I don’t think this is stalking. If you’re angry, then I can only say…..we are destined to be together,” he said. Pagkatapos ay itinuro nito ang isang direksyon gamit ang isang kamay. “Today is also the death anniversary of my mother’s death,” malungkot na turan nito. Ang kanina lang ngiti sa mga labi nito pati sa mga mata ay biglang naglaho at napalitan ng kalungkutan. Hindi naman makapaniwala si Lyca sa nalaman niya. Death anniversary ng mommy
Bago pa man makapagpatuloy si Dean sa pagsasalita ng kung ano-ano ay nakapasok na si Lyca sa loob ng kotse nito. Si Dean ay talagang si Dean—ang kulay ng kotse na pinipili nito ay sobrang astig. Isang pink na sports car. Para sa kanya hindi niya kailanman pipiliin ang ganitong kulay na pink na sasakyan. Gayunpaman, ang kotse na ito na pinili ni Dean, kahit na pink ay bagay naman ito sa lalaki. "Sinabi ko lang kay Ms. Helen kanina na gusto talaga kita at gusto kitang ligawan. Dumaan lang naman ako sa tamang proseso ng mga nakatatanda," nakangiting sabi ni Dean kahit na hindi naman niya tinatanong. Hindi na tiningnan pa ni Lyca si Dean, pakiramdam kasi niya ay nababaliw na ang lalaki. "Ngayon ang kaarawan ng tatay mo di ba? Paano kaya kung sumama ako?" biglang tanong ng binata. "Don’t worry the new president of Bautista Group will not embarrass you,” dagdag pa nito. Bagamat mas malakas ang pamilya Sandoval kumpara sa pamilya Bautista ay hindi naman nagkakalayo ang mga ito. N
"Huwag ka ng magbiro, pumasok na tayo. Tara na,” sabi ni Lyca. Iniabot ni Dean ang kamay niya kay Lyca. Tumingin si Lyca sa kamay ni Dean na nakalahad sa harapan niya, at sa pagakakataong ito, hindi na niya tinanggihan ang alok ng binata. Hiwalay na siya kay Andrei, at ngayon ay kailangan niya ng taong masasandalan at susuporta sa kanya. Minsan tahimik at minsan ay madalas magbiro si Dean, isa pa rin siyang gentleman na may prinsipyo. Kung usapang yaman lang din naman ay hindi rin naman papahuli ang pamilya ni Dean kaya hindi ito nalalayo sa pamilya ni Andrei. Ngayon na kasama ni Lyca si Dean, dapat lang na maunawaan ng daddy niya na hindi siya basta-bastang babae ngayon. Kahit na wala sa tabi niya ang dating asawa, mayroon pa rin siyang isang tao na masasandalan niya. Kaya hanggat hindi pa siya na makapangyarihan ay kailangan niyang siguraduhin na walang ibang maiisip na masama si Robert laban sa kanya. Maganda at maayos ang birthday party ni Robert. Halis lahat ng mga
Hindi na kayang manatiling kalmado ni Lyca sa mga oras na iyon. Kahit bata pa siya noon, naaalala pa rin niya ang mommy niya—simple ngunit maganda ang mukha. Mahilig sa magaganda na damit ang mommy niya. Kahit nga noong bago ito pumanaw, gumawa pa ito ng espesyal na damit iyon upang maipamalas ang galing nito sa pag disenyo ng damit. Ito ang huling alaala na iniwan sa kanya ng mommy niya ang damit na sarili mga kamay nito mismo ang siyang gumawa. Hindi siya isang taong basta-basta na lang pwedeng lapastanganin ng isang gaya ni Trixie—isang taong nararapat lang mamuhay sa putikan! "Hubarin mo 'yan,” mariing utos ni Lyca at hinawakan sa leeg si Trixie, halos ibuhos na niya ang buong lakas niya. "Hubarin mo 'yan!" ulit niya sa unang sinabi. Nanggigigil talaga siya sa sa babaeng ‘to. Pulang-pula at ang talim ng kanyang mga mata. At habang tinitignan niya ang babaeng nasa harapan niya ay matinding galit ang nararamadaman niya. "Kahit gaano ka pa katanga, alam ko na alam mo kung ga
