MULA NG UMALIS SI Geoff ay hindi na mapakali si Xandria na naiwan sa loob ng kanyang silid. Gusto niyang umalis upang tumakas ngunit natatakot siya binitawan nitong banta sa kanya. Ilang beses niyang tinawagan ang Kuya Gregory niya ngunit hindi naman ito sumasagot. Hindi niya alam kung ano ang gagaw
KANINA PA NAKAALIS ang kapatid na si Geoff pero hindi pa rin mapakali sa loob ng silid niya si Xandria. Ayaw niya talagang humingi ng tawad sa babae dahil maisip pa lang iyon ay pinangingilabutan na siya. Hindi niya ibaba ang sarili para lang dito kahit pa ang kapalit nito ay ang makaaway ang kapati
MAHINANG NATAWA SI Alyson sa huling tinuran ng matanda na nagpainit pa sa ulo ng kanyang kaharap. Kung makapagsalita ang matanda akala mo hawak nila sa leeg ang lahat ng tao sa kanilang buong paligid. Paniguradong mahihimatay ito sa sobrang stress kapag sinabi niyang siya nga mismo ang hinahanap nil
TINALIKURAN NA SILA ni Alyson habang nakadikit ang satisfaction sa kanyang mukha dahil sa nakuhang reaction ng mag-lola sa huling tinuran niya. Kailangan niyang supalpalin ang mga ito nang makita kung sino talaga ang kinakalaban nila at nang mahimasmasan din sila na hindi na lang siya basta-bastang
MA-DRAMANG NAPAHAWAK NA sa kanyang dibdib ang matanda at nagkunwaring mahihimatay. Sinalo siya ni Xandria na puno na ng pag-aalala ang mga tinging ipinupukol sa Lola niya na mukha namang hindi nagbibiro. Sinamaan na niya ng tingin si Alyson na puno ng pagbabanta ngunit wala pa 'ring pakialam sa kani
UMALINGANGAW NA SA apat na sulok ng shower room ang malakas na hagalpak ng tawa ni Geoff habang lumagkit pa ang tingin niya sa mukha ni Alyson. Kinagat na niya ang pang-ibabang labi na animo ay nanggigigil na siya ngayon pa lang sa katawan nitong perpekto na parang hindi nagluwal ng tatlong sanggol.
MARIING PINIGILAN NI Alyson si Geoff na lumabas pa sila ng banyo gamit ang kanyang nanginginig at nagliliyab sa init na palad. Agad naman siyang binigyan ng pansin ng lalakeng wala na rin sa tamang katinuan. Dalang-dala na rin sa emosyon. “B-Bakit?” tanging naitanong niya gamit ang pagaw at kinakap
NAPUNO NA NG pagtataka ang Lola ni Xandria. Mukhang marami yatang kaibigan doon si Alyson kung kaya naman nang bumati ito ang lahat ay halos nag-respond. Ganundin si Xandria na bungad pa lang ay humanga na agad sa lawak ng Creative Crafters. Hindi niya lubos maisip na ang kagaya ni Alyson ay makakak
BIGLANG NAMUTLA NA ang mukha ni Landon na napalingon na sa banda ng veranda kung nasaan ang ina niya. Hindi niya kayang magtago sa kanyang mga in laws dahil alam niyang mahuhuli rin naman kung gagawin niya ang bagay na iyon. Isa pa, tiyak na magiging kasiraan niya nang malala ang bagay na iyon kung
TINAPIK LANG NANG marahan ni Geoff ang isang balikat ni Landon at muli pang binalingan ang asawa na prenteng nakaupo pa rin sa sofa na para bang ayaw pa nitong umalis sa bagong tirahan ng kanilang unica hija. Alam ni Alyson na aawayin siya ng asawa kapag iginiit niya na gusto niyang makita ang silid
LINGID SA KAALAMAN ni Addison ay busy na busy ang mag-inang Loraine at Landon ng mga sandaling iyon na nasa veranda ng condo nila at masayang nagku-kwentuhan. Binabalikan nila ang nakaraan noong batang paslit pa lang si Landon. Si Loraine ang panay ang kwento habang tahimik lang naman na nakikinig s
NAIINTINDIHAN NAMAN IYON ni Addison na pakiramdam niya ay normal lang naman. Inisip na lang niya na marami itong inuuwing trabaho at ayaw magpa-istorbo kung kaya naman busy siya pagdating ng condo nila. Ni katiting ay hindi siya nagkaroon ng bahid ng pagdududa sa kinikilos ng kanyang asawa na may ib
NANG SUMARA ANG pintuan ng condo ay bumalik si Loraine sa kusina at tinawag ang kasama niyang si Jinky. Magkaharap silang naupo sa hapag-kainan upang kumain. Maaga silang nagtungo doon kung kaya naman hindi na nila nagawa pang kumain ng almusal bago umalis ng apartment. Hindi lang iyon ipinaalam ni
KINABUKASAN, PAGDILAT PA lang ng mga mata ni Landon ay naroon na sa condo niya si Loraine may limang maletang dala na nakaparada na sa sala habang prenteng nakaupo sila sa sofa ni Jinky. Hinihintay na magising ang anak at lumabas ng silid. Ibinilin na ni Landon sa mga maid na papasukin ang ina oras
KASABAY NG PAG-ALIS ni Addison patungo ng two weeks na photoshoot sa Puerto Princesa ay siya namang muling pagpapakita ni Loraine sa labas ng condo ng kanyang anak na si Landon upang igiit na naman ang kanyang gusto. Kamuntikan pang atakehin sa puso ang lalaki sa labis na gulat nang makita niyang bi
SAMANTALA, NAPALINGON SA labas ng sasakyan si Addison nang marinig niyang may kumatok sa salamin bago pa man niya tuluyang mabuhay ang makina ng sasakyan at mapaalis sa parking lot ng building. Napakunot ang kanyang noo nang makitang ang asawa niyang si Landon iyon na seryoso ang mukhang nakatingin
ANG BUONG AKALA nilang mag-asawa ay tapos na doon ang trip ni Loraine na panggugulo sa kanila, ngunit kinabukasan ay pumunta ulit ito ng kanilang unit. Bagay na hindi nila parehong inaasahan. Sa pagkakataong iyon ay natutulog pa ang mag-asawa kung kaya naman ang mga katulong lang ang nagbukas ng pin