ILANG MINUTO PANG naburo ang mga mata ni Alia sa mukha ng kanyang asawa na naghihintay ng kasagutan niya. Hindi ang sakit niya ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon kung hindi ang kapatid niyang si Normandy. Gusto niya itong makita at makausap nang masinsinan. Kaya lang nagdadalawang-isip siya ku
INUTUSAN NI OLIVER ang secretary na dalhan si Alia ng pagkain sa suite para sa tanghalian. Nag-aalala kasi ang lalaki na baka hindi ito kumain kung kaya naman ang favorite niyang pagkain ang iniutos nitong bilhin ni Carolyn. Ang plano sana ni Oliver ay magkasabay silang kakain ng asawa ng lunch. Tat
NAGKUKUMAHOG NA SI Alia na pumasok sa loob ng sasakyan ng naramdaman na ang panunuot ng lamig na sinasabi ng kanyang asawa sa kanyang balat. Sumiksik na siya sa tabi ng katawan ng kanyang asawa na agad naman siyang binalutan ng hinubad nitong coat. Hindi pa nakuntento si Oliver, lantarang niyakap na
HINDI NA NAGSALITA pa si Alia nang mabanggit ng asawa ang salitang kidney. Dumagundong pa ang puso niya sa labis na kaba. Feeling niya ay mahuhuli na ni Oliver ang pinakatatago niyang result ng check up. Nang tumalikod ito at muling lumabas ng silid ay nakahinga na siya doon nang maluwag. Napahawak
"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba
HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lan
Kinailangan pang ilang beses na lumunok ng laway si Alyson para tanggalin ang nakabarang bikig sa kanyang lalamunan. "Huwag ka ngang mag-alala, Geoff, hinding-hindi ko dudungisan ang apelyido mo. Kung mamamatay man ako, hindi na kita idadamay. Lalayo na rin ako sa'yo after ng annulment." Pinagtaas
Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon