Share

LOVE OR DECEPTION

last update Last Updated: 2022-06-29 20:25:28

CHAPTER 3: The Cheater's and her Lover's

JOAQUIN JEREMY DAWSON ALQUIZA

"I love you.. Honey! I love you.. Lizzy! Lizcel Borromeo! Mahal kita!hahaha.." Malakas niyang sigaw ng dahil sa katuwaan na sinabayan pa niya ng paghalik sa nobya.

Masayang-masaya siya ng gabing iyon.

"Hey! Ano ka ba Joaquin tumigil ka nga! Ang corny mo! Bawiin ko na lang kaya!hihihi" Pabirong saad pa ni Liscel.

"Ano ka wala ng bawian 'yon ha!" Niyakap niya ito ulit ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Oh! Sige na shower lang muna ako." Biglang iwas naman ng dalaga na hindi nagpahalata

"Baka hindi ako dito matulog ngayon, uuwi ako sa bahay." Saad ulit ni Liscel na tila ba may pagmamadali, na para bang walang naganap kanina lang..

"Ha! Bakit, akala ko pa naman dito ka na matutulog gabi na ah?! Ngayon lang tayo nagkita ulit iiwan mo na ako agad?!" Saad ni Joaquin, nasa tono rin nito ang lungkot dahil sa sinabi ng nobya.

"Hey! Honey h'wag ka nang malungkot, namiss kasi kita kaya ako narito ngayon. Pero alam mo naman na may trabaho pa ako, madaling araw ang alis namin bukas. Kaya kailangan kong magready, nasa bahay pa 'yong mga gamit ko. Besides nakapag-usap naman na tayo tungkol sa wedding, okay na 'yun. Ako na bahalang magsabi kay Daddy at ikaw naman ang humanap ng Wedding Organizer para mag-asikaso ng kasal natin, okay lang ba 'yon? Promise a week before our wedding pahinga na ako, Okay?" Tila ba napaka-simple lang na pahayag ni Liscel sa kanya.

"Ah! Bakit ba lagi na lang niyang inuuna ang career niya? Kung minsan nakakainis na!" Bulong ng isip ni Joaquin ngunit hindi naman niya maisatinig at hindi rin niya magawang magreklamo. Natatakot kasi siyang bawiin pa nito ang pagpayag na magpakasal sa kanya at baka mag-away pa sila.

"Hon! Sige na please!" Pakiusap pa ni Liscel, niyakap nito si Joaquin at naupo pa sa kandungan nito. Habang nakaupo naman si Joaquin sa gilid ng kama.

Nakasuot na ito ng roba at handa na rin sanang maligo.

Alam ni Liscel na ito ang kahinaan ni Joaquin kapag naglalambing na siya. Sigurado siyang mahal siya ng nobyo at hindi rin matatangihan.

Pagganito na si Liscel nalulusaw na ang inis ni Joaquin sa nobya.

"Sige na nga, maligo kana!" Saglit na huminga muna siya ng malalim at muling nagpatuloy. "Para maihatid na rin kita sa inyo." Hindi na rin nito natiis si Liscel.

"Nope! Huwag na, kaya ko namang magdrive, magpahinga ka na lang kagagaling mo lang sa b'yahe, kaya matulog kana alam kong pagod ka. Huwag kang mag-aalala, tatawag naman ako kapag nasa bahay na ako, okay?" Hindi na rin siya tumutol sabagay medyo malapit naman ang Makati sa San Juan.

"Sige na, bahala ka na nga!" He sighed again.

"Hon! Galit ka ba?" Tanong ni Liscel habang pinagmamasdan siya nito.

"Hindi ako galit sige na maligo ka na!"

"Sure ka Hon? I love you!" Saad ni Liscel at ngumiti ng ubod ng tamis. Kaya naman tuluyan ng nalusaw ang ano mang tampo ni Jaquin sa nobya.

"Sige na, ligo na! O sabay na lang kaya tayo?" Pabiro pa itong pinalo ni Joaquin sa puwit, kaya patakbo itong pumasok ng banyo habang tumatawa. Nagpanggap itong hindi narinig ang huling sinabi niya.

Habang sa isip ni Joaquin.. Ang ganda talaga ng fiancee ko, hindi kataka taka na isa siyang modelo. Mataas si Liscel at balingkinitan ang katawan morena, magandang magdala ng damit at maayos sa sarili. Baka nga manalo pa ito kung sasali sa Miss Universe. Proud na bulong pa niya sa sarili.

Pagkatapos maligo ni Liscel agad na rin itong nagpaalam para umalis. Hinatid lang niya ito sa elevator, hindi na ito nagpahatid pa sa kanya sa ibaba, mas kailangan daw kasi niya ang pahinga.

May kakaiba man siyang nararamdaman ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin. Pagkahatid niya kay Liscel, agad na rin siyang bumalik sa kanyang kwarto at naligo.

Pagkatapos humiga na rin siya sa kama upang magpahinga. Dahil hindi pa naman siya nakakaramdam ng antok kaya habang nakahiga mataman siyang nag-isip.

Panahon na siguro para isipin niya ang sarili, sa idad niya ngayong bente tres.

Marami na rin siyang na-achieved, at the age of twenty one, he was graduated with flying colors a cum lau'de. Aside from that, he was a top 3 in board exam. Sino ba ang tatanggi sa kanyang magpakasal?

Siya si Joaquin Jeremy Alquiza, isa siyang Account Executive hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Siya rin ang nagme-maintain ng Family Business nila sa loob at labas ng bansa. Bilang isang Hotelier ang Hotel and restaurant nila sa Italy at Hotel and resort sa Australia ay kabilang sa mga priorities niya.

Bukod pa sa nakatakda niyang manahin sa kanyang abwelo, marami pa siyang assets para hindi siya maghirap sa buhay maging ang kanyang magiging pamilya.

Dalawa lang silang magkapatid, ang kanyang kuya Joseph na isa nang Architect. Nagtratrabaho ito sa isang constraction firm, na pag-aari ng kaniyang Tito Andrew na asawa ng kapatid ng kanyang Papa. Bilang representative ng share ng kanilang Ama sa kompanya nito.

Ang kanilang ama na si Liandro Alquiza ang tumatayong ama at ina sa kanilang magkapatid. Simula pa noong siya ay 3 taong gulang pa lamang. Sabay kasing namatay sa isang aksidente ang kanyang Mama at Ate Angel. Ayon na rin sa kwento ng kanyang Papa, tumaob ang bangkang sinasakyan nila noon, nang minsang ipasyal sila ng kanyang Mama sa laot.

Madalas daw ipasyal sila ng kanilang ina sa dagat, ngunit noong araw na iyon isang trahedya ang nangyari. Huli na ng maabutan sila ng kanyang ama, nakita na lang nito na mag-isa na lang siya sa bangka.

Basang-basa siya at umiiyak, tinatawag niya ang ina at kapatid. Hinanap ng ama nila ang asawa at panganay na anak, pero patay na ng matagpuan ang mga ito sa dagat.

Base sa teyorya ng kanyang ama nailigtas siya ng Ina ngunit hindi ang panganay na anak na babae at marahil magkasama ang mga itong tinangay ng dagat.

Mahabang panahon din, bago naka-recover si Joaquin. Madalas siyang dinadalaw ng masamang panaginip, nagigising na umiiyak. Hanggang sa kalaunan unti-unti rin namang nalagpasan niya ang lahat.

------------

Nasa parking lot na si Liscel sa ibaba ng Condo, nang isang lalaki ang sumalubong dito. Bigla siya nitong hinawakan sa braso at hinila papasok sa isang sasakyan.

Nagulat si Liscel sa umpisa, subalit nang makilala na nito ang lalaki ay agad rin ngumiti....

"Bakit ang tagal mo bumaba, nasarapan ka na ba sa kandungan ng lalaking 'yon? Kaya nakalimutan mo na ako, kanina pa ako dito ah!" Sa tono nitong nagtitimpi ng galit.

"Ano ka ba naman Warren, nagseselos ka ba? Alam mo namang hindi ganu'n kadaling lusutan si Joaquin, buti nga hindi siya nakahalata!" Sagot ni Liscel sa kausap na lalaki.

"Kailan mo ba talaga balak hiwalayan ang gagong 'yon?" Muling tanong nito bago kinalma ang sarili...

"Alam mo namang hindi pa p'wede ngayon, para din naman sa atin ito. Lagot ako kay Daddy kapag ngayon ako nakipaghiwalay, lalo na at may balak si Daddy na pumasok sa pulitika. Malaki kasi ang maitutulong ni Tito Liandro sa kanya." Paliwanag ni Liscel dito.

"At ako walang maitutulong, kaya isasantabi mo na lang ako ganu'n ba?" Sagot naman nito.

"Ano ka ba? Hindi ngayon ang oras para mag-inarte ka. Alam mo naman na ikaw ang mahal ko, kaya p'wede ba huwag ka munang makisabay ngayon." Pakiusap ni Liscel at kasunod nito... "Pumayag na nga pala akong magpakasal sa kanya." Malinaw nitong saad.

"What? So tapos na tayo ganu'n?" Iritableng tanong pa nito.

"Pwede bang pakinggan mo muna ako, alam mong magpapakasal lang naman ako sa kanya para sa kapakanan namin ni Daddy. Pwede namang magfile ng annulment, ako na ang bahala doon. Kapag nakuha na ni Daddy ang gusto niya, hindi na 'yon tututol kahit hiwalayan ko si Joaquin. Saka malaki rin ang nagagawa niya sa modeling career ko. Alam mo namang siya ang sumusuporta sa akin sa mga gastusin ko." Sabi pa ni Liscel.

"Ano nga ba ang magagawa ko. Eh' hindi naman ako kasing yaman ng gagong 'yon!" Sagot nito na puno ng insikyuridad.

"Sweetheart! Hayaan mo na lang muna ako okay? Promise, pagkatapos naman ng lahat ng ito magsasama na rin tayo at hindi na maghihiwalay okay?" Dagdag na paliwanag ni Liscel sa lalaki. Saglit naman itong humugot ng paghinga at saka sinimulan na ring paandarin ang sasakyan. Makalipas lang ang ilang sandali, nakarating na pala sila sa bahay nila sa San Juan.

"Please!" Muling sinuyo ni Liscel ang lalaki, habang bumababa sila ng sasakyan.

"Sige na, pumasok na tayo sa loob ng bahay n'yo. Sandali nga pala, sigurado ka bang hindi uuwi ang parent's mo ngayon?" Tanong nito.

"Hindi! Next week pa ang balik nila dito, one week sila sa Cebu kaya libre tayo manatili dito for a week." Malambing na saad ni Liscel habang panay ang baba at taas ng kamay nito sa braso ng lalaki.

"Paano si Joaquin?" Kunwari namang hindi ito apektado kahit na kanina pa rin ito nasasabik sa babaing kalaguyo.

"Ako na ang bahala doon, huwag kang mag-alala, head over hills naman 'yon sa akin kaya hindi 'yun makakahalata. Saka tuwang tuwa siya nang pumayag na ako sa kasal. Kaya kahit anong sabihin ko doon, tiyak na makikinig iyon sa akin." Kampanteng saad ng dalaga.

"Sabagay tatanga-tanga naman talaga 'yon at sa sobrang pagmamahal yata sayo. Nakalimutang matalino siya!hahaha." Tuso itong tumawa.

Pagpasok nila ng bahay. Agad bumungad sa kanila si manang Fe' nabigla man sa nakita wala naman itong magagawa.

"Halika na, doon na tayo sa room mo." Agad na bulong ni Warren. Habang panay naman ang kagat nito sa punong tainga ng dalaga. Wala rin itong pakialam sa presenya ng matandang kasambahay.

"Sandali lang Manang nagugutom pala ako, dalhan n'yo kami ng snack sa itaas bilisan n'yo ha?" Walang pasintabi na utos naman ni Liscel sa matanda.

"Opo Mam!" Maikling sagot nito, nakatingin lang ito sa dalawa. Hindi na kasi bago sa matanda ang pangitaing ito. Dahil matagal na itong ginagawa ng amo.

"Ayaw mo bang ako na lang ang kainin mo?" Saad pa ng binata habang nakapulupot ang mga braso sa beywang ng babae.

"Sira!hihihi" Humagikgik na tila ba kinikiliti naman ang dalaga.

Parehong walang pakialam kahit sino pa ang makakita sa mga ito.

Pumanhik na rin agad ang dalawa, na sinundan ng lihim na pag-ismid ng matanda ng tumalikod na ang mga ito. Napapailing na lang ang matandang kasambahay, kilala din kasi nito si Joaquin at nakakaramdam ito ng awa para sa totoong nobyo ng Amo. Subalit wala siyang magawa, kabisado niya ang ugali ng mga amo lalo na si Liscel.

---------------

Nakahanda na sanang matulog si Joaquin ng may mapansin siya sa kabilang side ng kama, nang pulutin na niya ito. Isa pa lang pocket organizer, saglit na binuklat-buklat pa niya ito upang malaman kung sino ba ang nagmamay-ari ng Organizer?

