HINDI NA MAPAWI ang mga ngiti sa labing humarap na si Alia kay Oliver matapos niyang hawakan ang kamay nitong nakahawak sa beywang niya. Sa hitsura niyang iyon ngayon ay tila ba hindi siya umiyak kanina. Si Alia na ang kusang humalik sa labi ni Oliver ng ilang segundo na ikinalamlam na ng mga mata n
"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba
HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lan
Kinailangan pang ilang beses na lumunok ng laway si Alyson para tanggalin ang nakabarang bikig sa kanyang lalamunan. "Huwag ka ngang mag-alala, Geoff, hinding-hindi ko dudungisan ang apelyido mo. Kung mamamatay man ako, hindi na kita idadamay. Lalayo na rin ako sa'yo after ng annulment." Pinagtaas
Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon
Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay. "Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang p
Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gam
Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa
HINDI NA MAPAWI ang mga ngiti sa labing humarap na si Alia kay Oliver matapos niyang hawakan ang kamay nitong nakahawak sa beywang niya. Sa hitsura niyang iyon ngayon ay tila ba hindi siya umiyak kanina. Si Alia na ang kusang humalik sa labi ni Oliver ng ilang segundo na ikinalamlam na ng mga mata n
NAPAAWANG NA ANG labi ni Oliver nang makita ang pagbaba ng mga luha ni Alia na halatang sobrang nasasaktan sa mga salitang sarili niyang binitawan. Sinalo ni Oliver iyon gamit ang kanyang mga daliri at sinubukan siyang kalmahin sa pamamagitan ng pagyakap ngunit mabilis lang siyang itinulak papalayo
NAHANAP NI ALIA ang sasakyan ni Oliver pagkalabas niya ng coffee shop kahit na medyo natataranta pa ang kanyang katawan nang dahil sa pag-uusap nilang dalawa ni Leo. Nagbago ang expression ng mukha si Oliver nang lingunin niya na si Alia na nasa labas na ng kanyang sasakyan nakatayo. Pinagbuksan na
DAMA ANG HIMIG ng iritasyon ni Alia sa huling sinabi niya, Hindi pa kalat na legal na hiwalay na sila ni Oliver kung kaya naman walang masama kung ariin niya itong kanyang asawa. Hindi iyon naging public kung kaya naman kahit sabihin iyon ni Alia ay walang magiging problema dahil muli rin naman sila
MAHIGPIT NA NIYAKAP ni Alia ang anak. Sa Malaysia umuulan pero hindi madalas ang malakas na kulog at kidlat kumpara nitong nasa Pilipinas na sila. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa trauma nito noong bata pa siya na naranasan niya sa kamay ni Melody nang madukot, pero tanging sa kulog at kidlat l
MULA SA OPISINA ay dumiretso si Oliver sa Gallery ni Alia upang sunduin niya ito. Ilang minuto siyang naghintay sa labas noon habang bitbit ang malaking bouquet ng bulaklak na kanyang ibibigay. Mula ng magkabalikan sila ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maging sweet sa kanya. Naging part
BANTULOT NA PUMASOK at puno ng pag-aalinlangan si Zayda sa loob ng opisina habang masusing pinagmamasdan ni Oliver ang bawat galaw. Kasalukuyang kakababa lang ng tawag sa kanyang cellphone na mula kay Alia. Umayos ng upo ang lalaki upang makinig sa mga sasabihin ng kanyang empleyado na nagawa ng mak
TUMANGO LANG SI Oliver na hindi man lang siya nilingon na para kay Zayda ay sobrang nakakabastos. Pinigilan niyang magsalita pa dahil baka mas pag-initan siya nito o mas magalit sa kanya ang amo. Magmula rin ng araw na iyon ay parang biglang naging display na lang sa kanilang kumpanya si Zayda. Iyon
SAGLIT NA NATIGILAN si Alia nang ilang minutong mapatitig sa mga mata ni Oliver na puno ng pakiusap. Napagtanto niya na marahil kung ang dati pa ngang katauhan nito iyon, paniguradong pinahirapan na niya ang babae. Knowing him way back na malupit, ngunit ngayon na alam Alia na totoo na itong nagbago