NABURO NG ILANG minuto ang mga mata ni Geoff sa mukha ni Alyson na parang ang sinabi nito ay walang katotohanan at nagbibiro lamang. Nawala ang kanyang ngiti. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata. Para siyang nabingi sa huling naging tanong nito. Tanong bang masasabi ‘yon? O dala lang ng alak sa
WALANG IMIK PA rin na tinanggap ni Geoff ang cellphone nitong inaabot. Sumidhi pa ang pagiging curious ng kanyang mga mata sa sinasabi nitong nilalamang pictures at evidence ng personal nitong albums. Muli niya pang pinanood itong ipinikit ang mga mata at isinandal ang likod sa upuan upang mag-relax
TINANGGAP NI ALYSON ang isinauling phone ni Geoff sa kanya. Ipinasok na iyon sa loob ng kanyang bag. Kanina pa tumatakbo sa isipan niya na magkaroon sila ng lihim na kasal ng lalaki. Gusto niyang hilingin iyon sa kanya ngunit nagdadalawang-isip siya kung gagawin niya iyon. Pwede namang magpakasal na
DAGLIANG NAPA-PRENO SI Geoff nang marinig ang mga sinabi ni Alyson. Hindi iyon napaghandaan ng babae kung kaya naman halos tumilapon siya sa lakas ng naging impact nito. Mabuti na lang at nakasuot siya ng seatbelt, dahil kung hindi ay paniguradong humampas na ang buong katawan niya sa unahang salami
MARIING PINAGLAPAT NI ni Alyson ang kanyang panga kahit na ang dami niya pang sumbat na gustong sabihin kay Geoff. Wala na siyang panahon na makipag-usap sa lalaki at patuloy na magpaliwanag. Tinatabangan na naman siya sa mga ipinapakita nitong ugali sa kanya. Parang bumalik sila mula sa simula ng a
IBINABA NA NI Alyson ang tawag ng kapatid bago pa man tuluyang mapigtas ang pasensya niya sa kapatid. Nilingon na niya si Geoff na agad binalingan ang manibela. Hindi ito nagtanong kung sino ang kausap niya. Siya na ang kusang nagsabi sa kanya dahil halata namang curious ito kahit pa narinig nitong
PINANDILATAN NG MGA mata ni Alyson si Geoff na animo napako na ang katawan sa inuupuan niya. Naging dahilan iyon upang magkumahog na itong tumayo sa pagkakalugmok niya sa sahig. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay ang magtago. Mabilis na itong tumakbo papasok ng banyo na ilang beses pang kamuntik
NAKAILANG IKOT NA si Alyson sa harapan ng salamin sa loob ng banyo ng kanyang opisina ngunit hindi pa rin siya makuntento kung ano ang ayos ng kanyang hitsura. Nagpalit pa siya ng susuoting damit after ng work hours para sa pakikipag-dinner niya sa biological parents niya. Kung kahapon ay parang wal
BUONG GABI AY hindi nagawang makatulog nang maayos ni Oliver nang dahil sa gumugulong sitwasyon sa kanya. Pinagninilayan niya iyon pero sa huli ay palagi pa rin nagwawagi ang kagustuhang huwag muna. Saka na lang siya magkita. Ayaw niyang mabasa sa mga mata ng anak ang awa sa kalagayan niya. Ayaw niy
NAHIGIT NA NI Oliver ang kanyang hininga nang marinig ang pangalan ng dating asawa mula sa bibig ng kanyang kapatid. Ano raw? Nagkita sila? Sanay naman siyang marinig ito mula dito now and then pero kinakabahan na siya sa maligayang tono sa boses ng kapatid ngayon. At saka bigla siyang naging curiou
NAGING VIRAL ANG mga nangyari noon sa kanila ni Oliver sa Paris kaya naman malamang ay alam nito na may asawa na siya. Imposibleng hindi niya iyon malaman dahil active din ang lalaki sa social media account gaya ng kaibigan nitong si Geoff. Iyon ang pagkakaalam ni Alia na ngayo na lang din niya kusa
HINDI NA ROON makapagsalita si Alia na tila ba naumid ang kanyang dila sa loob ng bibig. Biglang naisip na nakalimutan na yata ni Alyson ang mga nangyari sa nakaraan nila, na hindi sana mawawala ang mga magulang ni Helvy kung hindi nang dahil sa kagagawan ng kapatid nitong si Oliver. Naburo pa ang m
TOTOONG NATAWA NA si Alia sa reklamo ni Alyson. Gumapang pa ang inggit sa puso niya sa mga sandaling iyon. Sila kaya? Siguro kung hindi naging mapanakit si Oliver sa kanya o kung hindi siya sumuko at muli itong pinatawad at nagpakatanga siya, baka nadagdagan na rin ang mga supling nila. Sila Alyson
PINAG-ISIPAN NI ALIA kung babanggitin niya pa ba kay Alyson ang tungkol sa paglalakad niya ng mga kailangang documents pero sa huli ay inilihim na lang niya iyon. Ang weird naman kung ipapaalam niya pa iyon sa hipag. Parang wala siyang respesto. Baka isipin nito na gusto niyang malaman ni Oliver na
ILANG BESES NIYANG sinubukang kontakin ang secretary ni Alyson upang ipaalam sa dating hipag ang sadya niyang pakikipagkita upang mapag-usapan ang sadya ni Nero sa kanyang ama, ngunit nasa meeting daw ang amo nito kung kaya naman nabago ang kanyang naunang plano. Sasabihin na lang daw nito umano na
HINDI MAAMPAT AY sunod-sunod na nahulog ang mga luha ni Alia pababa ng kanyang magkabilang pisngi na para bang sobrang apektado siya mga pinagsasabi sa sulat ng dati niyang asawa. Wala naman itong sinabing pinagbabantaan siya o ang anak na kukunin sa kanya pero umaapaw naman ang emosyon niya nang da
SA MGA SANDALING iyon naman, sa veranda ng silid ni Oliver sa mansion ng mga Gadaza ay tahimik na nakaupo ang lalaki sa kanyang wheelchair habang nakatingala sa kalangitan. Dinadama niya ang lamig ng hangin. Masaya niyang binabalikan sa kanyang isipan ang ilang araw na nakasama niya ang kanyang anak