Share

Chapter 5

Tuwing papasok Ako ay si Miguel Ang naghahatid sa akin. Ganoon din sa hapon siya rin ang nagsusundo sa akin. At tuwing wala akong pasok ng opisina ay nagdadate naman kami nito.

Oo pumayag akong makipagdate kay Miguel. Gusto ko kasing pagbigyan ang sarili ko na malaman kong ano ang talagang nararamdaman ko para Kay Miguel. Gusto ko kasing malaman Kong mahal ko ba talaga siya o attracted lang Ako dito Kasi mabait at guwapo lang ito. At ganoon din Ang nararamdaman niya para sa akin.

A.. eh.. Miguel hanggang kailan ka ba dito? Paano yong negosyo mo sa siyudad? tanong ko rito. Binilin ko muna iyon sa Kapatid ko bakit nag-aalala ka ba? Huwag kang mag-aalala kasi may mag-aasikaso noon. Kaya hanggat gusto mo na narito ako hindi ako uuwi ng siyudad. Hmmm... huwag ka nga diyan... mamaya maniwala ako sa iyo. Bakit ayaw mo bang nandito ako? Hindi Naman...

Saan mo ba Ako dadalhin? tanong ko sa kanya Kasi kanina pa kaming nasa biyahe. Kasi Sabi ni Tito Allen ay may magandang beach raw rito. Kaya lang nawawala na ata tayo kasi hindi ko mahanap kong saan ba itong nasa GPS Ng cellphone ko. Hahaha... kaya Naman pala kanina pa tayo paikot-ikot dito sa lugar. Bakit Kasi sa GPS ka pa tumitingin? Eh... nandito Naman Ako...Saad ko Kay Miguel. Talaga gusto mong Ikaw Ang tignan ko...? pabiro nitong saad. Sira... nagawa mo pang magbiro diyan Eh... Hindi mo na nga alam Kong saan kapupunta? At nakalimutan mo atang Taga rito ako?Saad ko Kay Miguel. Iyon nga eh... nakalimutan kong taga rito ka Pala? Napangiti tuloy ako sa sinabi nito at umiling sa kanya. At ngumiti RI ito pabalik sa akin.

Dahil sa laging magkasama at pagbibigay Ng panahon ni Miguel Kay Helomina ay Hindi na pinatagal ni Helomina na sagutin si Miguel. Napamahal na Kasi Ang dalaga sa binatang si Miguel. Kay binigyan Ng daan ni Helomina Ang pagmamahalan nila.

Mina.... mahal na mahal kita. Mahal mo Rin ba Ako Mina? Masaya ako na kasama kita palagi. Kapag nasa siyudad ako at malayo ka sa akin ay lagi kitang iniisip. Seryosong pahayag ni Miguel. Miguel... mahal din kita gustong nasa tabi lang kita palagi sagot ko Naman Kay Miguel. Talaga...!? mahal mo rin ako Mina..Hindi makapaniwalang Saad ni Miguel at masayang Masaya ito sa sinabi ng dalaga.

Isang buwan Ang lumipas ay bumalik si Miguel sa siyudad para ayusin Ang negosyo niyang restobar. Maayos Naman Ang kanyang negosyo doon. Pero naiwan si Helomina sa probensiya dahil naroon Ang kanya trabaho. Ngunit palagi Naman silang nagtatawagan at nag-chachat. Kahit malayo silang dalawa ay naipapadama pa Rin nila Ang pagmamahal nila sa isa't Isa.

At Kong Walang importanteng gagawin si Miguel sa Restobar niya ay umuuwi ito Ng probensiya. Para Makita Ang kasintahan. Masaya Ang relasyon nila kahit malayo sila sa isa't isa. Dahil may tiwala sila sa isa't Isa.

Nagising si Helomina dahil sa Vibrate Ng cellphone niya dahil nakatulugan na Kasi niya iyon. Dahil kachat nito si Miguel kagabi. At Hindi niya namalayan na nahulog na Ang cellphone niya sa makama. Dahil sa pagod galing sa opisina marami na Naman kasing binigay na trabaho sa kanya Ang Boss niya. Kaya Hindi na ito tuloy nakareply sa chat ni Miguel. Pagtingin nito sa cellphone ay may chat ito galing sa binata.

"Hi...love... hindi mo na Ako nireply kagabi."saad sa chat ni Miguel.

"Love...? Sino love?" tanong ko sa chat ni Miguel

"Dahil simula Ngayon Love Ang itatawag ko sa iyo" sagot niya sa chat.

" Ay... Akala ko Kasi wrong send ka. At may iba ka diyan sa siyudad?" sagot ko Kay Miguel.

"Oy.... Wala ha... dahil Ikaw lang Ang mahal ko" Saad pa nito.

" Talaga? sige na Kasi maliligo pa ako at papasok na sa opisina," pagpapaalam ko sa chat nito.

"Oo...Ikaw lang... sige Love.. Mahal na mahal kita" Kaya Hindi na Ako nagreply dito.

Masaya Ang dalaga dahil sa mga chat Ng binata. Umalis si Helomina Ng bahay para pumasok Ng opisina. Pagdating sa opisina ay late na ito dahil sa traffic. Kaya pagdating niya sa loob Ng opisina nila ay naroon na Ang boss nito. Miss. Santos anong oras? Tanong Ng aking boss sa akin. Mag-aalas nuwebe na Po sagot ko sa boss ko. Anong Oras ba Ang pasok sa trabaho? Alas-otso imediya Po... Kaya late kana.. Saad nito sa akin.

Kung Minsan naiinis talaga ako sa boss ko dahil sa ginagawa niya. Akala niya ay para Kang robot. Gusto niya bago ka umuwi ay matapos mo lahat Ng pinapagawa niya. At tinatapos ko Naman Ang aking trabaho araw-araw. Ngayon lat lang Ako Ng ilang minuto ay nagagalit na ito agad. Pagnakahanap talaga ako Ng ibang trabaho at maganda Ang Sahod ay iiwanan ko talaga itong boss kong ito. Dahil sa inis iyon Ang naisip ko.

Hoy... Mina bakit Kasi nalate ka... Alam mo Naman yang boss natin laging mainit Ang ulo. Laging nireregla matandang dalaga Kasi... Saad ni Jociel.

Alam mo Jociel kapag natanggap ako sa pinag-applyan ko talagang aalis ako rito. Hindi ko na matiis ang matandang dalagang amo natin. Saad ko sa kaibigan ko.

Hoy... isama mo Ako diyan ha... Ayaw Kong maiwan dito sigurado akong ako lahat ang gagawa Ng trabaho mo Kong aalis ka. At Ako Rin Ang pag-iinitan ni Miss Landicho. Naku... baka tatanda Rin Ako rito...pahayag ni Jociel. Bumalik na nga Tayo sa trabaho baka mamaya maabutan pa Tayo ni Miss Landicho at mapagalitan pa tayo. Kaya bumalik na ang magkaibigan sa kanilang mga trabaho.

Pagdating niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya Ang Mama niya na nasa kusina. Naghahanda ito ng hapunan nila. Ang Papa Naman niya ay nasa sala kausap ang Kuya Allen niya. Dalawang buwan kasi ang binigay na bakasyon sa kanilang mag-asawa sa kanilang opisina. Dahil sa masilang ang kanyang Asawa sa kanyang pagbubuntis.

Nagmano Muna ito sa Papa at Mama nito bago umakyat sa kanyang kuwarto para magbihis. Napatingin ito sa kanya cellphone para tignan Kong may chat Ang kasintahang si Miguel. Ngunit Wala pa itong chat sa kanya. Kaya bumaba Muna ito para matulungan Ang kanya Mama sa paghahanda Ng kanilang hapunan. Pero Ang asawa Ng kanya Kuya Allen ay Hindi pa lumalabas Ng kuwarto nila.

Nang matapos sila sa kanilang hapunan at nakapaghugas na Rin ito Ng pinagkainan nila ay agad na itong bumalik sa kanyang kuwarto.

Agad Naman nitong kinuha Ang cellphone niya sa bag. At tinignan ulit ito Kong may chat na Ang kasintahan. At mayroon na nga itong chat.

" Hi...Love kamusta Ang araw mo?"Saad nito sa chat

"Okey lang... pero naiinis ako sa boss ko. Pinagpalitan Kasi niya Ako dahil late daw ako kanila. Eh... ilang minuto lang akong late." sagot sa chat.

" Hay... naku palagi ka na Lang nagkokomplaned dahil sa boss mo. Eh... Kung lumipat ka na Lang Kaya? Magresigned ka na Lang diyan sa trabaho mo. Kasi laging pagod pagdating mo din. Ngayon malate ka lang nagagalit na siya agad?" Saad Naman nito.

"Nag-apply na Ako sa ibang Kompanya." sagot ko rito

" Eh...Love paano kong dito ka na lang magtrabaho sa siyudad? Para lagi tayong magkasama?"pahayag pa nito.

"Hindi pwede siguradong magagalit si Papa."Saad ko Kay Miguel.

"Gustong-gusto na Kasi kitang Makita Love" Saad nito

"Gustong-gusto Rin kitang Makita Love..."sagot ko Kay Miguel.

" Pwede bang pumunta ka rito"Saad ko pa sa kanya.

" Hindi pa Kasi ako makakaalis dito Love" sagot Naman sa akin ni Miguel sa chat.

Malungkot Ang dalaga dahil sa sinabi Ng binata na Hindi pa siya makakapunta Ng probensiya. Pero Wala Namang magawa Ang dalaga dahil may negosyo Ang binata sa siyudad at Hindi niya iyon maiiwan ng basta-basta.

"okey love.. hintayin ko na Lang Kung kailan ka pwedeng pumunta rito."sagot ko

"sige Love... Matulog kana. Bukas maaga ka pang gigising..sagot Naman sa akin ni Miguel.

"sige... I LOVE YOU"

"I LOVE YOU TOO..mhwa.." reply pa nito saka ko na binaba ang aking cellphone.

Kahit magkalayo Ang magkasintahan ay nariyan Ang pagmamahal nila sa isa't Isa. Nagtitiwala sila sa isa't Isa. Kahit namimiss nila Ang isa't Isa ay kailangan nilang magtiis dahil sa sitwasyon nila. Pero ganoon ay naiintihan nila Ang isa't Isa.

Nakatulog si Helomina habang iniisip Ang kanyang kasintahang si Miguel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status