PWERSAHANG HINILA NI Oliver ang pintuan ng booth upang buksan iyon. Sinubukan ni Alia na tumakbo upang takasan ito nang sandaling nabuksan na iyon ng kanyang asawa, ngunit mahigpit na siyang niyakap ni Oliver na agad nahuli ang beywang niya. Parang bakal ang mga bisig nitong nakayakap sa kanyang kat
TAMAD NA TAMAD si Alia na bumangon kinabukasan dahil alam niyang hindi rin naman siya magiging masaya para sa araw na iyon. Walang bago. Wala rin naman ang anak niya na pwede niyang makasama. Kilala niya si Oliver, hinding-hindi nito pagbibigyan ang kanyang kahilingan. Tahimik na binaybay niya ang h
NAPASANDAL NA NG upo si Oliver sa sofa habang ang mga mata niya ay mariin niyang ipinikit upang magpahinga. Kakatapos niya lang sa isang importanteng meeting na tumagal ng dalawang oras. Sobrang pagod pa ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon at maging ng kanyang katawang lupa. Ilang buwan na ang l
NAKIPAG-USAP SI OLIVER ng mga limang minuto sa kapatid at pagkatapos ay pinatay niya na rin ang tawag nito na mostly ang kanilang usapan ay tungkol sa kompanya. Paglingon niya sa kanyang gilid ay natagpuan niya doon ang secretay na nakatayo pa rin doon. Ang buong akala niya ay lumabas na ito matapos
SA UMIIYAK AT paputol-putol na litanya ay nagsumbong kay Alyson si Alia. Wala siyang itinira. Sinabi niya ang lahat ng ginagawa sa kanya ni Oliver, maging ang paglayo ng kanilang anak sa kanya at ang pagkulong nito sa bahay na iyon sa kanya. Habang nakikinig sa kanya si Alyson ay hindi nito mapigila
SA LITANYANG NARINIG mula kay Alyson ay nagkaroon ng kaunting pag-asa sa buhay niya si Alia. Nagsimula siyang muling mangarap pagkalabas ng silid ng hipag. Sinabi nitong babalik siya doon at muli silang mag-uusap. Pinanghawakan niya ang salitang iyon dahil baka nga naman kaya pa, kaya niya pang maba
HUMIGPIT NA ANG hawak ni Oliver sa kanyang baso. Nahigit na niya ang kanyang hininga. Sa ganitong pagkakataon at sitwasyon ay alam niyang wala na siyang magiging lusot pa sa kapatid kundi ang sagutin na lang ang lahat ng katanungan nito. Nababanaag niya sa mga mata ng kapatid ang matindi nitong pagk
HINDI LANG IYON isang kasinungalingan. Nakita mismo ng mga mata ni Oliver sa CCTV ng kanilang silid kung paano ibinaba ni Alia ang bata sa sahig at hinayaan itong doon matulog. Walang kumot. Walang sapin. Nagkasakit ito nang makuha niya after ng bagong taon. Sinong matinong ina ang pababayaan ang an
BUMALIK SA LOOB ng silid si Oliver na parang walang nangyari. Inaantok na noon si Alia nang dahil sa ininom na gamot. Sa halip na mahiga sa tabi nito ay naupo lang si Oliver sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng asawa. Ilang beses niyang masuyong hinaplos-haplos iyon. Hindi naman nakaligtas kay
PINANOOD NI OLIVER ang pag-alis ng kanyang secretary upang gawin ang ipinag-uutos niya. Matapos na humugot nang malalim na hininga ay muli siyang bumalik sa loob ng silid ng asawa na wala pa ‘ring pagbabago ang kalagayan. Nanatili itong nakahiga sa kanyang kama. Nanghihina at walang lakas na bumango
NAGPALIPAS MUNA NG ilang sandali si Oliver bago bumalik sa loob ng silid ng kanyang asawa. Tumayo si Manang Elsa na nakaupo malapit sa kama ni Alia nang makita niya ang pagpasok ng among lalaki. Hindi na niya pinansin ang pamamaga at pamumula ng mga mata ng lalaki na paniguradong nag-breakdown haban
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Oliver ang nurse na magdadala sa kanya kung nasaan si Doctor Lim. Napaangat lang nang bahagya kay Oliver ang mukha ng doctor nang pumasok sila sa opisina nito. Agad din naman silang iniwan ng nurse. “Maupo ka Mr. Gadaza, kailangan natin mag-usap ng masinsinan.” Sinunod ni Ol
NASA KALAGITNAAN NG gabi nang magising si Alia. Malabo ang kanyang mga mata pero naaninag niya na may imahe na nakasubsob sa gilid niya. Sobrang sakit ng katawan niya na para bang binugbog siya ng sampung tao. Pakiramdam din niya ay wala siyang lakas ng naririra sa katawan. Naburo ang kanyang mga ma
SINALUBONG SI OLIVER ng tunog ng mahinang machine na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa at ng amoy ng gamot na sumasama sa hangin na umiikot lang sa air condition na silid na iyon. Habang papalapit sa kama ng kanyang asawa ay nanlabo na ang mga mata ng lalaki habang kumakalabog sa sakit ang kanya
UMIGTING NA ANG panga ni Oliver sa tahasang pagbibintang na ginagawa sa kanya ng kapatid. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila nito na para bang nais niya ang mga kamalasang nangyayari na iyon sa kanyang pamilya.“Olivia, pwede ba? Hindi mo ba nakikitang problemado na ako? Huwag mo na sanang dagdag
NABITAWAN NI OLIVER ang hawak niyang box ng cake at bouquet ng bulaklak na bumagsak sa may kanyang paanan, nang makita na kasabay ng pag-on ng knayang cellphone ay sunod-sunod na tumunog iyon sa dagsa ng kaniyang notification galing sa kapatid, sa bayaw, sa secretary niyang si Carolyn at kay Manang
HUMAHANGOS NA DUMATING si Alyson sa hospital mula sa airport nang malaman niyang dinala ng asawa doon ang hipag. Hindi niya pa alam ang buong detalye dahil hindi iyon sinabi ni Geoff. Aniya, pagdating na lang nito saka ipapaliwanag kung ano ang tunay na nangyayari sa dati niyang secretary. Putlang-p