Share

CHAPTER 7

Palaging pinupuntahan ni Miguel si Helomina sa probensiya. At Ngayon ay limang taon na silang magkasintahan.

Dahil sa tiwala nila sa isa't Isa kahit magkalayo sila ay nagtagal sila Ng limang taon. Masaya si Helomina dahil hanggang Ngayon ay maayos Ang relasyon nilang dalawa.

At Masaya din ito dahil sa dalawang taon na rin siya sa kompanya na nilipatan nito. Dahil mabait sa kanya Ang Boss niya at ibinibigay ang mga benepisyo na nararapat sa mga empliyado nito. Maayos din Ang mga kasamahan niya sa kanya. Mabait Ang mga ito sa kanya. Kaya Masaya siya sa trabaho niya.

Pero hindi lingid sa kaalaman ni Helomina ang nangyayari sa negosyo Ng kasintahan. Dahil Hindi Naman nagkukuwento si Miguel sa kong ano Ang sitwasyon Ng restobar niya. Dahil Kong tatanungin kasi siya ni Helomina ang palaging sagot Naman nito ay okey Naman Ang negosyo niya. Pero hindi lingid sa kanya na humihina na Ang restobar Ng kasintahan. Dahil sa nagsulputang mga bagong KTB bar at Malalaking bar sa paligi. Pero Hindi niya iyon sinasabi sa kasintahang si Helomina.

Kasi nasisigurado Kasi niyang kaya pa nitong ayusin ang negosyo. Alam Kasi niyang nag-aalala lang Ang nobya sa kanya. Pero alam Naman nito na kahit anong mangyari ay nariyan siya handang tumulong sa kanya.

Para Hindi mag-alala Ang nobya ay pinupuntahan niya ito sa probensiya palagi.

Pero may hindi nito inaasahan na Ang boss Pala niya ay may gusto pala sa dalaga. Dumating ito sa kanilang bahay na may dalang kumpol ng bulaklak at chocolate. Wala man lang siyang ka alam-alam na pupunta ito sa kanilang bahay. Ayaw man niya ay Wala itong magawa Kasi naroon na ito at ayaw niyang ipahiya Ang Boss niya sa harap Ng kanyang mga magulang.

Pinakikituguhan lang ni Helomina ang kanyang boss Kung Kaya Hindi niya iyon madiretso. Dahil baka mamaya ay tanggalin pa ito siya trabaho Kong sakaling sabihin niya na may nobyo na ito.

Kaya halos araw-araw pagkatapos ng trabaho nila ay pumupunta ito sa bahay nila para mangligaw. Hindi Rin makatanggi si Helomina sa boss niya tuwing hinahatid siya ito sa kanila.

Pero isang araw ay nagulat na Lang si Helomina Ng biglang dumating si Miguel sa bahay nila. Dahil sa naroon din Ang boss nito. Hindi niya inaasahan na magkakaharap Ang mga ito.

Hinatid Ako ni Mr. Sy sa bahay dahil Gabi na kaming natapos sa mga trabaho namin. Helomina ihatid na kita Gabi na Kasi... Saad ni Mr. Sy. Okey lang Ako sir Kaya ko na pong umuwi Saad ko sa boss ko. Hindi sakay ka na Ako ihahatid kita mamaya Kong mapaano ka pa diyan sa daan. Eh... responsibilidad kita dahil empliyado kita sige na halika na... Sabi pa nito at binuksan na niya Ang kabilang pinto Ng kotse niya.

Wala akong nagawa kundi Ang pagbigyan na lang siya dahil boss ko siya. Pagdating namin sa may gate Ng bahay namin. Dito na Po ako sir... salamat Po pagpapaalam ko sa kanya. Hindi mo lang ba ako iimbitahan sa loob Ng bahay niyo para uminom Ng tubig? Saad pa nito. Ho... sagot ko. Kasi kanina pa Ako nauuhaw Hindi Kasi ako nakainom sa opisina kanina saad pa nito. Sige po sir...pasok Po kayo anyaya ko Naman sa boss.

Pinaupo ko si Mr. Sy sa sopa sa may sala. Si maupo Muna kayo at ikuhanan ko Muna kayo Ng maiinom Saad ko rito. Pero pagbalik ko ay Nakita Kong makapasok na si Miguel sa may pintuan. O...shit... bakit ba Ngayon siya dumating Saad ko sa isip ko.

