Share

chapter 2 A man that I loved Or A man that he loved me

Kinaumagahan ay nagising si Helomina dahil sa alarm clock. Kinalikot Kasi niya iyon kagabi noong matutulog na ito para mag-set Ng oras. May pasok Kasi ito sa opisina ngayong araw dahil lunes at isang linggo siyang absent dahil sa kasal Ng pinsan. At kailangan na niyang bumalik sa opisina. Maaga Ang pasok nito alas siyete ng umaga kailangan ay nasa opisina na ito.

O...Helomina Kumain kana baka malate ka sa opisina. Katok ni mama sa pinto ng kuwarto ko. Opo mama... bababa na Po ako nagbibihis lang Po ako. Sige bilisan mo diyan. Opo...sagot ni Helomina sa nanay niya.

Katatapos lang ni Helomina sa pagkain at pumunta ito Ng kusina para magsipilyo. Nang matapos ito sa pagsisipilyo ay dali-dali itong pumasok sa kanyang kuwarto para kunin Ang mga gamit. Mama...Papa... aalis na Po ako... pa alam nito sa mga magulang. Si Kuya Allen mo baka nasa labas na sabi niya Kasi ihahatid ka na raw sa opisina mo. Sige Po mama... at agad nang lumabas si Helomina. Close talaga silang magpinsan dahil sila na lamang Ang magpinsan na naririto sa Pilipinas.

O...Mina sumakay kana... Saad Ng pinsan. At agad Naman itong sumakay sa kotse. At noong ambang papalabas na Ang sasakyan sa gate ay biglang may humarang na itim na kotse. At nagulat ito dahil pamilyar Ang kotseng iyon sa kanya.

Miguel... gulat na saad nito sa isipan. Anong ginagawa niya rito? tanong nito sa isipan. Tinutoo ba niya Ang sinabi niyang pupunta rito? Naku...! anong gagawin ko... hindi tuloy siya makahinga dahil sa biglang pagdating ni Miguel. At Ng lumabas si Ate Mary ay agad na itong nakahinga Ng maluwag. Dahil alam niyang hindi siya Ang dahilan Kung bakit naroon ito.

Bumaba si Kuya Allen para salubungin Ang Asawa. at Ako Naman ay naiwan lang sa sasakyan. Hindi ko alam Ang pinag- uusapang ng mag-asawa kasama si Miguel.

At ilang minuto pa ay bumalik si Kuya Allen pero Hindi ito pumasok sa kotse. Mina.... tawag nito sa pangalan ko. Po kuya...?sagot ko Naman rito. Pinakiusapan ko Kasi si Miguel na Kong pwedeng siya na Lang Ang maghatid sa iyo sa opisina niyo. Kasi tutal Naman nakaharang na Rin lang Ang kotse niya sa harapan ay siya na Lang Ang maghatid sa iyo. Kaya bilisan mo na diyan para Hindi ka malate sa trabaho mo. Labas na riyan... naroon na si Miguel sa kotse niya. Kaya wala akong nagawa kundi Ang lumipat sa nakaharang na kotse.

Pero sa totoo lang ay ayaw niyang lumipat doon pero Wala lang siyang magawa. Ayaw Kasi niyang mapalapit sa lalaking kasama niya sa loob Ng kotse. Iniiwasan niyang tuluyang mahulog Ang loob niya sa binatang kasama niya. Dahil sa totoo ay nahulog na Ang loob ni Helomina sa binatang taga siyudad na kailan lang niya nakilala. At iyon Ang ayaw niyang mangyari dahil takot itong masaktan. Gusto Kasi ni Helomina Kung Sino Ang mamahalin nito ay siya narin Ang gusto niyang makasama habang buhay. Tahimik lang si Mina sa kotse. Pero binasag ni Miguel Ang katahimikan sa loob Ng kotse.

Mina... Ang Sabi mo sa akin malayo Ang Lugar niyo?Saad Ng binata. Oo Naman di ba malayo mula sa siyudad patungo rito?sagot Naman nito sa binata. Mukhang Hindi Naman...?nagbibirong Saad nito. Ano....? naguguluhang tanong nito sa binata. Limang Oras na biyahe kaya? Hindi ba't malayo na iyon? Hmmm... Siguro... para sa iba... pero kahit ganoon sulit Naman itong punta ko. Pagpaparinig nito sa dalaga.

Hindi Naman sumagot si Helomina sa pagpaparinig Ng binata. Ngunit sa puso nito ay may kilig dahil sa narinig. Ikaw ha... ganyan ba talaga lahat Ng mga taga siyudad bolero? Oyy... Hindi lahat noh... Nagsasabi lang Ako Ng totoo. Siguro ganyan ang sinasabi mo sa mga babae? Siguro marami ka nang naging girlfriend? prangkang sa Saad nito sa binata. Girlfriend talaga....? Oo... dahil magaling Kang mangbula....? Ha... Mangbula talaga....? inis na Saad nito.

Wala akong girlfriend tanong mo pa Kay Tita Mary o Kay Tito Allen. Bakit mo sinasabi sa akin? Dahil nakakainis ka.... Hindi Naman lahat Ng lalaki ay bolero noh...

Sige... pagdating natin sa opisina ipakikilala kita sa kaibigan ko. Maganda iyon, mabait pa, at Walang boyfriend. Napakunot noo si Miguel dahil sa sinabi Ng dalaga. Bakit Ikaw may boyfriend ka ba? Ano...? Wala noh... nasagot na Lang niya sa binata.

Eh... bakit ka pa nagbabanggit Ng sino-sino diyan?Bulong Ng binata sa sarili. Ha... ano yon..? Anong binubulong-bulong mo? Wala...Ang Sabi ko sige...gusto Kong makilala Ang kaibigan mo. Ay... okey...

Napasimangot Ang binata dahil sa gusto Ng dalaga. Ayaw Naman niya itong komprontahin dahil baka Magalit at iwasan pa siya nito. Kaya kahit ayaw niya ay Wala Naman itong nagawa kundi Ang pagbigyan na lang Ang dalaga.

Jociel... Tawag ni Helomina sa kaibigan pagkarating na pagkarating sa kanilang opisina. O... Mina kamusta Ang bakasyon mo?tanong nito sa kaibigan. Okey lang Naman... Best. Halika... may papakilala ako sa iyo...sabay hila sa kaibigan palabas Ng building. Best... saan ba Tayo pupunta? Anong bang gagawin natin dito? Sunod- sunod na tanong Ng kaibigan Kay Helomina. May papakilala ako sa iyo best. Ano? At Sino Naman iyan?tanong Naman ni Jociel sa kaibigan.

Lalaki nakilala ko siya doon sa kasal Ng pinsan ko. Ano...? huwag mong sabihin na isinama mo siya rito pauwi. Luka- Luka... Hindi noh... kasama niya Ang Tita niya na asawa Ng pinsan ko. At hinatid lang niya Ako rito. Kasi nakiusap lang si Kuya Allen na ihatid niya Ako rito sa opisina. Kaya gusto Kong ipakikilala siya sa iyo.

O... sigurado ka ba diyan na pamangkin siya Ng pinsan mo? Baka Naman nangliligaw lang sa iyo? O kaya'y boyfriend mo? Hoy... ano ka ba? Kaya nga ipapakilala ko siya sa iyo baka Kasi magustuhan ka niya at ganoon ka Rin sa kanya. Halika na... naroon siya bilisan mo. Pagdating namin ni Jociel sa Lugar Kong saan nakaparada Ang sasakyan ni Miguel. Agad Naman namin itong Nakita na nasa loob Ng kotse na nakaupo sa may driver seat. Hoy...Miguel tawag ko rito. At Napalingon siya sa amin.. Agad Naman itong lumabas noong Nakita niya kaming malapit na sa kanyang kinaroroonan.

Miguel siya Pala Ang kaibigan Kong si Jociel. Jociel siya Naman si Miguel pamangkin Ng Asawa Ng pinsan ko. Hello.. Jociel bati Naman nito sa aking kaibigan. Hello... sagot Naman ni Jociel Kay Miguel.

Ano Miguel di ba Sabi ko sa iyo maganda Ang kaibigan ko? Hmmm...sagot lang Ng binata sa sinabi ni Helomina.

Miguel... sige na Kasi may gagawin pa Kami ni Jociel. Sige...sagot Naman nito Kay Helomina.

At tumalikod na Ang magkaibigan sa binata. Nang bigla itong nagsalita. Mina... anong Oras Ang uwian niyo? Susunduin kita rito mamayang uwian niyo. Kaya napalingon Ang magkaibigan. Hindi Naman nakasagot si Helomina sa sinabi Ng binata. Ala-singko Ng hapon ang uwian namin Miguel. Sige sunduin mo si Mina mamayang uwian. Hoy... ano ka ba Jociel. Sige sunduin ko kayong dalawa rito Sabi na Lang Ng binata. Aalis na Ako paalam nito sa magkaibigan. Sige... bye Miguel pagpapaalam ni Jociel sa binata. At sumakay na ito sa kanyang kotse at pinaandar na ito paalis.

Jociel...ano? Di ba guwapo si Miguel? Anong "say" mo sa kanya? Anong ibig mong sabihin? tanong Ng dalaga sa kaibigan. Oo... guwapo at mabait siya... ha? Ibig mong sabihin gusto mo si Miguel? masayang tanong nito sa kaibigan. Oo... gusto ko siya....Gusto ko siya para saiyo.

Jociel....!? Ano kaba Ikaw Ang tinatanong ko. Hindi kami pwede ni Miguel.

Mina... Bakit mo ba siya tinutulak sa akin. Eh alam Naman natin na Ikaw Ang gusto niya at Hindi ako? Hoy... ano ka ba Jociel...? Kaibigan lang Kami ni Miguel. Hindi Naman ako magugustuhan ni Miguel dahil sigurado akong Hindi iyon magkakagusto sa isang katulad ko...Saad pa Ng dalaga sa kaibigan.

Ano ka ba... Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan... saad nito sa kaibigan. Dahil lamang Naman niya na maganda ang kanyang kaibigan at mabuti Rin Ang kalooban nito. Jociel... Alam mo Naman na taga siyudad Ang lalaking iyon sigurado akong maraming magagandang babae Ang nakikita niya doon. Pero samantalang Ikaw ay sigurado akong magugustuhan ka niya...pagpupuri nito sa kaibigan.

Alam mo best maganda at mabait huwag ka ngang "nega".

Mina.... Kung tutuusin ay marami ka ring manliligaw Kaya lang Hindi mo lang sila pinapansin. Hindi ko alam Kung bakit takot kang makipagrelasyon. Eh... samantalang nasa tamang edad ka Naman na...Sabi pa nito Kay Helomina.

Eh.... Bakit Ikaw marami ka ring manliligaw pero panay iwas ka sa kanila? Biro pa nito sa kaibigan. Eh... Paano Naman Wala Naman akong nararamdaman sa mga iyon.... Hahaha napatawa Ang magkaibigan dahil sa sinabi Ng kaibigan. Sa bagay Hindi Rin niya masisisi Ang kaibigan Kong ayaw niya sa mga manliligaw nito. Dahil sa totoo lang pati siya ay ayaw sa mga iyon para sa kanyang kaibigan. Hindi niya alam Kong bakit? Dahil siguro sa itsura nila o sa ugali nila. Pero Ang kaibigan ay ayaw lang niyang komprontahin Ang mga ito. Dahil sa ayaw siguro niya na makasakit.

Pagdating Ng ala-singko Ng hapon ay namataan na ni Helomina si Miguel na naghihintay sa may labas Ng building. Dahil palabas na rin sila ni Jociel.

Hay....Miguel bati ni Jociel Kay Miguel Ng makalapit kaming dalawa sa Lugar nito. Hay... Jociel sagot Naman nito. Hay....Mina... Baling Naman nito sa akin. Nginitian ko Lang ito.

Saan pa Ang punta niyo? tanong nito sa amin ni Jociel. Wala na uuwi na kami ni Mina sagot Naman ni Jociel Kay Miguel. Ganoon ba? gusto niyo bang Kumain Muna bago Tayo umuwi?tanong nito sa amin ni Jociel. Sige ba...? sagot Naman Ng kaibigan kong si Jociel. Pero ako tahimik lang hinahayan ko Lang na sumagot si Jociel sa mga tanong ni Miguel.

Sige halina kayo... sabay bukas Ng pinto ng sasakyan niya. At inalalayan kami ni Jociel sa pagpasok namin sa kotse.

At dinala kami ni Miguel sa isang sikat fastfood na malapit na madadaan lang namin pauwi. Pagpasok namin sa fastfood ay agad naghanap si Miguel Ng mauupuan namin.

Jociel... anong gustong orderin? Gusto ko Ng fried chicken with rice na Lang Miguel. okey.... Ikaw Mina anong gusto mo? baling Naman nito sa akin. Kahit ano na Lang.... sagot ko rito. Wala silang siniserve dito na kahit ano...? pabiro nitong Saad sa akin. Kaya natawa si Jociel sa sinabi ni Miguel.

Sige na.... Miguel kahit anong orderin mo kakainin pa Rin ni Mina Yan. Kasi Hindi Naman Yan pihikan sa pagkain. sagot na Lang Ng kaibigan ko. Hmmm...sagot lang ni Miguel at tumango ito sa kaibigan ko. At Saka umalis para mag-order Ng pagkain namin.

Pagdating nito ay may dala na itong mga pagkain at inilapag niya iyon sa lamesa. At ibinigay ni Miguel Ang order ni Jociel na pagkain Ang fried chicken with rice at may kasama pa itong fries. At siya Naman ay ganoon din. Pero kita Kong dalang order lang Ang naroon sa lamesa.

Mina.... pasensiya ka na Kasi Sabi sa akin Ng crew na pinag-ordaran ko Wala daw silang kahit ano na siniserve dito. Nainis talaga ako sa sinabi nito sa akin...kainis ka talaga.... At sabay pa sina Jociel at Miguel sa pagtawa. Lalo tuloy akong nainis. Ako na nga lang Ang mag-order... inis na sabit ko sa dalawa. Tatayo na Sana ako para mag-order. Nang biglang may lumapit na crew. Sir.. heto na Po yong iba niyong order. Saad Ng crew. At kinuha iyon ni Miguel. O... heto para matanggal Ang inis mo...at ngumiti ito sa akin.

Salamat... iyon lang nasagot ko rito... Matanggal Naman inis ko Kay Miguel nang Makita ko Ang order niya pagkain para sa akin. May fries, fried chicken with rice, burger at may spaghetti pa. Ngumiti Naman si Jociel sa akin Ng balingan ko siya Ng tingin.

Dahil sa Dami Ng order ni Miguel ay Hindi ko iyon na ubos. Kaya pinatake-out na Lang niya ito at inuwi namin. Pagkatapos namin Kumain ay hinihatid Muna namin si Jociel sa kanila. At Saka kami umuwi ni Miguel sa bahay. Dahil sa doon din ito kumutuloy sa bahay. Dahil Kay kuya Allen. Ang bahay Kasi na iyon ay sa Lolo at lola namin ni Kuya Allen bunsong anak ni Papa kaya siya Ang parang nagmana sa lupa at bahay. Pero Ang Kapatid nitong babae na mama Naman ni Kuya Allen ay nanirahan sila sa siyudad dahil sa doon siya nakapag-asawa. Kaya kapag umuuwi dito si kuya Allen ay sa bahay siya tumutuloy. Dahil Malaki itong bahay ni Lolo at lola may sariling kuwarto dito si kuya Allen. At Ngayon ay narito Ang Asawa nito at Ang pamangkin siyempre sa ba sila mag-iistay di sa bahay Rin namin.

Kaya paano ko iiwasan si Miguel Kong ganitong iisang bahay lang ang tinitirahan namin. Hay....naku..! kainis...Bulong ko sa isip ko.

Mina....hoy...Mina... kanina pang tawag sa akin ni Miguel. Ha... bakit? NASA bahay na Tayo. Ayaw mo pa bang bumaba riyan? O gusto mong matulog diyan sa kotse ko... pang-aasar na Naman nito. Oo na.... bababa na... Hindi ka ba makapaghintay. Anong bang iniisip mo? Ha...Wala Naman...? Pagod na Kasi ako... at inaanok na... sige na papasok na Ako sa bahay... pagsisinungalin ko rito. At Dali-dali na akong pumasok sa loob Ng bahay habang kasunod Naman ito.

Nadatnan namin sina Ate Mary at Kuya Allen sa sala habang nanonood Ng telebisyon. Oo... bakit Ngayon lang kayo ni Miguel Mina...? tanong ni Kuya Allen. Allen... bakit ka pa nagtatanong...? parang Hindi ka Naman dumaan sa mga ganyan..? Saad ni Ate Mary. Ha... eh... inihatid lang namin si Jociel sa bahay nila Kuya. Hmmm...sagot lang nito. Sige.... papasok na Po ako sa kuwarto ko. Sabi ko na Lang sa mga ito. Pero Nakita Kong ngumiti Naman sa akin si Ate Mary. At tumingin ito sa mga Dala kong itinake-out ni Miguel kanina. At doon ko naisip na ang ngiti Pala na iyon niya ay may halong pag-uudyok sa amin Ng kanyang pamangkin. Napangiti Naman ako na may kasamang hiya tuloy Ang naramdaman ko Kay Ate Mary.

Sige... Aakyat na Po ako...nasabi ko na Lang sa kanila at tumuloy na Ako sa loob Ng aking kuwarto ko. Naku....! baka Kung anong iniisip ni Ate Mary sa amin Ng pamangkin niya. Hay... naku.... at sabay bagsak Ng katawan ko sa aking kama. Dahil sa pagod ay nakatulog na Pala ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status