ISANG LINGGO ANG matuling lumipas na halos ay hindi mahagilap ni Alia ang kanyang asawa. Kung hindi uuwi itong late at tulog na siya ay minsan sa office ito namamalagi. Wala naman siyang naging ibang pagdududa dahil palagi siya nitong tinatawagan at kinakamusta ng anak nila. Sa araw na iyon ay inaya
SA NANGYARING IYON ay parang mauubusan na ng oxygen sa katawan niya si Alia. Hindi niya na alam kung ano pa ang ira-rason niya sa matandang kasambahay na paniguradong magkakaroon na ng haka-haka. Nakipagsukatan siya ng tingin sa matanda na punong-puno ng katanungan ang mga mata. Sa huli siya ang nag
GABI NA NANG makauwi sila. Punong-puno ng mga gamit ni Nero ang likod ng kanilang dalang sasakyan. Kinailangan pang tumulong ng ibang kasambahay upang maibaba at maipasok sa loob ng silid ni Nero ang mga pinamili nina Alia. Hindi naman na nagtaka ang mga maid. Nakangiti lang silang sumunod sa malaka
ISANG PITIK NA lang ng orasan at alas-onse na nang maghanda ng umalis si Oliver. Napansin ni Carolyn na medyo maraming alak ang nainom ng kanyang amo, kung kaya naman nag-suggest siya na pumunta muna ng temporary lounge upang magtanggal ng espirito ng alak sa katawan. Habang umiikot ang paningin ay
NILINGON NA NI Oliver ang kanyang asawa na mahimbing ng natutulog sa kanilang kama. Mahimbing na itong natutulog. Nang humantong ang kanyang mga mata sa mukha nito ay agad ng kumabog sa excitement ang puso. Iyong tipong bigla siyang nagkaroon ng palpitation. Humakbang na siya palapit sa kanya. Yumun
NAALARMA NA DOON si Alia na sa mga sandaling iyon ay kakatapos niya pa lang ng session ng kanyang dialysis. Halos apat na oras din siyang namalagi sa hospital para sa treatment na iyon. As in kakalabas niya pa lang sa room. Nanghihina pa siya at namumutla ang hitsura. Hindi niya na mapigilan ang sar
NAPAKUNOT NA ANG noo ni Oliver sa ginawang pagbawi doon ni Alia. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang isip ng asawa na kanina lang ay nakita niyang sobrang excited din kagaya ng nararamdaman niya na mag-celebrate sila ng kids party para sa kanilang anak. Nararamdaman niyang may mal
NAGING SULIT ANG unang family dinner na iyon para kay Alia kahit na ang kapatid lang ni Oliver ang kanilang nakasama, kung kaya naman hanggang sasakyan ay ang daldal niya pa rin. “Talaga bang pinapayagan mo kami ni Nero na paminsan-minsang magtungo sa kanila?” Tumango lang si Oliver na sa mga sand
AGAD NA TUMANGO si Yasmine na nangatal na ang buong katawan. Bakas sa mga mata nito ang takot. Hindi na ito makaalis sa kanyang kinatatayuan habang higit ang hinga. Tumatak sa murang isipan niya na medyo nakakatakot pala ang tinutukoy na Daddy ni Helvy ng kanyang kapatid na si Nero. Nanlilisik kasi
HINDI NAGLAON AY gumayak na rin sila matapos na kumain muna sa malapit na restaurant. Medyo pagod man sila sa biyahe ay hindi nila naging alintana iyon lalo na nina Alia at Oliver. Pagkagat ng dilim at nakita sa tracker na nakadaong na ang cruise ship ni Jeremy doon sa private port ay naghanda na an
BAGO TULUYANG UMALIS ng kanilang villa ay muli pang nagtungo si Alia sa silid ng anak na si Nero. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa anak na hindi man umiiyak ay batid ni Alia na oras mawala siya sa paningin nito, babagsak ang mga luha ng bata. Hindi na nagpaalam pa dito si Oliver. Kagaya
PAGKAMATAY NG TAWAG ay nakaramdam ng panghihina ng katawan si Alia kung jaya naman parang pinutol na puno na bumagsak ang katawan nito na kung hindi nasalo ni Oliver ay paniguradong agad na hahandusay ito sa sahig. Napasugod na ang ibang maid palapit sa kanya upang dumalo at tulungan si Oliver na ib
INIHANDA NA NI Oliver ang lahat ng kanilang mga kailangan at ang mga tauhan na kanilang isasama nang sa ganun ay agad ng makapunta kung nasaang lupalop naroon sina Jeremy upang mabawi si Helvy. Hindi nila ito pwedeng patagalin. Ilang beses na sinabihan ni Oliver ang asawang si Alia na hindi na nito
BUMUHOS NA ANG luha ni Alia na makailang beses na iniiling ang kanyang ulo na para bang hindi makapaniwala na nakuha ni Jeremy si Helvy. Litong-lito siya. Parang tatakasan na siya ng ulirat. Takot na takot siya para kay Helvy. Paano kung ito ang halayin ng demonyong lalaking iyon at gawin ang bagay
HININTAY NI HELVY ang magiging tugon ni Jeremy sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Iba ang sinabi nito sa kanya na mas nagpagulo pa ng kanyang isipan. Ang kutob niya ay may mali at hindi niya gusto iyon.“You must eat now, Helvy, hmm? Kumain kang mabuti para mayroon kang lakas.”Pagkasabi noon ay
NANLALAKI NA ANG mga matang napabaling pa si Zayda sa mag-asawa na nakatingin pa rin sa kanyang banda. Lantad sa mga mata nina Oliver at Alia ang gulat sa mga mata ng babae na halatang wala ngang alam sa mga nangyayari. Ni ang tungkol sa bata ay parang wala itong alam. O baka isa lang iyon sa strate
NAPUTOL ANG PAG-UUSAP ng mag-asawa nang pumasok ang ilang armadong mga lalaki na kabilang sa mga tauhan ni Oliver sa sala ng villa. Bitbit nila si Leo. Pagkarating ay agad iniutos ni Oliver sa mga tauhan niya na damputin ito habang nagmamaneho siya ng sasakyan pauwi ng villa. Ito ang pangunahin niya