MARIING PINIGILAN NI Alyson si Geoff na lumabas pa sila ng banyo gamit ang kanyang nanginginig at nagliliyab sa init na palad. Agad naman siyang binigyan ng pansin ng lalakeng wala na rin sa tamang katinuan. Dalang-dala na rin sa emosyon. “B-Bakit?” tanging naitanong niya gamit ang pagaw at kinakap
NAPUNO NA NG pagtataka ang Lola ni Xandria. Mukhang marami yatang kaibigan doon si Alyson kung kaya naman nang bumati ito ang lahat ay halos nag-respond. Ganundin si Xandria na bungad pa lang ay humanga na agad sa lawak ng Creative Crafters. Hindi niya lubos maisip na ang kagaya ni Alyson ay makakak
TUMANGO LANG ANG mag-lola na pinasadahan ng tingin ang ginagawa ni Amber na paglalagay ng tasa ng tea nila sa table. Saglit na nilingon ni Amber ang table ni Alyson at nabalot pa ng pagtataka kung bakit nawawala ang pangalan nito doon na yari sa salamin. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon dahil b
NABALOT NG KATAHIMIKAN ang bawat sulok ng opisina sa tinurang iyon ni Alyson. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang naging reaksyon nina Xandria at kanyang Lola sa malakas na anunsyong iyon ng babae. Para silang nabingi. Nauupos na kandila nang dahil sa katotohanan nitong sinabi patungkol sa ka
NAPANGANGA NA DOON ang mag-lola sa kanilang narinig. Pareho ng nabaling ang atensyon nila kay Alyson. Hindi sila makapaniwala na tatawagin silang basura ng harap-harapan ng isang Alyson Samonte na kinakawawa lang naman nila noon. Bago pa man sila makaalma ay bumukas na ang pintuan ng office at inilu
NAPAHINGA NA NANG malalim ang lalaki sabay pikit nang mariin. Hinilot-hilot niya na ang sentido na biglang nanakit. Pilit niyang kinalma ang sarili upang huwag magalit pero sadyang sinusukat iyon ng kanyang Lola at kapatid umagang-umaga ng araw na iyon. Hindi pwede na kamuhian ng Lola niya si Alyson
KUNG ANG BUONG maghapon ni Geoff ay hindi naging maganda ang kinalabasan nang dahil sa mga nangyari, kabaligtaran naman noon ang nangyari kay Alyson na naging maayos ang araw na iyon. Kung kailan uwian na at tapos na ang office hours ay saka naman ang babae nakaramdam ng biglang pananamlay at pagbab
BAGO PA MAN makapagsalita ang matandang nasupalpal ng litanya ni Alyson ay halos sabay-sabay ng napalingon ang shop owner, si Alyson at saka si Rowan sa likuran nila nang malakas na tumikhim si Geoff na nagawa ng makalapit sa kanilang table nang hindi nila napapansin. Kulang na lang ay mabitawan ni