Tumayo si Lyca habang nakahawak ang kanang kamay sa kanyang puson. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ni Trixie. Patuloy pa rin na tumutulo ang dugo mula sa kanyang mga kamay at nagkalat na ang bawat patak nito sa sahig. "Ngayon, hubarin mo ang damit ‘yan," mariing utos niya kay Trixie. Tinaas ni Lyca ang kanyang kamay upang punasan ang mga luhang namamalisbis sa kanyang mukha, ngunit nagkalat lamang ang dugo sa pisngi niya, dahilan upang magmukhang nakakatakot ang hitsura niya. Pero sa kabila nito ay kitang-kita pa rin ang kanyang maputlang mukha na animoy tinakasan ng lakas, ngunit nababakas pa rin ang tapang at katatagan sa kanya. Taas baba niyang tinitigan si Trixie gamit ang matalim na titig saka muling nagsalita sa harapan ng babae. "Trixie, hubarin mo na ang damit na ‘yan,” ulit ni Lyca sa katigasan ng ulo ng babaeng kaharap niya. Akmang tatakbo na sana si Trixie nang mabilis na nahablot ni Lyca ang braso nito gamit ang isa niyang kamay na walang sugat
"Alam mo ba kung ano ang sinabi ni daddy noong panahong iyon?” tanong ni Trixie kay Lyca na may ngiti sa labi. “Simple lang naman ang sinabi ni Dad sa mommy mo, “Talagang malas,” anito at mahinang tumawa. “Sinabi rin ni daddy na ang una niyang asawa ay talagang walang alam. Sinabi ni dad na kung bakit nito napili na magpakamatay sa mismong kaarawan niya. Dapat daw sana ay namatay na lang ito sa ibang araw,” tatawa-tawang sabi pa ni Trixie. Alam ni Lyca na sinasadya ni Trixie na mas inisin siya sa sandaling ito. Naiintindihan niya ito, pero hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang galit na unti-unting namamahay sa dibdib niya. Tinitigan niya si Trixie, na may nakakalokong ngiti mga labi. Habang si Trixie naman ay may nakapaskil na mapanuksong ngiti. Hinubad nito ang suot na dress at biglang inihagis sa kanya. "Sa tingin mo ba magugustuhan ko ng damit ng isang taong patay na?" matalim na salitang binitawan ni Trixie. Kinuha ng babae ang isang bagong labas na mamahaling damit mula s
Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Lyca. “What he has done….” usal niya sa sarili. Ang mga alaala ng nakaraan ay nagsimulang bumalik sa isipan niya. Alaala ng nakaraang tatlong taon. "Andrei, my mother’s death anniversary is in three days. Maaari mo ba akong samahan na dalawin siya sa sementeryo at mag-alay ng dasal sa kanya at…” Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Lyca nang bigla itong putulin ni Andrei. "Kailangan kong umalis patungong ibang bansa para sa isang business meeting. Bumili ka na lang ng anumang kailangan mo,” aniya at iniabot kay Lyca ang kanyang black card at nagmamadaling umalis. Pansin niya ang pag kunot-noo ni Lyca, ngunit may maliit na ngiti pa rin sa sulok ng mga labi nito. Ang totoo palagi siyang niyaya ng dating asawa na pumunta sa sementeryo tuwing death anniversary ng mommy Helen nito. Pero palagi niya rin itong tinatanggihan. Palagi niyang idinadahilan sa dating asawa na may trabaho siya, may mga meeting na importante at may mga laka
Mula sa bulwagan ay maririnig ang mababang tunog ng isang cello. Ang mga estudyante mula sa department of music ang nagtanghal sa entablado. “Malapit na siguro si Cristy,” ani Lyca kay Andrei, habang tinitingnan nya ang oras sa kanyang suot na relo. Pinangako nya kasi kay Cristy na sasamahan nga ito sa entablado para tumugtog ng piano. Bahagya namang tumango si Andrei at hindi masyadong binigyang-pansin ang pag-akyat ni Cristy sa stage. Para bang iniisip nito na wala namang dapat ipag-alala dahil kayang-kaya naman iyon ni Cristy nang mag-isa. “Pupunta muna ako sa backstage para puntahan si Cristy,” sabi ni Lyca at muling tiningnan si Andrei bago sya tuluyang umalis. Ngunit bago pa man siya makalayo ay bigla siyang naitulak ng isang babaeng estudyante na nagmamadaling dumaan. Napahinto naman Lyca at agad na napalingon ngunit ang nakita lang niya ay ang payat na likod ng babaeng naka backless na evening gown. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya makita ang mukha nito at an
Tahimik na ibinaba ni Lyca ang hawak niyang baso at saka nya dahan-dahang ibinaling ang tingin kay Andrei. Sa gabing iyon ay suot ni Andrei ang isang dark blue na suit. Suot din sa kanyang pulso ang isang relo na may halagang sampung milyon, at isang tie clip na gawa sa platinum iris. Iniangat niya ang tingin mula sa kurbata nitong suot, nakita niya ang isang gwapo mukha na may perpektong hugis. Dark blue ito ang paboritong kulay ni Andrei. Napatingin naman si Lyca sa suot niyang red dress at hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. The combination of red and blue makes many people think they are a couple. But sadly, they are divorced. Matapos ang kanilang divorced ay mas naging mapangahas ay kaakit-akit si Lyca. Isang anyo na hindi kailanman nakita ni Andrei noon. Na para bang ngayon ay naging ibang tao na ito ngayon. Sandaling napapikit ng mga mata si Andrei at muling nagmulat. Napatingin naman din si Lyca ka Andrei at nagsalubong ang mga mata nila. T
Malinaw na narinig ni Dean ang sinabi ni Lyca kay bahagyang napa-arko ang mga nito kasabay ng isang matamis na ngiti. "Hindi ko madalas na marinig ang mga salita na yan mula sa 'yo," sabi ni Dean kay Lyca. "Huwag kang mag-alala dahil hindi lang ako babalik nang ligtas, kundi magdadala pa ako ng mga espesyal na pasalubong para sa ’yo," dagdag pa ni Dean, saka sya tuluyang umalis. Bakit nga ba napasama si Dean dito? Maari naman na direktang tanggihan ni Dean ang pakikipagtulungan kay Jade, ngunit pinili pa rin nito na pumunta muna sa kumpanya ni Andrei. Nang iminungkahi ni Andrei na pumunta siya sa ibang bansa para sa inspeksyon ay ni hindi nga man lang siya tumanggi. Hindi naman sila ganoon kalapit ni Andrei sa isa’-isa, kaya bakit tila napakadali para kay Andrei na kumbinsihin si Dean? Malinaw na nakita iyon ni Joshua. Pumunta si Dean sa kompanya ni Andrei hindi lang para sa trabaho kundi para sa isang personal na pakay. Pati ang pagpunta niya sa ibang bansa ay hindi lamang i
“Ibig mo bang sabihin sa akin ngayon Trixie na hindi ko pinaghihiwalay ang public at private life ko?” tanong ni Andrei kay Trixie habang seryoso syang nakatingin dito. “Pero sabagay tama ka nga Trix. Hindi ko nga pinaghihiwalay ang public at private life ko,” dagdag pa ni Andrei. Natigilan naman si Trixie dahil sa sinabi ni Andrei, hindi sya makapaniwala rito kaya naman muling sumiklab ang galit sa dibdib niya. "Kung talagang magiging patas talaga ako Trix, dapat ay si Lyca ngayon ang nararapat sa posisyon mo at hindi ikaw. At kung tiitingnan naman ang kakayahan mo ay hindi ka karapat dapat na mapasama sa pamilya Sandoval,” seryoso pa na sabi ni Andrei kay Trixie. Alam naman talaga ni Andrei ang lahat ng ito. Ngunit kahit pa ganon ay binigyan pa rin nga nya ng pagkakataon si Trixie at hinayaang si Lyca ang mapunta sa project department. Ngunit ngayon ay si Trixie mismo ay nagsasabi na hindi niya kayang paghiwalayin ang pampubliko at pribadong mga bagay na talaga namang nakakataw
Dinig na dinig naman ni Trixie ang mapanuyang boses ni Joshua, kaya naman agad siyang namutla. Pilit na kinakalma ang sarili habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong-puno ng pang-uuyam. "Ang personal mong emosyon at sariling mong pananaw at haka-haka ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang matino. Kung mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipapaliwanag sa iba?" sabat ni Dean na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Andrei. Ang kanyang singkit na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong kaseryosohan. "Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” mariing sagot ni Trixie na bawat salita nya ay punong-puno ng determinasyon, habang nagkikiskisan ang mga ngipin. Ngunit hindi basta-basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera! Napataas naman ang kilay ni Joshua habang seryosong nakati
Maingat na inilapag ni Lyca ang mga dokumento sa harap ni Joshua, saka nya binuksan ang pahina kung saan naroon ang problema at itinuro nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata. “Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito and this inconspicuous note is the only trap,” wika ni Lyca kay Josh. Hindi napigilan ni Joshua ang matawa. "Nakita mo na, akala siguro ng ating punong sekretarya ay isang malaking pagkakataon at gusto niyang samantalahin natin ito,” ani Josh kay Lyca. Napakunot naman ang noo ni Lyca dahil sa naging sagot ni Joshua sa kanya. "Anong klaseng biro na naman itong ginagawa niya? Was this cooperation case proposed by Trixie? Baliw ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Lyca kay Joshua. Tahimik lang si Josh at hindi na nagbigay ng opinyon. "Talagang matibay ang loob ni Secretary Trixie, kahit pa na hindi pa siya nakakabawi mula sa aksidenteng natamo niya. Matapos maaksidente sa sasakyan, tumanggi siyang magpahinga sa bahay at pinilit niyang pumaso
Natigilan si Gab dahil sa sinabi ni Lyca. Tahimik na yumuko ng ulo si Lyca at hinalo ang kape sa tasa niya. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Gabriel. Napansin iyon ni Lyca kaya pasimple niya pang mas itinaas ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo. “Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan ng tunay na pamilya,” mahinahong sabi ni Lyca kay Gab. “Hangga’t may tunay na pagmamahal, maaaring maging pamilya ang kahit sino, kahit walang duging nag-uugnay. Ngunit kung walang pagmamahal, kahit pa na magkadugo ay maaaring lamunin ang isa’t-isa. Hanggang sa wala nang matira na kahit bakas man lang,” wika ni Lyca. Pinaglaruan ni Lyca ang vent ng air conditioner. Hindi niya alintana ang malamig na hangin. Sa halip na ginawin ay nagbigay pa ito ng komportable ginhawa sa kanya. "Mr. Madrigal, matagal ka na sa industriyang ito. Hindi mo pa ba lubos na nauunawaan ang ganitong bagay? Ilang mayayamang negosyante ang iniwan
Pansin ni Lyca ang mariing pagtitig ni Gabriel sa mukha niya. Seryoso na tila ba may inaalala mula sa nakaraan. "Alam mo ba sa totoo lang nakita na kita noong bata ka pa," anito at naka cross ang mga braso sa dibdib. "Hawak-hawak ka ni Robert noon sa mga bisig niya, sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa 'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," ani Gabriel na hindi na ata nakatiis at nagtanong na. Tila ba ramdam naman ni Lyca na para bang iniinsulto siya ng kaharap. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Madrigal, ang tunay na pagkatao ni Robert. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Ang ama ko ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin lang ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Lyca sa lalaki. Natigilan naman si Gabriel sa sinabi niya at hindi ata nito akalain na ganun na lang siya kung magsalita. "Talaga pala na ibang-iba ka na ngayon," na
"Tama ka. Hindi ito madaling ipaliwanag nang malinaw sa telepono. May oras ka ba bukas? Paano kaya kung magkita tayo at pag-uspan ito ng mas maayos?” ani Lyca sa kausap. "Sige dahil ikaw na mismo nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Gabriel kay Lyca. Lihim na napangiti si Lyca at sinilip ang suot niyang relo sa kamay. "Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Sandoval?" pag-aaya pa ni Lyca sa kanyang kausap. Binanggit na ito ni Lyca para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Sandoval, at para ipauna rito kung paano dapat isaalang-alang ang presyo sa negosasyon nila. "Walang problema darating ako. Inaasahan ko ang pagkikita natin, Miss Lyca," pag sang ayon ni Gabriel. Hindi maaaring maging pabaya ang isang tao na namamahala ng isang malaking kumpanya. Nararapat lang na sapat ang talinong meron ka sa pagpapatakbo nito. Si Lyca ang alas ng mga Sandoval. Kaya isang malaking pagkakamali kung mamaliitin siya sa ganitong pagkakataon. Matag