CHAPTER 16. Kakagaling lang niya sa mansyon ng pamilya Sandoval kanina, tapos ito, kasama niya si Dean sa sarili nitong lugar. Ang secret base na lugar ni Dean. Paano kaya nahanap agad ni Andrei ang lugar na ito? Kung hindi siya sinusandan ng dating asawa, ano kaya ang ibig sabihin nito? Hindi na maipinta ang mukha ni Lyca. No, maybe it wasn’t surveillance, but a tracker was intalled on her early in the morning. At ang tanging bagay na puwedeng lagyan nito ay ang cellphone niya. Tama! Marahil nilagyan ng lalaki ng tracker ang cellphone niya. Dahil hindi naman nito malalaman agad-agad ang kinaroroonan niya kung hindi dahil doon. Isa pa isa itong secret place na pagmamay-ari ni Dean. Kaya impossible na agad siyang matunton ni Andrei. Binuksan ni Lyca ang handbag na dala niya at kinuha niya sa loob ang kanyang cellphone at tumingin kay Andrei. "Nandito ang tracker, tama ba ako?" aniya sa dating asawa sa seryosong mukha. Hindi naman makasagot si Andrei sa tanong niya. Kaya naman
CHAPTER 17. “Sa totoo lang, Andrei is also innocent,” mahinang sambit ni Lyca at napayuko ng ulo. “What happened that night was really just an accident. Malaki ang naitulong niya sa akin noong pinakasalan niya ako. Pero sa unang araw pa lang ng kasal namin, sinabi niya sa akin na may iba na siyang mahal at na maghihiwalay rin kami balang araw,” aniya at muling umangat ng tingin. Tinitigan siya nang malalim ni Paolo. "Alam kong inosente si Andrei, pero kung titingnan natin nang mabuti, bilang asawa, mali ang lahat ng ginawa niya. Ngayon, buntis ka at dinadala ang anak niya,” anang lalaki. Tahimik lang si Lyca habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Dr. Alcantara. "Ms. Lopez, nasa iyo pa rin naman ang desisyon kung ano ang plano mo. Kung nais mo bang ipagpatuloy ang pagbubuntis mo o hindi. Ang sinasabi ko lang ay pag-isipan mo ito nang mabuti at gumawa ng desisyon na hindi mo pagsisisihan sa bandang huli,” dagdag pa ni Paolo. Dr. Paolo Alcantara is a man who hates evil. Noong kaba
CHAPTER 18. "Manager Lopez, hindi mo ba alam kahapon na nagkamali na naman ang bagong sekretarya na si Trixie? Mali ang nailagay niyang decimal point sa report ng mga amount. Buti na lang, naging maingat kami sa pag-rereview nito at hindi namin ginamit ang kontratang iyon para pirmahan. Kung hindi sigurado na malaki ang mawawala sa pamilya Sandoval,” sumbong kaagad ng isang empleyado sa kanya pagpasok niya sa opisina. Nang makita siya ng empleyado ay agad siya nitong binati at hindi na nga nito napigilang banggitin sa kanya ang kapatid niyang si Trixie. Sa pagkakataong ito, hindi na nito tinawag pa si Trixie na secretary, tulad ng dati. Marahil iniisip nito na pareho sila ng apilyido ni Trixie, at kaya siguro ganun ang tawag nito sa kapatid niya para hindi naman nakakainsulto sa kanya. Kaagad na uminit ang ulo ni Lyca dahil sa mga balitang narinig niya. Talaga bang wala ng gagawing tama ang kapatid niya? Puro na lang kasi ito kapalpakan. "Tama ka, iniisip siguro niya na palagi ma
