Share

TRAGEDY 2 ( Danger Zone)

last update Last Updated: 2022-06-28 20:03:59

CHAPTER 2:

"Huwaaag!" Malakas niyang sigaw.

Isang malakas na pagtili ang hindi napigilang umalpas sa kanyang bibig.

Kagaya rin ng hindi niya nagawang paghandaan ang sumunod na pangyayari ng bigla na lang haklitin ng lalaki ang harapan ng kanyang damit. Dahilan upang magturitan ang butones ng kanyang blusa.

Ngunit mas higit niyang pinagtuunan ng isip ang makaligtas.

Sa tulong ng liwanag ng buwan, bahagya na niyang naaaninag ang paligid. 

Pilit rin niyang pinapagana ang utak sa kabila ng nangyayari.

Hanggang sa may napansin siyang isang maliit na bagay, na tila isang matulis na stick. 

Makakaya niya itong abutin basta kailangan lang niyang maging maingat. 

Alam niyang kung ikukumpara sa baril na hawak ng mga ito wala 'yong magagawa. 

Pero kailangan pa rin niyang subukan at paganahin ang isip..

Kasalukuyan nang hinuhubad ng lalaki ang suot na pantalon ng bigla na lang makarinig sila nang.... 

"Bang!"

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

Dahilan para mapatigil ang lalaki sa ginagawa at mabaling ang atensyon dito. 

Halos sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng putok. 

Hindiiii!! 

Natigagal na lang siya sa nakita, habang unti-unting bumabagsak ang katawan ng babaing kanina lang kahawakan niya ng kamay at pinaghuhugutan ng lakas. 

Habang ang isa pang babaeng kasama nila ay walang tigil sa pagsigaw at kaiiyak, dahil rin sa pagkabigla!

Dahil dito naalarma ang lahat..

"P..... ina! Patigilin n'yo 'yan, kanina pa 'yan patahimikin n'yo na! 

'Siguraduhin n'yong patay silang lahat, bago n'yo iwanan. Maliwanag?" Muling utos ng pinuno ng grupo na tila puno na ito ng pagkairita.

Hindi!! Sigaw ng isip niya, isa lang ang patutunguhan ng nangyayari. Siguradong papatayin na silang lahat!

Ito na ba ang tamang pagkakataon?

Kung hindi ko gagawin matutulad din ako sa kanila. Bulong niya sa sarili..

Kailangan niyang mag-ipon ng lakas ng loob at mag-isip ng paraan.

Ngayon na...

Kahit anong mangyari kailangan niya itong subukan..

Dagling hinanap ng kanyang mga mata ang maliit na stick na nakita niya kanina, naging mabilis ang kanyang pagkilos.

Nang mahagip niya ito ng tingin, mabilis niya itong kinuha, may katigasan ito at matulis pa ang dulo. 

Muli niyang tiningnan ang lalaki sa kanyang harapan. Napuno ng galit ang kanyang pakiramdam.

Tiyempo naman na nakalingon pa rin ito sa mga kasama at tila puno rin ng prustrasyon. Marahil dahil sa pagkaudlot ng hangarin.

Ito na ang pagkakataon niya!

Hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng sandali.... 

Inipon niya ang buong lakas at ubod lakas rin niya itong sinaksak sa puno ng tainga! 

Alam niyang hindi niya ito napuruhan, ngunit sigurado siyang nasaktan niya ito.

Bigla itong napamura at napasigaw sa sakit!

"P..... ina mong babae ka!" Bulyaw nito.

Habang hawak pa niya ang stick, saglit pa siyang natigilan ng makita niya ang pagsirit ng dugo sa tainga nito! 

Dahil sa tulong ng liwanag ng buwan nakikita niya ang bawat galaw nito. 

Mabuti na lang hindi sila napapansin ng ibang mga kasama nito. Dahil abala ang mga ito sa kaguluhang nangyayari.

Muli hindi na s'ya nag-isip pa, muli niyang ginamit ang stick na hawak at ubod lakas ulit niyang sinaksak ang mukha nito. 

Dahil sa ginawa niya nadaplisan ang isang mata nito, awtomatikong napahawak ito sa mata at natuliro. Dahil nakababa pa rin ang pantalon nito ng mga oras na iyon. Kaya sinamantala na niya ang sandaling iyon at ubod lakas na tinadyakan niya ang pagkalalaki nito. 

Kaya nagtatarang ito sa sakit at hindi malaman kung ano ang unang hahawakan. 

Dahil dito biglang nabitawan nito ang hawak na baril na pilit pa nitong kinakapa' sa dilim. 

