Hi everyone, One Chapter to go... Before Finale, sana nagustuhan n'yo ito kahit simple lang ang story ko. Pero sa totoo lang pinaghirapan ko ito. Marami akong naiisip para sa istorya na ito pero masyado nang mahaba kaya plano kong ituloy ang story sa ibang karakter... Kaya magkakaroon ng series 2 at ginagawa ko na po ito. Sana support n'yo pa rin ako... Sa mga nagbasa nagvote o nagbibigay ng Gem at sumusuporta sa AFTER ALL 1 sa story ni Angela at Joaquin... Hindi ko na kau iisa isahin basta maraming maraming salamat po sa inyong lahat! THANK YOU, SALAMUCH! 💕HANGGANG SA MULI... 💚💙💜 GOD BLESS PO SA ATING LAHAT! 🙏
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 1: "Deretso ka lang huwag kang hihinto, bilisan mo pa!" Malakas na sigaw ng lalaki sa driver ng van, ang kanilang sinasakyan nang mga oras na iyon. Nakapwesto ito sa mismong likod ng driver kaya madali nitong nauutusan ang driver at tila ito rin ang tumatayong lider ng grupo. Dahil kanina pa, ito na ang nagmamando sa lahat. Kung titingnan isa lang itong simpleng lalaki na may manipis na bigote at balbas na akala mo hindi makagagawa ng masama. Hindi talaga nakikita sa itsura lang ang tunay na katauhan ng isang tao.. Mula pa kanina halos manginig na sila sa takot at pilit ring nagsusumiksik sa loob ng sasakyan. Tatlo silang babae na kinuha ng limang kalalakihan, pagkatapos pasukin ang Bus at magdeklara ng hold-up ang mga ito kanina. Ginawa silang hostage upang proteksyunan ang mga sarili. Mula sa Bus na sinakyan nila kanina, hanggang sa sapilitan silang isakay sa isa pang sasakyan. Sa pagkakaalam niya may isa pang sasakyan na kasama ng grupo ngunit wala na ito ngayon. Mar
CHAPTER 2:"Huwaaag!" Malakas niyang sigaw.Isang malakas na pagtili ang hindi napigilang umalpas sa kanyang bibig.Kagaya rin ng hindi niya nagawang paghandaan ang sumunod na pangyayari ng bigla na lang haklitin ng lalaki ang harapan ng kanyang damit. Dahilan upang magturitan ang butones ng kanyang blusa.Ngunit mas higit niyang pinagtuunan ng isip ang makaligtas.Sa tulong ng liwanag ng buwan, bahagya na niyang naaaninag ang paligid. Pilit rin niyang pinapagana ang utak sa kabila ng nangyayari.Hanggang sa may napansin siyang isang maliit na bagay, na tila isang matulis na stick. Makakaya niya itong abutin basta kailangan lang niyang maging maingat. Alam niyang kung ikukumpara sa baril na hawak ng mga ito wala 'yong magagawa. Pero kailangan pa rin niyang subukan at paganahin ang isip..Kasalukuyan nang hinuhubad ng lalaki ang suot na pantalon ng bigla na lang makarinig sila nang.... "Bang!"Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.Dahilan para mapatigil ang
CHAPTER 3: The Cheater's and her Lover's JOAQUIN JEREMY DAWSON ALQUIZA "I love you.. Honey! I love you.. Lizzy! Lizcel Borromeo! Mahal kita!hahaha.." Malakas niyang sigaw ng dahil sa katuwaan na sinabayan pa niya ng paghalik sa nobya. Masayang-masaya siya ng gabing iyon. "Hey! Ano ka ba Joaquin tumigil ka nga! Ang corny mo! Bawiin ko na lang kaya!hihihi" Pabirong saad pa ni Liscel. "Ano ka wala ng bawian 'yon ha!" Niyakap niya ito ulit ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Oh! Sige na shower lang muna ako." Biglang iwas naman ng dalaga na hindi nagpahalata "Baka hindi ako dito matulog ngayon, uuwi ako sa bahay." Saad ulit ni Liscel na tila ba may pagmamadali, na para bang walang naganap kanina lang.. "Ha! Bakit, akala ko pa naman dito ka na matutulog gabi na ah?! Ngayon lang tayo nagkita ulit iiwan mo na ako agad?!" Saad ni Joaquin, nasa tono rin nito ang lungkot dahil sa sinabi ng nobya. "Hey! Honey h'wag ka nang malungkot, namiss kasi kita kaya ako narito ngayon. Pero alam mo