Nagulat Rin si Miguel Ng Makita si Mr. Sy na NASA sala. Ah..a..Miguel siya si Mr. Sy ang boss ko. Mr. Sy siya Naman si Miguel boyfriend ko..pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nagkamay Naman Ang dalawa pero Hindi maiwasan Ang tension sa loob Ng bahay. Pero isang saglit lang ay magpaalam na si Mr. Sy sa amin ni Miguel.

Naiwan kami ni Miguel sa may Sala. Mina... umalis na ba Ang boss mo? tanong ni Mama Ng umabas ito sa may kusina. Naghanda pa Naman Ako Ng hapunan. Bakit pinaalis Muna siya agad? mahabang Saad ni Mama. Umalis na siya Mama si Miguel na Lang Ang sasabay sa hapunan. Saad ko Kay Mama. Halika na Miguel akin na Tayo pagyayaya ko Kay Miguel. Tapos naming Kumain ay agad kaming lumabas ni Miguel. Umupo kami sa may Sala habang nagkukuwentuhan. Sila Mama at Papa Naman ay naiwan sa kusina.

Mina... siya ba iyong boss mo? tanong ni Miguel.Oo..sagot ko. Nangliligaw ba sa iyo Ang boss mo? Ha... Oo...pero di ba Sabi ko na boyfriend kita. Kaya huwag ka nang mag-alala sa kanya sigurado Naman Ako na titigil na Rin iyo sa pangliligaw niya. Dahil alam niya na may boyfriend ako saad ko Kay Miguel. Pero matagal na bang nangliligaw sa iyo Ang boss mo.? Hindi Naman... Pero Kung hindi ba niya Ako Nakita ipapaalam mo ba na may boyfriend ka? Saad nito. Anong ibig mong sabihin? Di ba pinakilala Naman kita? Saad ko rito. Oo na...sige na...nagseselos ka ba Kay Mr. Sy? Saad Kay Miguel. Hindi ha...bakit ako magseselos?sagot pa ni Miguel. Kung ganoon huwag na natin siyang pag-usapan.

Miguel kamusta na iyong restobar mo? Nahihirapan ka ba? Okey lang Ako... Pero iyong sitwasyon natin na magkalayo Tayo Hindi ka ba nahihirapan? Hindi Naman...dahil mahal kita kahit palagi akong bibiyahe para makita kita. Saad pa nito.

Pero Miguel Wala ka pa bang balak lumagay sa tahimik? Eh... nasa tamang edad na Naman tayo di ba?tanong ko Kay Miguel. Mayroon... pero Hindi Muna Ngayon may mga kailangan pa akong ayusin. Sagot nito. Miguel Kong pinuproblema mo ay paano Ang buhay natin. Tutulungan kita...handa kitang tulungan Saad ko Kay Miguel. Alam ko iyon Mina... pero Hindi pa Tayo handa Saad nito. Kaya Hindi ko na Lang inulit Ang mga sinabi ko.

Mina kailangan ko Naman umalis. Pero bakit? Di ba kakarating mo pa lang? tanong ko Kay Miguel. Marami Kasi akong inaasikaso sa bar Saad nito.

Umuwi si Miguel sa siyudad Ng araw na iyon. Dahil Hindi niya masabi sa nobya na nalulugi na Ang restobar na pagmamay-ari. Dahil alam niyang mag-aalala lang ito para sa kanya. Pero nag-aalala siya sa sinabi sa kanya Ng kasintahan. Dahil kahit gustuhin man niyang maikasal sa kanyang nobya ay hindi ito sigurado Kong mabibigyan niya ito ng magandang buhay. Lalo siyang nag-alinlangan Ng makita Ang boss Ng kanyang kasintahan na naroon sa bahay nila.

Anong laban ko sa boss niya kong tutuusin mas magiging maganda Ang buhay niya doon. Kung para sa akin na palugi na Ang negosyo. Dahil sa kawalan Ng kumpiyansa sa kanyang sarili ay naisip iyon ni Miguel.

Hindi makatulog si Helomina dahil sa pag-alala sa nobyo. Dahil Hindi Naman niya ugali na agad-agad na umaalis tuwing pumupunta ito sa kanila. Mananatili ito hanggang limang araw sa kanila. Pero Ngayon ay bigla na Lang itong umalis kahit kararating lang nito.

Kaya kinuha ni Helomina Ang cellphone niya para tawagan Ang nobyo. Pero Hindi ito sumasagot. Kaya Lalo itong nag-aalala.

"Love... saan ka na ba?"chat nito sa nobyo.

Pero Wala itong reply sa nobya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status