NILINGON NI MANANG Elsa si Oliver na sinubukang tumayo sa kanyang mga paa. Bagama’t nakakaramdam siya ng hilo ng dahil sa malakas na impact ng flower vase sa kanyang ulo, hindi niya iyon harap-harapang ininda. Nanatiling nakahawak ang kanyang palad sa kanyang noong may sugat. Natatakot na baka kapag
SA MGA SUMUNOD na araw ay naging malala ang lagay ni Alia. Parang bumalik ang dating siya na palaging tulala at wala sa kanyang sarili mula ng mangyari ang insidente. Kaunti lang siya kung kumain. Minsan pa ay nagpapalipas siya ng gutom. Palagi lang din siyang nakakulong sa kanyang silid. Nagwawala
HINDI SUMAGOT SI Alia, ni ang kahit tingnan siya ng babae at lingunin man lang saglit ay hindi nito ginawa. Subalit bahagyang nanginig ang paintbrush na mahigpit na hawak ng kanyang isang kamay. Oo, alam niyang anak niya si Nero. Hindi iyon nawawala sa kanyang isipan ngunit kailangan niyang gawin an
NAPASANDAL NA SI Alia sa likod na bahagi ng sofa na nasa likuran niya. Nakaburo pa rin ang kanyang mga mata kay Oliver na nakapameywang na sa kanyang harapan. Walang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Hindi pa rin makapaniwala ang babae na ang lalaking sobrang minahal niya noon ay itinulak na
UMIIGTING ANG PANGANG napaahon na sa kanyang inuupuang sofa si Oliver. Wala siyang panahon para pakinggan ang anumang sasabihin ni Manang Elsa dahil maging siya ay naguguluhan na rin kung ano ang kanyang gagawin sa patuloy na pagmamatigas pa rin ng asawa niya. Sinubukan naman niyang gawin ang lahat
DUMUKWANG PALAPIT SI Oliver sa isang tainga ni Alia. Malumanay ang boses niya pero mayroong lambing ng kasama. Muli niyang susubukin ang asawa. Baka sakaling ngayon ay magtagumpay na siya.“Nitong mga nakaraang araw ang dami kong realization sa buhay. Hindi na ako mangba-babae. Hindi ko na uulitin a
NANG MAGISING SI Alia ay nakahiga na siya sa kama. Ang huling natatandaan niya ay kausap niya pa si Oliver. Sinubukan niyang bumangon, ngunit agad siyang natigilan nang makitang nakatali ang kanyang dalawang kamay sa kama at hindi niya magawang makagalaw. Ganundin ang dalawa niyang mga paa. Gulantan
ISANG LINGGO ANG matuling lumipas. Araw-araw na nagtutungo doon si Doctor Abad upang bigyan siya ng IV drip. Masakit man ang kamay ni Alia sa tusok ng karayom na ginagawa nito, hindi niya iyon ininda. Naiintindihan niya rin kasing kailangan iyon ng katawan niya. Itinigil niya ang pagkain dahil tuwin