Sabay-sabay na napaangat ng tingin si Wanda at ang mga kaibigan niya. Natutop na ng mga babae ang bibig. Hindi sila makapaniwala sa nakikita.Bakit?Kilala nila ang lalake. Kilalang-kilala nila ito na madalas din ay nasa TV. Seryoso na ang mata ng lalakeng iyon na salit-salitan silang tinitingnan.
"Hello, nice to meet you." tanggap ni Geoff sa kamay at alangang ngumiti. Naisip ni Geoff na hindi kailangan na maging masungit siya ngayon. May natitira pa namang kabaitan sa puso niya. Hindi pa iyon tuluyang nauubos. NANLALAMBOT ang mga katawan na lumapit na ang grupo nina Wanda sa kanila. Sabay
Kitang-kita ni Alyson kung paano pa namutla si Wanda at ang mga kasama. Wala na silang lusot doon. "Kasalanan namin ang lahat, huwag niyo na lang panoorin ang CCTV!"Biglang lumuhod si Wanda sa harap ni Alyson. Tiningnan niya ng masama ang mga kasama na hindi ginaya ang ginawa niya. Tanging si Wand
SA HALIP na sumagot ay umigting lang ang panga ni Geoff. Gusto niyang mag-usap sila ni Alyson. Iyong normal at walang sumbatang mangyayari. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi uminit ang ulo sa mga ginagawa ng asawa kahit anong higpit na huwag ditong makaramdam ng galit. "Alam mo ba kung
Awtomatikong sumara ang mga mata ni Alyson nang malasahan ang mainit na labi ni Geoff. Tumigil sa pagpatak ang mga luha niya. Ilang segundo na tila huminto sa pag-inog ang mundo. Parang inilipad ang buong katawan niya sa alapaap nang maamoy ang mabango nitong pamilyar na hininga. Parehong gumalaw an
"Sorry, Rowan..."Nagusot na ang mukha ni Rowan sa sinabi ni Alyson kahit na mahina iyon."Saan ka nagso-sorry?" Unti-unti na itong naupo sa bangko."Sa lahat-lahat. Sa pagsisinungaling ko—""Ano ka ba Alyson? Ayos lang iyon. Kung ako rin naman ang nasa pwesto mo ay tiyak hindi rin ako magsasabi ng
Pagpasok sa pintuan ng bahay ay agad sinagot ni Alyson ang tawag. Si Kevin iyon. Saka pa lang niya naalala na hiningian niya nga pala ito ng favor na magpanggap na asawa niya. "Hello, Kevin?""Nagmamadaling umalis ka raw ng hospital kanina? Saan ka pumunta?""Oh, sorry Kevin. Hindi ko na nagawa pan
Sa kabilang banda ay hindi maayos na nakatulog si Geoff ng dumaang gabi. Paano ba naman, si Alyson lang naman ang laman ng panaginip niya buong magdamag. Kaulayaw niya raw kuno ito sa ibabaw ng kama. Bagay na wala naman siya ni isang matandaan na ginawa nila iyon sa loob ng tatlong taon na pagsasama
TOTOONG NATAWA NA si Alia sa reklamo ni Alyson. Gumapang pa ang inggit sa puso niya sa mga sandaling iyon. Sila kaya? Siguro kung hindi naging mapanakit si Oliver sa kanya o kung hindi siya sumuko at muli itong pinatawad at nagpakatanga siya, baka nadagdagan na rin ang mga supling nila. Sila Alyson
PINAG-ISIPAN NI ALIA kung babanggitin niya pa ba kay Alyson ang tungkol sa paglalakad niya ng mga kailangang documents pero sa huli ay inilihim na lang niya iyon. Ang weird naman kung ipapaalam niya pa iyon sa hipag. Parang wala siyang respesto. Baka isipin nito na gusto niyang malaman ni Oliver na
ILANG BESES NIYANG sinubukang kontakin ang secretary ni Alyson upang ipaalam sa dating hipag ang sadya niyang pakikipagkita upang mapag-usapan ang sadya ni Nero sa kanyang ama, ngunit nasa meeting daw ang amo nito kung kaya naman nabago ang kanyang naunang plano. Sasabihin na lang daw nito umano na
HINDI MAAMPAT AY sunod-sunod na nahulog ang mga luha ni Alia pababa ng kanyang magkabilang pisngi na para bang sobrang apektado siya mga pinagsasabi sa sulat ng dati niyang asawa. Wala naman itong sinabing pinagbabantaan siya o ang anak na kukunin sa kanya pero umaapaw naman ang emosyon niya nang da
SA MGA SANDALING iyon naman, sa veranda ng silid ni Oliver sa mansion ng mga Gadaza ay tahimik na nakaupo ang lalaki sa kanyang wheelchair habang nakatingala sa kalangitan. Dinadama niya ang lamig ng hangin. Masaya niyang binabalikan sa kanyang isipan ang ilang araw na nakasama niya ang kanyang anak
BAGO PA MAGAWA ni Alia na makapag-react ay mabilis ng tumakbo si Nero paalis sa kanyang harapan, papasok ng kwarto habang malakas na pumapalahaw ng iyak. Parang may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib nang marinig ang atungal ng anak. Ngayon niya lang narinig na umiyak ito sa usapan tungkol sa kany
KAPWA NAPILITANG TUMANGO ang dalawang bata na may blangko pa ‘ring mukha kung sino ang kausap nila ngayon.“Heto, ipinapabigay ni Mr. Mustache ito sa inyong dalawa.” lahad nito ng isang maliit at malaking envelope na ilang segundong tinitigan lang ni Nero, napuno ng pag-aalinlangan ang mata niya kun
NAMULA NA ANG mga mata ni Oliver, lantarang nanghapdi na iyon sa ginagawang pagpapakilala ng sariling anak. Nais niya na rin sanang sabihin na siya si Oliver Gadaza, ang kanyang ama ngunit ngayon pa lang ay parang binibiyak na ang puso niya. Parang hindi niya pa kayang harapin at sagutin ang maramin
SA KANYANG NARINIG ay sinamaan na ni Alia ng tingin ang anak na biglang napayuko. Ngunit saglit lang iyon, bigla din itong nag-angat ng kanyang paningin upang magbigay ng katwiran sa kanyang ina na alam niya namang tama.“Mom? Wala naman akong masamang ginagawa. Saka mukha namang mabait iyong may-ar