Pagkalabas ni Alexa sa restaurant kung saan siya kumain ay kaagad na niyang nakita sa labas ang isnag babae na nakasuot ng kulay navy blue na dress na walang iba kundi si Lily. napagtanto niya na talagang inaabangan pala siya nito dahil mukhang siya talaga ang sadya nito dahil nang makita siya nito ay agad itong naglakad palapit sa kaniya. Hawak nito sa kamay nito ang isang pumpon ng kulay puting mga tulips. Nang makatapat ito sa kaniya ay mabilis itong nagpaskil ng isang matamig na ngiti sa mga labi nito bago ito nagsalita. “Alexa, pwde ba tayong mag-usap?” agad na tanong nito sa kaniya.Pilit na pinigilan ni Alexa ang kanyang emosyon. Malamig niya itong tiningnan ng ilang segundo at pagkatapos ay sumagot. "Sige." sagot niya rito. Lumipat silang dalawa sa katabi lamang na restaurant ng kinainan niya. Nang makahanap sila ng upuan ay agad silang umupo at pagkatapos ay inilapag nito ang bulaklak sa ginta nila.Ilang sandali pa ay nakita niya ito na dahan-dahang hinahaplos ang mg petals
Sa kabila ng pang-aalpiusta ni Lily sa kaniya ay pinanatili niyang kalmado ang sarili niya at pagkatapos ay tinitigan ito sa mga mata. Hinding-hindi siya papayag na basta-basta na lamang siya nitong apak-apakan. Sinulyapan niya ang tseke at tiningnan kung saan galing ang pera na ibinibigay nito sa kaniya at doon niya nga nakita na hindi nito pangalan ang nakalagay doon pero pangalan ng isang lalaki. Marahil ay sa ama nito galing ang perang iyon at pagkatapos ay nagsalita. “Mukhang galing ang pera na ibinibigay mo sa akin sa iyong ama at hindi sa sarili mong bulsa. Mukhang kapag nanghingi ka ng pera sa kaniya ay hindi mo na kailangan pa ng maraming paliwanag. Suportado ka ba ng pamilya mo sa kasamaan ng ugali mo o mas tamang sabihin sa ginagawa mong kalandian? Nakaka-curious naman tuloy ang pamilya mo. Isa pa ay ano pa ang silbi ng napakarami niyong pera kung hindi naman din nito mapagtatakpan ang kasamaan ng ugali mo?” Dire-diretsong tanong niya rito. Dahil sa sinabi niya ay ang map
Pagkatapos lamang magsalita ni Vena ay agad niyang narinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad niya itong dinukot mula sa kanyang bulsa at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay agad niyang nakita ang pangalan ni Noah. Nagdalawang isip si Alexa kung sasagutin niya ba ito hindi pero sa huli ay sinagot niya ito.Pagkasagot na pagkasagot pa lamang niya ng kanyang cellphone ay agad na niyang narinig ang boses ni Noah mula sa kabilang linya. “Nasaan ka?” tanong nito sa kaniya.“Nasa isnag restaurant ako, Bakit?” tanong niya rito na may halong pagtataka.“Pupunta ako diyang hintayin mo ako.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay mabilis na pinatay ang tawag nang hindi siya man lang siya nakakasagot rito. Napa-buntung hininga na lamang siya at muling ibinulsa ang kanyang cellphone pagkatapos.Ilang sandali pa nga ay muli na naman niyang naalala ang naabutan niyang eksena ng mga ito kagabi at dahil doon ay hindi napigilan ni Alexa na hindi mag-panic bigla.Napasulyap siya sa mesa ku
Ilang sandali pa ay bigla na lamang tumalikod si Noah at hinarap ang mga tauhan niya at mabilis na inutusan ang mga ito. “Sundan niyo siya at siguruhin niyo na hindi siya magpapakamatay ulit.” mabilis na utos niya sa mga ito.Mabilis na nagsitanguan naman ang mga ito at pagkatapos ay nagsitalikod na upang sundan nga si Lily. Nang marinig naman ang sinabi ni Noah sa mga tauhan niya ay napairap si Vena at pagkatapos ay pinagkrus nito ang kamay sa dibdib at mabilis na nagsalita.“Tsk. Kung gusto niya talagang magpakamatay ay pumunta siya sa lugar na walang sasaklolo sa kaniya hidni yung doon siya magpapakamatay sa kung saan napakarami namang makakakita sa kaniya para ano? Para magpaawa at para matakot ka?” tuloy-tuloy na tanong ni kay Noah.Dahil sa sinabi nito ay sinamaan siya ng tingin ni Noah at galit na binulyawan ito. “Vena, watch your mouth!” galit na galit na usal nito at nakakuyom pa ang mga kamay.Dahil rito ay mabilis niya namang hinila si Vena sa kanyang likod at tumitig rito.
Pagkatapos ng mahabang sandali na paghihintay niya ay tuluyan na ngang dumating ang kanyang inorder. Nakabalot ito ng maayos at napakaganda ng pagkaayos. Habang naglalakad ang staff papunta sa kaniya ay bahagya pa itong tumigil at alam niya na kaagad king bakit ito tumigil.Dalawang daang rosas ang hawak nito at halos isang metro na ang diameter kapag nakabalot na ito kaya napakalaki at napabigat. Ilang sandali pa nga ay inabot na nito iyon sa kaniya at halos nahirapan siyang hawakan ito ngunit sa kabila nun ay napakagaan ng loob niya na bilhan ang sarili niya ng bulakla. Kaya niya namang bumili kaya bakit niya pa hihintayin na may magbigay sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay mabilis na inilabas ni Noah ang card para bayaran na sana ang bulaklak nang mabilis siyang magsalita. “May pera akong pambayad.” mabilis na sabi niya rito. Totoo naman ang sinabi niya dahil may pera naman talaga siya at iyon ay ang galing sa mga pinagtrabahuhan niya. Inilapag niya muna sandali ang bulaklak upang k
Makalipas lamang ang kalahating oras ay agad na tumunog ang cellphone ni Noah kung saan ay kaagad niya naman itong sinagot. Ang isang tauhan niya ang tumawa. “Sir, ang pangalan ng taong iyon ay Axel Madrigal at isa siyang doktor. Ang kanyang ama ang may-ari ng shop na iyon at tatlong taon na silang magkakilala ni Ma’am Alexa.” sabi nito.Dahil rito ay agad na nagsalubong ang mga kilay ni Noah dahil sa sinabi nito at ang kanyang mga mata ay malamig na napatitig sa kawalan. “Tingnan mong mabuti, baka ito ang tinatawag ni Alexa na Nio.” sabi niya rito. Pagkatapos nun ay pinatay na niya kaagad ang tawag at napakuyom ang mga kamay. Ilang sandali pa ay humugot siya ng malalim na buntung-hininga bago tuluyang itinuly ang kanyang ginagawa.Mabilis na lumipas ang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala. Ilang sandali pa nga ay napahawak sa kurbata niya si Noah at bahagyang niluwagan iyon at pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang personal assistant na si Lex habang salubong ang kanyang m
Makalipas lamang ang ilang oras ay medyo may tama na si Noah. kararating lang ni Parker ng mga oras na iyon. Maraming tao kanina sa bar na pinuntahan nila pero habang pagabi ng pagabi ay halos iilan-ilan na lamang ang natira doon at kabilang na nga sila ni Parker.Nakaupo si Parker sa upuan at nakasandal habang nakahawak ng isang baso na may lamang alak at nakatingin kay Noah. “Ano bang problema mo?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na sumagot ay nagsalin muli si Noah ng alak sa kanyang baso at uminom muna bago sumagot. “Ayokong pag-usapan.” sabi niya rito at malamig ang mga matang nakatitig sa kawalan.Dahil sa naging sagot nito ay mabilis naman na napailing si Parker. “Tsk. hindi ba at niyaya mo akong lumabas para uminom? Pero ayaw mong pag-usapan kung ano ang problema mo? Seryoso ka ba? Kung ano man ang pinoproblema mo ay sabihin mo sa akin, isa pa ay pwede ka namang mag-table ng babae para maging masaya ka at gumanda ang mood mo o kaya ay gumastos ka ng napakarami mong pera.
