Pagkatapos ng mahabang sandali na paghihintay niya ay tuluyan na ngang dumating ang kanyang inorder. Nakabalot ito ng maayos at napakaganda ng pagkaayos. Habang naglalakad ang staff papunta sa kaniya ay bahagya pa itong tumigil at alam niya na kaagad king bakit ito tumigil.Dalawang daang rosas ang hawak nito at halos isang metro na ang diameter kapag nakabalot na ito kaya napakalaki at napabigat. Ilang sandali pa nga ay inabot na nito iyon sa kaniya at halos nahirapan siyang hawakan ito ngunit sa kabila nun ay napakagaan ng loob niya na bilhan ang sarili niya ng bulakla. Kaya niya namang bumili kaya bakit niya pa hihintayin na may magbigay sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay mabilis na inilabas ni Noah ang card para bayaran na sana ang bulaklak nang mabilis siyang magsalita. “May pera akong pambayad.” mabilis na sabi niya rito. Totoo naman ang sinabi niya dahil may pera naman talaga siya at iyon ay ang galing sa mga pinagtrabahuhan niya. Inilapag niya muna sandali ang bulaklak upang k
Makalipas lamang ang kalahating oras ay agad na tumunog ang cellphone ni Noah kung saan ay kaagad niya naman itong sinagot. Ang isang tauhan niya ang tumawa. “Sir, ang pangalan ng taong iyon ay Axel Madrigal at isa siyang doktor. Ang kanyang ama ang may-ari ng shop na iyon at tatlong taon na silang magkakilala ni Ma’am Alexa.” sabi nito.Dahil rito ay agad na nagsalubong ang mga kilay ni Noah dahil sa sinabi nito at ang kanyang mga mata ay malamig na napatitig sa kawalan. “Tingnan mong mabuti, baka ito ang tinatawag ni Alexa na Nio.” sabi niya rito. Pagkatapos nun ay pinatay na niya kaagad ang tawag at napakuyom ang mga kamay. Ilang sandali pa ay humugot siya ng malalim na buntung-hininga bago tuluyang itinuly ang kanyang ginagawa.Mabilis na lumipas ang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala. Ilang sandali pa nga ay napahawak sa kurbata niya si Noah at bahagyang niluwagan iyon at pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang personal assistant na si Lex habang salubong ang kanyang m
Makalipas lamang ang ilang oras ay medyo may tama na si Noah. kararating lang ni Parker ng mga oras na iyon. Maraming tao kanina sa bar na pinuntahan nila pero habang pagabi ng pagabi ay halos iilan-ilan na lamang ang natira doon at kabilang na nga sila ni Parker.Nakaupo si Parker sa upuan at nakasandal habang nakahawak ng isang baso na may lamang alak at nakatingin kay Noah. “Ano bang problema mo?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na sumagot ay nagsalin muli si Noah ng alak sa kanyang baso at uminom muna bago sumagot. “Ayokong pag-usapan.” sabi niya rito at malamig ang mga matang nakatitig sa kawalan.Dahil sa naging sagot nito ay mabilis naman na napailing si Parker. “Tsk. hindi ba at niyaya mo akong lumabas para uminom? Pero ayaw mong pag-usapan kung ano ang problema mo? Seryoso ka ba? Kung ano man ang pinoproblema mo ay sabihin mo sa akin, isa pa ay pwede ka namang mag-table ng babae para maging masaya ka at gumanda ang mood mo o kaya ay gumastos ka ng napakarami mong pera.