CHAPTER 19. Tanging si Cristy lang kasi ang may lakas-loob na kausapin si Andrei ng ganito. Tila ba wala man lang itong pakialam at hindi man lang natitinag kay Andrei. "Talaga ba Kuya, you’re still cheating your wife even though you’re married? Have you also picked up the bad habits of the industry?” parang hindi na alam ni Cristy ang mga salitang sinasabi nito dahil sa pagkabigla sa mga nalaman. "Kuya, paano mo nagawa ang ganitong kalseng gawain? Parang hindi naman kapani-paniwala na may ganitong klaseng pag-uugali ang pamilya natin. Ang sama ng ugali mo, kuya,” wika ni Cristy, hindi na kasi nito napigilan pa ang sarili na magsalita ng ganun dahil sa inis sa lalaki. Hindi binigyan ni Cristy ng pagkakataon si Andrei na sumagot. Sunod-sunod itong nagbitaw ng mga sarkastikong salita laban kay Andrei. Matalim ang mga matang tinitigan ni Andrei si Cristy, at winarningan ito sa pamamagitan ng kakaibang tingin. “Cristy, try talking nonsense again,” may diing wika ni Andrei. "No! I’m
CHAPTER 20. "Talaga bang poprotektahan ako ni Cristy? Akala ko galit siya sa akin,” mahinang sabi ni Trixie na halatang naiiyak ang boses. Hindi na pinakinggan ni Lyca ang usapan ng dalawa, tahimik niang isinara ang pinto ng opisina at hindi na pinansin pa ang dalawa roon. Pagkasara ng pinto ng opisina. Agad na naupo si Trixie sa armrest ng upuan kung saan nakaupo ang lalaki. Nakahawak ang kamay niya sa kuwelyo nito, at ang boses niya'y nananatiling mahina. "Andrei, pwede rin ba akong sumali sa school anniversary performance na binanggit kanina ni Cristy? Alam mo naman, estudyante rin ako sa University, at matagal na rin akong hindi nakabalik sa alma mater ko,” pagbabakasakali na sabi ni Trixie. Inilapit pa niya ang mukha sa pisngi ng lalaki at mahinang bumuntong-hininga. “Bukod pa rito, ayokong kayong dalawa lang ni Lyca ang naroroon at magkasama sa school celebration. Mukha kayong mag-asawa, at hindi ako komportable," maarteng wika ni Trixie at mas pinalambing pa ang boses
CHAPTER 21. Patuloy na naglalakad si Trixie palabas ng Golden Restaurant, na may pagmamadali sa bawat kilos. Ngunit pagkalabas niya, sinalubong siya ng malamig na ihip ng hangin. Kaya naman awtomatiko niyang iniyakap ang mga braso sa katawan. Basa ang buhok niya, at ang malaking bahagi ng damit sa kanyang dibdib ay basang-basa rin ng tubig. Dahil sa ginawa kanina ni Cristy sa kanya. Ang damit niyang nabasa ay halos duikit na sa balat niya, idagdag pa ang malamig na ihip ng hangin na mas lalong nagpaginaw sa kanya dahilan para manginig siya sa lamig. Mas binilisan niya ang bawat hakbang, dali-dali siyang pumunta sa gilid ng daan upang mag-abang ng taxi na masasakyan. Nakayuko lang ang ulo niya at, hindi makatingin sa kahit sino, ngunit bigla siyang nabangga sa isang matigas at matipunong dibdib ng isang tao. "Trixie?" Nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki at napatingala siya rito. Bumungad sa paningin niya ang nakakunot-noong mukha ni Andrei. Marahil nagtataka ito nga
Kalmado niyang sinalubong ang tingin ng lalaking nasa harapan niya. Pero sa loob niya ay may kirot sa puso niya dahil sa pambibintang nito sa kanya. Paano siya hindi malulungkot. Kung sa loob ng tatlong taon nilang magkasama araw at gabi, ay hindi pa rin pala siya lubusang kilala ni Andrei. Ni minsan hindi siya gumawa ng mga kalokohan. Tapos ngayon ito? Bigla-bigla siyang pagbibintangan ng dating asawa dahil lang sa babae nito. Ang sakit lang isipin na hindi man lang muna nito inalam ang totoo. Para sa lalaki isa lang siyang hamak sa paningin nito. Kitang-kita niya ang malamig na titig sa kanya ni Andrei. Kung pwede nga lang siguro siya nitong gawing yelo sa sobrang cold nito sa kanya ay ginawa na ng lalaki. Ni wala man lang siyang nakikita ni katiting na simpatya mula sa dating asawa. "Maganda ang relasyon niyong dalawa ni Cristy, tama?” Hindi ba at kaya siya nagagalit kay Trixie ay dahil sa ‘yo. Napiling siya sa tinuran ng lalaki. Kaya naman kinuha niya ang tinidor at tinusok it
