Hi, updated na ulit sana nagustuhan ninyo... Pasensya na nadaanan kami ng bagyo kaya delayed ang update. Wala pang kuryente at internet kaya baka madelay ang mga update pero sisikapin ko pa rin na ma-update ito. MARAMING SALAMAT GOD BLESS PO SA ATING LAHAT...
CHAPTER 11: The favorPalakad-lakad si Angela sa loob ng kanyang kwarto, kanina pa siya nakauwi pagkagaling sa Hotel pero nag-aalala pa rin siya sa nangyari. Kahit sigurado na siyang maayos na si Mr. Dawson. Dahil nagkausap na sila kanina, malinaw pa rin sa isip niya ang mga sinabi nito gaya nang sinabi nitong.... Mapapatawad nito ang lahat maliban sa kanya. Pero bakit parang siya lang ang sinisisi nito sa nangyari? Gayung hindi naman niya ito ginusto o sinadya.Naalala pa niya na sinabi nito.. "Don't you remember me?" Ang unang mga salitang binigkas nito sa kanya kanina. Kung ganu'n naaalala siya nito at ang sumunod na sinabi nito ang lubhang ikinagulat niya at hindi rin niya inaasahan na sasabihin nito ang mga katagang iyon. "Pero h'wag kang mag-alala babae, hahayaan kitang tapusin ang training mo. Pero may kondisyon, kapag handa ka nang malaman at pumapayag kana sa kundisyon ko. Saka mo na lang ako hanapin.. Maliwanag?" Bakit parang pakiramdam niya sigurado na ito na tatanggapin
Chapter 12: Rejection "So, nagbibiro ka nga Sir?!" Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Angela. Halos pasukan na nang langaw ang bibig niya sa pagkakanganga kanina. Kaya naman ilang segundo muna ang lumipas bago siya nakabawe. "No I'm not, I'm really serious! You hear me right?" Confirm! Tama nga ang dinig niya gusto ni Mr. Dawson na maging nobya siya nito. "Pero bakit Sir, hindi ko maintindihan at saka bakit ako?" Nagtatakang tanong pa ni Angela. "Dahil ikaw ang gusto ko.. Bakit ayaw mo ba sa'kin?" Tanong ng binata sa nang-aarok na tingin. Gusto nitong makita ang reaksyon ni Angela para masagot ang naglalarong mga tanong sa isip nito gaya nang... Kung kaya ba nitong ipagpalit ang Ama o mas gusto ba talaga nito ang kanyang Papa? Subalit nag-iwas lang ng tingin ang dalaga at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Dahil ikaw lang ang alam kong hindi magiging issue ang pagiging girlfriend ko. Beside, hindi naman ang tulad ko ang mga nagugustuhan mo... Right?" Saad ni Joaquin sa m
CHAPTER 13: You are the man, much better than me!_ Bahagyang ginalaw ni Joaquin ang cellphone na hawak niya para malinaw niyang makita. Eksaktong pagharap niya sa screen, nakita niyang nakangiti ang isang batang lalaki na marahil nasa apat o limang taong gulang na.. Hindi! Paanong...? Nakaramdam siya ng kakaibang pagsikdo ng dibdib, kasunod ang pagtigil ng paligid. Bahagya niyang ibinuka ang bibig upang kumuha ng hangin. Dahil tila bumigat rin ang kanyang paghinga.. There's so many questions came into his mind. What is it? Why I looked like myself, in a mirror when I was young. After all those past years, that I've run to refused. Now, no need to confirmed. Should I have to regrets? Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Dahan-dahan siyang nagtaas ng mukha upang harapin si Angela. Subalit nanatili pa ring tikom ang kanyang bibig at nakatingin lang dito. Habang sa kanyang isip naroon ang mga tanong.. Ibang klase ka talaga Papa... Bakit kail
CHAPTER 14: Mr. Dawson GirlfriendLumipas ang mga araw na hindi na nagpakita pa ulit si Mr. Dawson sa Hotel. Hindi niya alam kung bakit pero mas pabor naman 'yun sa kanya. Kaya naman nagpatuloy lang siya sa pagpasok sa Hotel.Nagtataka man na wala isa man ang sumisita sa kanya na parang wala namang nangyari. Normal naman ang pakitungo sa kanya ng mga staff, maging ng mga Admin ng Hotel. Ang lahat ay tulad pa rin ng dati kaya ang buong akala niya wala na siyang magiging problema at hindi na niya makikita pa ito. Naisip niyang baka pinagbigyan na siya nito mula ng malaman nito na isa na siyang pamilyadong tao. May bahagi sa isip niya ang nakakaramdam ng guilt, unang una kasi nagsinungaling siya at ginamit pa niya si VJ para lang papaniwalain ito. Ah' mali man ang kanyang ginawa bahala na! Gusto lang naman niyang umiwas sa gulo.___Mahigit isang buwan ang matuling lumipas simula ng mag-umpisa ang training niya sa Hotel sa pakiramdam niya parang ang tagal na panahon na ang nakalipas, na
