Papalabas na si Geoff ng opisina ng makasalubong niya si Loraine. At dahil hindi niya inaasahan na makikita ito ay medyo nagulat siya. Gusot ang mukha nito at hindi maipinta. Halata siyang bad mood. "Nagmamadali ka yata, Geoff?"Mababaw na ngumiti si Geoff. Medyo kinabahan sa malamyang tono nito.
Matabang na napangisi sa loob niya si Alyson. Tumaas pa ang isang kilay niya. Kung salbahi lang siya ay kanina pa niya sinupalpal at inilagay ito sa lugar na dapat ay kalagyan niya. Bagama't nanunuot na sa buto ang inis niya ay nakaya niya pang magtimpi sa babae. Nabaling din kay Geoff ang inis niya
Mabilis na iniiwas ng matanda ang kamay niya nang akmang kukunin iyon ni Loraine upang sana ay magmano. Hindi pa siya nakuntento roon. Itinago niya pa ito sa kanyang likuran. Sa isip ng matanda ay nakatatak ng ayaw niya sa babae. "Pasensiya na po Lolo kung ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng lakas
HINDI nakaligtas iyon sa pandinig ni Alyson na nagawang makalapit sa kanila. Hindi niya kasi matagalan ang mga tinging pinupukol ni Loraine na animo ay siya pa ang may kasalanan. "Lolo, tama na po iyan. Tara na sa kusina." Hinawakan pa ni Alyson ang isang braso nito para tuluyang makuha ang atensy
Tumayo na si Alyson at saka nag-inat na ng dalawa niyang mga braso. Habang ginagawa niya iyon ay hindi maalis ang pares ng mata ng dalawa. "Kumain muna tayo Lolo, gutom na rin ako. Mamaya na lamang po ulit."Walang nagawa ang matanda kundi ang sundin ang gusto ni Alyson. Hindi niya rin maintindihan
"Geoff, ano ba? Nasasaktan naman ako!" Pilit na binawi ni Loraine ang braso niya mula sa lalake na madilim na ang mukha. Hindi niya naman ito kinakahiya, pero natatanga'han na siya sa mga pinagagawa ng babae. "Tama na, talo ka na Loraine! Hindi ka magaling. Gusto mo bang gawing katatawanan ang sai
Nagpanting na ang tainga ni Geoff sa narinig. Halos magtagpo na ang mga kilay niya nang harapin ang matanda. Hindi sa pagiging maramot o dahil sa pagiging makasarili, pero sa loob niya ay hindi naman tamang makihati pa sa mana ang soon to be ex-wife niya. Malaki na ang fifteen million na una na nito
"Sir, ay nakita ko po si Mrs. Carreon kanina sa loob ng mall ng gumamit ako ng banyo. May kasama siyang lalake." pagbabalita agad nito sa amo pagkapasok pa lang ng sasakyan, "Mukha yatang nagkakamabutihan na sila. Ewan ko lang, Sir, kasi baka mali ako. Pero baka friend lang naman." may ingat na bang
BUMALIK SA LOOB ng silid si Oliver na parang walang nangyari. Inaantok na noon si Alia nang dahil sa ininom na gamot. Sa halip na mahiga sa tabi nito ay naupo lang si Oliver sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng asawa. Ilang beses niyang masuyong hinaplos-haplos iyon. Hindi naman nakaligtas kay
PINANOOD NI OLIVER ang pag-alis ng kanyang secretary upang gawin ang ipinag-uutos niya. Matapos na humugot nang malalim na hininga ay muli siyang bumalik sa loob ng silid ng asawa na wala pa ‘ring pagbabago ang kalagayan. Nanatili itong nakahiga sa kanyang kama. Nanghihina at walang lakas na bumango
NAGPALIPAS MUNA NG ilang sandali si Oliver bago bumalik sa loob ng silid ng kanyang asawa. Tumayo si Manang Elsa na nakaupo malapit sa kama ni Alia nang makita niya ang pagpasok ng among lalaki. Hindi na niya pinansin ang pamamaga at pamumula ng mga mata ng lalaki na paniguradong nag-breakdown haban
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Oliver ang nurse na magdadala sa kanya kung nasaan si Doctor Lim. Napaangat lang nang bahagya kay Oliver ang mukha ng doctor nang pumasok sila sa opisina nito. Agad din naman silang iniwan ng nurse. “Maupo ka Mr. Gadaza, kailangan natin mag-usap ng masinsinan.” Sinunod ni Ol
NASA KALAGITNAAN NG gabi nang magising si Alia. Malabo ang kanyang mga mata pero naaninag niya na may imahe na nakasubsob sa gilid niya. Sobrang sakit ng katawan niya na para bang binugbog siya ng sampung tao. Pakiramdam din niya ay wala siyang lakas ng naririra sa katawan. Naburo ang kanyang mga ma
SINALUBONG SI OLIVER ng tunog ng mahinang machine na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa at ng amoy ng gamot na sumasama sa hangin na umiikot lang sa air condition na silid na iyon. Habang papalapit sa kama ng kanyang asawa ay nanlabo na ang mga mata ng lalaki habang kumakalabog sa sakit ang kanya
UMIGTING NA ANG panga ni Oliver sa tahasang pagbibintang na ginagawa sa kanya ng kapatid. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila nito na para bang nais niya ang mga kamalasang nangyayari na iyon sa kanyang pamilya.“Olivia, pwede ba? Hindi mo ba nakikitang problemado na ako? Huwag mo na sanang dagdag
NABITAWAN NI OLIVER ang hawak niyang box ng cake at bouquet ng bulaklak na bumagsak sa may kanyang paanan, nang makita na kasabay ng pag-on ng knayang cellphone ay sunod-sunod na tumunog iyon sa dagsa ng kaniyang notification galing sa kapatid, sa bayaw, sa secretary niyang si Carolyn at kay Manang
HUMAHANGOS NA DUMATING si Alyson sa hospital mula sa airport nang malaman niyang dinala ng asawa doon ang hipag. Hindi niya pa alam ang buong detalye dahil hindi iyon sinabi ni Geoff. Aniya, pagdating na lang nito saka ipapaliwanag kung ano ang tunay na nangyayari sa dati niyang secretary. Putlang-p