Agad na inutusan ni Andrei si Joshua na maghanap ng lugar sa tabi ng kalsada upang iparada ang sasakyan. Pagkatapos, ay dinala niya si Lyca sa snack street kung. Ang snack street ay puno ng mga maliliit na kainan. Malapit ito sa University, at malinis ang mga tindahan. Sa magkabilang gilid ng daan, makikita ang mga nagtitinda ng iba't ibang pagkain tulad ng mixed cold dishes, egg pancakes, fried rice, fried noodles, barbecue, at fried skewers at iba pang dessert food. Mayroon ding maraming restaurants sa paligid. Makitid ang daan dito kaya naman talagang siksikan ang mga tao sa dami ng mga pumupunta sa lugar. Nakasuot si Andrei ng mamahalin at eleganteng suit. Seryoso ang ekspresyon ng mukha, matangkad at may makisig na pangangatawan kaya naman litaw na litaw siya at tila hindi bagay sa simpleng lugar na iyon. Samantalang si Lyca naman ay nasa tabi lang ng lalaki. Maganda ang hubog ng katawan at may kaakit-akit na mukha na talaga naman agad na makakaagaw pansin ng mga tao sa palig
Tiningnan ni Max si Lyca bago niya kinuha ang business card na inabot sa kanya at saka sya nagpasalamat. Pansin niyang tahimik lang na nakatayo si Lyca sa ilalim ng malaking puno roon. Banayad lang ang ihip ng hangin at ang mga dahon ay nagliliparan at ang iba naman ay naglalaglagan rito. Ang mahabang itim na buhok nito ay linilipad ng hangin at dumadapo sa mga balikat nito. Paminsan-minsan naman ay natatakpan ng hibla ng mahabang buhok ang mga mata nitong may malamig na titig ngunit may bakas ng lambing. May bahagyang ngiti sa sulok ng labi. Habang ang malambing nitong mga mata ay nakatuon sa kanya. "Kung may mga tanong ka pa ay huwag kang mag-atubiling tawagan ako," sabi ni Lyca kay Max bago ito tuluyang tumalikod at umalis. Napayuko ng ulo si Max at tiningnan ang hawak niyang business card na iniabot sa kanya ni Lyca kanina. “Lyca Lopez, Project Manager of Sandoval Company,” basa ni Max sa nakasulat sa card. Napakagandang pangalan. Kung sana lang ay tulad ng kanyang pangalan
Habang nakatitig si Max sa babaeng naza harap niya ay may kakaibang pakiramdam sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o kung saan ito. Ang pakiramdam na iyon ay parehong pamilyar at estranghero sa kanya. At habang abala ang mga tao sa paroo’t parito sa paligid nila ay nanatili namang magkahinang ang kanilang mga tingin. ******* MARAHIL napansin naman ni Principal Emily na nakatuon lamang ang mga mata ni Lyca kay Max kung kaya ay may ginawa ito. Tinawag nito ang direktor upang lapitan si Max at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito sa kanya. "Lyca, ipapakilala ko nga pala sa ‘yo si Max Garcia, siya ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang estudyanteng nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansa na maging top science student ngayong taon," may himig pagmamalaking sabi ni Principal Emily kay Lyca. Ramdam naman ni Lyca ang labis na paghanga ni Principal Emily kay Max at tila ba nakara