"T**ina mong babae kaaa!"

Saglit siyang nagbantulot kung makikipag-unahan ba siya sa pagpulot ng baril, ngunit pagtingin niya sa mga kasama nito. Bigla siyang napuno ng kaba at naisip niya wala na siyang pagpipilian pa...

Lalo na, nang makita niyang palapit na ang mga ito sa kinaroroonan nila.

At isa na lang ang maaari niya gawin sa pagkakataong iyon, ito ay ang tumakbo!

Tumakbo.. 

Tumakbo.. 

Sa bilis na hangga't kaya niyang tumakbo!

Narinig pa niya ang pahabol na pagsigaw ng lalaking iniwan niya. Ngunit hindi na siya nag-aksaya pang lumingon.

"Tulungan n'yo ako!" Narinig rin niya ang paghingi nito ng tulong. Kaya lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo.

"P..... ina! Yung isang babae tumatakas!" Napansin na siya ng isa sa mga kasama nito.

"Habulin n'yo h'wag n'yong pababayaang makatakas mga gago kayo!

Mga huling kataga na narinig niya bago pa siya makalayo at tuloy tuloy na tumakbo ng tumakbo! 

Ilang minuto pa ang lumipas ng isang putok ang narinig niya sa kawalan. 

Na nasundan pa ng isa at ng isa pa.. Hanggang sa sunod sunod na putok na ang umalingaw-ngaw sa paligid.

Ngunit wala na siyang pakialam pa, basta takbo lang siya ng takbo. Kahit pa masakit na ang mga paa niya at pagud na pagud na rin siya.. 

Ngunit kahit ano yatang bilis ng takbo niya, maabutan pa rin siya ng mga ito. 

Dahil naririnig na niya ang mga yabag, palapit na ito ng palapit!

Nang bigla na lang may narinig na naman siyang putok!

"Bang!"

"Tigil!"

Pakiramdam niya may biglang tumulak sa kanyang likuran, partikular sa kanyang balikat. 

Nakakaramdam na siya ng sakit, matinding sakit na nakaliliyo sa kanyang pakiramdam. Kasabay ng pagkamanhid ng kanyang utak, hindi na siya makapag-isip pa ng dapat gawin.. 

Sa biglaan niyang paglingon, naramdaman pa niya ang biglang pagkadulas ng kanyang mga paa sa kawalan!

Ito na ba ang kanyang katapusan? Naiwang tanong ng kanyang isip...

Ang pakiramdam na nahuhulog siya ay hindi na marekognisa ng kanyang isip.

Nahuhulog ako...

Anong gagawin ko? 

Hindi!!

Ahhhhhhhhh!

Hindi p'wedeng ito ang maging katapusan.. 

Hindi pa dito matatapos ang lahat hindii!

_______

"Mamang!" 

"Nasaan ka Mamang?"

"Tulungan n'yo po ako.."

______

MAKATI CITY,

"Hmmm.. I love you!" Bulong ni Joaquin sa kanyang nobyang si Liscel. Nakadapa ito habang yakap niya mula sa likuran. 

Magkasalo sila at parehong hubad sa ilalim ng iisang kumot. Katatapos lang kasi ng kanilang pagniniig at ngayon nagpapahinga sa kanyang kama.

Narito sila ngayon sa loob ng Condo unit niya dito sa Makati. Nang malaman niyang umuwi ito galing France, agad siyang nagpabook ng flight mula Australia pauwi ng Pilipinas. Kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho. Gusto kasi niyang magkaroon sila ng oras sa isa't isa. 

He was thinking, this is the right time to talk about to settle down, sawa na rin kasi siya sa ganitong set-up. 'Yung magkikita sila, tapos mauuwi sa mainit na p********k. Then after that, they seperated again, palagi na lang ganu'n!

Matagal na rin naman silang magkasintahan, kasal na nga lang talaga ang kulang at saka magkakasundo rin ang kanilang pamilya. 

Bago pa sila magtapos ng kolehiyo, gusto sana ng Parents nilang magpakasal na sila agad after ng engagement.

Yes, engaged na rin sila matagal na pero napagkasunduan nilang unahin muna ang career. Dahil bata pa naman sila noon. 

Nagdesisyon sila pareho na bigyang laya muna ang isat-isa. Pero noon 'yun, noon hindi pa siya handa at malayo pa sa isip niya ang magpakasal.

Pero iba ngayon handa na siyang pakasalan ito. Mahal na mahal niya ang nobya. Dahil para sa kanya wala ng iba pang makakapalit ito sa puso niya. Kahit pa maraming babae rin ang naugnay sa kanya. Flings lang naman ang lahat ng iyon, one night stand. Pero si Liscel pa rin ang mahal niya at ang gusto niyang pakasalan.

