NAPUNO NA NG labis na pagtataka ang mga mata ni Geoff pagpasok pa lang ng sasakyan niya sa compound ng pinapasukan niyang building. Hindi mapawi ang ngiti niya dahil kasabay niyang pumasok ang asawa kanina. Naiisip pa niya ang tahasang goodbye kiss nito sa labi. Hindi na niya mahintay na dito na mag
MATABANG AT PILIT man ang ngiting nakapaskil sa labi ni Alyson ay hindi niya ipinahalata kay Kevin na anxious na siya. Malakas ang kutob niya na parang may kakaibang nangyayari sa paligid. Idagdag pa ang hitsura ng kaibigan n'ya ngayon. Kilala niya kapag ganito ang mga titig sa kanya ni Kevin, puno
NANGHIHINANG NAIBABA NA ni Alyson ang cellphone matapos na maputol ang tawag ng asawa. Para siyang nalantang bagong aning fresh na gulay na nasobrahan ng matinding sikat ng araw. Napakurap na ang kanyang mga mata na mabilis na agad namula. Naluluha na siya. Humakbang si Alyson papunta ng silid upang
“Kahit kailan, sakit ka talaga sa ulo!” Maghapon pa lang ang lumilipas mula ng pumutok ang public scandal ng apo ay billions na agad ang nawala sa kanilang kumpanya. Marami na rin sa mga international investors nila ang kanina pa tumatawag at napipintong mag-withdraw din ng mga shares. Hindi ‘yun i
TAAS ANG NOO at walang lingon sa likod na lumabas ng mansion ni Don Gonzalo si Geoff. Dire-diretso siyang pumunta sa garahe at sumakay ng kotse. Binuhay niya ang makina noon at mabilis na pinaharurot paalis, patungo ng hospital kung saan dinala ng kanyang ina si Loraine sa halip na magtungo sa apart
NAPAIGIK NA DOON si Geoff, walang humor na bahagyang natawa. Nanliit pa sandali ang kanyang mga mata. Alam niyang pinapaikot na naman siya ni Loraine at binibilog nito ang kanyang ulo. Maya-maya pa ay napahawak na ang lalake sa beywang. Ang babaeng ito pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin iyon
“Narito na ako, Alyson…”Mababakas pa rin ang problema sa mga mata ni Geoff kahit pa pilit na itinatago ‘yun ng lalake sa asawa. Humakbang na palapit kay Alyson si Geoff upang yakapin ito nang mahigpit. Ibinaba lang nito ang take out na pagkain ng isang fast food chain na kanyang nadaanan patungo sa
HUMIGPIT ANG YAKAP ni Geoff sa katawan ng asawa. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Iyon din ang paulit-ulit na tanong niya. Bakit? Bakit ngayon pa nangyari ‘yun kung kailan nakahanda na siyang baguhin ang kanyang sarili? Kung bakit ngayon pa na may na-realize na siya sa mga nangyari sa buh