CHAPTER 55 “Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Rigor kay David, na halatang nag-aalala at kinakabahan. Isa siyang guro kaya alam niya ang kaakibat na bigat ng ganitong klaseng sitwasyon. Ngumiti naman si David sa ama niya at saka umiling dito. “Pa, ilang taon ka nang guro diba? Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang diyan. ‘Yong mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga ‘yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni David sa Papa niya. Subalit tila natabunan ang kanyang konsensya nang malaking halaga na ang nabanggit ng anak niya. Umakbay pa sa kanya si David na parang magkaibigan lang sila habang nag-uusap. “Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Max.” Nagpaplano ang dalawa sa sala, pero hindi man lang nila naisip na hinaan ang mga boses nila. ******** HATINGGABI na at kararating lang
Bukod kay Dean, ay wala nang ibang maisip si Lyca na gagawa nito kay Trixie. Hindi pa naman nakakabalik sa bansa si Kyrei. At lahit pa nasa bansa na ito, ay hindi naman ito gaganti sa ganitong paraan. About naman kay Chris, hindi nito papansinin ang isang maliit na tao na tulad ni Trixie. Wala ring alam sina Chris at si Kyrei nasa ibang bansa pa kaya wala silang ideya sa ginawa ni Trixie kay Lyca. Bukod kina Andrei at Dean, ang tanging nakakaalam ng katotohanan ay si Trixie. Pinoprotektahan ni Andrei si Trixie nang sobra, kaya malabo na siya ang nanakit sa babae. Pero hindi niya ginawa ang alinman sa mga ito, kaya ang tanging maaaring gumalaw laban kay Trixie ay si Dean. At kung ikukumpara sa ginawa ni Trixie sa kanya, mas malupit pa ito. ******* SAMANTALA, nakabalik na si Dean sa Bautista Group of Company. Nanlaki pa ang mata ng sekretarya nang makita ang pasa sa mukha niya pero hindi naman naglakas-loob na magtanong. Maingat nitong dinala ang kahon ng gamot sa op
Sa sandaling ito, parang hindi na mahalaga pa kay Trixie kung sino ang may gawa niyon sa kanya. Basta isa lang ang alam niya ang ibato ang lahat ng sisi kay Lyca dahil sa aksidenteng natamo niya. Halatang may galit talaga siya kay Lyca. Alam niyang nasaktan si Lyca noong birthday party nga daddy nila, kaya iniisip niya na naghihiganti ito sa kanya. Wala rin naman kasi siyang ibang nakaalitan kamakailan, at ang tanging tao na nakaalitan niya ay si Lyca lang naman. Kaya kung hindi si Lyca ang may gawa nito sa kanya, sino naman kaya? Wala siyang ibang masisisi rito sa nangyari sa kanya kundi si Lyca lang at wala ng iba. Gusto lang niyang magsumbong kay Andrei at ipakita kung gaano kasama ang puso ni Lyca. “Sa tingin mo ba talaga ay si Lyca ang may gawa nito sa ‘yo?” malamig ang boses na tanong ni Andrei kay Trixie. Naramdaman ni Trixie ang lamig sa boses ni Andrei at parang kinurot nang pino ang puso niya nang mapagtanto na tila ba hindi ito naniniwala sa kanya. “Hindi ba a
"Mr. Bautista." Banggit ng isang sekretarya nang makita nila si Dean. Kaya natigil ang kanilang pag-uusap at pagbubulong-bulungan. Ngumiti naman si Dean sa kanila saka ito nagtanong. “Nasa opisina ba si Mr. Sandoval? “Yes po, Sir. Nasa opisina po si Boss. May kailangan po ba kayo sa kanya?” anang isang sekretarya na sumagot. Ngumiti lang si Dean dito at nagpasalamat. Pagkatapos ay tinungo na niya ang opisina ni Andrei. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya ang lalaking nakaupo sa swivel chair nito at hinihilot ang noo. Naptingin si Andrei sa pinto ng opisina niya nang bigla itong bumukas at nakita niyang si Dean ang pumasok. Saglit niyang tinitigan ang lalaki at ibinalik ang tingin sa dokumentong binabasa nito. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Andrei sa lalaki. Nagtataka kung bakit ito nasa opisina niya. "Mr. Sandoval, balita ko magaling ka raw makipaglaban. Gusto mo bang subukan natin?” nanghahamon na sabi ni Dean kay Andrei. Ibinalik ni Andrei ang