Dahil si Liscel lang ang pinaka mahalaga sa kanya at komportable na rin siya dito. Gusto na niya itong makasama at maging isa na silang pamilya.

"Hon! Pagod ka na ba?" Tanong niya ng maramdaman gising pa ito. 

"Hummp! Bakit?" Tanong ni Liscel kasabay ng pagharap at paghaplos pa nito sa kanyang dibdib na tila ito naglalambing. Pagganito na si Liscel para na siyang mababaliw, talagang gustong gusto niya ito.

"Hon! Pakasal na tayo?" Walang paligoy-ligoy niyang saad sa nobya at wala ring pasakalye o paghahanda. Bakit pa? Laging konti lang ang oras nila para sa isa't-isa.

Maraming beses na niyang tinangkang sabihin ito kay Liscel at ilang beses na rin ba niya itong pinaghandaan. Ngunit palagi lang napupurnada at lagi siyang bigong makuha ang tamang oras nito. Dahil sa marami at iba't-ibang kadahilanan hindi natutuloy.

But this time nasabi na rin niya, sagot na lang nito ang hinihintay...

"Seryoso ka ba, niyaya mo na talaga ako?" Paninigurong tanong ni Liscel sa kanya na alanganing nakangiti.

"Hey! S'yempre naman seryoso ako. Gusto ko nang magpakasal tayo." Sagot ni Joaquin.

"Eh' di okay sige.." Deretsong sagot rin ni Liscel.

"O-okay.. What?" Aniya.

"Okay sige pakasal na tayo." Ulit na sagot ni Liscel.

"As, in! Pumapayag ka na? Hindi nga!" Paniniguro pa niya.

"Oo na nga! Gusto mo bang bawiin ko pa?" Biro pa ng dalaga.

"Yes! Totoo ba talaga, magpapakasal na tayo?!" Paulit-ulit pa niyang tanong. "Yahooo! Mag-aasawa na ako!hahaha" Sabay yakap niya ng mahigpit kay Liscel na parang ayaw na niya itong bitiwan pa.... 

Ang sarap ng kanyang pakiramdam, ang saya saya niya talaga ng oras na iyon! Hindi niya alam kung bakit napapayag niya ito agad. Ang totoo gusto lang sana niyang iparamdam dito na nais na niyang sila'y magpakasal. 

Saka siya magpaplano ng proposal, pero hindi na pala kailangan. Dati kasi agad itong tumatanggi sa tuwing mag-iinsist siya pero ngayon pumayag na ito. Nagtataka man wala na siyang pakialam.

"I love you.. Honey! I love you.. Lizzy! Lizcel Borromeo! Mahal kita!hahaha.." Sigaw niya, habang nag-uumapaw rin ang kaligayahan sa kanyang puso

******.

By: LadyGem25 

06-28-22

Related chapters

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   LOVE OR DECEPTION

    CHAPTER 3: The Cheater's and her Lover's JOAQUIN JEREMY DAWSON ALQUIZA "I love you.. Honey! I love you.. Lizzy! Lizcel Borromeo! Mahal kita!hahaha.." Malakas niyang sigaw ng dahil sa katuwaan na sinabayan pa niya ng paghalik sa nobya. Masayang-masaya siya ng gabing iyon. "Hey! Ano ka ba Joaquin tumigil ka nga! Ang corny mo! Bawiin ko na lang kaya!hihihi" Pabirong saad pa ni Liscel. "Ano ka wala ng bawian 'yon ha!" Niyakap niya ito ulit ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Oh! Sige na shower lang muna ako." Biglang iwas naman ng dalaga na hindi nagpahalata "Baka hindi ako dito matulog ngayon, uuwi ako sa bahay." Saad ulit ni Liscel na tila ba may pagmamadali, na para bang walang naganap kanina lang.. "Ha! Bakit, akala ko pa naman dito ka na matutulog gabi na ah?! Ngayon lang tayo nagkita ulit iiwan mo na ako agad?!" Saad ni Joaquin, nasa tono rin nito ang lungkot dahil sa sinabi ng nobya. "Hey! Honey h'wag ka nang malungkot, namiss kasi kita kaya ako narito ngayon. Pero alam mo

    Last Updated : 2022-06-29
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   CAUGHT ON THE ACT

    CHAPTER 4: The Cheater's Dahil kilala na si Joaquin ng mga guard, hindi na siya nahirapang makapasok sa loob ng subdivision. Maging sa loob ng bakuran ng bahay nila Liscel, agad siyang pinapasok ng guard. Madalas na kasi siyang nagpupunta sa bahay ng mga Borromeo kaya't kilalang kilala na rin siya sa lugar na iyon. Hindi naman nagtagal may nagbukas na rin ng pinto. Ang matagal nang kasambahay ng pamilya Borromeo si Manang Fe. Nagulat pa ito at saglit na natulala ng mabungaran si Joaquin sa labas ng pinto. Kaya si Joaquin na ang unang nagsalita at bumati sa matandang babae. Bakit ba pakiramdam niya napilitan lang itong ngumiti, ngunit binalewala na lang niya ito. "Magandang gabi po! Manang Fe' si Liscel po tulog na ba?" Nakangiting pagbati at tanong niya sa matanda. Nanatili lang siyang walang kibo kahit napansin niya ang tila pamumutla nito at halata rin ang pagkabalisa pagkakita sa kanya. O baka naman napaparanoid na siya at nag-oover thinking? "S-sir! Kayo po pala, ano po a

    Last Updated : 2022-08-17
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE UNEXPECTED THINGS HAPPEN

    CHAPTER 5: I'M NOT, THE FATHER"Maawa? Hindi ka nakakaawa Liscel, wala kang kwenta!" Dapat magpasalamat pa nga ito at napigilan pa siya ni Manang Fe kanina kung hindi baka napatay na niya ito sa sakal."Joaquin, patawarin mo'ko hindi ko talaga sinasadya mag-usap muna tayo, please!" Umiiyak na pakiusap ni Liscel. Hindi ito makakapayag na mauuwi rin sa wala ang lahat... Paano na? Siguradong malalagot ito sa sariling Ama ng dahil sa kapabayaan nito. Iyon ang nasa isip ni Liscel ng mga oras na iyon. Kaya ginagawa nito ang lahat huwag lang silang maghiwalay."Patawarin? Tang***! Ano bang akala mo, nakipaglaro ka lang ng bahay bahayan sa kapitbahay? Pagkatapos mong makipaglaro sa'kin naghanap ka pa ng ibang kalaro mo!"Joaquin maniwala ka naman sa'kin, hindi ko ito ginusto pinilit niya lang ako! Ikaw talaga ang mahal ko.""Sinungaling! Kailan mo pa ako niloloko ha', kailan n'yo pa ako ginagago ng hayup na lalaking 'yan ha?!" Malakas niyang sigaw kay Liscel at gigil na hinawakan niya ito sa

    Last Updated : 2022-08-28
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   BAD DREAMS

    C-6: MARY ANGELINE ALQUIZA _ 5 YEARS LATER... "Hindi! Hindi nila ako dapat maabutan." Mabilis siyang tumatakbo kahit pa nakayapak at ramdam na niya ang hapdi ng kanyang mga paa at binti. Ngunit sadyang kailangan pa rin niyang magpatuloy sa pagtakbol. Dahil... "Papatayin nila ako!" Muling sigaw ng isip niya. Kung may ibibilis pa ang kanyang mga paa, gagawin niya ito! Huwag lang siyang abutan ng mga taong humahabol sa kanya. "Diyos ko tulungan n'yo po ako!" Hah! Hah! Hah! Halos hindi na siya makahinga ngunit, kailangan pa niyang bilisan ang pagtakbo.. Takbo.... Takbo! "Malapit na sila..." Dahil naririnig na niya ang mga yabag. Palapit na ito ng palapit... Hindi! Muling napuno ng takot ang kanyang dibdib, kasabay ng tanong... "Ito na ba ang aking katapusan?!" Hindi ito maaari, Diyos ko po! Bakiiit? Ilang sandali pa ang lumipas ng makarinig siya ng sunod sunod na pagputok ng baril. Maging ng papalapit na mga boses na hindi niya mawari kung saan ba nagmumula?

    Last Updated : 2022-09-10
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE CALLER

    CHAPTER 7: JOAQUIN "Hello! Alquiza resident. Angela's speaking. What can I help you?" Malinaw na narinig niya ang sagot ng babae sa kabilang linya. Hindi siya maaaring magkamali tama naman ang pagkarinig niya. Ngunit nais pa rin niyang makasiguro... "Hello! Who are you again?" Muling tanong ni Joaquin sa naiirita nang tono, sadya niyang idiniin ang pagsasalita para iparating dito na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Subalit... "I said its Angeline Alquiza. Who's on the line please..?" Mayabang na sagot pa ng babae. WTF! Did I heard right? Naguguluhan niyang saad sa sarili, Bakit nito ginagamit ang pangalan ng kapatid niya at sa loob pa mismo ng kanilang pamamahay. Sino ba ang babaing ito at ang lakas ng loob? "Fvck! Who the hell are you? Are you fvcking insane, for using my sister's name? Damn it! Did you trying to fooled me. Ha?" Sigaw niya dito, sigurado siyang malinaw nitong narinig ang mga sinabi niya. Marahil bago lang itong kasambahay, kaya hindi siya nito kilala. Pe

    Last Updated : 2022-09-14
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE FIRST MET

    Chapter 8: ANGELA'S POV: _ San Marco Venice, Italy Nasa isang apartment na sila na pinili ni Liandro upang kanilang tuluyan habang narito sila sa Venice. Maluwang at maganda ang apartment, may tatlong kwarto at dalawa rin ang comport room. Kombinyente at maganda ang ambience at higit sa lahat malapit ito sa Hotel, kung saan sila nagte-traning(OJT). Halos one week na sila dito kasama ang dalawa pa niyang kaklase na sina Diane at Alyana. Kaya naman mag-one week na rin na hindi niya nakakatabi si VJ nasasabik na siya agad dito, kahit pa gabi gabi niya itong kausap sa phone o video call. Iba pa rin talaga 'yun katabi niya itong matulog at ano mang oras nagagawa niya itong yakapin at halikan. Makatagal kaya siya ng 3 months, kung ngayon pa lang miss na miss na niya ito? Iyon ang nasa isip niya ng biglang magsalita si Alyana.. "Bessy tayo na! Baka ma-late na tayo." Tulad niya nakasuot na rin ito ng uniform na ginagamit nila sa Hotel, longsleeve blouse, pencil cut na skirt na pinat

    Last Updated : 2022-09-21
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   MISTAKE

    Chapter 8: Someone who just met before... Abala ang lahat sa kitchen sa araw na ito. Maaga rin silang pumasok upang tumulong sa Hotel. Marami kasing darating na guest ngayon. Bukod sa may magaganap na convention sa loob ng tatlong araw. Kaya pala nag-meeting ang mga empleyado kahapon at kinausap naman sila ng head Chef. Nagrequest ang admin ng Hotel na kung may free time. Pumasok sila ng mas maaga, isasama daw sila sa working pay o payroll slip sa loob ng 3 araw. Bilang incentives bukod pa ang bayad sa overtime. Ah, hindi na masama sa isip niya. Ito rin ang first assignment nila sabi ng kanilang head supervisor... "This is the right time to proved yourselves." Kung karapat-dapat ba silang bigyan ng pagkakataon at magandang puntos. Upang patunayan ang kanilang mga sariling kakayahan sa pinili nilang Propesyon. Hay, nakakachallenge naman! Para sa kanilang mga nag-aaral pa lang, isa itong magandang oportiyunidad at experience. In-assign rin sila sa ibat-ibang department.

    Last Updated : 2022-09-22
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   NEGLECTION

    CHAPTER 10: My Dad's Secret Woman Vista de Grande Hotel and Restaurant. After a few minutes, nadala rin agad ang binata sa Ospital, kasama ang babae na marahil ay nobya nga nito kaya napanatag na rin ang lahat. Maliban lang sa kanya na puno pa rin ng kaba hanggang sa mga oras na iyon. Dahil sa may posibilidad na ang kinain nitong dessert ang dahilan ng nangyari dito. Hindi na siya mapakali, may hinala na kasi siya kanina pa. Dahil lihim na niya itong pinagmamasdan kanina habang nasa dining area. Kaya alam niya nang kainin nito ang mga dessert na ginawa niya. Pero bakit siya nagka-gano'n wala naman talaga siyang inilagay na masamang sangkap sa ginawa niya at sigurado siyang malinis ang kanyang pagkakagawa. May isang bagay siyang naiisip,, posible kayang, allergy? Bigla kasi niyang naalala si VJ meron din kasi itong allergy sa pagkain na tulad daw sa Daddy nito. Nang minsang kasing umiinom siya ng kape nakisalo ito sa kanya, ito rin 'yun time na nalaman nila ang tungkol sa all

    Last Updated : 2022-09-28

Latest chapter

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   A DREAM WEDDING Part 2

    A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   A DREAM WEDDING 1

    CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   WISHED A BETTER FUTURE FOR MY BELOVED SISTER

    CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   HEART WHISPER'S

    CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   WE NEED TO FORGET HIM

    CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   ANSELMO'S CHILD

    CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE DECEPTION

    CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   RECONCILIATION ABOUT THE PAST

    CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   BORROWED EMBRACE

    CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status