Nahihiya namang ngumiti si Lily pagkatapos siyang tanungin ni Parker. “Simula bata ako ay hindi pa ako nagbalat ng hipon dahil palagi akong ipinagbabalat ng mga magulang ko. Isa pa, sa tuwing lumalabas kami para kumain ay palagi akong ipinagbabalat ni Noah ng mga hipon.” mabilis na sagot nito sa kaniya.Iniunat ni Lily ang kanyang kamay at hinawakan ang braso ni Noah sa malanding paraan at nilandian niya rin syempre ang boses niya. “Noah, gusto kong kumain ng hipon. Pwede mo ba akong ipagbalat?” tanong niya kay Noah at nagpaskil ng mapang-akit na ngiti sa kanyang mga labi.Napabuntung-hininga na lamang si Noah at mabilis na tinanggal ang mga kamay nito sa kanyang braso at pagkatapos ay nagsuot ng disposable gloves at nag-umpisang balatan ang mga hipon na nakalagay sa plato. Samantala, habang nagbabalat siya ng hipon ay bigla na lamang lumitaw sa kanyang isipan si Alexa na habang ipinagbabalat siya ng hipon. Napakahusay nitong magbalat ng hipon at kapag nagbalat ito ay buo pa rin ang l
Nang lumingon si Parker sa pinto ay nakita niya doon si Alexa na palabas na ng mga oras na iyon. Dahil rito ay dali-dali siyang tumayo upang habulin ito. Mabuti na lamang at naabutan niya rin naman ito kaagad at mabilis na hinawakan ang braso nito. “Alexa, teka lang.” pigil niya rito dahil palabas na nga ito at pagkatapos ay mabilis na hinawakan ang balikat nito upang paharapin sa kaniya.Samantala sa pagkakataong iyon naman ay doon eksaktong napatingin si Noah sa pinto kaya nakita niya na hinawakan ni Parker ang balikat ni Alexa. Bigla siyang napaisip sa ginawa ni Parker ngunit nang maisip niya ang naabutang tagpo kanina sa pagitan ni Lily at ni Noah ay naisip niya na mas masahol pa ang mga ito sa kaniya. Hindi na lamang siya nagsalita at nagpahila na lamang kay Parker hanggang sa makarating sila sa harapan ng mga ito. Sa tatlong taon nilang pagiging mag-asawa ni minsan ay hindi siya nakipag-away rito at hindi siya nagsasalita kapag nagagalit siya pero ngayong malapit na silang magh
“Sino?” tanong niya rito agad habang magkasalubong ang mga kilay.“Ang tagapagmana ng pamilya Montemayor, si Noah Montemayor.” sagot naman nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ni Alexa at talagang kinabahan. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik at hindi alam kung paano sasagot sa tanong nito. Kapag sinabi niyang dating asawa niya ito ay parang hindi naman tama dahil hindi pa sila naghihiwalay.Kapag sinabi niya namang asawa niya ito ay parang niloko na lang din niya ang sarili niya dahil napagkasunduan na nilang maghiwalay, isa pa ay binayaran na siya nito at ipinaparada na nito sa madla si Lily kaya hindi niya pwedeng isagot rito iyon. Ilang sandali pa ay nakapag-isip siya ng pwede niyang isagot rito. “Kamag-anak ko siya. Pinsan, oo pinsan ko siya.” sagot niya at biglang ngumiti ng alanganin ngunit kitang-kita niya ang malalim na pagkunot ng noo nito.“Pinsan? Pero Acosta ang apelyido mo at Montemayor naman ang apilyido mo, paano mo siyang nag
Nang maramdaman ni Axel na tahimik si Alexa ay mabilis siyang lumingon kay ALexa at ngumiti lalo na at nakita na rin niya ang lalaking palapit sa kanila ng mga oras na iyon. “O, nandiyan ang pinsan mo.” sabi niya rito.Sandaling natigilan naman si Alexa at mabilis na yumuko at napalunok na lamang bigla. Nang tuluyang makalapit sa kanila si Noah ay mabilis na iniunat ni Axel ang kamay nito at magalang na nagsalita. “Ako nga pala si Axel, kaibigan ni Alexa. Ikinagagalak kong makilala ang isang pinsan niya.” sabi nito kay Noah.Bigla namang napalingon si Noah sa kaniya at napatitig sa kanyang ng malamig at dahil rito ay halos manlamig din ang buong pagkatao niya. “Pinsan? Pinsan mo ako?” halos hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.Nakipagtitigan naman si Alexa rito ng ilang segundo bago niya nagawang ibuka ang kanyang bibig upang sumagot. “Ahh, oo diba?” sagot niya at pinandilatan ito upang ipabatid rito na sumakay na lamang sa sinasabi niya.Napakuyom ang kamay ni Noah at halos ma