Nahihiya namang ngumiti si Lily pagkatapos siyang tanungin ni Parker. “Simula bata ako ay hindi pa ako nagbalat ng hipon dahil palagi akong ipinagbabalat ng mga magulang ko. Isa pa, sa tuwing lumalabas kami para kumain ay palagi akong ipinagbabalat ni Noah ng mga hipon.” mabilis na sagot nito sa kaniya.Iniunat ni Lily ang kanyang kamay at hinawakan ang braso ni Noah sa malanding paraan at nilandian niya rin syempre ang boses niya. “Noah, gusto kong kumain ng hipon. Pwede mo ba akong ipagbalat?” tanong niya kay Noah at nagpaskil ng mapang-akit na ngiti sa kanyang mga labi.Napabuntung-hininga na lamang si Noah at mabilis na tinanggal ang mga kamay nito sa kanyang braso at pagkatapos ay nagsuot ng disposable gloves at nag-umpisang balatan ang mga hipon na nakalagay sa plato. Samantala, habang nagbabalat siya ng hipon ay bigla na lamang lumitaw sa kanyang isipan si Alexa na habang ipinagbabalat siya ng hipon. Napakahusay nitong magbalat ng hipon at kapag nagbalat ito ay buo pa rin ang l
KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n
HABANG NAGLALAKAD PALABAS NG RESTAURANT ay nakahawak si Lily sa kanyang pisngi at sumunod kay DExter. Nang makalabas na sila ay nagsimula na siyang magreklamo. “Hindi mo ba nakita kung anong ginawa sa akin ng babaeng iyon? Paulit-ulit niya akong sinampal. Ni hindi mo man lang ako tinulungan na makamit ko ang katarungan sa ginawa niya, sa halip ay hinila mo pa ako paalis doon.” inis na inis na sabi niya rito habang nakasunod rito.Agad naman siyang nilingon nito upang tingnan ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mukha na may bakat pa ang kamay ni ALexa na sumampal rito. Agad na nanlamig ang mga mata nito. “Anong sinabi mo sa kaniya?”Nagalit naman kaagad si Lily nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano pa sana ang sasabihin ko sa kaniya? Sinabi ko lang naman na sinadya ng lola niya na mamatay na para mapigilan ang paghihiwalay nilang dalawa ni Noah. sobra na ba iyon?” may bahid ng pagkayamot na tanong nito. Sinabi niya lang naman iyon para magalit talaga ito lalo na at nakita nga niy
BIGLA NIYANG NAISIP na sa tuwing nababanggit niya si Nio ay malaki ang nagiging pagbabago ng mood ni ALexa. Samantala, hindi naman na nagsalita pa si Noah kaya tahimik na lamang niyang dinampot ang kutsilyo at pinutol ang isang piraso ng steak at inilagay sa plato nito iyon. “Kumain ka pa. Tinapos ko ang painting na tinatapos ko ng ilang araw na.” sabi niya rito. Sa isip-isip ni Alexa ay hindi na ito galit dahil tumahimik na ito at pagkatapos ay nagsimula na ring kumain. Habang kumakain siya ay nagbayad na si Alexa ng kinain nila at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta siya ng banyo. Mula sa malayo ay isang pigura ang nakasunod kay Alexa na pumasok sa banyo. Nang lumabas sa isang cubicle si Alexa upang maghugas ng kanyang kamay nang isang pigura ng babae ay biglang yumuko upang buksan ang gripo sa tabi niya at naghugas. “Nandito ka rin pala para kumain.” sabi nito sa kaniya. Nasa hawakan na ang gripo ang kanyang kamay nang mapalingon siya rito. Agad niyang nakita si Lily. Agad na na
NAKITA NI ALEXA SI NOAH na nakatayo sa labas ng banyo at nakatingin sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na kaya ibinulong iyon sa kaniya ni Lily para i-provoke siya na saktan ito dahil kanina pa lang ay nakita na nito si Noah na nakatayo doon.Tahimik na tiningnan ni Alexa si Noah at naghihintay ng reaksyon nito ngunit hindi ito nagsalita. Bigla niyang napagtanto na kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niya sa harapan ni Noah at hindi niya papayagan na lasunin na naman ni Lily ang utak nito. Tiningnan niya si Lily ng malamig. “Ano sana ang magiging pakikitungo ko sa kaniya e asawa ko siya? Isa pa ay napakabait niya sa akin at sa pamilya ko kaya dapat lang na maging magiliw ako sa kaniya pero ikaw, paulit-ulit mo akong pino-provoke at idinamay mo pa talaga ang lola ko at gusto mo na maging mabait ako sayo? Ano ako dating baliw?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong rito.Samantala, hindi naman makapagsalita kaagad si Lily dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay tumingin kay Noah
Hindi naman nakapagsalita kaagad si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Masaya siya at biglang ring natulala ang kanyang puso sa sinabi ni Noah sa kaniya. Sa isip-isip niya ay napabulong siya na gusto niya mapantayan ito para kahit na ang ama ni Noah ay ma-impress din sa kaniya at hindi na sila paglayuin pa.Tahimik naman si Noah na may pagmamahal na hawak ang kanyang kamay habang nakapatong ito sa mesa. “Isa pa, pasensiya na sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.” sabi pa nitong muli.“Ano ka ba, okay lang.” sagot niya naman kaagad at dahil doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil rito ay dali-daling inilabas ni Alexa ang kanyang cellphone sa kanyang bag upang sagutn ang tawag.Hindi sinasadyang mailabas ni Alexa ang business card nang ilabas niya ang kanyang cellphone nang hindi niya napapansin. At nasulyapan ito ni Noah. ang kanyang ina pala ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito at pagkatapos ay dali-daling inilagay sa kanyang tenga. “Nay, bakit? May pro
Habang naglalakad sila ay ipinilig ni Betty ang ulo nito at pagkatapso ay nilingon si Alexa. “Bakit sa palagay ko ay tila ba may kakaiba sa pakikipag-usap mo sa lalaking iyon kahit na parang ito pa lang naman ang unang beses niyong magkita?” biglang tanong nito sa kaniya.Agad naman na inilagay ni Alexa ang kanyang kamay at pagkatapos ay napatitig ng blangko sa mga numero ng elevator, hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala dahil may napansin din pala si Betty. Napabuntung-hininga na lamang siya. “Ang kanyang mga mata kasi ay parang maga mata ng taong kilala ko.” tapat na sagot niya rito.Bigla namang itong nag-isip sandali at muli na namang nagtanong. “Katulad ba ng kay Noah?” tanong nito ulit sa kaniya ngunit hindi siya sumagot rito. Ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon ngayon. Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang elevator kaya dali-dali na silang naglakad palabas kung saan nakaparada ang kotse nito. Agad siyang sumakay sa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay nilingon niya si
Hindi nga nagtagal ay inabot na ni Serene ang painting sa lalaking nasa harap niya at pagkatapos ay napasulyap ito sa kanyang kamay na hanggang sa mga oras na iyon ay may bakas pa rin ng pagkakaipit sa kanyang pinto. Malamig ang mga mata nitong kinuha ang painting mula sa kaniya at tahimik na binuhat at inilapag sa isang pera at maingat na tiningnan ito at pagkatapos ay nagsalita. “Hmm, mukhang ito ang tunay na painting ng sikat na pangalawang reyna ng ingglatera. Magkano mo ito ibebenta?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na siya ang sumagot ay si Betty ang sumagot para sa kaniya. “Nag-search ako sa internet kung magkano ang aabutin ng painting na yan at nakita ko kung gaano na kamahal yan sa paglipas ng taon. Aabot yan ng sampung milyong piso.” sabi nito ngunit hindi siya pinansin ng direktor at sa kaniya pa rin ito nakatingin.“Magkano mo ibebenta ito?” ulit nito sa tanong nito kanina.Agad naman na namutla ang kanyang mukha at halos hindi alam kung ano ang isasagot niya rito.
Hindi nagtagal ay agad din itong tumawag sa kaniya. “Nagtanong-tanong na ako sa mga auction house dito sa MAnila ay may turnoever rate daw sila na aabot sa 80%. Isa pa ang dalawang auction house na pinagtanungan ko ay sila ang pinakamaraming mga collection sa buong bansa na umaabot ng halos bilyon.” sabi nito sa kaniya.“E saan tayo pupunta?” tanong niya rito. “Yung mas malapit na lang sana.” dagdag pa niya.“Oo nga, sa Dela Vega Auction House na lang siguro. Susunduin kita.” sabi nito sa kaniya.Hindi nagtagal ay dumating na doon si Betty at sinundo na ng siya. Makalipas lamang ang isang oras ay dumating na nga sila sa Dela VEga Auction House. Pumasok ang dalawa sa loob habang patingin-tingin sa paligid at pagkatapos ay nakipila dahil may pila pala bago makapasok sa loob. Sa kanilang harapan ay may hindi bababa sa limampu o animnapung tao sa hatapn nila na mukhang dumating pa doon galing sa ibat-ibang panig ng bansa na may dala-dalang mga koleskyon para sa gagawing auction.Dahil n