ILANG SAGLIT PA ang lumipas at muling bumalik ng silid si Oliver. Nasa kama pa rin si Alia, nakahiga, ni hindi ito gumagalaw na parang mahimbing na natutulog. Hindi pa rin siya kumakain ng hapunan kung kaya naman hindi na mapigilan ni Oliver mapatanong sa kanyang sarili kung anong oras na. Paano nas
WALANG IMIK NA kinuha iyon ni Oliver. Sa harapan ni Alia ay kanya na ‘ring pinirmahan. Pagkatapos noon ay ibinalik niya iyon sa loob ng envelope. Tinungo na niya ang closet at kumuha na ng damit. Muli namang nahiga si Alia na parang nabunutan na ng tinik sa loob ng kanyang dibdib. Bago lumabas ng si
MAKAPAL ANG BUHOS ng snow ng gabing iyon ng Christmas Eve, kung saan abala ang karamihan sa paghahanda para sa noche buena pero sa gabing iyon ay nawala ang pangarap ni Alia na makauwi ng Pilipinas at makapiling ang kanyang nag-iisang kapatid. Isinantabi niyang isipin ang anak na si Nero. Tulalang n
PWERSAHANG HINILA NI Oliver ang pintuan ng booth upang buksan iyon. Sinubukan ni Alia na tumakbo upang takasan ito nang sandaling nabuksan na iyon ng kanyang asawa, ngunit mahigpit na siyang niyakap ni Oliver na agad nahuli ang beywang niya. Parang bakal ang mga bisig nitong nakayakap sa kanyang kat
TAMAD NA TAMAD si Alia na bumangon kinabukasan dahil alam niyang hindi rin naman siya magiging masaya para sa araw na iyon. Walang bago. Wala rin naman ang anak niya na pwede niyang makasama. Kilala niya si Oliver, hinding-hindi nito pagbibigyan ang kanyang kahilingan. Tahimik na binaybay niya ang h
NAPASANDAL NA NG upo si Oliver sa sofa habang ang mga mata niya ay mariin niyang ipinikit upang magpahinga. Kakatapos niya lang sa isang importanteng meeting na tumagal ng dalawang oras. Sobrang pagod pa ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon at maging ng kanyang katawang lupa. Ilang buwan na ang l
NAKIPAG-USAP SI OLIVER ng mga limang minuto sa kapatid at pagkatapos ay pinatay niya na rin ang tawag nito na mostly ang kanilang usapan ay tungkol sa kompanya. Paglingon niya sa kanyang gilid ay natagpuan niya doon ang secretay na nakatayo pa rin doon. Ang buong akala niya ay lumabas na ito matapos
SA UMIIYAK AT paputol-putol na litanya ay nagsumbong kay Alyson si Alia. Wala siyang itinira. Sinabi niya ang lahat ng ginagawa sa kanya ni Oliver, maging ang paglayo ng kanilang anak sa kanya at ang pagkulong nito sa bahay na iyon sa kanya. Habang nakikinig sa kanya si Alyson ay hindi nito mapigila
PAG-UWI NI ALIA kinahapunan ay nagulat siya sa nadatnan at lihim na napatanong sa sarili kung bakit naroon si Oliver at kalaro ang mga bata. Ang buong akala niya kasi ay umaga lang ito pupunta doon upang mag-spend ng oras sa kanila. Ganunpaman ay hindi niya ipinakita dito ang reaction niya. Baka isi
LUMAKAS PA ANG tawa ni Alia nang mas maburo pa ang mga mata sa kanya ni Dawn na para bang hinahanap sa kanyang mga mata ang ebidensya ng kasinungalan sa kanyang mga sinasabi. Anong gagawin niya? Wala nga siyang alam kung anuman ang tinutukoy nito? Ni minsan ay hindi rin siya nag-stalk ng account ni
AYAW NI OLIVER na mag-away silang muli at magkasamaan ng loob ni Alia dahil lang siya ang nagpasya na kung siya ang masusunod ay doon na siya tutuloy sa townhouse para mas mabilis ang access niya sa mga anak. Mali talagang tinanggihan niiya ang offer ni Alia na doon siya tumuloy. Kung alam niya lang
MEDYO NAGING AWKWARD sa pakiramdam lalo na sa ibinigay na paninitig ni Oliver kay Alia, ngunit nagawa pa niyang masayang sumalo sa kanilang kumain ng almusal. Iyong tipong parang normal na araw lang iyon. Ikinagulantang din iyon ng mga maid na panay ang lingon sa kanilang banda. Dama ang tensyon sa
GAYUNPAMAN ANG INIISIP ni Oliver ay kibit ang balikat na sumunod pa rin siya sa kagustuhan ng mga anak na karga pa rin. Mabagal na binagtas nila ang hagdan pababa habang pinapaulanan na naman siya ng mga tanong ng mga bata. “Daddy, kailan ka ba talaga dumating?”“Kagabi.”“Kung kailan tulog na kami
TILA NAHIPNOTISMONG IBINABA nga ni Oliver ang anak makaraan ang ilang sandali. Mahigpit na nitong hinawakan ang kanyang kamay at kapagdaka ay excoited na siyang hinila patungo sa pintuan ng nakapinid na silid na nasa tabi ng silid na nilabasan niya. Ang buong akala niya ay silid lang iyon ng mga ana
HALOS LUMUNDAG ANG puso ni Alia sa sobrang pagkagulat sa sariling boses sa pagsigaw na ginawa niya. Kulang na lang ay mamuti ang kanyang talampakan at liparin ang pintuan para makalabas na. Nanghihina ang kanyang mga binti pero hindi iyon nakahadlang na tinungo niya ang medyo malayong pintuan ng sil
HINDI AGAD UMALIS si Alia sa parking area kung nasaan ang kanyang sasakyan. Sapo ang noong ilang minuto niyang pinagmasdan ang mukha ng lango sa alak ng dating asawa. Nasa driver seat na siya at nagawa na rin niyang lagyan ng seatbelt ang katawan ni Oliver kahit na abot-abot pa ang kanyang kaba. Ang
KANINA, NOONG SABIHIN ni Alia na ipapalinis niya ang isa sa mga silid sa kanilang bahay ay parang gusto na niyang bumigay at biglang i-cancel ang hotel room na kanyang na-booked at doon na lang mamalagi ng isang Linggo. Sobrang excited ang naramdaman niya at na-imagine na rin niya na paggising ng um