Tinitigan ito ni Alexa. Nakasandal ito sa pader at nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa. Napabuntung-hininga siya at seryosong tumitig rito. “Bakit hindi e ikaw ang dahilan para madugtungan pa ang buhay ng lola ko, idagdag pa na dahil sa perang nanggaling sayo ay nakabili ako ng bahay para sa pamilya ko at laking pasasalamat ko iyon sa iyon. Tinuruan ako at pinalaki na marunong magbayad ng utang kaya tama lang iyon.” sagot niya rito.Tahimik lang naman na nakinig sa sagot niya si Noah. “ibig sabihin ay pagtanaw lang ng utang na loob ang lahat ng iyon?” tanong niya rito.Natahimik naman si Alexa at hindi nakapagsalita. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ito. Isa pa ay tama bang sabihin niya na bukod sa pagtanaw ng utang na loob ay may pagmamahal rin siya rito peero ngayon na nagpasya na silang maghiwalay na dalawa at nagkakamabutihan na silang muli ni Lily ay wala ng dahilan pa para sabihin niya pa iyon. Hindi na lamang niya ito sinagot at muli itong tinalikuran upang muling
DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun
DAHIL SA SINABI NI DEXTER ay biglang napasulyap si Noah sa kama kung saan ay nakahiga si Lily. “ganun ba. Sige, babalik na lang ako bukas.” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay naging madilim ang mga mata ng ina ni Lily.Nagtagis ang mga bagang nito at tumingin kay Noah. “hindi ba at dahil sayo kaya siya nagkaganyan? Pagkatapos ay iiwan mo siya rito?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Noah.Hindi naman sumagot si Noah at pinagdikit lang ang kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay naglabas lang naman si Dexter ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa kaniya. “Tara muna sa labas para naman makahinga tayo ng sariwang hangin kahit papano.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman na siya nag-atubili pa na abutin ang sigarilyo na inaabot nito at pagkatapos ay lumabas siya kasama ito. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa pinaka-veranda ng ospital na iyon. Agad niyang sinindihan ang sigarilyo at humithit pagkatapos ay nagbuga ng usok kasabay ng malalim na bunto
UMUWI SI ALEXA, naligo at kumain siya pagkatapos ay humiga habang naghihintay sa pag-uwi ni Noah hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakaidlip na pala siya sa sobrang antok niya. Nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya na wala pa rin sa tabi niya si Noah kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay nakita niya na mag-aalas tres na pala ng madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Noah. dahil dito ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan na niya ito ngunit hindi niya ito matawagan.Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso dahil sa pag-aalala. Kahit na niniwala siya kay Noah at may tiwala siya rito ngunit wala siyang tiwala sa Daddy nito at sa ama ni Lily idagdag pa ang ina ni Lily. kilala niya ang mga ito na sobrang tuso kaya tiyak kapag nagsama-sama ang mga ito ay baka ang imposible ay magawa nilang posible.Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay dali-dali siyan