Pagkatapos lumabas at makita kung sino ang taong naghahanap kay Lyca ay bumalik na siya sa loob ng opisina. Muli siyang naupo sa office niya at inayos ang suot na salamin sa mata. Umiyak kasi siya kahapon, idagdag pa ang napuyat siya kaya hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mga mata niya. "Hindi ako manghuhula kaya wala akong oras sa mga walang kwentang hula na yan, Dean. Kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na. Kung wala naman ay pwede ka nang umalis dahil busy ako,” masungit niyang sabi sa binata. Kahit pa sinabi sa kanya ni Dean na iba ito kumpara kay Andrei at huwag ikumpara ang mga iti ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano. Ayaw na niyang masaktan muli. Alam niya sa sarili niya na hindi siya masasaktan kung hindi na siya magbibigay ng tunay na damdamin. Kaya, hindi na niya bibigyan ng pagkakataon ang sinuman. "Ang sungit mo talaga sa akin, Lyca," wika ni Dean at saka nito tinanggal ang suot na salamin at lumapit sa kanya. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibaba
Bakit ang aga mo ‘atang nagising, Senyorita?" tanong ng tagapamahala. Maaga kasi itong nagising at nakita siyang nakaupo sa duyan habang pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw. "Hindi na po kasi ako makatulog," magalang na sagot ni Lyca sa matanda saka ngumiti. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa at iniba na lang ang usapan. "Ano po ang nais niyong kainin sa almusal? Natatandaan kong gustong-gusto niyo ang pea yellow. Bakit hindi tayo magpagawa ng kaunti upang may maiuwi na rin kayo mamaya?" Umiling si Lyca bilang sagot. "Huwag na po, nakakahiya. Isa pa marami pa kasi akong kailangang asikasuhin ngayon at baka hindi ko na rin yan mahintay pa,” sagot niya rito. Sa totoo lang, ayaw na lang niyang magpa abala pa rito. "Naku, wala naman iyon. Lasing si Senyorito Andrie kagabi kaya tiyak na tanghali pa iyon magigising. Baka nga paggising niya mamaya eh tapos na rin ang mga pagkain. Pwedeng siya na lang ang magdala para sa iyo mamaya,” giit pa ng matanda. Mahigpit na tumu
Si Trixie na ang kasintahan nito ngayon, kaya hindi tama na magpatuloy sila sa ginagawa. Dahil mali ito. Maling-mali. Ano na lang ang iisipin nito kapag nagpatuloy pa sila sa maling ginagawa. Na isang halik lang nito bibigay agad siya. Kaya hindi na maaari. Humugot muna siya ng hininga at buong pwersa na itinulak ang lalaki palayo sa kanya. Nagawa naman niya ito, pero habol hininga siya pagkatapos at itinulak palayo ang lalaki. "Andrei, divorced na tayo! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo!” bulyaw niya rito. Tila natauhan naman si Andrei at natigilan ito. Napako ang tingin nito sa mukha ni Lyca na para bang binabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Napapikit saglit si Lyca bago nagsalita. "Si Trixie na ang kasintahan mo. Si Trixie, Trixie, at hindi ako,” mariin niyang bigkas habang inulit-ulit sa pabsambit ang pangalan ni Trixie. Sa wakas, ay binitiwan siya ni Andrei. Marahil dahil malinaw nitong narinig ang sinabi niya, o marahil dahil napagtanto nito kung sino siya, na hindi