NAPANGITI NA DOON si Geoff, halatang nasisiyahan sa pagiging malawak ng pang-unawa ng kanyang ina. Masasabi niyang tunay ngang nagbago na ang Ginang magmula nang makilala ang kanyang mga apo. Hindi na siya makapaghintay na muling magkasundo-sundo ang mga ito. Iyong walang kahit sinong tutol.“Mom, t
BIGLANG NAKARAMDAM NG kakaibang kilabot na gumapang sa buo niyang kalamnan si Alyson sa kanyang narinig mula sa matanda ngunit agad niyang itinapon iyon sa isipan nang makita niyang lumabas na rin sa pinto ng silid ang asawa. Sinundan ng kanyang mga mata ang tingin nito na agad lumipad sa likod ng k
NAPAKURAP-KURAP NA ANG maid upang magliwanag ang kanyang mga mata at siguraduhin na hindi siya namamalikmata sa kanyang nakikita. Kaagad na lumambot din ang expression niya nang makita kung sino ang bisita at nasa labas ng kanilang gate. Ang Lola Gaudencia iyon ni Geoffrey. Nagkukumahog na niyang pi
SAMANTALA, NAGAWA NG dalhin ni Alyson ang kanyang buong pamilya sa silid kung saan naroon sa oras na iyon ang buong pamilya ni Geoff. Nang hanapin ng kanyang ina ang Lola ng asawa ay sinabi lang nilang may pinuntahan sandali ang matanda at babalik din ito maya-maya kahit na hindi naman sila sigurado
BAGO KUMAGAT ANG dilim ay nagawa ng gumayak ng buong pamilya. Nagpalit na sila ng damit na kanilang isusuot at may kinuha pang make up artist si Alyson para sa mga babae sa kanilang pamilya. Iyon ang pinaka-gift niya sa kanila, bagama’t marunong naman ang mga babaeng maglagay ng kolorete sa mukha, h
KAGAYA NG ASAWANG si Geoff, parang nangangapa sa dilim si Alyson ng mga sandaling iyon sa labis na pagkataranta at kawalan ng tamang direksyon kung ano ang dapat niyang gawin. Naghalo na ang kanyang luha, pawis at uhog nang dahil sa malakas niyang pag-iyak na wala namang pumapansin kahit na may mga
SUNOD-SUNOD NG NAPALUNOK ng laway si Geoff habang nakatitig lang sa mukha ng kanyang asawa na pulang-pula na ang mga mata. Sa mga sandaling iyon ay para bang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat ng kaganapan kahit na kitang-kita niya ang sakit na nakabalandra sa mukha ni Alyson habang sinasabi
SALIT-SALITAN NA NAGPALITAN na ng tingin ang triplets. Batid nilang tatlo na nasa panganib sila. Sa mga sandaling iyon ay nag-iisip na sila ng dapat nilang gawin na palaging ipinapaalala ng kanilang ina oras na mangyari iyon. Ang unang itinuro sa kanila ni Alyson ay maging kalmado, ngunit dahil firs