ISANG NGITI NAMAN ANG GUMUHIT sa labi ng ama ni Lily pagkaraan ng ilang sandali. “Bakit namang kailangan pang iba ang utusan ko? Tutal naman ay magkababata kayo kaya tiyak na mas karapat-dapat siya na utusan ko hindi ba?” tanong nito.Ang gwapong mukha ni Noah ay napuno ng kalamigan kung saan ay kitang-kita din ang pagdidilim ng kanyang mga mata.Nakita naman ni Andrew ang pagdidilim ng mukha ng anak kung saan ay bigla na lang niyang sinulayapan si Alexa at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Noah at nagpaalala. “Nangako ka sa akin na hindi mo siya pababayaan hindi ba?” ulit na naman nito sa sinabi nito hikanina. “Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero ito na kaagad ang nangyari.” muli pang sabi nito.Sa isip-isip ni Alexa ay talagang napakatuso talaga nito kung saan ay hindi nga siya nito pinahiya ngunit paulit-ulit naman nitong ipinagdiinan ang pagpapabaya ni Noah kay Lily dahil lang sa nangyari. Idagdag pa na talagang gagawin nito ang lahat para mapaghiwalay sila.Marahan niya
PINIGILAN NAMAN NI ALEXA ang kanyang emosyon at nagtanong. “Bakit, hindi ba siya nakasuot ng safety helmet?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Nakasuot naman siya.” sagot nito.“Kamusta ang lagay niya?” tanong niya ulit.“Hindi ko pa alam sa ngayon at hanggang hindi pa lumalabas ang resulta ng eksaminasyon sa kaniya ay hindi pa malalaman.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla na lang nitong itinaas ang kamay at tiningnan ang relo nito. “Malapit nang makarating dito sina Daddy at kung okay lang sayo ay pwede bang kumain ka na lang munang mag-isa?” tanong nito sa kaniya.Kahit na hindi nito sabihin ay alam niya na natatakot ito na baka kung ano na naman ang sabihin ng ama nito sa kaniya kapag naabutan siya nito doon. Hindi pa man siya nakakasagot ay muli na naman itong nagsalita. “Pasensya ka na talaga, Alexa.” dagdag pa nito at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang balikat.Tumango siya. “Sige.” sabi niya ngunit nang makita nito ang lun
MALAMIG NAMAN ANG mga mata ni Nico habang pinapanood ang dalawa sa harap niya na nagsusubuan ng pagkain. “Ganito niya ako kamahal. Talagang alagang-alaga niya ako.” biglang sabi ni Noah sa kaniya habang nakangiti ng abot hanggang tenga.Tumaas naman ang sulok ng kanyang mga labi at sinalubong ang kanyang mga mata. “Protektahan mo siyang maigi.” sabi niya rito.Hindi nagtagal ay tuluyan na nga ring natapos ang dinner na iyon. Nagpaalam na sila ni Noah kay Nico at pagkatapos ay sabay na silang dalawa na lumabas ng restaurant na iyon. Paglabas nila ay agad na napabuntung-hininga si Alexa. Kahit papano ay gumaan na rin ang pakiramdam nya hindi katulad kanina na napaka-intense ng atmosphere sa pagitan ng dalawa. Pakiramdam niya tuloy ay pagod na pagod siya.Panigurado na kung hindi niya isinama si Noah doon at nalaman nito ang tungkol sa dinner na iyon ay tiyak na magagalit ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay sumakay na silang dalawa sa kotse. Nang maisara ang pinto ng kotse ay bigla na lan
KINABUKASAN ay bigla siyang nilapitan ni Alexa. “Mamayang gabi, libre ka ba? May dadaluhan kasi akong isang dinner party at gusto kong sumama ka sa akin.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang kilay ni Noah at pagkatapos ay dahan-dahang ngumiti. “Sino ba ang kasama mo sa dinner party na iyon?” tanong niya rito.“Si Nico Dela Vega.” mabilis na sagot nito.Bigla namang napatigil ng wala sa oras si Noah sa kanyang ginagawa at napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone kung saan ay halos madurog na ito sa kamay niya.Napansin naman kaagad ni Alexa ang galit sa mukha nito nang banggitin niya ang pangalan ni Nico at inaasahan na niyang magagalit ito kaya dali-dali siyang nagpaliwanag. “Ang painting kasi na ginawa ko ay binili niya at isinabit niya sa kanyang opisina kung saan ay binili naman kaagad ng isang customer nila sa halagang 13 milyon. Nagpadala siya sa akin ng karagdagang bayad at agad ko siyang tinawagan upang ibalik sa kaniya ang pera ngunit ayaw niyang tanggapin. Bil
KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n