Iniisip na niyang kay Liscel ito gusto lang niyang makumpirma. Dito nakalagay ang schedule ng mga photoshoot ng dalaga dito sa Pilipinas. Naisip rin niya na maaaring mahalaga itong organizer.

Ngunit may napansin siyang kakaiba "Teka, wala naman siyang schedule para bukas ah', bakit siya nagsinungaling sa akin?" Pabulong na tanong niya sa sarili.

Nagtataka man hindi na lang niya ito binigyang pansin. Baka naman nabago? Para kasing may kausap ito sa phone kanina, nang saglit siyang magpunta ng banyo. Narinig pa nga niyang agad itong nagpaalam sa kausap ng palabas na siya, hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin. May tiwala naman siya kay Liscel alam niyang hindi siya nito magagawang lokohin.

Saglit siyang nag-isip, hanggang sa huli nagpasya siyang kunin na ang susi ng kotse at umalis. Naisip niyang dalhin na lang itong organizer sa bahay nila Liscel, tutal maaga pa naman.

_______

BORROMEO'S RESIDENT

"Magandang gabi po! Manang Fe' si Liscel po tulog na ba?" Magalang na pagbati ni Joaquin sa matandang babae ng pagbuksan siya nito ng pinto.

Kabisado na ni Joaquin na si manang Fe ang palaging nagbubukas ng pinto. Kaya naman palagi siyang may nakalaang masayang ngiti para sa matanda.

"S-sir! Kayo po pala, a-ano po ang ginagawa n'yo dito? H-hindi kayo dapat naparito" Sunod sunod at tila nalilitong saad ni manang Fe.

Nakapagtataka?

Hindi man niya maintindihan pero parang may napansin siyang kakaiba sa kilos ng matanda. Para kasing hindi ito mapakali ng mga oras na iyon at napansin rin niyang panay ang tingin nito sa likuran.

Bahagya lang nitong ibinukas ang sliding door at tila humarang pa ito sa kanyang daraanan.

Kaya ng malingat ito tuloy- tuloy na siyang pumasok.

Subalit...

____

"Nakuh! Huwag sandali lang anak!" Paghabol nito sa kanya at sinubukan pa siya nitong pigilan sa kanyang braso. Kaya't muli siyang napalingon na puno ng pagtataka!

A-ano bang problema nito?

*****T. Y.

By: LadyGem25

06-29-22

Related chapters

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   CAUGHT ON THE ACT

    CHAPTER 4: The Cheater's Dahil kilala na si Joaquin ng mga guard, hindi na siya nahirapang makapasok sa loob ng subdivision. Maging sa loob ng bakuran ng bahay nila Liscel, agad siyang pinapasok ng guard. Madalas na kasi siyang nagpupunta sa bahay ng mga Borromeo kaya't kilalang kilala na rin siya sa lugar na iyon. Hindi naman nagtagal may nagbukas na rin ng pinto. Ang matagal nang kasambahay ng pamilya Borromeo si Manang Fe. Nagulat pa ito at saglit na natulala ng mabungaran si Joaquin sa labas ng pinto. Kaya si Joaquin na ang unang nagsalita at bumati sa matandang babae. Bakit ba pakiramdam niya napilitan lang itong ngumiti, ngunit binalewala na lang niya ito. "Magandang gabi po! Manang Fe' si Liscel po tulog na ba?" Nakangiting pagbati at tanong niya sa matanda. Nanatili lang siyang walang kibo kahit napansin niya ang tila pamumutla nito at halata rin ang pagkabalisa pagkakita sa kanya. O baka naman napaparanoid na siya at nag-oover thinking? "S-sir! Kayo po pala, ano po a

    Last Updated : 2022-08-17
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE UNEXPECTED THINGS HAPPEN

