Hi, everyone! I think kailangan kong mag-iwan ng message dito dahil sobra na kayong nagagalit sa akin at hindi na lang sa characters. Inire-respeto ko po ang opinyon ng lahat. Ganunpaman, MARAMING SALAMAT na umabot kayo sa chapter na ito. Alam ko namang bugso lang ng damdamin niyo 'yun. Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur. RAWR! Sorry na agad sa mga nakaka-stress na ganap sa halip na pinapakilig lang kayo. Usually nga pala, after lunch din ang update ko hanggang gabi. SALAMAT din sa mga nagbibigay ng gems though hindi ko DESERVE dahil ang kapalit ng mga gems niyo ay ang promotion ng story sa mismong app. Ingat ang lahat! -Purple Moonlight
NAPATINGALA NA SA langit si Alyson ng agarang magdilim iyon. Animo ay nakikiramay ito sa bigat ng kanyang nararamdaman. Maya-maya pa ay unti-unting bumagsak ang malalaking butil ng ulan. Napatakbo na si Alyson patungo sa taxi stand na malapit sa lugar upang makahanap ng masasakyan pauwi ng apartment
SA TANAWING IYON ay mabilis na napatakbo palabas ng sasakyan si Kevin upang awatin ang dalawang babae na dinaig pa ang nagpang-abot na tigre at leon. Pumunta siya doon upang tingnan at kumustahin sana si Alyson at dalhan na rin sana ng pagkain para sa kanyang tanghalian. Hindi niya sukat akalain na
AGAD INALALAYAN NI Oliver ang katawan ni Alyson nang tangkain nitong bumangon. Hindi na niya tinanong ang babae kung ano ang totoong nangyari. Hihintayin na lang niyang ito ang magsabi sa kanya kapag naging handa na siya. Ayaw niyang makadagdag pa ng problema kaya ititikom na lang niya ang bibig.“A
“Bakit sa ibang bansa?” tanong ni Alyson nang ilang araw na siyang nakalabas ng hospital, “Bakit hindi na lang sa ibang lugar o probinsya dito?” “Masyadong maliit ang bansa, mamuka’t-mukat mo ay makatagpo mo ang ilan sa mga taong ayaw mo ng makita. Kung gusto mo talagang bumangon para may mapatunay
NAPATAKBO PALABAS NG silid si Geoff nang malamang nasa hospital si Loraine, kinuha niya lang ang susi ng sasakyan at paharurot na pinaalis iyon ng garahe. Ni hindi siya nakapagpalit ng suot niyang damit sa sobra niyang pagmamadali. “What’s wrong with her?!” napasabunot ng tanong niya sa sarili.Nab
Muli pa niyang ginulo ang buhok. Hindi pa rin natatapos ang sama ng loob.“Ako na lang palagi! Pagod na ako, Grayson. Pagod na pagod na ako…”Walang nagawa si Grayson kung hindi ang tapikin ang balikat ng kaibigan. Wala rin naman siya dito na maitutulong. Kitang-kita niya ang unti-unting pagkawasak
APAT NA TAON. Apat na taon ang matuling lumipas magmula ng lisanin nina Alyson at Oliver ang bansa. Kung anong bigat ng mga paa ni Alyson ng araw na ‘yun at sakit ng kanyang kalooban, kabaligtaran naman ang nararamdaman niya ngayon. Umaapaw sa excitement na hindi kayang ipaliwanag ng mga salita lang
NAPAIWAS NA NG tingin si Alyson sa kaibigan matapos na mahinang tumikhim. Hindi nito alam na ang mga anak niya ay hindi si Oliver ang ama. Ang akala niya kasi ay anak nila iyon noong bumakasyon ito at magkita sila. Laking pasalamat na lang din ni Alyson na dahil sanggol pa sila noon ay hindi pa gaan