NAG-PANIC PA DOON si Loraine. What if ganun nga ang plano ng pamilyang Carreon sa kanya? Knowing them, lalo na si Don Gonzalo hindi nga malabo na ganun ang mangyari ‘pag nagkataon. Mukhang may tama si Kevin. Baka ‘yun nga ang plano rin ni Geoff sa kanya at sinisimulan na niya ngayon sa pangde-deadma
DIRE-DIRETSO ANG HAKBANG ni Alyson sa gilid ng kalsada. Hindi niya alintana ang nalalanghap na maruming usok na nagmumula sa mga dumadaang sasakyan. Patuloy na umalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ni Kevin. Paulit-ulit ume-echo sa kanyang tainga. Nagngalit na ang ngipin ni Alyson sa inis. Ala
PARANG NAKIKIPAG-KARERA sa hangin sa bilis ang pagmamanehong ginawa ni Geoff sa sandaling nakalulan siya ng sasakyan para lang agad na makarating sa kanilang bahay. Hindi na siya makapaghintay na makarating at makausap si Alyson nang masinsinan. Bagay na mangyayari lang kung mabilis siyang makakauwi
PINAPASOK NA NI Geoff ang sarili sa loob ng silid kahit na walang pahintulot ni Alyson. Sinalubong siya ng katahimikan. Bukas ang lahat ng ilaw sa loob ng kwarto. Ngunit ang nakakapagtaka ay wala doon ang asawa niya ni ang katawan nito ay hindi niya natagpuang nakahiga sa kama. Gusot ang bed cover n
SA TANAWING MAPAPAHAMAK si Alyson ay parang ipo-ipong mabilis na tinawid ni Geoff ang pagitan nilang mag-asawa kahit pa delikadong siya ang madulas at mabagok ang ulo. Bago pa bumagsak sa sahig ang katawan ni Alyson ay nagawa ng saluhin ng dalawang nanginginig na bisig si Geoff ang katawan nitong ni
MATAPOS AYUSIN ANG mga kalat sa loob ng silid ni Alyson ay sarili naman niya ang hinarap niya. Naligo siya at pinilit na ikinalma ang sarili. Walang patid kasi ang pagbabalik ng mga nangyari sa kanilang pagitan ni Geoff habang naliligo siya. Tipong kahit saang parte ng banyo ay nakikita niya ang asa
TUMIKHIM SI GEOFF at napaayos na ng upo. Sa sobrang ka-lutangan at kagustuhan sa pagbabalik-tanaw niya sa mga nangyari ay hindi niya namalayan na nasa loob na pala ng opisina si Alia. Biglang sumeryoso ang mukha niya, bagay na hindi nakaligtas sa mga mata ng secretary na matamang tumitig na sa kanya
NANLAMIG NA ang buong katawan ni Loraine sa mga narinig. Panibagong pasabog ‘yun kapag nagkataon. Hindi niya naisip na masyado nga palang obsessed sa kanya ang matandang lalake, sobrang nahalina ito sa alindog niya kaya nakakagawa ito ng mga bagay na hindi abot ng kanyang isipan. Masyado ng nakakasa
BIGLANG NAMUTLA NA ang mukha ni Landon na napalingon na sa banda ng veranda kung nasaan ang ina niya. Hindi niya kayang magtago sa kanyang mga in laws dahil alam niyang mahuhuli rin naman kung gagawin niya ang bagay na iyon. Isa pa, tiyak na magiging kasiraan niya nang malala ang bagay na iyon kung
TINAPIK LANG NANG marahan ni Geoff ang isang balikat ni Landon at muli pang binalingan ang asawa na prenteng nakaupo pa rin sa sofa na para bang ayaw pa nitong umalis sa bagong tirahan ng kanilang unica hija. Alam ni Alyson na aawayin siya ng asawa kapag iginiit niya na gusto niyang makita ang silid
LINGID SA KAALAMAN ni Addison ay busy na busy ang mag-inang Loraine at Landon ng mga sandaling iyon na nasa veranda ng condo nila at masayang nagku-kwentuhan. Binabalikan nila ang nakaraan noong batang paslit pa lang si Landon. Si Loraine ang panay ang kwento habang tahimik lang naman na nakikinig s
NAIINTINDIHAN NAMAN IYON ni Addison na pakiramdam niya ay normal lang naman. Inisip na lang niya na marami itong inuuwing trabaho at ayaw magpa-istorbo kung kaya naman busy siya pagdating ng condo nila. Ni katiting ay hindi siya nagkaroon ng bahid ng pagdududa sa kinikilos ng kanyang asawa na may ib
NANG SUMARA ANG pintuan ng condo ay bumalik si Loraine sa kusina at tinawag ang kasama niyang si Jinky. Magkaharap silang naupo sa hapag-kainan upang kumain. Maaga silang nagtungo doon kung kaya naman hindi na nila nagawa pang kumain ng almusal bago umalis ng apartment. Hindi lang iyon ipinaalam ni
KINABUKASAN, PAGDILAT PA lang ng mga mata ni Landon ay naroon na sa condo niya si Loraine may limang maletang dala na nakaparada na sa sala habang prenteng nakaupo sila sa sofa ni Jinky. Hinihintay na magising ang anak at lumabas ng silid. Ibinilin na ni Landon sa mga maid na papasukin ang ina oras
KASABAY NG PAG-ALIS ni Addison patungo ng two weeks na photoshoot sa Puerto Princesa ay siya namang muling pagpapakita ni Loraine sa labas ng condo ng kanyang anak na si Landon upang igiit na naman ang kanyang gusto. Kamuntikan pang atakehin sa puso ang lalaki sa labis na gulat nang makita niyang bi
SAMANTALA, NAPALINGON SA labas ng sasakyan si Addison nang marinig niyang may kumatok sa salamin bago pa man niya tuluyang mabuhay ang makina ng sasakyan at mapaalis sa parking lot ng building. Napakunot ang kanyang noo nang makitang ang asawa niyang si Landon iyon na seryoso ang mukhang nakatingin
ANG BUONG AKALA nilang mag-asawa ay tapos na doon ang trip ni Loraine na panggugulo sa kanila, ngunit kinabukasan ay pumunta ulit ito ng kanilang unit. Bagay na hindi nila parehong inaasahan. Sa pagkakataong iyon ay natutulog pa ang mag-asawa kung kaya naman ang mga katulong lang ang nagbukas ng pin