CHAPTER 4: The Cheater's Dahil kilala na si Joaquin ng mga guard, hindi na siya nahirapang makapasok sa loob ng subdivision. Maging sa loob ng bakuran ng bahay nila Liscel, agad siyang pinapasok ng guard. Madalas na kasi siyang nagpupunta sa bahay ng mga Borromeo kaya't kilalang kilala na rin siya sa lugar na iyon. Hindi naman nagtagal may nagbukas na rin ng pinto. Ang matagal nang kasambahay ng pamilya Borromeo si Manang Fe. Nagulat pa ito at saglit na natulala ng mabungaran si Joaquin sa labas ng pinto. Kaya si Joaquin na ang unang nagsalita at bumati sa matandang babae. Bakit ba pakiramdam niya napilitan lang itong ngumiti, ngunit binalewala na lang niya ito. "Magandang gabi po! Manang Fe' si Liscel po tulog na ba?" Nakangiting pagbati at tanong niya sa matanda. Nanatili lang siyang walang kibo kahit napansin niya ang tila pamumutla nito at halata rin ang pagkabalisa pagkakita sa kanya. O baka naman napaparanoid na siya at nag-oover thinking? "S-sir! Kayo po pala, ano po a
CHAPTER 5: I'M NOT, THE FATHER"Maawa? Hindi ka nakakaawa Liscel, wala kang kwenta!" Dapat magpasalamat pa nga ito at napigilan pa siya ni Manang Fe kanina kung hindi baka napatay na niya ito sa sakal."Joaquin, patawarin mo'ko hindi ko talaga sinasadya mag-usap muna tayo, please!" Umiiyak na pakiusap ni Liscel. Hindi ito makakapayag na mauuwi rin sa wala ang lahat... Paano na? Siguradong malalagot ito sa sariling Ama ng dahil sa kapabayaan nito. Iyon ang nasa isip ni Liscel ng mga oras na iyon. Kaya ginagawa nito ang lahat huwag lang silang maghiwalay."Patawarin? Tang***! Ano bang akala mo, nakipaglaro ka lang ng bahay bahayan sa kapitbahay? Pagkatapos mong makipaglaro sa'kin naghanap ka pa ng ibang kalaro mo!"Joaquin maniwala ka naman sa'kin, hindi ko ito ginusto pinilit niya lang ako! Ikaw talaga ang mahal ko.""Sinungaling! Kailan mo pa ako niloloko ha', kailan n'yo pa ako ginagago ng hayup na lalaking 'yan ha?!" Malakas niyang sigaw kay Liscel at gigil na hinawakan niya ito sa
C-6: MARY ANGELINE ALQUIZA _ 5 YEARS LATER... "Hindi! Hindi nila ako dapat maabutan." Mabilis siyang tumatakbo kahit pa nakayapak at ramdam na niya ang hapdi ng kanyang mga paa at binti. Ngunit sadyang kailangan pa rin niyang magpatuloy sa pagtakbol. Dahil... "Papatayin nila ako!" Muling sigaw ng isip niya. Kung may ibibilis pa ang kanyang mga paa, gagawin niya ito! Huwag lang siyang abutan ng mga taong humahabol sa kanya. "Diyos ko tulungan n'yo po ako!" Hah! Hah! Hah! Halos hindi na siya makahinga ngunit, kailangan pa niyang bilisan ang pagtakbo.. Takbo.... Takbo! "Malapit na sila..." Dahil naririnig na niya ang mga yabag. Palapit na ito ng palapit... Hindi! Muling napuno ng takot ang kanyang dibdib, kasabay ng tanong... "Ito na ba ang aking katapusan?!" Hindi ito maaari, Diyos ko po! Bakiiit? Ilang sandali pa ang lumipas ng makarinig siya ng sunod sunod na pagputok ng baril. Maging ng papalapit na mga boses na hindi niya mawari kung saan ba nagmumula?
CHAPTER 7: JOAQUIN "Hello! Alquiza resident. Angela's speaking. What can I help you?" Malinaw na narinig niya ang sagot ng babae sa kabilang linya. Hindi siya maaaring magkamali tama naman ang pagkarinig niya. Ngunit nais pa rin niyang makasiguro... "Hello! Who are you again?" Muling tanong ni Joaquin sa naiirita nang tono, sadya niyang idiniin ang pagsasalita para iparating dito na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Subalit... "I said its Angeline Alquiza. Who's on the line please..?" Mayabang na sagot pa ng babae. WTF! Did I heard right? Naguguluhan niyang saad sa sarili, Bakit nito ginagamit ang pangalan ng kapatid niya at sa loob pa mismo ng kanilang pamamahay. Sino ba ang babaing ito at ang lakas ng loob? "Fvck! Who the hell are you? Are you fvcking insane, for using my sister's name? Damn it! Did you trying to fooled me. Ha?" Sigaw niya dito, sigurado siyang malinaw nitong narinig ang mga sinabi niya. Marahil bago lang itong kasambahay, kaya hindi siya nito kilala. Pe
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag