Agad na inilagay ni Noah ang mga bagay na iyon sa cellphone nito at pagkatapos ay isinend nito sa cellphone niya. Bumalik silang dalawa sa silid ng kanyang lola.Nang mga oras na iyon ay chinecheck ni Axel ang lola ni Alexa. Tumabi rito at ina ni Alexa at ngumiti, pagkatapos ay nagtanong nang makita nitong paparating na sila Noah. sinadya niyang lakasan ang tinig niya upang marinig talaga ito ni Noah. “Dr.Axel may girlfriend ka na ba?” tanong nito rito.Sandali namang napasulyap si Axel sa paparating na sina Alexa at sumagot. “Wala pa po.” sagot nito.Dahil rito ay mas naging interesado pa lalo ang ina n ALexa. “Ano sa tingin mo ang anak ko? Ang batang yan ay nag-aral sa murang edad at graduate din iyan. Masipag siya, mabait at alam mo naman na siguro ang tungkol sa talento niya.” sabi nito rito.Nang marinig naman ito ni Axel ay agad na tumaas ang sulok ng labi nito at pagkatapos ay gumuhit ang isang ngiti. “Talaga namang napakahusay niya.” sagot niya rito.Mas lalo namang lumawak pa
Ibig matawa ni Alexa ng mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na mahuhulaan kaagad ni Noah ang nangyari. Naalala niya pa naman ang sinabi sa kaniya nito na huwag na huwag niyang ipaalam kay Noah ang pag-uusap nilang kanina dahil makakaapekto daw ito sa relasyon nilang mag-ama.Nagpanggap na lamang siyang walang alam sa sinasabi nito. “Matagal mo nang nabanggit ang tungkol sa paghihiwalay nating hindi ba? Isa pa, sabi mo nga ay gusto mo ng makasama si Lily.” sagot niya rito.Agad naman na lumambot ang ekspresyon ni Noah dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay hinaplos nito ang pisngi niya. “Nagsisinungaling ka, hindi mo ba napapansin na nitong mga nakaraan ay medyo dumidistansiya ako sa kaniya.” sagot ni Noah rito.Mabilis naman na tumaas ang sulok ng labi ni Alexa at pagkatapos ay pinilit na ngumiti, ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot na tumingin kay Noah at nagsalita ng magaan. “Kayong dalawa ay magkakabata at childhood sweethearts, isa pa ay sobrang bagay na bagay kayo.” mas ngu
Sabado ng gabi ay magkasama sina ALexa at Noah upang pumunta sa mansyon ng mga Montemayor. Pagkapasok pa lamang nila sa may pinto ay agad na silang sinalubong ng matandang babae nang may ngiti sa labi. “Nandito ang mga apo ko!” masayang sabi nito.Mabilis naman siyang naglakad palapit rito at humalik sa pisngi nito. “Kamusta po lola.” sabi niya rito.Ngumiti ito sa kaniya at pagkatapos ay itinuro ang sofa. “Umupo ka muna hija.” sabi nito kaya umupo naman siya kaagad. Umupo din naman ito sa kanyang tabi at pagkatapos ay agad nitong hinawakan ang knaiyang kama at nakatitig sa kanyang tiyan at pagkatapos ay nagtanong sa kaniya. “Hija buntis ka ba?” tanong nito sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Alexa at pagkatapos ay ngumiti ng alanganing ngiti. “Lola hindi po. Nagpunta po kami rito ni Noah para sabihin sa inyo na maghihiwalay na kaming dalawa. Pasensiya na po.” sabi niya rito.Nang marinig nito ang sinabi niya ay agad itong natigilan at pagkatapos ay naglaho ang ngiti sa mga labi ni
Marahan niyang itinulak ang kamay ni Noah palayo at pagkatapos ay tumayo siya. “Dad, hindi po sa ganun, mali ang nasa isip ninyo. Isa pa ay gusto ko kayong kausapin ng mag-isa.” sabi niya rito.Malamig naman siyang sinulyapan ni Arturo. “Sumunod ka sa akin sa study room.” sabi nito sa kaniya. Dahil doon ay bigla ring tumayo si Noah mula sa kanyang kinatatayuan at pagkatapos ay akmang susunod sa kanila ngunit nilingon niya ito at pagkatapos ay umiling rito.“Hindi mo na kailangan akong samahan.” sabi niya rito.Hinawakan naman ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay marahang pinisil ito. “Lumabas ka kapag hindi mo na kaya pang manatili doon ha? Hindi mo kailangang magtiis.” sabi nito sa kaniya kung saan ay tinanguan niya lang ito. Sumunod siya sa kanyang biyenan at pumasok sa study room.Naroon din sa loob ng silid ang lolo ni Noah na nagbabasa ng isang diyaryo. Nang makita siya nitong pumasok ay agad nitong ibinaba ang binabasa at ngumiti sa kaniya. “Hija, nandito ka pala.” sabi ni
Nang marinig ni Noah ang pagbukas ng pinto ay agad siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Sinalubong niya si Alexa at pagkatapos ay hinawakan niya kaagad ang isang bahagi ng balikat nito at tiningnan niya ang mukha nito pati ang mga mata nito bago siya nagtanong rito. “Okay ka lang ba?” tanong niya rito sa mahinahong tinig.Umiling naman si Alexa at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya ng alanganin habang ang mga mata nito ng mga oras na iyon ay nag-uumpisa nang magtubig. Tumayo din mula sa sofa ang matandang babae at tiningnan si Alexa mula sa malayo, gusto niyang tumawa pero hindi niya magawa.Ilang sandali pa ay lumapit si ALexa sa kaniya at pagkatapos ay niyakap siya. Ilang minuto ang dumaan bago nagawang ibuka ni Alexa ang kanyang bibig. “Lola, kapag sumasakit ang mga binti mo ay lagi kang uminom ng gamot ha? Lagi kayong kumain ng masusustansiyang magkain para lagi kayong maging malusog.” sabi ni Alexa rito.Nang marinig naman ito ng matandang babae ay agad na niyang naunawaan ang
Malakas ang hangin ng mga oras na iyon at napakaliwanag din ng sinag ng buwan. Mabagal silang naglakad na dalawa. Ang kanilang mga anino ay malinaw na magkapares ngunit mukhang napakalungkot. Pareho silang hindi nagsalita. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Alexa na walang tamang salita ang pwedeng lumabas sa bibig niya.Pagdating nila sa tapat ng bahay nila Alexa ay dali-dali na siyang pumasok sa loob, samantala hinintay naman muna ni Noah na makapasok ng tuluyan sa loob si ALexa bago siya tumalikod at bumalik sa sasakyan.Pagkabalik ni Noah sa kotse niya ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang tauhan, nang sagutin nito ang kanyang tawag ay mabilis siyang nagsalita. “Huwag mo nang hanapin anhg dumurog sa kamay ni Lily.” sabi niya rito.“Sir may problema po ba?” bigla naman nitong tanong sa kaniya, marahil ay nagtataka ito kung bakit bigla niya na lamang itong pinatigil bigla.“Wala naman, basta huwag mo nang hanapin pa.” sabi niya at pagkatapos nun ay tul
Natatakot siya na baka magalit ito sa kaniya ngunit sa halip na magpaliwag rito at tumayo lamang siya doon at pagkatapos ay pinanuod si Noah na naglalakad patungo sa kaniya. Malamig ang gwapong mukha ni Noah at hindi niya mawari kung masaya ba ito o hindi.Nang makalapit ito sa harap nilang dalawa ni Lily. nakita niyang tinanguan nito ito at pagkatapos ay ibinaba nito ang hawak nitong box at lumapit sa kaniya. Ilang sandali pa ay inabot nito ang kamay niya ay ininspeksiyon ito. Nang makita nitong namumula ang kanyang palad ay tinanong siya nito. “Masakit ba ang kamay mo?” tanong nito sa kaniya,Nang marinig niya ang tanong nito sa kaniya ay natigilan siya. Akala pa niya ay nag hallucinate na siya. Sa totoo lang ay si Lily ang first love nito at kababata, siya rin ang pakakasalan nito pagdating ng araw pero pinili pa rin siya nitong alalahanin. Medyo nalilito at nagmamadaling umiling si Alexa at pagkatapos ay pakiramdam niya ay tila ba may mali dahil sa sagot niya kaya ibinuka niya a
Totoo nga na sinampal niya si Lily kahapon pero medyo namaga lang naman ito ng kaunti at hindi ganun na tila ba binugbug na ito. Halatang may ibang ginawa na naman ito o kaya ay may nambugbug pang iba rito. Dali-dali niyang tinawagan si Vena at pagkatapos ay nagtanong rito.“Vena anong nangyari sa mukha ni Lily?” tanong niya kaagad pagkasagot na pagkasagot nito kanyang tawag.Napatawa naman si Vena dahil sa tanong niya at pagkatapos ay tumigil din naman agad pagkalipas ng ilang sandali. “Kagabi, nagpunta siya sa isang bar para uminom hanggang hatinggabi tapos nung pauwi na siya ay may bigla na lang humarang sa kotse na sinasakyan niya at pagkatapos ay hinila siya pababa at binugbug siya. May kasama naman siyang bodyguard niya pero walang nagawa ang mga ito. Nakakatawa siya.” sabi nito at muli na naman itong tumawa. Aliw na aliw talaga ito sa itsura ni Lily nang mga oras na iyon.Hinintay naman niyang tumigil ito sa pagtawa bago muling nagtanong. “Nagsumbong siya sa mga pulis?” tanong