ITINAAS NI ALYSON ang isang kamay para saglit na putulin sa mga sinasabi niya si Kevin. Nakita niya kasing rumehistro sa screen ng cellphone ang pangalan ni Geoff na tumatawag sa kanya. Ang hula niya ay nasa bahay na ito at malamang ay nakita niya na ang inihanda niyang regalo o ang pagkain. Agarang
NAPAPALATAK SA TANAWING iyon si Loraine na kakapasok lang ng restaurant. Nakahawak ang isang kamay nito sa kanyang tiyan. Ilang beses siyang napakurap ng mga mata at baka sakaling namamalik-mata lang. Subalit hindi, si Alyson ang nakikita niya at may ibang lalakeng kasama. Hindi kaila sa kanya ang k
Ang tagpong ‘yun ng naabutan ni Geoff. Patakbo na siyang tumawid. Sa labas pa lang ay tanaw niya na si Kevin na nakaupo habang nakatingin lang sa dalawang babae. Walang pakialam kung anumang oras ay magpangbuno ang dalawa. “Alyson!” Parang napaso sa nagbabagang apoy ang kamay ni Alyson na binitaw
KUNG ANONG GULAT ni Kevin sa kaganapan sa harapan niya, siya namang pagkulo ng dugo ni Loraine at pag-init ng bunbunan habang nakatingin sa kanilang banda. Napaawang pa ang bibig ng babae nang prenting maupo na si Geoff parang hindi siya nakita. Noon lang siya deneadma ni Geoff nang ganito na dati-r
“SAYANG NAMAN Mr. Evangelio, bakit naman kasi nagpatumpik-tumpik ka pa noon? Malay mo naman ngayon. Malapit na silang maghiwalay. Alam mo na grab the chance and opportunity. Minsan lang ‘yun kung mangyayari ulit.” “Kaya nga eh, kung alam ko lang na hahantong pala ang relasyon niya sa isang masalimu
NAG-PANIC PA DOON si Loraine. What if ganun nga ang plano ng pamilyang Carreon sa kanya? Knowing them, lalo na si Don Gonzalo hindi nga malabo na ganun ang mangyari ‘pag nagkataon. Mukhang may tama si Kevin. Baka ‘yun nga ang plano rin ni Geoff sa kanya at sinisimulan na niya ngayon sa pangde-deadma
DIRE-DIRETSO ANG HAKBANG ni Alyson sa gilid ng kalsada. Hindi niya alintana ang nalalanghap na maruming usok na nagmumula sa mga dumadaang sasakyan. Patuloy na umalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ni Kevin. Paulit-ulit ume-echo sa kanyang tainga. Nagngalit na ang ngipin ni Alyson sa inis. Ala
PARANG NAKIKIPAG-KARERA sa hangin sa bilis ang pagmamanehong ginawa ni Geoff sa sandaling nakalulan siya ng sasakyan para lang agad na makarating sa kanilang bahay. Hindi na siya makapaghintay na makarating at makausap si Alyson nang masinsinan. Bagay na mangyayari lang kung mabilis siyang makakauwi