    CHAPTER 5: I'M NOT, THE FATHER"Maawa? Hindi ka nakakaawa Liscel, wala kang kwenta!" Dapat magpasalamat pa nga ito at napigilan pa siya ni Manang Fe kanina kung hindi baka napatay na niya ito sa sakal."Joaquin, patawarin mo'ko hindi ko talaga sinasadya mag-usap muna tayo, please!" Umiiyak na pakiusap ni Liscel. Hindi ito makakapayag na mauuwi rin sa wala ang lahat... Paano na? Siguradong malalagot ito sa sariling Ama ng dahil sa kapabayaan nito. Iyon ang nasa isip ni Liscel ng mga oras na iyon. Kaya ginagawa nito ang lahat huwag lang silang maghiwalay."Patawarin? Tang***! Ano bang akala mo, nakipaglaro ka lang ng bahay bahayan sa kapitbahay? Pagkatapos mong makipaglaro sa'kin naghanap ka pa ng ibang kalaro mo!"Joaquin maniwala ka naman sa'kin, hindi ko ito ginusto pinilit niya lang ako! Ikaw talaga ang mahal ko.""Sinungaling! Kailan mo pa ako niloloko ha', kailan n'yo pa ako ginagago ng hayup na lalaking 'yan ha?!" Malakas niyang sigaw kay Liscel at gigil na hinawakan niya ito sa

    Last Updated : 2022-08-28
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   BAD DREAMS

    C-6: MARY ANGELINE ALQUIZA _ 5 YEARS LATER... "Hindi! Hindi nila ako dapat maabutan." Mabilis siyang tumatakbo kahit pa nakayapak at ramdam na niya ang hapdi ng kanyang mga paa at binti. Ngunit sadyang kailangan pa rin niyang magpatuloy sa pagtakbol. Dahil... "Papatayin nila ako!" Muling sigaw ng isip niya. Kung may ibibilis pa ang kanyang mga paa, gagawin niya ito! Huwag lang siyang abutan ng mga taong humahabol sa kanya. "Diyos ko tulungan n'yo po ako!" Hah! Hah! Hah! Halos hindi na siya makahinga ngunit, kailangan pa niyang bilisan ang pagtakbo.. Takbo.... Takbo! "Malapit na sila..." Dahil naririnig na niya ang mga yabag. Palapit na ito ng palapit... Hindi! Muling napuno ng takot ang kanyang dibdib, kasabay ng tanong... "Ito na ba ang aking katapusan?!" Hindi ito maaari, Diyos ko po! Bakiiit? Ilang sandali pa ang lumipas ng makarinig siya ng sunod sunod na pagputok ng baril. Maging ng papalapit na mga boses na hindi niya mawari kung saan ba nagmumula?

    Last Updated : 2022-09-10
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE CALLER

    CHAPTER 7: JOAQUIN "Hello! Alquiza resident. Angela's speaking. What can I help you?" Malinaw na narinig niya ang sagot ng babae sa kabilang linya. Hindi siya maaaring magkamali tama naman ang pagkarinig niya. Ngunit nais pa rin niyang makasiguro... "Hello! Who are you again?" Muling tanong ni Joaquin sa naiirita nang tono, sadya niyang idiniin ang pagsasalita para iparating dito na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Subalit... "I said its Angeline Alquiza. Who's on the line please..?" Mayabang na sagot pa ng babae. WTF! Did I heard right? Naguguluhan niyang saad sa sarili, Bakit nito ginagamit ang pangalan ng kapatid niya at sa loob pa mismo ng kanilang pamamahay. Sino ba ang babaing ito at ang lakas ng loob? "Fvck! Who the hell are you? Are you fvcking insane, for using my sister's name? Damn it! Did you trying to fooled me. Ha?" Sigaw niya dito, sigurado siyang malinaw nitong narinig ang mga sinabi niya. Marahil bago lang itong kasambahay, kaya hindi siya nito kilala. Pe

    Last Updated : 2022-09-14
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE FIRST MET

    Chapter 8: ANGELA'S POV: _ San Marco Venice, Italy Nasa isang apartment na sila na pinili ni Liandro upang kanilang tuluyan habang narito sila sa Venice. Maluwang at maganda ang apartment, may tatlong kwarto at dalawa rin ang comport room. Kombinyente at maganda ang ambience at higit sa lahat malapit ito sa Hotel, kung saan sila nagte-traning(OJT). Halos one week na sila dito kasama ang dalawa pa niyang kaklase na sina Diane at Alyana. Kaya naman mag-one week na rin na hindi niya nakakatabi si VJ nasasabik na siya agad dito, kahit pa gabi gabi niya itong kausap sa phone o video call. Iba pa rin talaga 'yun katabi niya itong matulog at ano mang oras nagagawa niya itong yakapin at halikan. Makatagal kaya siya ng 3 months, kung ngayon pa lang miss na miss na niya ito? Iyon ang nasa isip niya ng biglang magsalita si Alyana.. "Bessy tayo na! Baka ma-late na tayo." Tulad niya nakasuot na rin ito ng uniform na ginagamit nila sa Hotel, longsleeve blouse, pencil cut na skirt na pinat

    Last Updated : 2022-09-21
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   MISTAKE

    Chapter 8: Someone who just met before... Abala ang lahat sa kitchen sa araw na ito. Maaga rin silang pumasok upang tumulong sa Hotel. Marami kasing darating na guest ngayon. Bukod sa may magaganap na convention sa loob ng tatlong araw. Kaya pala nag-meeting ang mga empleyado kahapon at kinausap naman sila ng head Chef. Nagrequest ang admin ng Hotel na kung may free time. Pumasok sila ng mas maaga, isasama daw sila sa working pay o payroll slip sa loob ng 3 araw. Bilang incentives bukod pa ang bayad sa overtime. Ah, hindi na masama sa isip niya. Ito rin ang first assignment nila sabi ng kanilang head supervisor... "This is the right time to proved yourselves." Kung karapat-dapat ba silang bigyan ng pagkakataon at magandang puntos. Upang patunayan ang kanilang mga sariling kakayahan sa pinili nilang Propesyon. Hay, nakakachallenge naman! Para sa kanilang mga nag-aaral pa lang, isa itong magandang oportiyunidad at experience. In-assign rin sila sa ibat-ibang department.

    Last Updated : 2022-09-22
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   NEGLECTION

    CHAPTER 10: My Dad's Secret Woman Vista de Grande Hotel and Restaurant. After a few minutes, nadala rin agad ang binata sa Ospital, kasama ang babae na marahil ay nobya nga nito kaya napanatag na rin ang lahat. Maliban lang sa kanya na puno pa rin ng kaba hanggang sa mga oras na iyon. Dahil sa may posibilidad na ang kinain nitong dessert ang dahilan ng nangyari dito. Hindi na siya mapakali, may hinala na kasi siya kanina pa. Dahil lihim na niya itong pinagmamasdan kanina habang nasa dining area. Kaya alam niya nang kainin nito ang mga dessert na ginawa niya. Pero bakit siya nagka-gano'n wala naman talaga siyang inilagay na masamang sangkap sa ginawa niya at sigurado siyang malinis ang kanyang pagkakagawa. May isang bagay siyang naiisip,, posible kayang, allergy? Bigla kasi niyang naalala si VJ meron din kasi itong allergy sa pagkain na tulad daw sa Daddy nito. Nang minsang kasing umiinom siya ng kape nakisalo ito sa kanya, ito rin 'yun time na nalaman nila ang tungkol sa all

    Last Updated : 2022-09-28
  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE CONDITION

    CHAPTER 11: The favorPalakad-lakad si Angela sa loob ng kanyang kwarto, kanina pa siya nakauwi pagkagaling sa Hotel pero nag-aalala pa rin siya sa nangyari. Kahit sigurado na siyang maayos na si Mr. Dawson. Dahil nagkausap na sila kanina, malinaw pa rin sa isip niya ang mga sinabi nito gaya nang sinabi nitong.... Mapapatawad nito ang lahat maliban sa kanya. Pero bakit parang siya lang ang sinisisi nito sa nangyari? Gayung hindi naman niya ito ginusto o sinadya.Naalala pa niya na sinabi nito.. "Don't you remember me?" Ang unang mga salitang binigkas nito sa kanya kanina. Kung ganu'n naaalala siya nito at ang sumunod na sinabi nito ang lubhang ikinagulat niya at hindi rin niya inaasahan na sasabihin nito ang mga katagang iyon. "Pero h'wag kang mag-alala babae, hahayaan kitang tapusin ang training mo. Pero may kondisyon, kapag handa ka nang malaman at pumapayag kana sa kundisyon ko. Saka mo na lang ako hanapin.. Maliwanag?" Bakit parang pakiramdam niya sigurado na ito na tatanggapin

    Last Updated : 2022-10-01

Latest chapter

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   A DREAM WEDDING Part 2

    A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   A DREAM WEDDING 1

    CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   WISHED A BETTER FUTURE FOR MY BELOVED SISTER

    CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   HEART WHISPER'S

    CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   WE NEED TO FORGET HIM

    CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   ANSELMO'S CHILD

    CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   THE DECEPTION

    CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   RECONCILIATION ABOUT THE PAST

    CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa

  • AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)   BORROWED EMBRACE

    CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag

DMCA.com Protection Status