CHAPTER 15: The Anxiety attack! "Here take it!" Taas noo niyang inabot dito ang kanyang cellphone na agad namang kinuha ng babae. Hindi niya alam kung bakit naisip niya ang gano'n bagay. Hindi naman niya gustong saktan ito o paglaruan. Ang nais lang niya turuan ito ng leksyon at ipahiya sa sarili. Kung hindi pa rin ito maniniwala sa naisip niyang taktika wala na siyang magagawa para matulungan ang lalaking katabi, na hindi na niya namamalayan na kanina pa naalarma dahil sa kanyang ginawa. Naging mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lang naghisterikal ang babae, kay bilis nitong naniwala sa sinabi niya ng walang gatol pagkakita nito sa picture ng kanyang anak. Bigla na lang hinarap nito si Jeremy at saka tinungayawan. "I waited for you for almost eight years, we become friends but never told me you have a child. Why you keep me a secret? Because of her, to a kitchen girl? I thought, Liscel's only I need to defeat. But why you always never considered me as a woman. You just t
CHAPTER 16: Deal Only in Death Malayo na ang nararating niya subalit wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo. Masasakit na ang kanyang mga paa at ramdam niya na puro galos na rin ang kanyang mga binti. Dahil sa mga tuyong sanga at damo na kanyang nadaraanan. Pero wala na siyang panahong pakiramdaman pa ang mga ito. Hindi na nga niya alam kung saang parte nawala ang kabiyak ng kanyang sapatos. Kahit yata ang mapagod wala na rin siyang karapatan. Kailangan niyang tumakbo upang takasan ang mga humahabol sa kanya. Siguradong hindi siya bubuhayin ng mga ito tulad rin ng ginawa sa mga kasama niya kanina. Hindi siya maaaring mamatay dito kailangan pa niyang makabalik at kailangan pa niyang makauwi sa pamilya niya. "Hihintayin nila ako." Bulong ng pagal niyang isip. Nang bigla na lang.. "plak!" "plak!" "plak!" Tunog ng tila nabulahaw na hayop ang umukupa sa kanyang pandinig. Kasunod nito ang biglang pagputok ng baril. "Bang!!" Kaya sa hinuha niya malapit na ang mga humahabol sa kan
CHAPTER 17: Just Make Me Your Other Man "Hmmp! ano ka ba... ahhh'?!" Tinangka niya itong itulak ngunit hindi man lang ito natinag. Hawak nito ang magkabila niyang pisngi habang mariin siyang hinahalikan sa kanyang labi. Pinilit niyang magpumiglas pero hindi man lang niya maitulak ito palayo. Sinubukan rin niyang mariing isara ang bibig para hindi ito magtagumpay sa paghalik sa kanya. Subalit, tila lalo naman itong na-challenge sa ginawa niyang iyon. Dahil naramdaman niyang pilit din nitong binubuksan ang kanyang bibig, gamit ang pangahas nitong labi. Sinikap naman niyang makipagtagisan sa binata kahit halos hindi na siya makahinga. Subalit lalo pa yata nitong ginalingan ang paghalik sa kanya at mukhang nag-iba rin ito ng taktika. Ang mga kamay nito ay nagsisimula na ring gumalaw at banayad na itong humahaplos sa kanyang likod. Habang ang isa naman ay gumagawa ng sariling landas sa kanyang batok na nagbibigay ng mga mumunting kiliti na ramdam niya hanggang sa kanyang talampakan
CHAPTER 18: A Man at the BackKasalukuyang nag-uusap pa rin si Joseph at Angela ng may maalala si Joseph..."Yun nga pa lang anak mo iyak ng iyak hinahanap ka. Bakit daw hindi mo siya tinatawagan. Ayaw nga sanang kumain, mabuti na lang kasama ko si Maru' ayun nagkasundo 'yun dalawa." Bigla siyang nakaramdam ng pagbigat ng pakiramdam. Dahil sa sinabi nito para na rin niyang nakikita ang itsura ni VJ habang nagtatantrum ito. Hindi tuloy niya napigilan ang bahagyang pangingilid ng kanyang luha. Kasunod ng pagbuntong-hininga."Nasaan si VJ p-pwede ko ba siyang makausap ngayon?" Aniya."Oo teka titingnan ko kung tapos na siyang kumain. Tiyak na matutuwa yun! Pero ok ka lang ba talaga?" Sa huli tanong pa ulit nito."Okay lang ako na-mimiss ko na siya, sige na gusto ko na siyang makausap.. Sandali ioopen ko ang messeger ko. Para doon kami makapag-usap, gusto ko rin kasi siyang makita io-off ko muna ha'." Saglit muna niyang pinatay ang linya, para magbukas ng ibang apps.Habang si Joseph..
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag